You are on page 1of 5

“Danas”

Ni Yotibs
Danilo: Huy kuya David wala si mama ngayon sa bahay naglalaba siya kina tita Lidya! Tara
maglaro dito sa amin!

David: Sige, pero teka lang ha may gagawin lang si kuya. Tatawagin ko yung isa nating
kaibigan.. Kilala mo naman yun diba? Si Janneth?

Danilo: Uhmm hindi po kuya.. Bakit po?

David: Maglalaro tayo, kunyari artista kayo.. Magvivideo ako at magdederek din..

Danilo: Wow! Sige po kuya! Antayin ko po kayo dito ah? Saglit lang naman po kayo diba?

David: Oo naman, taga dun lang sa kabilang kanto malapit sa bakery si Janneth.. Basta antayin
mo ako..

Danilo: Sige po! Basta mabilis lang po ah? Sige po!

David: Oo basta antayin mo ako..

(Dumating si David kasama ang isang batang babae)

David: Oh Janneth pakilala ka kay Danilo..

Danilo: Hi Janneth!

Janneth: Hello, ako si Janneth! Sabi ni kuya madami ka daw laruan! Tara maglaro!

Danilo: Oo! Pero puro panlalaki to, walang barbie kase boy ako..

Janneth: ay ganun ba? Sige okay lang nood nalang ako sayo, nasa mga tita ko pa si mama
nagmamajhong..

David: oh siya mamaya na yan.. Magvideo muna tayo..

Danilo: Huy Janneth magiging artista tayo oh! Tara na!

Janneth: Sige tara!

David: Oh sige, 1.. 2.. 3.. HUBAD!!

(sa takot ni Danilo ay bigla niyang hinubad ang lahat ng kanyang damit)

Danilo: Hala kuya bakit po? Papaliguan mo po ako?


David: Tahimik muna! Ikaw Janneth Hubad!

(Naninigas si Janneth sa kanyang kinatatayuan)

David: Aba! Ayaw mo ba mag artista?

Janneth: Sabi po ni tita ko, wag daw po maghuhubad sa harap po ng lalaki..

Danilo: Hubad ka na Janneth.. Baka magalit pa si kuya..

David: Anong sabi mong bata ka?

Janneth: Ang sabi ko po! Sabi po ni tita ko, wag daw po maghuhubad sa harap po ng lalaki! At
kapag pinilit po ako sumigaw daw po ako! Tulong po! Tulong po!

David: Anong tulong teka tumahimik ka!

Janneth: Tulong po tulong!

Danilo: Bakit? Ano nangyayari?

Janneth: Bad daw sabi ni tita ang mga taong nagpapahubad sayo! Sumigaw ka daw ng tulong!

Danilo: Pero mabait si Kuya, diba kuya?

David: Oo! Mabait ako!

(Nagpapanic si David at gusto nang umalis, buti na lang ay nasa mabahay na lugar sila
ng kanilang bayan kaya’t naharangan siya ng mga kapitbahay)

Aling Pising: Sabi na nga ba at masama ang nadarama ko dito sa lalaking ito eh..

Danilo: Aling Pising! Nandito po kayo?!

Aling Pising: Magdamit ka, jusmiyo kang bata ka!

Danilo: Di po ba kayo ang nag papaligo sakin? Masama po ba yun?

Aling Pising: Oo… mga bata nga naman, kailangan talagang turuan.. Halika makinig ka..

David: Pakawalan niyo ako! Teka lang! Pasensya na! Huy Danilo sabihin mo sa kanila mabait
ako! Ayoko makulong parang awa niyo na!
Danilo: Bakit po siya makukulong?

Aling Pising: Ganito kasi yan anak.. Ang isang babae o isang lalaki ay may tinatawag na putu
toy at manay..

Danilo: HAHAHA putotoy, Manay daw HAHAHA

Janneth: Makinig ka huy!

Danilo: Ay sorry, eto na..

Aling Pising: Hay.. Ang putotoy at manay ay di dapat pinapakita sa kahit sino.. Kase madaming
masama ang loob na akala mo ay mabait sayo at akala mo ay okay lang ang ginagawa nila..
Mali ang pagpapakita bigla ng ating mga putotoy at manay sa kahit kanino.. Kahit sa tito man or
pinsan.. Wag ka din basta basta kakalong kung kani kanino, babae ka man o lalake.. Kay mama
at papa lang.. Si mama or papa lang ang pwedeng mag paligo sa inyo.. Hindi puwedeng iba..
Pwede din si lola o lolo.. Basta bawal sa iba pa man, kahit pa tito or pinsan mo..

Janneth: Yun nga po sabi ko sa kanya kanina manang, kaso parang di niya pa po alam..

Danilo: paano po maging masama yun? Eh may pinapapanood nga po sakin si Kuya David na
mga babae walang damit.. Masama din po sila?

Aling Pising: Oo, kase nagpapakita sila ng katawan nila at yun ang gusto ng manonood.. At yun
ang pinapanood nila kase may gusto sila sa babaeng yon.. Or crush nila yung babae na hubad..
Gusto mo ba magkagusto sayo si kuya david? Gusto mo din yung nagkakagusto lang sila sa
katawan mo tas gusto nila hawakan pututoy mo?

Danilo: Hala manang hindi po! Hindi po ako bakla, ayoko po maging asawa si kuya David!

Janneth: HAHAHA yieeeee Danilo


Danilo: Tumahimik ka diyan!

Aling Pising: Kapag di kayo kumportable sa sitwasyon, matuto kayong isigaw ang nasa dibdib
niyo.. Wag hayaan na dumihan kayo ng mga tao.. At kayong mga magulang, pangaralan niyo
ang anak niyo.. Wag yung puro tv at cellphone lang tinuturo niyo.. Tandaan niyo mga anak..
Kapag ayaw niyo na sa nangyayari lumaban kayo.. Isigaw ang sinisigaw ng puso at isip..

Danilo & Janneth: Opo manang, salamat po!


Wakas

You might also like