You are on page 1of 65

Skip to document





 Home
 University
 High School
 Books

Noli Me Tangere Script New


Noli Me Tangere Script New

Subject: Filipino (Fil123)


36 documents
School: Cavite National High School
Info
Document continues below

Discover more from:


FilipinoFil123
Cavite National High School
36 documents
Go to course

1
Error! Filename not specified.
IPCRF for 2020-2021 guide
Filipino100% (34)


19
Error! Filename not specified.
105 Lesson 1 and 2 - 123
Filipino100% (12)


35
Error! Filename not specified.
O2-Life-Skills Module-6 Rights-and-Responsibilities Modular Final- Version-8-13-
2020
Filipino100% (5)


58
Error! Filename not specified.
LS1-FIL-Paano-Maging-Isang-Matalinong-Tagapakinig (2)
Filipino100% (4)

37
Error! Filename not specified.
LS4-Ligtas-Ba-ang-Iyong-Lugar-ng-Paggawa
Filipino100% (3)


4
Error! Filename not specified.
Tungkol sa saligang batas
Filipino100% (3)
Elias: Marami pa silang mga
nagtatago sa likod ng mga
nakangiting mukha at mabait na
katauhan. Isa na ang taong
madilaw kanina sa kanila. Hindi
lamang po ako sigurado sa iba sa
kanila. Upang hindi kayo
mapahamak, kailangang hindi
malaman ng inyong kaaway na
kayo’y handa. Mas mabuti kung
makikita ng inyong kaaway na
kayo’y hindi nag-iingat at
kayo’y nagtitiwala sa lahat.
Ibarra: Ikinalulungkot ko lamang
ang pagkamatay ng taong iyon
kanina. Kung nabuhay siya ay
malamang napakinabangan
natin siya upang matunton ang
iba ko pang kaaway.
Elias: (napangiti) Patawad, Don
Ibarra ngunit nagkakamali kayo.
Sa galit niya, kung siya’y buhay,
ay magtatago na lamang
siya mula sa baluktot nating
pamahalaan. Ngunit mukhang
nilalayon ng Diyos ang mamatay
siya. Sana ay lagi ninyong
paghandaan ang bawat sandali
dahil paniguradong naghahanda
rin sila upang mapuksa ka.
Bueno, Señor. Aalis na ako.
Maraming salamat po.
Ibarra: Ako ang dapat
magpasalamat dahil niligtas mo
ang aking buhay. Magkikita pa ba
tayo ulit?
Elias: Oo naman, Señor. Kahit
kalian ninyo naisin at kahit kalian
ninyo ako kailangan. May
pagkakautang pa ako sa inyo, at
alam kong hindi sapat ang aking
ginawa upang mabayaran iyon.
Ibarra: Paalam, Elias.
Elias: (ngumiti)
Ang Pananghalian
P.Damaso: Bakit hindi ninyo
ipagpatuloy ang inyong pag-
uusap?
Alkalde: Nabanggit lamang sa
akin ni Crisostomo ang mga
taong nakatulong sa kanya gaya
ng arkitekto at ng Reverencia.
P.Damaso: Nakatatawa ang mga
taong kumukuha ng serbisyo ng
isang arkitekto. Nagpapakita
lamang ng kamangmangan
ng isang Indio na nagdudunung-
dunungan! Ako lamang ang
gumuhit ng plano ng simbahang
iyan.
Alkalde: Subalit ang
ipinapatayong gusali ni G. Ibarra
ay nangangailangan ng eksperto.
P.Damaso: Eksperto? Ang isang
paaralan ay binubuo lamang ng
apat na pader at isang bubong na
sawali.
Alkalde: Sandali lamang Padre
Damaso.
P.Damaso: Magbabayad ang
lahat! Ngayon pa lamang ay
pinarurusahan na ang ama ng
isang ulupong! Nangangamatay
sa loob ng bilangguan at ni
walang mahigaang…
Sa sobrang galit ni Ibarra ay
hinawakan niya ang leeg ng pari
upang hindi ito makakilos at saka
iniamba ang matalim na
kutsilyo.
Ibarra: Wala kahit sinuman ang
maaaring umalipusta sa aking
ama! Itong paring ito ang
pinakainiwas-iwasan ko. Isang
paring walang galang, at walang
utang na loob! Isa siyang
demonyong nagbabanal-banalan!
Siguro naman ay dapat
siyang mamatay!
Alkalde: Huwag, Señor. Huwag
niyong hayaan ang sarili ninyong
magkasala sa Diyos!
Ibarra: Magdasal ka na sa lahat
ng santo, Padre. Makikita na
natin kung dugo o lusak ang
dumadaloy sa mga ugat mo!
Narrator: Iniangat ni Crisostomo
ang braso at aktong uundayan ng
saksak si Padre Damaso sa
dibdib.
M. Clara: Crisostomo, huwag!
Para sa akin, maawa ka sa kanya!
Nanghihinang binitiwan niya ang
kutsilyo pati na rin si Padre
Damaso. Mabilis siyang lumayo
at nawala.
Ang Kapitan-Heneral
Isang araw, sa opisina ng bagong
dating na Kapitan-Heneral…
Alkalde: Kamahalan, kung
pahihintulutan ninyo ay nais
kayong makausap ni Don
Crisostomo Ibarra.
K. Heneral: Don Ibarra? Ang
sinasabing nakaalitan ni Padre
Damaso?
Alkalde: Opo, at ang napatawan
ng ekskomunyon.
K. Heneral: papasukin mo siya.
Gusto ko siyang makausap.
Nang nasa loob na si Ibarra…
K. Heneral: Isang karangalan ang
makilala kayo, Señor Ibarra.
Ibarra: Ginulat po ninyo ako sa
inyong kabaitan, kamahalan. Sa
bansang ito ay hindi ako
itinuturing na mabuting tao.
K. Heneral: Tungkol sa
pagkakaalitan ninyo ni Padre
Damaso, sinisigurado ko sa iyo
na hindi ka magagalaw ng mga
pari
hangga’t ako ang namumuno sa
bansang ito. Kakausapin ko na rin
ang arsobispo na sumulat sa
Santo Papa upang
maibsan na ang iyong
ekskomunyon. Kahit ako ay
gagawin iyon kung ginawa sa
aking ama ang ganoong
kalapastanganan.
Ibarra: Gracias, kamahalan.
Ngayon ay alam ko na kung bakit
pinupuri kahit sa Madrid ang
inyong kahusayan, kamahalan.
Pagpalain pa nawa kayo ng
Maykapal.
K. Heneral: Bueno, may
pupuntahan pa akong mahalagang
bagay. Maraming salamat at
nakausap kita, Don Ibarra.
Ibarra: Sige po, kamahalan. Aalis
na po ako. Maraming salamat din
po.
Pagkaalis ni Ibarra ay pinatawag
ulit ng Kapitan-Heneral ang
Alkalde.
K. Heneral: Mula sa araw na ito
Alkalde, inihahabilin ko sa ilalim
ng inyong proteksiyon si Señor
Ibarra. Ipaalam mo ito sa
Alperes at suportahan mo siya sa
kanyang mga adhikain.
Alkalde: Masusunod, kamahalan.
Kabanata 39: Si Doña
Consolacion
Sa bahay ng Alperes, sa parting
bintana, ay may makikitang
silyon na laging inuupuan ni
Doña Consolacion. Si Doña
Consolacion ay isang gusgusing
babaeng nag-aastang Oropea.
Asawa siya ng Alperes. Mas
kilala siya bilang Doña
Alperesa. Mahilig siyang mag-
Espanyol, at nagpapautal-utal ng
Tagalog upang hindi siya
mahalata. Isang araw ay
maririnig na umaawit si Sisa na
inaalagaan sa bahay ng Alperes
kaya’t ipinatawag ito ni Donya
Consolacion upang
pakantahin. Hindi ito
nakapagbigay galang kaya’t agad
na kinuha ni donya ang nakasabit
na latigo.
D. Consolacion: (nilatigo ang
baliw) Vamos magcantar icau!
Guardia! Dile a esa mujer que
canta tagalo! Él no me
entiende! No hace falta ser
español!
Ipinabatid ng guardia civil ang
sinasabi ng Doña kay Sisa.
Kumanta ng kundiman si Sisa na
siyang nagpalungkot sa
Donya.
D. Consolacion: Tigil na! Wag ka
nang kumanta! Wag kang
kumanta! Nakahahapis sakin ang
tulang iyan!
Nabigla ang mga guardia civil
dahil ang Doña ay narinig nilang
matatas managalog. Napahiya
ang Doña. Sa pagkapahiya,
pinaalis ng Donya ang bantay.
Lumalakad na payaot padito sa
silid na hinuhutok ng kamay ang
latigo; at saka huminto sa
harap ng baliw.
D. Consolacion: Bayla—baila,
baila!
Nag-iindak siya upang ganyakin
ang baliw na siya ay gayahin.
Minamasdan ni Sisa ang donya
na nakangiti at natutuwa
sa ginagawa ng Doña. Napahiya
ang Doña at itinaas ang hawak
nitong latigo.
D.Consolacion: Ngayo’y ikaw
naman ang sumayaw-----sayaw!
(palo) Baila, india! [Tuloy tuloy
na palo] Baila, baila,
condenada, salbahe!
Dumating ang alperes na walang
kibo.
D.Consolacion: Ano ang
nangyayari sa iyo? Hindi ka man
lamang nagbigay ng magandang
gabi.
Alperes: (Tinawag ang bantay)
Dalhin mo ang baliw na ito.
Sabihin mo kay Marta na bigyan
niya ng ibang baro at
gamutin. Pakainin mo siya nang
maigi, bigyan ng mabuting
higaan----mag-ingat kayo at
huwag siyang lapastanganin.
Bukas ay ihahatid siya sa bahay
ni Ginoong Ibarra.
Ang Mag-Asawang de Espadaña
Ang dumating ay si Dr. Tiburcio
de Espadaña, ang asawa nito na si
Doktora Donya Victorina de
Espadaña, at Linares
Donya Victorina: Ipinakikilala
ko sa inyo si Don Alfonso
Linares de Espadaña, Siya’y
inaanak ng kamag-anak ni Padre
damaso at tanging kalihim ng
lahat ng ministro.
Magalang na yumuko ang binata.
Ang mga maleta ay dinala sa itaas
at sinamahan ni Kapitang Tiyago
ang mga
panauhin sa kani-kanilang silid.
Samantalang sila’y
nagmiminindal ay dumating si
Padre Salvi at si Linares ay
ipinakilala
na kakabit ang lahat ng titulo.
Donya Victorina: Naparito ang
Kapitang Heneral?
KASINUNGALINGAN!!!
K. Tiago: Maniwala kayo at
diyan umupo.
Donya Victorina: Sayang! Kung
Maaga-aga sana ang pagkakasakit
ni Clarita! Narinig mo ba, pinsan?
Hindi karaniwang tahanan ang
iyong pinanhik. Sinasabi ko sa
iyo, Don Santiago, na ang aming
pinsang ito ay kaibigan ng
mga duke at ministro sa Madrid
at malimit kumain sa bahay ng
Conde del Campanario.
Don Tiburcio: Ng Duque de la
Torre.
Linares:Saan ko po kaya
matatagpuan si Padre Damaso?
May liham po akong dala para sa
kanya. Siya sana’y sasadyain ko
kundi dahil pagkakataong ito na
ako’y naparito.
Salvi: Nasa Bayang ito siya
ngayon at mamaya’y parito.
Donya Victorina: De Espadaña,
Tingnan natin si Clarita. Alang-
alang lamang sa inyo ang asawa
ko’y hindi gumagamot
kundi sa matataas na tao noong
siya’y masa Madrid pa.
Pinulsuhan ni Don Tiburcio si
Maria Clara. Tinignan ang dila at
saka nagtanong ng ilan, kasabay
ang pag-iling ng ulo.]
Don Tiburcio: Ma…may sakit,
ngunit mapagagaling. Sa umaga
ay Liquen at gatas, jarabe de altea
at dalawang pildoras de
Cinaglos.
Students also viewed
 filipino reviewer 11
 DLL ESP 8 Modyul 1 - NOTHING
 ADM-Eng2-Major-Point-Key-Themes-Ready-to-Print
 O2-Life-Skills Module-5 Health-Safety-at-Work Modular 2020
 LS3-Lines-and-Angles
 LS4-Ligtas-Ba-ang-Iyong-Lugar-ng-Paggawa
Related documents
 O2-Life-Skills Module-6 Rights-and-Responsibilities Modular Final- Version-8-13-2020
 LS5-How-to-Resolve-Conflicts
 LS1-ENG-Summarizing - rgdgdg
 LS1-FIL-Paano-Maging-Isang-Matalinong-Tagapakinig (2)
 LS5-Pabago-bagong-mga-Papel-na-Ating-Ginagampanan
 IPCRF for 2020-2021 guide
Preview text
Noli Me Tangere
Kabanata 1: Isang Pagtitipon
Tiya Isabel: Hesusmaryosep! Maghintay lang kayo mga bulagsak!
Panauhin 1: Napakalaking handaan nito! ano sa tingin mo?
Panauhin 2: Naturalmente! Si Don Santiago ay napakayaman. Hindi na niya aalalahanin ang gumasta ng
labis.
P. Damaso: Tshh.. ang bansang ito! Halatang iba ang pamamahala dito kumpara sa pamamahala sa
Madrid! Ang masama pa, puro mga Indio ang nakatira! Ayoko talaga sa mga Indio! Dalawampung taon
akong nagsilbi at nagtiis sa pagdidildil ng kanin at saging sa bayan ng San Diego bilang Kura Paroko.
Ngunit nang umalis ako ay iilang matatanda at hermanos terceros lamang ang naghatid sa akin! Mga
walang utang na loob.
G. Laruja: Magdahan-dahan kayo Padre Damaso, pagkat nasa ilalim tayo ng bubong ng isang Indio!
P. Sibyla: Tama siya, Reverencia. Baka magdamdam si Kapitan Tiago.
P. Damaso: Hmp! Huwag kayong mag-alala. Matagal nang hindi itinuturing ni Tiago ang sarili niya bilang
Indio. Malayong- malayo na siya sa ganoong mga walang galang na tao.
G. Laruja: Sigurado naman hong hindi naman kasing-saklap ng nangyari sa inyo ang sa amin.
P. Damaso: Naku! Sigurado akong nagsayang ka lamang ng pera sa pagpunta rito. Wala kang ibang
kakainin kundi tinola sa mga handaan at matutulog na hindi nasisiyahan.
Kabanata 2: Si Crisostomo Ibarra
Kapitan Tiago: Mga ginoo, ikinalulugod kong ipakilala ang anak ng aking nasirang kaibigang si Don
Rafael.
Tinyente Guevarra: (bubulong kay G. Laruja) Sino kaya ang bisitang kasama ni Don Santiago?
Kapitan Tiago: Siya ay si Juan Crisostomo Ibarra. Galing siya ng Europa. Sinundo ko siya mula sa
kanyang paglalakbay.
Ibarra: ikinalulugod ko po kayong lahat na makiklala. Aba, Padre Damaso, ang kura ng San Diego.
ikinagagalak ko pong makitang muli ang isang matalik na kaibigan ng aking ama. (waring
makikipagkamay) Uhh, mukhang nagkakamali ako. Patawad ho, Reverencia.
P. Damaso: Hindi ka nagkakamali, hijo. Ngunit hindi ko kailanman naging matalik na kaibigan ang iyong
ama.
T. Guevarra: Kung gayon ay ikaw pala ang anak ng nasirang si Don Rafael Ibarra.
Ibarra: (yuyukod upang magpakita ng pagsang-ayon)
T. Guevarra: Nawa’y ang kasiyahang napagkait sa iyong ama ay mapasayo.
Ibarra: Gracias, señor.
T. Guevarra: Isang mabait na tao ang iyong ama. Nakilala ko at malimit kong makasama ang inyong ama
at masasabi kong isa siya sa mga kagalang-galang at matapat na mamamayan ng Pilipinas.
Ibarra: Maraming salamat po. Pinawi ng mga papuri ninyo sa aking ama ang mga duda ko tungkol sa
nangyari sa kanya, gayong ako na kanyang anak ay walang kaalam-alam.
Ibarra: Marapatin ninyong gayahin ko ang tradisyon sa Alemanya na pagpapakilala ng bisita kung wala
siyang kakilala. ikinagagalak ko kayong makilala, ako si Juan Crisostomo Ibarra.
Kalalakihan: Ikinagagalak ka naming makilala, Crisostomo Ibarra.
Ibarra: (ngingiti at matatawa) Kahit na magaganda ang mga taga-Europa ay wala pa ring tatalo sa ganda ng
mga kababaihan sa ating bansa.
(tatawa ang mga kababaihan habang naukas ang mga pamaypay)
Kabanata 3: Ang Hapunan
Kapitan Tiago: Mga mahal kong panauhin, halina’t pumunta tayo sa hapag. Handa na ang hapunan!
Nang malapit nang matapos ang hapunan ay nagsalita si Ginoong Laruja...
G. Laruja: Ilang taon kang nawala sa ating bayan, Señor Ibarra?
Ibarra: Pitong taon po, ginoo.
G. Laruja: Sa iyong pitong taon sa Europa, malamang ay nakalimutan mo na ang iyong bayan.
Ibarra: Ang totoo po niyan ay parang ang aking bayan ang tila nakalimot sa akin. Lagi kong iniisip ang
aking bayan kahit na ako’y malayo.
D. Victorina: Totoo ba yan hombre?
Ibarra: Opo, Doña Victorina. Kahit kalian ay hindi ako nakalimot sa aking bayan.
G. Laruja: sa mga bansang napuntahan mo, ano para sa iyo ang pinakamaganda at tumatak sa iyong isipan?
Ibarra: Patawarin mo ako, Ginoo, ngunit bukod sa Inang Espanya ay wala na akong naibigan pa kundi ang
ating bansa. Pagkatapos ko kasing mabasa at mapag-aralan ang kasaysayan at kultura ng isang bansa ay
nakalilimutan ko na rin ang magaganda kong naaalala sa bansang iyon.
P. Damaso: Kung gayon ay isa kang bulag na hangal, hijo. Bakit ka pa nagsayang ng pera upang pumunta
ng Europa kung wala ka naming nagustuhan? Ang iyong mga napag-aralan ay alam din naman ng kahit
sinong mag-aaral na tanungin mo sa ating bansa.
Ibarra: Senyores, wag kayong magtaka sa aming dating kura. Ganyang-ganyan din ang pakikitungo sa akin
noong bata pa ako at mukhang hindi na siya nagbago. Salamat pa rin sa kanya dahil nagugunita ko ang
mga panahong ang kanyang Reverencia ay madalas dumalaw sa aming tahanan at nakakasalo sa pagkain
ang aking ama.
Ibarra: Senyores, Kapitan Tiago, kababalik ko lamang mula Europa kaya’t nawa’y maintindihan niyo na
kailangan ko agad na lumisan. Pupunta pa ako ng San Diego sa makalawa para sa Todos Los Santos kaya’t
may kailangan akong katagpuin.
Kapitan Tiago: Hindi ka na ba talaga mapipigilang umalis? Sana’y mahintay mo pa ang pagdating ng
aking bulaklak na si Maria Clara. Alam kong matagal ka na niyang hinihintay.
Ibarra: Paumanhin aking Don ngunit mahalaga ang aking katatagpuin ngayon. Muchas Gracias sa hapunan
Kapitan.
(Nasalag ni D. Rafael ang suntok at inindahan ng kanan sa pisngi ang kabesa. Nabuwal ang kabesa at
nabagok ang ulo sa isang usling bato.)
T. Guevarra: Nakita iyong ng mga tao. Sinaklolohan nila ang Artilyero at naidala sa pagamutan.
Kinalaunan ay namatay ang Artilyero, na siyang ikinakulong ng iyong ama, Ibarra. Lumabas ang kanyang
mga lihim na kaaway, kasama si Padre Damaso. Malapit na sana siyang mapalaya noong hindi
mapatunayan sa tribunal ang kanyang kasalanan, ngunit inakusahan siya ng iba pang salang hindi niya
ginawa. Lumipas ang ilang taon at hindi na malaman ang tunay na sakdal sa kanya. Naroong siya’y
kasama sa ilang himagsikan ng mga tulisan, nangamkam ng mga bukid, isang erehe at pilibustero,
nagbabasa ng mga pahayagan mula sa Madrid, nagtatago ng mga liham at larawan ng isang binitay na pari,
at marami pang iba. Nagusot nang nagusot ang usapin.
Sa wakas ay umiral din ang katwiran. Mapalalaya na siyang muli dahil sa kawalan ng ebidensya sa mga
paratang. Ngunit sa kasawiang-palad, namatay na ang iyong ama dahil sa hindi magandang kondisyon sa
piitan. Nabulok siya sa bilangguan dahil sa kanyang kayamanan. Patawad Señor Ibarra.
Ibarra: Ngayon ko lang nalaman ang tunay na nangyari sa aking mahal na ama. Napakalupit ng sinapit ng
aking ama.
T. Guevarra: Patawad po ngunit kailangan ko nang umalis. Ipauubaya ko na lamang kay Kapitan Tiago
ang iba pang nangyari upang kanyang ikwento.
Ibarra: Muchas Gracias, tinyente sa pagbahagi mo ng iyong alam sa nangyari sa aking ama.
T. Guevarra: De nada, Señor Ibarra.
K. Tiago: (pagod) Hay, buhay. (tumigil ng saglit) Oh Pia, aking mahal na esposa, nawa’y makapiling ng
Lumikha ang iyong kaluluwa. Sumalangit ka nawa.
Ang Pag-uusap sa Asotea
M. Clara: Mahabaging Panginoon, tanghali na. Ano kaya ang dahilan ng kanyang pagkahuli?
Ibarra: Magandang araw po, Tiya Isabel. Nais ko po sanang makausap si Maria Clara.
T. Isabel: Ay, nandyan siya sa loob. Halika, tuloy ka. (ituturo kay Ibarra ang daan)
K. Tiago: Como estas, Ibarra. Salamat naman at dumalaw kang muli sa aming tahanan.
Ibarra: Magandang tanghali, Don Tiago. Nais ko lang po sanang makausap ang inyong anak.
K. Tiago: Aba’y sige. Clarita! Nais kang makausap ni Ibarra! Isabel, sunduin mo siya sa kwarto at
malamang ay nag-aayos iyon o nahihiya.
Oh, ayan na siya. Maaari na kayong mag-usap sa asotea. Kailangan mo ba ng maiinom, Ibarra?
Ibarra: Gracias, Señor ngunit hindi na ho kailangan.
Ibarra: Maswuerte ako at naipagkasundo tayo ng ating mga magulang upang ikasal. Dahil kung hindi ay
hindi na ako makakikita pa ng isang babaeng katulad mo.
Maria Clara: Napakatamis ng iyong dila, Crisostomo. Siguro’y dahil diyan ay nabihag mo ang maraming
kababaihan sa mga bansang iyong napuntahan.
Ibarra: Isa nang magandang obra ng Diyos ang aking sinisinta. Bakit pa ba ako hahanap ng iba?
Maria Clara: Sinungaling. Hindi ako makapaniniwalang sinasara mo ang iyong mata pagdating sa ganda
ng ibang dilag sa Europa.
Ibarra: Ang kagandahan ay nasa panlasa ng tao. Ito ay naroroon sa taong sumusuri ng kagandahan. At
mula sa aking puso, sinsasabi ko sayong ikaw ang aking pinaka-iniibig. (tumigil ng saglit) Patawad aking
sinta, ngunit kailangan ko nang lisanin ang iyong piling. Bukas ay Todos Los Santos, kaya’t kailangan
kong puntahan ang isang tao doon upang tulungan ako bukas.
Maria Clara: Naiintindihan ko, Ibarra. Nawa’y makapaglakbay ka ng ligtas at matiwasay.
Ibarra: Paalam, aking minamahal.
Maria Clara: Patnubayan ka nawa ng Maykapal. (nag-antanda ng krus)
Lalapit si Kap. Tiago..
K. Tiago: Clarita, kung ikaw ay nababagabag, magtulos ka ng kandila para kay San Roque at San Rafael.
paniguradong gagabayan nila si Ibarra para sa kanyang paglalakbay.
Araw ng mga Patay
Sepulturero 1: Oy! (Naninigarilyo). Sa ibang lugar na tayo maghukay..-bago pa yan.
Sepulturero 2: Pare-parehong bagong libing ang mga yan.
Sepulturero 1: Ayoko na... May dugo pa ang mga buto! At ang buhok.
Sepulturero 2: Masyado ka namang maselan.. ikaw pa ang humukay ng ginawa ko.. bangkay na 20 araw pa
lang nailililibing. Madilim ang gabi noon, umuulan.. pa ang aking ilawan.
Sepulturero 1: (Nangilabot) Nakakakilabot naman ang sinabi mo.
Sepulturero 2: Natanggal ang mga pako sa ataul kaya’t lumabas ang kalahating katawan ng bangkay.
Saksakan ng baho ang bangkay at binuhat ko pa iyon sa gitna ng malakas na malakas na ulan.
Sepulturero 1: (Hindi makapaniwala) Bakit mo ginawa iyon? Bakit mo hinukay ang bangkay? Sinong nag-
utos sayo?
Sepulturero 2: Sino pa kundi ang kurang malaki.
Sepulturero 1: Anong ginawa mo sa bangkay?
Sepulturero 2: Para kang guwardyang sibil kung magtanong. Ang utos sakin ang kurang malaki, ilibing ko
sa libingan ng mga Intsik ang bangkay na hinukay ko. Hindi ko nagawa dahil malakas ang ulan saka
malayo ang libingan ng mga Intsik.
Sepulturero 1: (Umahon sa hukay at nangilabot pa lalo) Ayoko nang maghukay...
Ang Mga Sakristan
Basilio: Crispin, hilahin mo nang mabuti ang tali. (tunog ng batingaw)
Crispin: Magpahinga naman tayo, Kaka. Kanina pa tayo nakatayo at nagpapatunog ng kampana. (tunog ng
batingaw)
Basilio: Hindi pa pwede. Papagalitan tayo ng Sakristan Mayor.
Crispin: Oo nga pala. Ilan daw ang susuweldohin mo ngayon buwan?
Basilio: Dalawang reales na lamang, Crispin.
Crispin: Bayaran mo na kaya yung sinabi nila na ninakaw ko na ginto sa simbahan? Sige na, para hindi na
sila manggulo at maka-uwi na ako.
Basilio: Naku, Crispin! Dalawang multa na ang inabot ko sa Sakristan Mayor. At ang sinasabi nilang
ninakaw mo ay dalawang onsa ng ginto. Tatlumpu’t dalawang reales iyon! Kumbaga’y tatlumpu’t
dalawang kamay. Hindi sasapat ang suweldo ko sa hinihingi nila.
Crispin: Natatakot na kasi ako, eh. Napakasama kasi ng Kura at lalo na ng Sakristan Mayor.
Napakasinungaling nilang lahat. Umuwi ka na lang ngayon, Kaka. Sabihan mo si Inang na ayaw na nating
mag-sakristan. Alam ko namang paniniwalaan ka ni Inang kaya ikaw na lang ang magsabi sa kanya.
Sabihin mo sa Inang na may sakit ako. Kaya hindi ako maka-uwi.
Basilio: Huwag kang magsalita ng ganyan, Crispin.
At dumating ang itinuturing nilang berdugo ng simbahan: ang Sakristan Mayor.
Sakristan Mayor: Mga pasaway na bata! Kahit kalian kayo, wala na kayong magawang tama sa simbahan!
Ikaw Basilio! Magmumulta ka ng dalawang reales dahil sa hindi magandang tunog ng kampana! Hindi ka
rin uuwi ng alas-otso kundi alas-diyes na ng gabi!
Basilio: Ngunit huhulihin na ako ng gwardya...
Sakristan Mayor: Wala akong pakialam! Sasagot ka pa? (aambang sasampalin si Basilio) At ikaw Crispin!
Hindi ka uuwi hangga’t hindi mo inilalabas ang dalawang onsang gintong ninakaw mo! Kahit kailan mga
wala kayong galang! Pati simbahan pinagnanakawan ninyo!
Crispin: Hindi ko naman po iyon ninakaw eh. Wala po akong ninakaw na kahit ano.
Sakristan Mayor: At sumasagot ka pa? Ito ang sa iyo! (pinagsusuntok at kakaladkarin na si Crispin)
Crispin: Aray ko po, tama na po! (namimilipit na at naiiyak sa sakit)
Basilio: (umiiyak) Tama na po! Maawa na kayo!
Sakristan Mayor: Huwag mo akong pigilan! (sinampal at natumba si Basilio)
Crispin: (umiiyak) Kaka, huwag mo akong iwan! Huwag mo akong iwan!
Basilio: Crispin!
Kabanata 16: Si Sisa
Sisa: Naku! Sigurado akong matutuwa ang mga anak ko sa inihanda kong ulam. Nakikita ko nang gutom
na gutom sina Crispin at Basilio mula sa simbahan. Siguradong magugustuhan ni Crispin ang tuyong
tawilis na pinakapaborito niya habang pinipigaan ng kamatis! At, buti na lang nakahingi ako kay Pilosopo
Tasyo ng tapang baboy-ramo at hita ng patong bundok. Siguradong maglalaway si Basilio kapag nakita
ito!
Dumating ang kanyang asawa, si Pedro.
Pedro: Nagugutom ako, Sisa. Aba, ang sarap ng hinain mo ah. Matikman nga.
Sisa: Pero, Pedro sa mga.....
SISA: Wala nang natira? Ngunit paano’ng mga anak mo?
PEDRO: Bakit?! May reklamo ka?!
SISA: Wala. Wala—
PEDRO: Teka, nasaan na ba ang mga batang iyon?
SISA: Nasa kumbento pa. Pero uuwi rin sila—
Pedro: Aalis na ako. (kinuha ulit ang panabong na manok)
Sisa: Hindi mo man lang hihintayin ang pagdating ng mga anak mo? Alam ko ay susweldo si Basilio
ngayong araw.
Pedro: Ah, ganun ba? Ipagtabi mo ako ng isang reales. Sige na at baka mahuli ako sa sultada ng tinali ko.
Dumating si Basilio na humahangos.
Basilio: Inang! Inang! buksan po ninyo ang pinto!
Sisa: Hesusmaryosep! anong nangyari sa iyo, Basilio?
Basilio: Huwag kayong mag-alala Inang. Naiwan si Crispin sa kumbento.
Sisa: Naiwan? At siya ba’y buhay?
Basilio: (tititigan ang ina at tatango ng bahagya)
Sisa: Salamat at buhay siya. Bakit ka duguan? Naku naman...
Basilio: Ako po’y tumakas sa kumbento. Ngayon lamang ako pinauwi ng Sakristan Mayor dahil hindi daw
ako makauuwi kundi alas-diyes ng gabi. Bawal nang maglakad ng alas-nuwebe kaya’t noong
nakasalubong ko ang mga guardia civil sa bayan at sinigawan ako ng “quien vive” ay nagtatakbo ako.
Pinaputukan po nila ako at isang punglo ang dumaplis sa aking noo.
Sisa: Walang hiya talaga ang mga guardia civil. Sadyang wala silang puso. Halika anak at gamutin natin
ang sugat mo.
Sisa: Pasensya ka na anak at tawilis lamang ang natira sa inyo. Naghanda ako ng masarap na ulam ngunit
kinain itong lahat ng inyong ama. Pagpasensyahan mo na lamang din siya.
Basilio: Hindi ka po ba niya sinaktan?
Kusinera: Hindi mo ba naintindihan? May sakit ang Kura! (itutulak si Sisa palabas) Hala, doon kayo
humagulgol sa lansangan! Sulong!
Sisa: (sa pagkapahiya ay tatakpan ng panyo ang mukha at mabilis na umalis)
Kasaysayan ng Isang Ina
Sisa: O Diyos ko, huwag po ninyong pababayaan ang aking anak!
GC 1: Ikaw ba si Sisa ang ina ng mga magnanakaw na bata?
Sisa: Opo, ako si Sisa. Ngunit hindi mga magnanakaw ang aking mga anak.
GC2: Huwag ka nang magmaang-maangan pa. Ilabas mo ang iyong mga anak! Nakatakas ang
nakatatandang anak mo. Nasaan yung mas bata?
Sisa: Hindi ko alam dahil hindi pa siya umuuwi simula kahapon!
GC 1: Kung gayon ay ikaw ang isasama naming. Hindi ka makalalabas ng kwartel habang hindi mo
itinuturo ang mga anak mo!
Dinala na ng mga guardia civil ang kaawa-awang si Sisa sa kuwartel ng mga guardia civil. Doon siya
ikinulong habang hindi niya itinuturo ang mga anak.
GC 2: Iyan, diyan ka nababagay. Mabubulok ka sa bilangguan na iyan hanggang sa ituro mo ang iyong
mga anak
Nakarating sa Alperes ang balita kaya’t nagdesisyon itong palayain si Sisa, dahil na rin sa kawalan ng
katibayan.
Alperes: Ang krimeng iyan ay kasalanan ng kura! Pakawalan ang bihag at huwag na siyang abalahin
kailanman! Kung gustong makuha ng kura ang nawalang ginto, sabihin mo ay manalangin siya kay San
Antonio! Pari siya ay hindi niya alam ang bagay na iyon? Huh!
GC 3: Si, Señor Alperes. O, makakalaya ka na daw. Wala nang ipapakain sa iyo ang gobyerno dito!
(tatawa)
GC 1: Kasi naman eh. Mag-aasawa na lang yung wala pang kwenta. Tapos mag-aanak pa ng magnanakaw!
Tsk. Tsk. Tsk.
Mabilis na tumakbo papalayo ng kuwartel si Sisa habang umiiyak, hinanap niya ang kanyang mga anak.
Nagpunta siya sa kanilang dampa upang tingnan kung nandoon si Basilio.
Sisa: Basilio! Crispin! Mga anak ko! Nasaan na kayo?
Basilio: Inang! Inang! Nasaan na kayo, Inang? Inang!
Sisa: Basilio! Crispin! Mga anak ko! Nandyan ba kayo? Tandang Tasyo! Andyan ho ba ang mga anak ko?
Wala atang tao.
Basilio: (Uuwi sa dampa) Inang! Inang! Nandyan ba kayo, Inang? Inang! (sumilip sa bangin malapit sa
bahay)
GC 3: Hoy! Ikaw yung hinahanap naming bata ah. Huwag kang gagawa ng masama!
(hindi na naabutan ni Sisa ang guardia civil at si Basilio)
Sisa: Diyos ko po! Mga anak ko! Crispin, Basilio! (titingin sa may bangin at makikita ang piraso ng damit
ni Basilio na may dugo) Basilio? Basilio! Damit ito ni Basilio! May dugo. Mapula. (tatawa at ngingiti)
Damit ni Basilio may dugo! (tatawa nang malakas)
Kinaumagahan, makikita na si Sisa na pagala-gala sa lansangan, kinakausap ang lahat ng lalang ng
kalikasan.
Sisa: (nakatingala) Crispin! Basilio! Nasan na kayo? Mahal kong mga anak! Hangin, nakita mo ba ang
mga anak ko? Hindi? (iiyak at tatawa ulit) Ikaw puno, nakita mo ba ang mga anak ko? Hindi rin? (iiyak at
tatawa ulit)
(haharap sa audience) Kayo? Nakita niyo ba ang anak ko? Nakita niyo ba siya? (kakausapin ang mga
naglalakad na extra sa set) Kapag nakita niyo ang mga anak kong sina Basilio at Crispin, sabihan ninyo
ako ha? (tatawa at maiiyak)
Basilio: (Hinahanap ang nanay sa dampa) Inang! Inang! Nandito na ako Inang! Inang! Inang! (maiiyak)
Liwanag at Dilim
Narrator: Isang lalaki ang sumalubong kay Ibarra habang siya’y naglalakad.
Lalaki: Hindi po ninyo ako nakikilala, ginoong Crisostomo. Subalit may dalawang araw ko ng hinihintay
ang iyong pagdating ditto sa bayan ng San Diego.
Ibarra: May kailangan kayo sa akin?
Lalaki: Tinatawag nila akong tulisan kaya’t wala isa mang nagnanais tumulong sa akin. Nawawala po ang
aking mga anak at nabaliw ang aking asawa.
Ibarra: Anong kailangan ninyo sa akin, ginoo?
Lalaki: Nais ko pong humingi ng tulong sa inyo.
Ibarra: Sumabay kayo sa akin sa paglalakad at saka ninyo sabihin ang inyong pakay.
Naglakad na ang dalawa hanggang sa tuluyang nawala.
Ang Pangingisda
Tiya Isabel: Baka nakakabulabog ang ingay ninyo sa mga natutulog pa. Huwag kayong maingay. Hindi
ganyan ang dalagang Pilipina noong kapanahunan namin.
Natanawan nila ang paparating ng mga kalalakihan at ang isa’y tumugtog pa ng gitara.
Sinang: Tila may ibig mamalimos (pabiro)
Nagbigay galang ang mga binata samantalang naging pino na ang kilos ng mga dalaga
(dumating si Ibarra at nakihalubilo. Sasakay na ng Bangka. Sumakay na sila sa Bangka [2 bangka meron:
isa sa mga babae at isa sa mga lalaki])
Iday: Victoria, maaari mo bang awitin ang kundiman ng pinag-iisang dibdib?
Victoria: Paumanhin, pero ayaw ko.
Iday at mga kasamahan: Sige na Victoria... (kinukulit)
Victoria: (tumatanggi)
Sinang: Si Maria Clara na lang. Maria Clara, maaari ka bang umawit?
Lahat: Oo nga. Sige na. (pinipilit)
Alkalde: Señor, baka gusto ninyong maglagay ng kaha sa uka ng bato.
Ibarra: Hindi na, alkalde. Bayaan niyo na ang eskribano sa kanyang trabaho.
Inilagay na ng eskribano ang mga kaha sa uka. sinunod naman ang paglalagay ng palitada. Pinangunahan
ito ng Alkalde, sumunod ang Kura, ilang kawani, prayle at ni Kapitan Tiago. Iuutos na sana na ibaba ang
panghugos nang maalala ng Kura na hindi pa naglalagay ng palitada si Ibarra.
Alkalde: Bumaba na kayo, Señor! Kung hindi ay hindi ko ipag-uutos na ihugos ang bato.
Napilitan si Ibarra na bumaba. Kinakabahan si Ibarra sa pagbaba, habang ang Taong Madilaw ay tila
nababagabag at pinagpapawisan ng malamig. Nagbabantay si Elias sa malayo, at bahagyang kinindatan si
Ibarra. Hanggang sa nagulat na lamang ang lahat dahil sa isang malakas na ugong. Nabalot ng makapal na
alikabok ang paligid. Nagsigawan ang lahat dahil nalansag ang panghugos ng hindi inaasahan. Mabuti at
nailigtas ni Elias si Ibarra, na bigla na ring nawala.
Ibarra: Huwag mag-alala, ligtas ako!
M. Clara: (hinimatay)
Tao 1: Ang taong naghuhugos!
Tao 2: Naku! Nahulugan siya ng mga bato.
Ibarra: Madali kayo! hanguin niyo ang bangkay niya dito. Ako na ang bahala sa kanyang libing.
Napakasawimpalad.
Alkalde: Kailangang maimbestigahan ang pangyayaring ito!
Ibarra: Huwag na, mahal na Alkalde. Kahit na gumawa tayo ng pagsisiyasat ay wala nang mangyayari.
Papatayin niya sana ako ngunit napatay niya ang sarili niya. Hayaan na lamang natin siya at bigyan ng
maayos na libing.
Tao 1: Kahit na pumuti na siguro ang aking buhok ay wala na tayong makikita pang taong singbait ni Don
Ibarra!
Tao 2: Siyang tunay. Isa talaga siyang napakabait at napakapitagang tao.
Pilosopo Tasyo: Naku! Tsk. Tsk. Tsk. Masamang simula.
Kabanata 33: Malayang Isipan
Nang sumunod na gabi...
Utusan: Señor, may gusto pong kumausap sa inyo sa labas.
Ibarra: Sino siya?
Utusan: Hindi po siya nagpakilala, pero ang sabi niya ay kilala mo daw siya.
Ibarra: Sige, papasukin mo siya.
Pinapasok ng utusan ang panauhin at tumambad kay Ibarra si Elias.
Ibarra: Elias! Tuloy ka. Hindi ko inaakala na ikaw ang darating. Tara mag-usap tayo.
Elias: Patawad, Señor. Pero dapat talaga ay mag-ingat na kayo. Marami kayong lihim na kaaway!
Ibarra: Hindi lang ikaw ang unang nagsabi sa akin niyan.
Elias: Marami pa silang mga nagtatago sa likod ng mga nakangiting mukha at mabait na katauhan. Isa na
ang taong madilaw kanina sa kanila. Hindi lamang po ako sigurado sa iba sa kanila. Upang hindi kayo
mapahamak, kailangang hindi malaman ng inyong kaaway na kayo’y handa. Mas mabuti kung makikita ng
inyong kaaway na kayo’y hindi nag-iingat at kayo’y nagtitiwala sa lahat.
Ibarra: Ikinalulungkot ko lamang ang pagkamatay ng taong iyon kanina. Kung nabuhay siya ay malamang
napakinabangan natin siya upang matunton ang iba ko pang kaaway.
Elias: (napangiti) Patawad, Don Ibarra ngunit nagkakamali kayo. Sa galit niya, kung siya’y buhay, ay
magtatago na lamang siya mula sa baluktot nating pamahalaan. Ngunit mukhang nilalayon ng Diyos ang
mamatay siya. Sana ay lagi ninyong paghandaan ang bawat sandali dahil paniguradong naghahanda rin sila
upang mapuksa ka. Bueno, Señor. Aalis na ako. Maraming salamat po.
Ibarra: Ako ang dapat magpasalamat dahil niligtas mo ang aking buhay. Magkikita pa ba tayo ulit?
Elias: Oo naman, Señor. Kahit kalian ninyo naisin at kahit kalian ninyo ako kailangan. May pagkakautang
pa ako sa inyo, at alam kong hindi sapat ang aking ginawa upang mabayaran iyon.
Ibarra: Paalam, Elias.
Elias: (ngumiti)
Ang Pananghalian
P: Bakit hindi ninyo ipagpatuloy ang inyong pag-uusap?
Alkalde: Nabanggit lamang sa akin ni Crisostomo ang mga taong nakatulong sa kanya gaya ng arkitekto at
ng Reverencia.
P: Nakatatawa ang mga taong kumukuha ng serbisyo ng isang arkitekto. Nagpapakita lamang ng
kamangmangan ng isang Indio na nagdudunung-dunungan! Ako lamang ang gumuhit ng plano ng
simbahang iyan.
Alkalde: Subalit ang ipinapatayong gusali ni G. Ibarra ay nangangailangan ng eksperto.
P: Eksperto? Ang isang paaralan ay binubuo lamang ng apat na pader at isang bubong na sawali.
Alkalde: Sandali lamang Padre Damaso.
P: Magbabayad ang lahat! Ngayon pa lamang ay pinarurusahan na ang ama ng isang ulupong!
Nangangamatay sa loob ng bilangguan at ni walang mahigaang...
Sa sobrang galit ni Ibarra ay hinawakan niya ang leeg ng pari upang hindi ito makakilos at saka iniamba
ang matalim na kutsilyo.
Ibarra: Wala kahit sinuman ang maaaring umalipusta sa aking ama! Itong paring ito ang pinakainiwas-
iwasan ko. Isang paring walang galang, at walang utang na loob! Isa siyang demonyong nagbabanal-
banalan! Siguro naman ay dapat siyang mamatay!
Alkalde: Huwag, Señor. Huwag niyong hayaan ang sarili ninyong magkasala sa Diyos!
Ibarra: Magdasal ka na sa lahat ng santo, Padre. Makikita na natin kung dugo o lusak ang dumadaloy sa
mga ugat mo!
Narrator: Iniangat ni Crisostomo ang braso at aktong uundayan ng saksak si Padre Damaso sa dibdib.
Nabigla ang mga guardia civil dahil ang Doña ay narinig nilang matatas managalog. Napahiya ang Doña.
Sa pagkapahiya, pinaalis ng Donya ang bantay. Lumalakad na payaot padito sa silid na hinuhutok ng
kamay ang latigo; at saka huminto sa harap ng baliw.
D. Consolacion: Bayla—baila, baila!
Nag-iindak siya upang ganyakin ang baliw na siya ay gayahin. Minamasdan ni Sisa ang donya na nakangiti
at natutuwa sa ginagawa ng Doña. Napahiya ang Doña at itinaas ang hawak nitong latigo.
D: Ngayo’y ikaw naman ang sumayaw-----sayaw! (palo) Baila, india! [Tuloy tuloy na palo] Baila, baila,
condenada, salbahe!
Dumating ang alperes na walang kibo.
D: Ano ang nangyayari sa iyo? Hindi ka man lamang nagbigay ng magandang gabi.
Alperes: (Tinawag ang bantay) Dalhin mo ang baliw na ito. Sabihin mo kay Marta na bigyan niya ng ibang
baro at gamutin. Pakainin mo siya nang maigi, bigyan ng mabuting higaan----mag-ingat kayo at huwag
siyang lapastanganin. Bukas ay ihahatid siya sa bahay ni Ginoong Ibarra.
Ang Mag-Asawang de Espadaña Ang dumating ay si Dr. Tiburcio de Espadaña, ang asawa nito na si
Doktora Donya Victorina de Espadaña, at Linares
Donya Victorina: Ipinakikilala ko sa inyo si Don Alfonso Linares de Espadaña, Siya’y inaanak ng kamag-
anak ni Padre damaso at tanging kalihim ng lahat ng ministro.
Magalang na yumuko ang binata. Ang mga maleta ay dinala sa itaas at sinamahan ni Kapitang Tiyago ang
mga panauhin sa kani-kanilang silid. Samantalang sila’y nagmiminindal ay dumating si Padre Salvi at si
Linares ay ipinakilala na kakabit ang lahat ng titulo.
Donya Victorina: Naparito ang Kapitang Heneral? KASINUNGALINGAN!!!
K. Tiago: Maniwala kayo at diyan umupo.
Donya Victorina: Sayang! Kung Maaga-aga sana ang pagkakasakit ni Clarita! Narinig mo ba, pinsan?
Hindi karaniwang tahanan ang iyong pinanhik. Sinasabi ko sa iyo, Don Santiago, na ang aming pinsang ito
ay kaibigan ng mga duke at ministro sa Madrid at malimit kumain sa bahay ng Conde del Campanario.
Don Tiburcio: Ng Duque de la Torre.
Linares:Saan ko po kaya matatagpuan si Padre Damaso? May liham po akong dala para sa kanya. Siya
sana’y sasadyain ko kundi dahil pagkakataong ito na ako’y naparito.
Salvi: Nasa Bayang ito siya ngayon at mamaya’y parito.
Donya Victorina: De Espadaña, Tingnan natin si Clarita. Alang-alang lamang sa inyo ang asawa ko’y hindi
gumagamot kundi sa matataas na tao noong siya’y masa Madrid pa.
Pinulsuhan ni Don Tiburcio si Maria Clara. Tinignan ang dila at saka nagtanong ng ilan, kasabay ang pag-
iling ng ulo.]
Don Tiburcio: Ma.. sakit, ngunit mapagagaling. Sa umaga ay Liquen at gatas, jarabe de altea at dalawang
pildoras de Cinaglos.
Donya Victorina: Gagaling ka, Clarita. Lakasan mo ang iyong loob. Ang sadya naming ay gamutin ka.
Ipakikilala kita sa aming pinsan.
Padre Salvi: G. Linares, narito si Padre Damaso.
Mga Balak Si Padre Damaso ay tuluy-tuloy sa katre ng maysakit at saka hinahawakan ang kamay ng
dalaga.
Padre Damaso: MARIA!!! Maria, anak ko, hindi ka mamamatay. (bulong na lumuluha)
Namangha si Maria Clara nang idilat ang kanyang mga mata dahil sa namalas niyang anyo ni Padre
Damaso. Siya’y lumabas, at sa silong ng balag na nasa balkon ni Maria Clara ay ibinulalas niya ang
kanyang damdamin. Si Donya Victorina ay lumapit kay Padre Damaso nang ito’y matiwasay na at
ipinakilala si Linares. Iniabot ng binata ang liham, ngunit sisya’y minasdan ni Padre Damaso mula ulo
hanggang paa. Ang liham ay binasa na tila hindi naunawaan.
Padre Damaso: A.......! Ikaw ang inaanak ni Carlicos. (Niyakap ni Damaso Si Linares) May liham siya sa
akin ukol sa iyo, ngunit hindi kita nakilala. Dangan kasi’y hindi ka pa isinisilang nang ako’y umalis sa
Espanya. (Hinigpitang lalo ang pagkakayakap kay Linares. Nakalimutan ang kalungkutan)
Damaso: A....! sinasabing ihanap kita ng mapapasukan at asawa. Um!. Sa mapapasukan ay madali.
Marunong ka bang magbasa at sumulat?
Linares: Ako po ay nag-aaral ng pagkamanananggol sa Universidad ng Central.
Damaso: Diyaske! Hindi ko akalain. Para kang mahinhing babae... A!!! bibigyan kita ng isang babae. Oo,
isang babae.
Linares:Hindi po naman ako nagmamadali, Padre.
Damaso: Halika at kausapin natin si Santiago.
Si Linares ay namutla ngunit sumunod din. Si Padre Salvi naman ang humaliling paroo’t parito na nag-
iisip.
Ang Mga Pinag-uusig Samantala, si Elias naman ay kinakausap ang isang kaibigan sa gubat sa Batangas.
Elias: Huwag nating hayaan na dumanak ang dugo, Kapitan. Alam kong tutulungan tayo ni Senor Ibarra.
Maipaaabot niya ang ating mga hinaing sa Kapitan-Heneral na malapit sa kanya.
Kapitan Pablo: Hindi ako kumbinsido, lalo na’t siya’y isang mayaman. Ang halos lahat ng mga
mayayaman ay walang inatupag kundi ang magpayaman pa.
Elias: Bigyan niyo po ako ng pagkakataon na gawin ang mapayapang planong ito. Kung maisasagawa ito,
maiiwasan ang pagdanak ng dugo.
Kapitan Pablo: At kung ika’y hindi nagtagumpay?
Elias: Kung gayon ay ilalagay ko ang sarili ko sa ilalim ng iyong pamamahala.
Narrator: Napangiti ang kapitan sa narinig kay Elias.
Kapitan Pablo: Kung gayon ay ipakilala mo sa akin ang mga kasama mo at ang kanilang mga sariling
sinapit sa kamay ng mga napakalupit na Espanyol.
Alperes: Ikaw ang bumili ng asal! Mga walang modo. Naturingang mayaman ngunit sayad sa lupa ang
ugali!
Don Tiburcio: Magtigil ka Alperes! Kung makaalipusta ka sa amin ay parang kayganda ng iyong moral!
Napadaan si Padre salvi sa kalye ng bahay ng Alperes at nakita ang namuong komosyon.
Padre Salvi: Magtigil kayo sa ngalan ng Panginoon! Para kayong mga hayop! Mga edukado naman kayong
mga tao! Nakahihiyang isipin na pati kayong mga taga-alta de sociedad ay tumutulad na sa mga Indiyo!
Hala, pagsisihan nin ang inyong mga kasalanan at siguraduhin ninyong magkukumpisal kayo. Intiendes?
Lahat: Si, Reverencia.
Padre Salvi: Kayong mga manonood, magsiuwi na kayo! Nandito na kayo’t lahat ay hindi pa ninyo inawat!
(titingala) Diyos ko po, patawarin mo sila at hindi nila alam ang kanilang mga ginagawa! (maiinis)
Dona Victorina (wala na ang Alperes at si Dona Consolacion): Luluwas tayo ng Maynila. Magsusumbong
tayo sa Kapitan- Heneral. (Inis na inis sa asawa) Hindi mo man lang ipinaglaban ang pagkalalaki mo!
Dapat ay hinamon mo ang Alperes ng rebolber o kaya’y sable o kaya’y...(napatingin sa pustiso ng asawa)
Don Tiburcio: Iha, alam mo naming hindi pa ako nakakahawak ng...
Hindi na natapos ng Don ang pagsasalita pagka’t dinagukan siya sa ulo ng asawa na ikinalaglag ng
kanyang pustiso. Pagkalaglag nito sa lupa ay tinapak-tapakan ito ng Dona.
Mga Pagbabago
Samantala, sa bahay ni Kapitan Tiago, Si Maria Clara, Linares, Sinang at Victoria ay nag-uusap.
Maria Clara: Gaya ni Ibarra ay nagpunta ka rin pala sa maraming bansa!
Linares: Marahil ay magkaparehas kami ni Ibarra ng hilig.
Ngunit naputol ang kanilang usapan dahil sa pagmumukmok ni Doña Victorina.
Doña Victorina: Linares, puntahan mo ang alperes at hamunin mo siya ng sable o...
Linares: Bakit Doña Victorina? anong nangyari?
Doña Victorina: Dahil siya at ang querida niya ay nilibak kami! Responsibilidad mong ipagtanggol kami.
Kung hindi ay malalaman nila ang tunay mong pagkatao!
Linares: Huwag kayong mag-ingay Doña Victorina.
Biglang sumingit si Kapitan Tiago sa usapan.
K. Tiago: Kung gayon ay ano ang gusto mong mangyari, Doña?
Doña Victorina: Ang pinsan kong si Linares ay hahamunin ang alperes. Kung hindi siya pumayag ay
huwag mo siyang ipakasal sa iyong anak!
Nabigla si Maria Clara sa nasabi ni Doña Victorina. Nalaman na niya na ipinagkasundo siya kay Linares.
Doña Victorina: Bakit umiiyak si Clarita?
K. Tiago: Hindi siya nasabihan sa ating pagkakasundo... na hindi si Ibarra ang pakakasalan niya kundi si
Linares.
Walang Lihim na Hindi Nabubunyag
Si Padre Salvi ay nagmamadaling tumungo sa tahanan ng alperes.
P: Ngayon ninyo mapapatunayan ang kahalagahan ng mga prayle. Isang babae ang nangumpisal na
ngayong gabi, ganap na ikawalo ay sasalakayin ang kwartel, papasukin ang kumbento at papatayin ang
mga Kastila. Magkakaroon ng isang malaking pag-aalsa.
ALPERES: [kinuha ang rebolber] Sino ang taong huhulihin ko?
P: Huminahon kayo. Ang dapat ay paghandaan ninyo ang pagsalakay nila. Padalhan ninyo ako ng apat na
guwardiya sibil at pasabihan din ang mga bantay sa mga daungan. Kailangang maging maingat kayo upang
sila’y mahuli. Tungkulin ninyo iyan at sapagkat kayo ang tatanggap ng medalya sakaling magtagumpay
kayo, sana’y hindi ninyo malimutang banggitin ang aking ginawa.
Dali dali namang pumunta si Elias sa bahay ni Ibarra
ELIAS: Natuklasan na magkakaroon ng isang malaking pag-aalsa at kayo ang nakatakdang mapahamak
sapagkat isisigaw ang inyong pangalan ng mga manghihimagsik na bayaran. Huwag na kayong mag-
alinlangan pa, Ginoo. Anumang oras ay maaaring sumiklab ang pag-aalsa! Kailangan na ninyong umalis.
IBARRA: Saan ako pupunta? May naghihintay sa akin?
ELIAS: Kahit saang lugar. Maynila o sa bahay ng isang makapangyarihan upang hindi nila masabing
totoong may kinalaman kayo dito.
IBARRA: Paano kung ako ang magsuplong ng pag-aalsa?
ELIAS: Iisipin nila kayo’y taksil at ipinain sila para mahuli. Sunugin ang mga kasulatan, tumakas at
maghintay kung ano ang mangyayari yan ang dapat mong gawin.
IBARRA: Si Maria Clara? Hindi. pang mamatay na lang. Tulungan mo ako Ginoo. Diyan nakatago ang
kasulatan ng aming pamilya. Ibukod ninyo ang sulat ng aking ama na lalong magpapahamak sa akin.
Kumilos sina Elias at Ibarra. Pinunit ang ilang kasulatan at itinago ang iba.
ELIAS: Nakikilala po ba ninyo si Don Pedro Eibarramendia?
IBARRA: Siya ang lolo ko sa tuhod.
ELIAS: Siya ang dahilan ng kasawian ng aming angkan. Kayo ang itinuro sa akin ng Diyos para
makapaghiganti. (Niyugyog ang balikat ni Ibarra) Tingnan ninyo akong mabuti! Tingnan ninyo ang
mukhang ito na punung-puno ng pagtitiis! Samantalang kayo’y nabubuhay..umiibig..
kayamanan...kinikilala..! Nabubuhay!

English
Philippines
Company
 About Us
 Ask AI
 Studocu World University Ranking 2023
 E-Learning Statistics
 Doing Good
 Academic Integrity
 Jobs
 Blog
 Dutch Website
Contact & Help
 F.A.Q.
 Contact
 Newsroom
Legal
 Terms
 Privacy Policy
 Cookie Statement







Copyright © 2023 StudeerSnel B.V., Keizersgracht 424, 1016 GC Amsterdam, KVK: 56829787, BTW: NL852321363B01
Skip to document

Home

University

High School

Books

Information

AI Chat

Noli Me Tangere Script New

Noli Me Tangere Script New

Subject: Filipino (Fil123)

36 documents

School: Cavite National High School

Info
Document continues below

Discover more from:

Filipino

Fil123

Cavite National High School

36 documents

Go to course

IPCRF for 2020-2021 guide

IPCRF for 2020-2021 guide

Filipino

100% (34)

19

105 Lesson 1 and 2 - 123

105 Lesson 1 and 2 - 123

Filipino

100% (12)

35

O2-Life-Skills Module-6 Rights-and-Responsibilities Modular Final- Version-8-13-2020

O2-Life-Skills Module-6 Rights-and-Responsibilities Modular Final- Version-8-13-2020

Filipino

100% (5)

58

LS1-FIL-Paano-Maging-Isang-Matalinong-Tagapakinig (2)

LS1-FIL-Paano-Maging-Isang-Matalinong-Tagapakinig (2)

Filipino

100% (4)

37

LS4-Ligtas-Ba-ang-Iyong-Lugar-ng-Paggawa
LS4-Ligtas-Ba-ang-Iyong-Lugar-ng-Paggawa

Filipino

100% (3)

Tungkol sa saligang batas

Tungkol sa saligang batas

Filipino

100% (3)

Elias: Marami pa silang mga nagtatago sa likod ng mga nakangiting mukha at mabait na katauhan.
Isa na ang taong madilaw kanina sa kanila. Hindi lamang po ako sigurado sa iba sa kanila. Upang
hindi kayo mapahamak, kailangang hindi malaman ng inyong kaaway na kayo’y handa. Mas mabuti
kung makikita ng inyong kaaway na kayo’y hindi nag-iingat at kayo’y nagtitiwala sa lahat.Ibarra:
Ikinalulungkot ko lamang ang pagkamatay ng taong iyon kanina. Kung nabuhay siya ay malamang
napakinabangannatin siya upang matunton ang iba ko pang kaaway.Elias: (napangiti) Patawad, Don
Ibarra ngunit nagkakamali kayo. Sa galit niya, kung siya’y buhay, ay magtatago na lamang siya mula
sa baluktot nating pamahalaan. Ngunit mukhang nilalayon ng Diyos ang mamatay siya. Sana ay lagi
ninyong paghandaan ang bawat sandali dahil paniguradong naghahanda rin sila upang mapuksa ka.
Bueno, Señor. Aalis na ako. Maraming salamat po.Ibarra: Ako ang dapat magpasalamat dahil
niligtas mo ang aking buhay. Magkikita pa ba tayo ulit?Elias: Oo naman, Señor. Kahit kalian ninyo
naisin at kahit kalian ninyo ako kailangan. May pagkakautang pa ako sa inyo, atalam kong hindi
sapat ang aking ginawa upang mabayaran iyon.Ibarra: Paalam, Elias.Elias: (ngumiti)Ang
PananghalianP.Damaso: Bakit hindi ninyo ipagpatuloy ang inyong pag-uusap?Alkalde: Nabanggit
lamang sa akin ni Crisostomo ang mga taong nakatulong sa kanya gaya ng arkitekto at ng
Reverencia.P.Damaso: Nakatatawa ang mga taong kumukuha ng serbisyo ng isang arkitekto.
Nagpapakita lamang ng kamangmanganng isang Indio na nagdudunung-dunungan! Ako lamang
ang gumuhit ng plano ng simbahang iyan.Alkalde: Subalit ang ipinapatayong gusali ni G. Ibarra ay
nangangailangan ng eksperto. P.Damaso: Eksperto? Ang isang paaralan ay binubuo lamang ng apat
na pader at isang bubong na sawali. Alkalde: Sandali lamang Padre Damaso. P.Damaso:
Magbabayad ang lahat! Ngayon pa lamang ay pinarurusahan na ang ama ng isang ulupong!
Nangangamatay sa loob ng bilangguan at ni walang mahigaang…Sa sobrang galit ni Ibarra ay
hinawakan niya ang leeg ng pari upang hindi ito makakilos at saka iniamba ang matalim na
kutsilyo.Ibarra: Wala kahit sinuman ang maaaring umalipusta sa aking ama! Itong paring ito ang
pinakainiwas-iwasan ko. Isang paring walang galang, at walang utang na loob! Isa siyang
demonyong nagbabanal-banalan! Siguro naman ay dapat siyang mamatay!Alkalde: Huwag, Señor.
Huwag niyong hayaan ang sarili ninyong magkasala sa Diyos!Ibarra: Magdasal ka na sa lahat ng
santo, Padre. Makikita na natin kung dugo o lusak ang dumadaloy sa mga ugat mo! Narrator:
Iniangat ni Crisostomo ang braso at aktong uundayan ng saksak si Padre Damaso sa dibdib.

M. Clara: Crisostomo, huwag! Para sa akin, maawa ka sa kanya!Nanghihinang binitiwan niya ang
kutsilyo pati na rin si Padre Damaso. Mabilis siyang lumayo at nawala.Ang Kapitan-HeneralIsang
araw, sa opisina ng bagong dating na Kapitan-Heneral…Alkalde: Kamahalan, kung pahihintulutan
ninyo ay nais kayong makausap ni Don Crisostomo Ibarra.K. Heneral: Don Ibarra? Ang sinasabing
nakaalitan ni Padre Damaso?Alkalde: Opo, at ang napatawan ng ekskomunyon.K. Heneral:
papasukin mo siya. Gusto ko siyang makausap.Nang nasa loob na si Ibarra…K. Heneral: Isang
karangalan ang makilala kayo, Señor Ibarra.Ibarra: Ginulat po ninyo ako sa inyong kabaitan,
kamahalan. Sa bansang ito ay hindi ako itinuturing na mabuting tao.K. Heneral: Tungkol sa
pagkakaalitan ninyo ni Padre Damaso, sinisigurado ko sa iyo na hindi ka magagalaw ng mga pari
hangga’t ako ang namumuno sa bansang ito. Kakausapin ko na rin ang arsobispo na sumulat sa
Santo Papa upang maibsan na ang iyong ekskomunyon. Kahit ako ay gagawin iyon kung ginawa sa
aking ama ang ganoong kalapastanganan.Ibarra: Gracias, kamahalan. Ngayon ay alam ko na kung
bakit pinupuri kahit sa Madrid ang inyong kahusayan, kamahalan.Pagpalain pa nawa kayo ng
Maykapal.K. Heneral: Bueno, may pupuntahan pa akong mahalagang bagay. Maraming salamat at
nakausap kita, Don Ibarra.Ibarra: Sige po, kamahalan. Aalis na po ako. Maraming salamat din
po.Pagkaalis ni Ibarra ay pinatawag ulit ng Kapitan-Heneral ang Alkalde.K. Heneral: Mula sa araw na
ito Alkalde, inihahabilin ko sa ilalim ng inyong proteksiyon si Señor Ibarra. Ipaalam mo ito sa Alperes
at suportahan mo siya sa kanyang mga adhikain.Alkalde: Masusunod, kamahalan.Kabanata 39: Si
Doña ConsolacionSa bahay ng Alperes, sa parting bintana, ay may makikitang silyon na laging
inuupuan ni Doña Consolacion. Si Doña Consolacion ay isang gusgusing babaeng nag-aastang
Oropea. Asawa siya ng Alperes. Mas kilala siya bilang Doña Alperesa. Mahilig siyang mag-Espanyol,
at nagpapautal-utal ng Tagalog upang hindi siya mahalata. Isang araw ay maririnig na umaawit si
Sisa na inaalagaan sa bahay ng Alperes kaya’t ipinatawag ito ni Donya Consolacion upang
pakantahin. Hindi ito nakapagbigay galang kaya’t agad na kinuha ni donya ang nakasabit na
latigo.D. Consolacion: (nilatigo ang baliw) Vamos magcantar icau! Guardia! Dile a esa mujer que
canta tagalo! Él no me entiende! No hace falta ser español! Ipinabatid ng guardia civil ang sinasabi
ng Doña kay Sisa. Kumanta ng kundiman si Sisa na siyang nagpalungkot sa Donya.D. Consolacion:
Tigil na! Wag ka nang kumanta! Wag kang kumanta! Nakahahapis sakin ang tulang iyan!

Nabigla ang mga guardia civil dahil ang Doña ay narinig nilang matatas managalog. Napahiya ang
Doña. Sa pagkapahiya, pinaalis ng Donya ang bantay. Lumalakad na payaot padito sa silid na
hinuhutok ng kamay ang latigo; at saka huminto sa harap ng baliw.D. Consolacion: Bayla—baila,
baila! Nag-iindak siya upang ganyakin ang baliw na siya ay gayahin. Minamasdan ni Sisa ang donya
na nakangiti at natutuwa sa ginagawa ng Doña. Napahiya ang Doña at itinaas ang hawak nitong
latigo.D.Consolacion: Ngayo’y ikaw naman ang sumayaw-----sayaw! (palo) Baila, india! [Tuloy tuloy
na palo] Baila, baila, condenada, salbahe! Dumating ang alperes na walang kibo.D.Consolacion: Ano
ang nangyayari sa iyo? Hindi ka man lamang nagbigay ng magandang gabi.Alperes: (Tinawag ang
bantay) Dalhin mo ang baliw na ito. Sabihin mo kay Marta na bigyan niya ng ibang baro at gamutin.
Pakainin mo siya nang maigi, bigyan ng mabuting higaan----mag-ingat kayo at huwag siyang
lapastanganin. Bukas ay ihahatid siya sa bahay ni Ginoong Ibarra.Ang Mag-Asawang de
EspadañaAng dumating ay si Dr. Tiburcio de Espadaña, ang asawa nito na si Doktora Donya
Victorina de Espadaña, at LinaresDonya Victorina: Ipinakikilala ko sa inyo si Don Alfonso Linares de
Espadaña, Siya’y inaanak ng kamag-anak ni Padredamaso at tanging kalihim ng lahat ng
ministro.Magalang na yumuko ang binata. Ang mga maleta ay dinala sa itaas at sinamahan ni
Kapitang Tiyago ang mgapanauhin sa kani-kanilang silid. Samantalang sila’y nagmiminindal ay
dumating si Padre Salvi at si Linares ay ipinakilalana kakabit ang lahat ng titulo.Donya Victorina:
Naparito ang Kapitang Heneral? KASINUNGALINGAN!!!K. Tiago: Maniwala kayo at diyan
umupo.Donya Victorina: Sayang! Kung Maaga-aga sana ang pagkakasakit ni Clarita! Narinig mo ba,
pinsan?Hindi karaniwang tahanan ang iyong pinanhik. Sinasabi ko sa iyo, Don Santiago, na ang
aming pinsang ito ay kaibigan ngmga duke at ministro sa Madrid at malimit kumain sa bahay ng
Conde del Campanario.Don Tiburcio: Ng Duque de la Torre.Linares:Saan ko po kaya matatagpuan si
Padre Damaso? May liham po akong dala para sa kanya. Siya sana’y sasadyain kokundi dahil
pagkakataong ito na ako’y naparito.Salvi: Nasa Bayang ito siya ngayon at mamaya’y parito.Donya
Victorina: De Espadaña, Tingnan natin si Clarita. Alang-alang lamang sa inyo ang asawa ko’y hindi
gumagamotkundi sa matataas na tao noong siya’y masa Madrid pa.Pinulsuhan ni Don Tiburcio si
Maria Clara. Tinignan ang dila at saka nagtanong ng ilan, kasabay ang pag-iling ng ulo.]Don
Tiburcio: Ma…may sakit, ngunit mapagagaling. Sa umaga ay Liquen at gatas, jarabe de altea at
dalawang pildoras deCinaglos.

Students also viewed

filipino reviewer 11

DLL ESP 8 Modyul 1 - NOTHING

ADM-Eng2-Major-Point-Key-Themes-Ready-to-Print

O2-Life-Skills Module-5 Health-Safety-at-Work Modular 2020

LS3-Lines-and-Angles

LS4-Ligtas-Ba-ang-Iyong-Lugar-ng-Paggawa

Related documents

O2-Life-Skills Module-6 Rights-and-Responsibilities Modular Final- Version-8-13-2020

LS5-How-to-Resolve-Conflicts

LS1-ENG-Summarizing - rgdgdg

LS1-FIL-Paano-Maging-Isang-Matalinong-Tagapakinig (2)

LS5-Pabago-bagong-mga-Papel-na-Ating-Ginagampanan

IPCRF for 2020-2021 guide

Preview text

Noli Me Tangere

Kabanata 1: Isang Pagtitipon

Tiya Isabel: Hesusmaryosep! Maghintay lang kayo mga bulagsak!

Panauhin 1: Napakalaking handaan nito! ano sa tingin mo?

Panauhin 2: Naturalmente! Si Don Santiago ay napakayaman. Hindi na niya aalalahanin ang


gumasta ng labis.

P. Damaso: Tshh.. ang bansang ito! Halatang iba ang pamamahala dito kumpara sa pamamahala sa
Madrid! Ang masama pa, puro mga Indio ang nakatira! Ayoko talaga sa mga Indio! Dalawampung
taon akong nagsilbi at nagtiis sa pagdidildil ng kanin at saging sa bayan ng San Diego bilang Kura
Paroko. Ngunit nang umalis ako ay iilang matatanda at hermanos terceros lamang ang naghatid sa
akin! Mga walang utang na loob.

G. Laruja: Magdahan-dahan kayo Padre Damaso, pagkat nasa ilalim tayo ng bubong ng isang Indio!

P. Sibyla: Tama siya, Reverencia. Baka magdamdam si Kapitan Tiago.

P. Damaso: Hmp! Huwag kayong mag-alala. Matagal nang hindi itinuturing ni Tiago ang sarili niya
bilang Indio. Malayong- malayo na siya sa ganoong mga walang galang na tao.

G. Laruja: Sigurado naman hong hindi naman kasing-saklap ng nangyari sa inyo ang sa amin.

P. Damaso: Naku! Sigurado akong nagsayang ka lamang ng pera sa pagpunta rito. Wala kang ibang
kakainin kundi tinola sa mga handaan at matutulog na hindi nasisiyahan.

Kabanata 2: Si Crisostomo Ibarra

Kapitan Tiago: Mga ginoo, ikinalulugod kong ipakilala ang anak ng aking nasirang kaibigang si Don
Rafael.

Tinyente Guevarra: (bubulong kay G. Laruja) Sino kaya ang bisitang kasama ni Don Santiago?

Kapitan Tiago: Siya ay si Juan Crisostomo Ibarra. Galing siya ng Europa. Sinundo ko siya mula sa
kanyang paglalakbay.

Ibarra: ikinalulugod ko po kayong lahat na makiklala. Aba, Padre Damaso, ang kura ng San Diego.
ikinagagalak ko pong makitang muli ang isang matalik na kaibigan ng aking ama. (waring
makikipagkamay) Uhh, mukhang nagkakamali ako. Patawad ho, Reverencia.

P. Damaso: Hindi ka nagkakamali, hijo. Ngunit hindi ko kailanman naging matalik na kaibigan ang
iyong ama.

T. Guevarra: Kung gayon ay ikaw pala ang anak ng nasirang si Don Rafael Ibarra.
Ibarra: (yuyukod upang magpakita ng pagsang-ayon)

T. Guevarra: Nawa’y ang kasiyahang napagkait sa iyong ama ay mapasayo.

Ibarra: Gracias, señor.

T. Guevarra: Isang mabait na tao ang iyong ama. Nakilala ko at malimit kong makasama ang inyong
ama at masasabi kong isa siya sa mga kagalang-galang at matapat na mamamayan ng Pilipinas.

Ibarra: Maraming salamat po. Pinawi ng mga papuri ninyo sa aking ama ang mga duda ko tungkol
sa nangyari sa kanya, gayong ako na kanyang anak ay walang kaalam-alam.

Ibarra: Marapatin ninyong gayahin ko ang tradisyon sa Alemanya na pagpapakilala ng bisita kung
wala siyang kakilala. ikinagagalak ko kayong makilala, ako si Juan Crisostomo Ibarra.

Kalalakihan: Ikinagagalak ka naming makilala, Crisostomo Ibarra.

Ibarra: (ngingiti at matatawa) Kahit na magaganda ang mga taga-Europa ay wala pa ring tatalo sa
ganda ng mga kababaihan sa ating bansa.

(tatawa ang mga kababaihan habang naukas ang mga pamaypay)

Kabanata 3: Ang Hapunan

Kapitan Tiago: Mga mahal kong panauhin, halina’t pumunta tayo sa hapag. Handa na ang hapunan!

Nang malapit nang matapos ang hapunan ay nagsalita si Ginoong Laruja...

G. Laruja: Ilang taon kang nawala sa ating bayan, Señor Ibarra?

Ibarra: Pitong taon po, ginoo.


G. Laruja: Sa iyong pitong taon sa Europa, malamang ay nakalimutan mo na ang iyong bayan.

Ibarra: Ang totoo po niyan ay parang ang aking bayan ang tila nakalimot sa akin. Lagi kong iniisip
ang aking bayan kahit na ako’y malayo.

D. Victorina: Totoo ba yan hombre?

Ibarra: Opo, Doña Victorina. Kahit kalian ay hindi ako nakalimot sa aking bayan.

G. Laruja: sa mga bansang napuntahan mo, ano para sa iyo ang pinakamaganda at tumatak sa
iyong isipan?

Ibarra: Patawarin mo ako, Ginoo, ngunit bukod sa Inang Espanya ay wala na akong naibigan pa
kundi ang ating bansa. Pagkatapos ko kasing mabasa at mapag-aralan ang kasaysayan at kultura ng
isang bansa ay nakalilimutan ko na rin ang magaganda kong naaalala sa bansang iyon.

P. Damaso: Kung gayon ay isa kang bulag na hangal, hijo. Bakit ka pa nagsayang ng pera upang
pumunta ng Europa kung wala ka naming nagustuhan? Ang iyong mga napag-aralan ay alam din
naman ng kahit sinong mag-aaral na tanungin mo sa ating bansa.

Ibarra: Senyores, wag kayong magtaka sa aming dating kura. Ganyang-ganyan din ang pakikitungo
sa akin noong bata pa ako at mukhang hindi na siya nagbago. Salamat pa rin sa kanya dahil
nagugunita ko ang mga panahong ang kanyang Reverencia ay madalas dumalaw sa aming tahanan
at nakakasalo sa pagkain ang aking ama.

Ibarra: Senyores, Kapitan Tiago, kababalik ko lamang mula Europa kaya’t nawa’y maintindihan niyo
na kailangan ko agad na lumisan. Pupunta pa ako ng San Diego sa makalawa para sa Todos Los
Santos kaya’t may kailangan akong katagpuin.

Kapitan Tiago: Hindi ka na ba talaga mapipigilang umalis? Sana’y mahintay mo pa ang pagdating ng
aking bulaklak na si Maria Clara. Alam kong matagal ka na niyang hinihintay.

Ibarra: Paumanhin aking Don ngunit mahalaga ang aking katatagpuin ngayon. Muchas Gracias sa
hapunan Kapitan.
(Nasalag ni D. Rafael ang suntok at inindahan ng kanan sa pisngi ang kabesa. Nabuwal ang kabesa
at nabagok ang ulo sa isang usling bato.)

T. Guevarra: Nakita iyong ng mga tao. Sinaklolohan nila ang Artilyero at naidala sa pagamutan.
Kinalaunan ay namatay ang Artilyero, na siyang ikinakulong ng iyong ama, Ibarra. Lumabas ang
kanyang mga lihim na kaaway, kasama si Padre Damaso. Malapit na sana siyang mapalaya noong
hindi mapatunayan sa tribunal ang kanyang kasalanan, ngunit inakusahan siya ng iba pang salang
hindi niya ginawa. Lumipas ang ilang taon at hindi na malaman ang tunay na sakdal sa kanya.
Naroong siya’y kasama sa ilang himagsikan ng mga tulisan, nangamkam ng mga bukid, isang erehe
at pilibustero, nagbabasa ng mga pahayagan mula sa Madrid, nagtatago ng mga liham at larawan
ng isang binitay na pari, at marami pang iba. Nagusot nang nagusot ang usapin.

Sa wakas ay umiral din ang katwiran. Mapalalaya na siyang muli dahil sa kawalan ng ebidensya sa
mga paratang. Ngunit sa kasawiang-palad, namatay na ang iyong ama dahil sa hindi magandang
kondisyon sa piitan. Nabulok siya sa bilangguan dahil sa kanyang kayamanan. Patawad Señor Ibarra.

Ibarra: Ngayon ko lang nalaman ang tunay na nangyari sa aking mahal na ama. Napakalupit ng
sinapit ng aking ama.

T. Guevarra: Patawad po ngunit kailangan ko nang umalis. Ipauubaya ko na lamang kay Kapitan
Tiago ang iba pang nangyari upang kanyang ikwento.

Ibarra: Muchas Gracias, tinyente sa pagbahagi mo ng iyong alam sa nangyari sa aking ama.

T. Guevarra: De nada, Señor Ibarra.

K. Tiago: (pagod) Hay, buhay. (tumigil ng saglit) Oh Pia, aking mahal na esposa, nawa’y makapiling
ng Lumikha ang iyong kaluluwa. Sumalangit ka nawa.

Ang Pag-uusap sa Asotea

M. Clara: Mahabaging Panginoon, tanghali na. Ano kaya ang dahilan ng kanyang pagkahuli?

Ibarra: Magandang araw po, Tiya Isabel. Nais ko po sanang makausap si Maria Clara.

T. Isabel: Ay, nandyan siya sa loob. Halika, tuloy ka. (ituturo kay Ibarra ang daan)
K. Tiago: Como estas, Ibarra. Salamat naman at dumalaw kang muli sa aming tahanan.

Ibarra: Magandang tanghali, Don Tiago. Nais ko lang po sanang makausap ang inyong anak.

K. Tiago: Aba’y sige. Clarita! Nais kang makausap ni Ibarra! Isabel, sunduin mo siya sa kwarto at
malamang ay nag-aayos iyon o nahihiya.

Oh, ayan na siya. Maaari na kayong mag-usap sa asotea. Kailangan mo ba ng maiinom, Ibarra?

Ibarra: Gracias, Señor ngunit hindi na ho kailangan.

Ibarra: Maswuerte ako at naipagkasundo tayo ng ating mga magulang upang ikasal. Dahil kung
hindi ay hindi na ako makakikita pa ng isang babaeng katulad mo.

Maria Clara: Napakatamis ng iyong dila, Crisostomo. Siguro’y dahil diyan ay nabihag mo ang
maraming kababaihan sa mga bansang iyong napuntahan.

Ibarra: Isa nang magandang obra ng Diyos ang aking sinisinta. Bakit pa ba ako hahanap ng iba?

Maria Clara: Sinungaling. Hindi ako makapaniniwalang sinasara mo ang iyong mata pagdating sa
ganda ng ibang dilag sa Europa.

Ibarra: Ang kagandahan ay nasa panlasa ng tao. Ito ay naroroon sa taong sumusuri ng kagandahan.
At mula sa aking puso, sinsasabi ko sayong ikaw ang aking pinaka-iniibig. (tumigil ng saglit) Patawad
aking sinta, ngunit kailangan ko nang lisanin ang iyong piling. Bukas ay Todos Los Santos, kaya’t
kailangan kong puntahan ang isang tao doon upang tulungan ako bukas.

Maria Clara: Naiintindihan ko, Ibarra. Nawa’y makapaglakbay ka ng ligtas at matiwasay.

Ibarra: Paalam, aking minamahal.

Maria Clara: Patnubayan ka nawa ng Maykapal. (nag-antanda ng krus)


Lalapit si Kap. Tiago..

K. Tiago: Clarita, kung ikaw ay nababagabag, magtulos ka ng kandila para kay San Roque at San
Rafael. paniguradong gagabayan nila si Ibarra para sa kanyang paglalakbay.

Araw ng mga Patay

Sepulturero 1: Oy! (Naninigarilyo). Sa ibang lugar na tayo maghukay..-bago pa yan.

Sepulturero 2: Pare-parehong bagong libing ang mga yan.

Sepulturero 1: Ayoko na... May dugo pa ang mga buto! At ang buhok.

Sepulturero 2: Masyado ka namang maselan.. ikaw pa ang humukay ng ginawa ko.. bangkay na 20
araw pa lang nailililibing. Madilim ang gabi noon, umuulan.. pa ang aking ilawan.

Sepulturero 1: (Nangilabot) Nakakakilabot naman ang sinabi mo.

Sepulturero 2: Natanggal ang mga pako sa ataul kaya’t lumabas ang kalahating katawan ng
bangkay. Saksakan ng baho ang bangkay at binuhat ko pa iyon sa gitna ng malakas na malakas na
ulan.

Sepulturero 1: (Hindi makapaniwala) Bakit mo ginawa iyon? Bakit mo hinukay ang bangkay? Sinong
nag-utos sayo?

Sepulturero 2: Sino pa kundi ang kurang malaki.

Sepulturero 1: Anong ginawa mo sa bangkay?

Sepulturero 2: Para kang guwardyang sibil kung magtanong. Ang utos sakin ang kurang malaki,
ilibing ko sa libingan ng mga Intsik ang bangkay na hinukay ko. Hindi ko nagawa dahil malakas ang
ulan saka malayo ang libingan ng mga Intsik.
Sepulturero 1: (Umahon sa hukay at nangilabot pa lalo) Ayoko nang maghukay...

Ang Mga Sakristan

Basilio: Crispin, hilahin mo nang mabuti ang tali. (tunog ng batingaw)

Crispin: Magpahinga naman tayo, Kaka. Kanina pa tayo nakatayo at nagpapatunog ng kampana.
(tunog ng batingaw)

Basilio: Hindi pa pwede. Papagalitan tayo ng Sakristan Mayor.

Crispin: Oo nga pala. Ilan daw ang susuweldohin mo ngayon buwan?

Basilio: Dalawang reales na lamang, Crispin.

Crispin: Bayaran mo na kaya yung sinabi nila na ninakaw ko na ginto sa simbahan? Sige na, para
hindi na sila manggulo at maka-uwi na ako.

Basilio: Naku, Crispin! Dalawang multa na ang inabot ko sa Sakristan Mayor. At ang sinasabi nilang
ninakaw mo ay dalawang onsa ng ginto. Tatlumpu’t dalawang reales iyon! Kumbaga’y tatlumpu’t
dalawang kamay. Hindi sasapat ang suweldo ko sa hinihingi nila.

Crispin: Natatakot na kasi ako, eh. Napakasama kasi ng Kura at lalo na ng Sakristan Mayor.
Napakasinungaling nilang lahat. Umuwi ka na lang ngayon, Kaka. Sabihan mo si Inang na ayaw na
nating mag-sakristan. Alam ko namang paniniwalaan ka ni Inang kaya ikaw na lang ang magsabi sa
kanya. Sabihin mo sa Inang na may sakit ako. Kaya hindi ako maka-uwi.

Basilio: Huwag kang magsalita ng ganyan, Crispin.

At dumating ang itinuturing nilang berdugo ng simbahan: ang Sakristan Mayor.


Sakristan Mayor: Mga pasaway na bata! Kahit kalian kayo, wala na kayong magawang tama sa
simbahan! Ikaw Basilio! Magmumulta ka ng dalawang reales dahil sa hindi magandang tunog ng
kampana! Hindi ka rin uuwi ng alas-otso kundi alas-diyes na ng gabi!

Basilio: Ngunit huhulihin na ako ng gwardya...

Sakristan Mayor: Wala akong pakialam! Sasagot ka pa? (aambang sasampalin si Basilio) At ikaw
Crispin! Hindi ka uuwi hangga’t hindi mo inilalabas ang dalawang onsang gintong ninakaw mo! Kahit
kailan mga wala kayong galang! Pati simbahan pinagnanakawan ninyo!

Crispin: Hindi ko naman po iyon ninakaw eh. Wala po akong ninakaw na kahit ano.

Sakristan Mayor: At sumasagot ka pa? Ito ang sa iyo! (pinagsusuntok at kakaladkarin na si Crispin)

Crispin: Aray ko po, tama na po! (namimilipit na at naiiyak sa sakit)

Basilio: (umiiyak) Tama na po! Maawa na kayo!

Sakristan Mayor: Huwag mo akong pigilan! (sinampal at natumba si Basilio)

Crispin: (umiiyak) Kaka, huwag mo akong iwan! Huwag mo akong iwan!

Basilio: Crispin!

Kabanata 16: Si Sisa

Sisa: Naku! Sigurado akong matutuwa ang mga anak ko sa inihanda kong ulam. Nakikita ko nang
gutom na gutom sina Crispin at Basilio mula sa simbahan. Siguradong magugustuhan ni Crispin ang
tuyong tawilis na pinakapaborito niya habang pinipigaan ng kamatis! At, buti na lang nakahingi ako
kay Pilosopo Tasyo ng tapang baboy-ramo at hita ng patong bundok. Siguradong maglalaway si
Basilio kapag nakita ito!

Dumating ang kanyang asawa, si Pedro.


Pedro: Nagugutom ako, Sisa. Aba, ang sarap ng hinain mo ah. Matikman nga.

Sisa: Pero, Pedro sa mga.....

SISA: Wala nang natira? Ngunit paano’ng mga anak mo?

PEDRO: Bakit?! May reklamo ka?!

SISA: Wala. Wala—

PEDRO: Teka, nasaan na ba ang mga batang iyon?

SISA: Nasa kumbento pa. Pero uuwi rin sila—

Pedro: Aalis na ako. (kinuha ulit ang panabong na manok)

Sisa: Hindi mo man lang hihintayin ang pagdating ng mga anak mo? Alam ko ay susweldo si Basilio
ngayong araw.

Pedro: Ah, ganun ba? Ipagtabi mo ako ng isang reales. Sige na at baka mahuli ako sa sultada ng
tinali ko.

Dumating si Basilio na humahangos.

Basilio: Inang! Inang! buksan po ninyo ang pinto!

Sisa: Hesusmaryosep! anong nangyari sa iyo, Basilio?

Basilio: Huwag kayong mag-alala Inang. Naiwan si Crispin sa kumbento.

Sisa: Naiwan? At siya ba’y buhay?


Basilio: (tititigan ang ina at tatango ng bahagya)

Sisa: Salamat at buhay siya. Bakit ka duguan? Naku naman...

Basilio: Ako po’y tumakas sa kumbento. Ngayon lamang ako pinauwi ng Sakristan Mayor dahil hindi
daw ako makauuwi kundi alas-diyes ng gabi. Bawal nang maglakad ng alas-nuwebe kaya’t noong
nakasalubong ko ang mga guardia civil sa bayan at sinigawan ako ng “quien vive” ay nagtatakbo
ako. Pinaputukan po nila ako at isang punglo ang dumaplis sa aking noo.

Sisa: Walang hiya talaga ang mga guardia civil. Sadyang wala silang puso. Halika anak at gamutin
natin ang sugat mo.

Sisa: Pasensya ka na anak at tawilis lamang ang natira sa inyo. Naghanda ako ng masarap na ulam
ngunit kinain itong lahat ng inyong ama. Pagpasensyahan mo na lamang din siya.

Basilio: Hindi ka po ba niya sinaktan?

Kusinera: Hindi mo ba naintindihan? May sakit ang Kura! (itutulak si Sisa palabas) Hala, doon kayo
humagulgol sa lansangan! Sulong!

Sisa: (sa pagkapahiya ay tatakpan ng panyo ang mukha at mabilis na umalis)

Kasaysayan ng Isang Ina

Sisa: O Diyos ko, huwag po ninyong pababayaan ang aking anak!

GC 1: Ikaw ba si Sisa ang ina ng mga magnanakaw na bata?

Sisa: Opo, ako si Sisa. Ngunit hindi mga magnanakaw ang aking mga anak.

GC2: Huwag ka nang magmaang-maangan pa. Ilabas mo ang iyong mga anak! Nakatakas ang
nakatatandang anak mo. Nasaan yung mas bata?
Sisa: Hindi ko alam dahil hindi pa siya umuuwi simula kahapon!

GC 1: Kung gayon ay ikaw ang isasama naming. Hindi ka makalalabas ng kwartel habang hindi mo
itinuturo ang mga anak mo!

Dinala na ng mga guardia civil ang kaawa-awang si Sisa sa kuwartel ng mga guardia civil. Doon siya
ikinulong habang hindi niya itinuturo ang mga anak.

GC 2: Iyan, diyan ka nababagay. Mabubulok ka sa bilangguan na iyan hanggang sa ituro mo ang


iyong mga anak

Nakarating sa Alperes ang balita kaya’t nagdesisyon itong palayain si Sisa, dahil na rin sa kawalan ng
katibayan.

Alperes: Ang krimeng iyan ay kasalanan ng kura! Pakawalan ang bihag at huwag na siyang abalahin
kailanman! Kung gustong makuha ng kura ang nawalang ginto, sabihin mo ay manalangin siya kay
San Antonio! Pari siya ay hindi niya alam ang bagay na iyon? Huh!

GC 3: Si, Señor Alperes. O, makakalaya ka na daw. Wala nang ipapakain sa iyo ang gobyerno dito!
(tatawa)

GC 1: Kasi naman eh. Mag-aasawa na lang yung wala pang kwenta. Tapos mag-aanak pa ng
magnanakaw! Tsk. Tsk. Tsk.

Mabilis na tumakbo papalayo ng kuwartel si Sisa habang umiiyak, hinanap niya ang kanyang mga
anak. Nagpunta siya sa kanilang dampa upang tingnan kung nandoon si Basilio.

Sisa: Basilio! Crispin! Mga anak ko! Nasaan na kayo?

Basilio: Inang! Inang! Nasaan na kayo, Inang? Inang!

Sisa: Basilio! Crispin! Mga anak ko! Nandyan ba kayo? Tandang Tasyo! Andyan ho ba ang mga anak
ko? Wala atang tao.
Basilio: (Uuwi sa dampa) Inang! Inang! Nandyan ba kayo, Inang? Inang! (sumilip sa bangin malapit
sa bahay)

GC 3: Hoy! Ikaw yung hinahanap naming bata ah. Huwag kang gagawa ng masama!

(hindi na naabutan ni Sisa ang guardia civil at si Basilio)

Sisa: Diyos ko po! Mga anak ko! Crispin, Basilio! (titingin sa may bangin at makikita ang piraso ng
damit ni Basilio na may dugo) Basilio? Basilio! Damit ito ni Basilio! May dugo. Mapula. (tatawa at
ngingiti) Damit ni Basilio may dugo! (tatawa nang malakas)

Kinaumagahan, makikita na si Sisa na pagala-gala sa lansangan, kinakausap ang lahat ng lalang ng


kalikasan.

Sisa: (nakatingala) Crispin! Basilio! Nasan na kayo? Mahal kong mga anak! Hangin, nakita mo ba
ang mga anak ko? Hindi? (iiyak at tatawa ulit) Ikaw puno, nakita mo ba ang mga anak ko? Hindi rin?
(iiyak at tatawa ulit)

(haharap sa audience) Kayo? Nakita niyo ba ang anak ko? Nakita niyo ba siya? (kakausapin ang mga
naglalakad na extra sa set) Kapag nakita niyo ang mga anak kong sina Basilio at Crispin, sabihan
ninyo ako ha? (tatawa at maiiyak)

Basilio: (Hinahanap ang nanay sa dampa) Inang! Inang! Nandito na ako Inang! Inang! Inang!
(maiiyak)

Liwanag at Dilim

Narrator: Isang lalaki ang sumalubong kay Ibarra habang siya’y naglalakad.

Lalaki: Hindi po ninyo ako nakikilala, ginoong Crisostomo. Subalit may dalawang araw ko ng
hinihintay ang iyong pagdating ditto sa bayan ng San Diego.

Ibarra: May kailangan kayo sa akin?


Lalaki: Tinatawag nila akong tulisan kaya’t wala isa mang nagnanais tumulong sa akin. Nawawala
po ang aking mga anak at nabaliw ang aking asawa.

Ibarra: Anong kailangan ninyo sa akin, ginoo?

Lalaki: Nais ko pong humingi ng tulong sa inyo.

Ibarra: Sumabay kayo sa akin sa paglalakad at saka ninyo sabihin ang inyong pakay.

Naglakad na ang dalawa hanggang sa tuluyang nawala.

Ang Pangingisda

Kinaumagahan, makikita na si Sisa na pagala-gala sa lansangan, kinakausap ang lahat ng lalang ng


kalikasan.Sisa: (nakatingala) Crispin! Basilio! Nasan na kayo? Mahal kong mga anak! Hangin, nakita
mo ba ang mga anak ko? Hindi? (iiyak at tatawa ulit) Ikaw puno, nakita mo ba ang mga anak ko?
Hindi rin? (iiyak at tatawa ulit)(haharap sa audience) Kayo? Nakita niyo ba ang anak ko? Nakita niyo
ba siya? (kakausapin ang mga naglalakad na extra sa set) Kapag nakita niyo ang mga anak kong sina
Basilio at Crispin, sabihan ninyo ako ha? (tatawa at maiiyak)Basilio: (Hinahanap ang nanay sa
dampa) Inang! Inang! Nandito na ako Inang! Inang! Inang! (maiiyak)Liwanag at DilimNarrator: Isang
lalaki ang sumalubong kay Ibarra habang siya’y naglalakad.Lalaki: Hindi po ninyo ako nakikilala,
ginoong Crisostomo. Subalit may dalawang araw ko ng hinihintay ang iyong pagdating ditto sa
bayan ng San Diego.Ibarra: May kailangan kayo sa akin?Lalaki: Tinatawag nila akong tulisan kaya’t
wala isa mang nagnanais tumulong sa akin. Nawawala po ang aking mga anak at nabaliw ang aking
asawa.Ibarra: Anong kailangan ninyo sa akin, ginoo?Lalaki: Nais ko pong humingi ng tulong sa
inyo.Ibarra: Sumabay kayo sa akin sa paglalakad at saka ninyo sabihin ang inyong pakay.Naglakad
na ang dalawa hanggang sa tuluyang nawala.Ang PangingisdaTiya Isabel: Baka nakakabulabog ang
ingay ninyo sa mga natutulog pa. Huwag kayong maingay. Hindi ganyan ang dalagang Pilipina
noong kapanahunan namin.Natanawan nila ang paparating ng mga kalalakihan at ang isa’y
tumugtog pa ng gitara. Sinang: Tila may ibig mamalimos (pabiro)Nagbigay galang ang mga binata
samantalang naging pino na ang kilos ng mga dalaga (dumating si Ibarra at nakihalubilo. Sasakay
na ng Bangka. Sumakay na sila sa Bangka [2 bangka meron: isa sa mga babaeat isa sa mga
lalaki])Iday: Victoria, maaari mo bang awitin ang kundiman ng pinag-iisang dibdib?Victoria:
Paumanhin, pero ayaw ko.Iday at mga kasamahan: Sige na Victoria… (kinukulit)Victoria:
(tumatanggi)Sinang: Si Maria Clara na lang. Maria Clara, maaari ka bang umawit?Lahat: Oo nga.
Sige na. (pinipilit)

Tiya Isabel: Baka nakakabulabog ang ingay ninyo sa mga natutulog pa. Huwag kayong maingay.
Hindi ganyan ang dalagang Pilipina noong kapanahunan namin.
Natanawan nila ang paparating ng mga kalalakihan at ang isa’y tumugtog pa ng gitara.

Sinang: Tila may ibig mamalimos (pabiro)

Nagbigay galang ang mga binata samantalang naging pino na ang kilos ng mga dalaga

(dumating si Ibarra at nakihalubilo. Sasakay na ng Bangka. Sumakay na sila sa Bangka [2 bangka


meron: isa sa mga babae at isa sa mga lalaki])

Iday: Victoria, maaari mo bang awitin ang kundiman ng pinag-iisang dibdib?

Victoria: Paumanhin, pero ayaw ko.

Iday at mga kasamahan: Sige na Victoria... (kinukulit)

Victoria: (tumatanggi)

Sinang: Si Maria Clara na lang. Maria Clara, maaari ka bang umawit?

Lahat: Oo nga. Sige na. (pinipilit)

Alkalde: Señor, baka gusto ninyong maglagay ng kaha sa uka ng bato.

Ibarra: Hindi na, alkalde. Bayaan niyo na ang eskribano sa kanyang trabaho.

Inilagay na ng eskribano ang mga kaha sa uka. sinunod naman ang paglalagay ng palitada.
Pinangunahan ito ng Alkalde, sumunod ang Kura, ilang kawani, prayle at ni Kapitan Tiago. Iuutos na
sana na ibaba ang panghugos nang maalala ng Kura na hindi pa naglalagay ng palitada si Ibarra.

Alkalde: Bumaba na kayo, Señor! Kung hindi ay hindi ko ipag-uutos na ihugos ang bato.
Napilitan si Ibarra na bumaba. Kinakabahan si Ibarra sa pagbaba, habang ang Taong Madilaw ay tila
nababagabag at pinagpapawisan ng malamig. Nagbabantay si Elias sa malayo, at bahagyang
kinindatan si Ibarra. Hanggang sa nagulat na lamang ang lahat dahil sa isang malakas na ugong.
Nabalot ng makapal na alikabok ang paligid. Nagsigawan ang lahat dahil nalansag ang panghugos
ng hindi inaasahan. Mabuti at nailigtas ni Elias si Ibarra, na bigla na ring nawala.

Ibarra: Huwag mag-alala, ligtas ako!

M. Clara: (hinimatay)

Tao 1: Ang taong naghuhugos!

Tao 2: Naku! Nahulugan siya ng mga bato.

Ibarra: Madali kayo! hanguin niyo ang bangkay niya dito. Ako na ang bahala sa kanyang libing.
Napakasawimpalad.

Alkalde: Kailangang maimbestigahan ang pangyayaring ito!

Ibarra: Huwag na, mahal na Alkalde. Kahit na gumawa tayo ng pagsisiyasat ay wala nang
mangyayari. Papatayin niya sana ako ngunit napatay niya ang sarili niya. Hayaan na lamang natin
siya at bigyan ng maayos na libing.

Tao 1: Kahit na pumuti na siguro ang aking buhok ay wala na tayong makikita pang taong singbait ni
Don Ibarra!

Tao 2: Siyang tunay. Isa talaga siyang napakabait at napakapitagang tao.

Pilosopo Tasyo: Naku! Tsk. Tsk. Tsk. Masamang simula.

Kabanata 33: Malayang Isipan

Nang sumunod na gabi...


Utusan: Señor, may gusto pong kumausap sa inyo sa labas.

Ibarra: Sino siya?

Utusan: Hindi po siya nagpakilala, pero ang sabi niya ay kilala mo daw siya.

Ibarra: Sige, papasukin mo siya.

Pinapasok ng utusan ang panauhin at tumambad kay Ibarra si Elias.

Ibarra: Elias! Tuloy ka. Hindi ko inaakala na ikaw ang darating. Tara mag-usap tayo.

Elias: Patawad, Señor. Pero dapat talaga ay mag-ingat na kayo. Marami kayong lihim na kaaway!

Ibarra: Hindi lang ikaw ang unang nagsabi sa akin niyan.

Elias: Marami pa silang mga nagtatago sa likod ng mga nakangiting mukha at mabait na katauhan.
Isa na ang taong madilaw kanina sa kanila. Hindi lamang po ako sigurado sa iba sa kanila. Upang
hindi kayo mapahamak, kailangang hindi malaman ng inyong kaaway na kayo’y handa. Mas mabuti
kung makikita ng inyong kaaway na kayo’y hindi nag-iingat at kayo’y nagtitiwala sa lahat.

Ibarra: Ikinalulungkot ko lamang ang pagkamatay ng taong iyon kanina. Kung nabuhay siya ay
malamang napakinabangan natin siya upang matunton ang iba ko pang kaaway.

Elias: (napangiti) Patawad, Don Ibarra ngunit nagkakamali kayo. Sa galit niya, kung siya’y buhay, ay
magtatago na lamang siya mula sa baluktot nating pamahalaan. Ngunit mukhang nilalayon ng
Diyos ang mamatay siya. Sana ay lagi ninyong paghandaan ang bawat sandali dahil paniguradong
naghahanda rin sila upang mapuksa ka. Bueno, Señor. Aalis na ako. Maraming salamat po.

Ibarra: Ako ang dapat magpasalamat dahil niligtas mo ang aking buhay. Magkikita pa ba tayo ulit?

Elias: Oo naman, Señor. Kahit kalian ninyo naisin at kahit kalian ninyo ako kailangan. May
pagkakautang pa ako sa inyo, at alam kong hindi sapat ang aking ginawa upang mabayaran iyon.
Ibarra: Paalam, Elias.

Elias: (ngumiti)

Ang Pananghalian

P: Bakit hindi ninyo ipagpatuloy ang inyong pag-uusap?

Alkalde: Nabanggit lamang sa akin ni Crisostomo ang mga taong nakatulong sa kanya gaya ng
arkitekto at ng Reverencia.

P: Nakatatawa ang mga taong kumukuha ng serbisyo ng isang arkitekto. Nagpapakita lamang ng
kamangmangan ng isang Indio na nagdudunung-dunungan! Ako lamang ang gumuhit ng plano ng
simbahang iyan.

Alkalde: Subalit ang ipinapatayong gusali ni G. Ibarra ay nangangailangan ng eksperto.

P: Eksperto? Ang isang paaralan ay binubuo lamang ng apat na pader at isang bubong na sawali.

Alkalde: Sandali lamang Padre Damaso.

P: Magbabayad ang lahat! Ngayon pa lamang ay pinarurusahan na ang ama ng isang ulupong!
Nangangamatay sa loob ng bilangguan at ni walang mahigaang...

Sa sobrang galit ni Ibarra ay hinawakan niya ang leeg ng pari upang hindi ito makakilos at saka
iniamba ang matalim na kutsilyo.

Ibarra: Wala kahit sinuman ang maaaring umalipusta sa aking ama! Itong paring ito ang
pinakainiwas-iwasan ko. Isang paring walang galang, at walang utang na loob! Isa siyang
demonyong nagbabanal-banalan! Siguro naman ay dapat siyang mamatay!

Alkalde: Huwag, Señor. Huwag niyong hayaan ang sarili ninyong magkasala sa Diyos!
Ibarra: Magdasal ka na sa lahat ng santo, Padre. Makikita na natin kung dugo o lusak ang
dumadaloy sa mga ugat mo!

Narrator: Iniangat ni Crisostomo ang braso at aktong uundayan ng saksak si Padre Damaso sa
dibdib.

Nabigla ang mga guardia civil dahil ang Doña ay narinig nilang matatas managalog. Napahiya ang
Doña. Sa pagkapahiya, pinaalis ng Donya ang bantay. Lumalakad na payaot padito sa silid na
hinuhutok ng kamay ang latigo; at saka huminto sa harap ng baliw.

D. Consolacion: Bayla—baila, baila!

Nag-iindak siya upang ganyakin ang baliw na siya ay gayahin. Minamasdan ni Sisa ang donya na
nakangiti at natutuwa sa ginagawa ng Doña. Napahiya ang Doña at itinaas ang hawak nitong
latigo.

D: Ngayo’y ikaw naman ang sumayaw-----sayaw! (palo) Baila, india! [Tuloy tuloy na palo] Baila,
baila, condenada, salbahe!

Dumating ang alperes na walang kibo.

D: Ano ang nangyayari sa iyo? Hindi ka man lamang nagbigay ng magandang gabi.

Alperes: (Tinawag ang bantay) Dalhin mo ang baliw na ito. Sabihin mo kay Marta na bigyan niya ng
ibang baro at gamutin. Pakainin mo siya nang maigi, bigyan ng mabuting higaan----mag-ingat kayo
at huwag siyang lapastanganin. Bukas ay ihahatid siya sa bahay ni Ginoong Ibarra.

Ang Mag-Asawang de Espadaña Ang dumating ay si Dr. Tiburcio de Espadaña, ang asawa nito na si
Doktora Donya Victorina de Espadaña, at Linares

Donya Victorina: Ipinakikilala ko sa inyo si Don Alfonso Linares de Espadaña, Siya’y inaanak ng
kamag-anak ni Padre damaso at tanging kalihim ng lahat ng ministro.

Magalang na yumuko ang binata. Ang mga maleta ay dinala sa itaas at sinamahan ni Kapitang
Tiyago ang mga panauhin sa kani-kanilang silid. Samantalang sila’y nagmiminindal ay dumating si
Padre Salvi at si Linares ay ipinakilala na kakabit ang lahat ng titulo.
Donya Victorina: Naparito ang Kapitang Heneral? KASINUNGALINGAN!!!

K. Tiago: Maniwala kayo at diyan umupo.

Donya Victorina: Sayang! Kung Maaga-aga sana ang pagkakasakit ni Clarita! Narinig mo ba, pinsan?
Hindi karaniwang tahanan ang iyong pinanhik. Sinasabi ko sa iyo, Don Santiago, na ang aming
pinsang ito ay kaibigan ng mga duke at ministro sa Madrid at malimit kumain sa bahay ng Conde del
Campanario.

Don Tiburcio: Ng Duque de la Torre.

Linares:Saan ko po kaya matatagpuan si Padre Damaso? May liham po akong dala para sa kanya.
Siya sana’y sasadyain ko kundi dahil pagkakataong ito na ako’y naparito.

Salvi: Nasa Bayang ito siya ngayon at mamaya’y parito.

Donya Victorina: De Espadaña, Tingnan natin si Clarita. Alang-alang lamang sa inyo ang asawa ko’y
hindi gumagamot kundi sa matataas na tao noong siya’y masa Madrid pa.

Pinulsuhan ni Don Tiburcio si Maria Clara. Tinignan ang dila at saka nagtanong ng ilan, kasabay ang
pag-iling ng ulo.]

Don Tiburcio: Ma.. sakit, ngunit mapagagaling. Sa umaga ay Liquen at gatas, jarabe de altea at
dalawang pildoras de Cinaglos.

Donya Victorina: Gagaling ka, Clarita. Lakasan mo ang iyong loob. Ang sadya naming ay gamutin ka.
Ipakikilala kita sa aming pinsan.

Padre Salvi: G. Linares, narito si Padre Damaso.

Mga Balak Si Padre Damaso ay tuluy-tuloy sa katre ng maysakit at saka hinahawakan ang kamay ng
dalaga.
Padre Damaso: MARIA!!! Maria, anak ko, hindi ka mamamatay. (bulong na lumuluha)

Namangha si Maria Clara nang idilat ang kanyang mga mata dahil sa namalas niyang anyo ni Padre
Damaso. Siya’y lumabas, at sa silong ng balag na nasa balkon ni Maria Clara ay ibinulalas niya ang
kanyang damdamin. Si Donya Victorina ay lumapit kay Padre Damaso nang ito’y matiwasay na at
ipinakilala si Linares. Iniabot ng binata ang liham, ngunit sisya’y minasdan ni Padre Damaso mula ulo
hanggang paa. Ang liham ay binasa na tila hindi naunawaan.

Padre Damaso: A.......! Ikaw ang inaanak ni Carlicos. (Niyakap ni Damaso Si Linares) May liham siya
sa akin ukol sa iyo, ngunit hindi kita nakilala. Dangan kasi’y hindi ka pa isinisilang nang ako’y umalis
sa Espanya. (Hinigpitang lalo ang pagkakayakap kay Linares. Nakalimutan ang kalungkutan)

Damaso: A....! sinasabing ihanap kita ng mapapasukan at asawa. Um!. Sa mapapasukan ay madali.
Marunong ka bang magbasa at sumulat?

Linares: Ako po ay nag-aaral ng pagkamanananggol sa Universidad ng Central.

Damaso: Diyaske! Hindi ko akalain. Para kang mahinhing babae... A!!! bibigyan kita ng isang babae.
Oo, isang babae.

Linares:Hindi po naman ako nagmamadali, Padre.

Damaso: Halika at kausapin natin si Santiago.

Si Linares ay namutla ngunit sumunod din. Si Padre Salvi naman ang humaliling paroo’t parito na
nag-iisip.

Ang Mga Pinag-uusig Samantala, si Elias naman ay kinakausap ang isang kaibigan sa gubat sa
Batangas.

Elias: Huwag nating hayaan na dumanak ang dugo, Kapitan. Alam kong tutulungan tayo ni Senor
Ibarra. Maipaaabot niya ang ating mga hinaing sa Kapitan-Heneral na malapit sa kanya.

Kapitan Pablo: Hindi ako kumbinsido, lalo na’t siya’y isang mayaman. Ang halos lahat ng mga
mayayaman ay walang inatupag kundi ang magpayaman pa.
Elias: Bigyan niyo po ako ng pagkakataon na gawin ang mapayapang planong ito. Kung
maisasagawa ito, maiiwasan ang pagdanak ng dugo.

Kapitan Pablo: At kung ika’y hindi nagtagumpay?

Elias: Kung gayon ay ilalagay ko ang sarili ko sa ilalim ng iyong pamamahala.

Narrator: Napangiti ang kapitan sa narinig kay Elias.

Kapitan Pablo: Kung gayon ay ipakilala mo sa akin ang mga kasama mo at ang kanilang mga sariling
sinapit sa kamay ng mga napakalupit na Espanyol.

Alperes: Ikaw ang bumili ng asal! Mga walang modo. Naturingang mayaman ngunit sayad sa lupa
ang ugali!

Don Tiburcio: Magtigil ka Alperes! Kung makaalipusta ka sa amin ay parang kayganda ng iyong
moral!

Napadaan si Padre salvi sa kalye ng bahay ng Alperes at nakita ang namuong komosyon.

Padre Salvi: Magtigil kayo sa ngalan ng Panginoon! Para kayong mga hayop! Mga edukado naman
kayong mga tao! Nakahihiyang isipin na pati kayong mga taga-alta de sociedad ay tumutulad na sa
mga Indiyo! Hala, pagsisihan nin ang inyong mga kasalanan at siguraduhin ninyong magkukumpisal
kayo. Intiendes?

Lahat: Si, Reverencia.

Padre Salvi: Kayong mga manonood, magsiuwi na kayo! Nandito na kayo’t lahat ay hindi pa ninyo
inawat! (titingala) Diyos ko po, patawarin mo sila at hindi nila alam ang kanilang mga ginagawa!
(maiinis)

Dona Victorina (wala na ang Alperes at si Dona Consolacion): Luluwas tayo ng Maynila.
Magsusumbong tayo sa Kapitan- Heneral. (Inis na inis sa asawa) Hindi mo man lang ipinaglaban ang
pagkalalaki mo! Dapat ay hinamon mo ang Alperes ng rebolber o kaya’y sable o kaya’y...(napatingin
sa pustiso ng asawa)
Don Tiburcio: Iha, alam mo naming hindi pa ako nakakahawak ng...

Hindi na natapos ng Don ang pagsasalita pagka’t dinagukan siya sa ulo ng asawa na ikinalaglag ng
kanyang pustiso. Pagkalaglag nito sa lupa ay tinapak-tapakan ito ng Dona.

Mga Pagbabago

Samantala, sa bahay ni Kapitan Tiago, Si Maria Clara, Linares, Sinang at Victoria ay nag-uusap.

Maria Clara: Gaya ni Ibarra ay nagpunta ka rin pala sa maraming bansa!

Linares: Marahil ay magkaparehas kami ni Ibarra ng hilig.

Ngunit naputol ang kanilang usapan dahil sa pagmumukmok ni Doña Victorina.

Doña Victorina: Linares, puntahan mo ang alperes at hamunin mo siya ng sable o...

Linares: Bakit Doña Victorina? anong nangyari?

Doña Victorina: Dahil siya at ang querida niya ay nilibak kami! Responsibilidad mong ipagtanggol
kami. Kung hindi ay malalaman nila ang tunay mong pagkatao!

Linares: Huwag kayong mag-ingay Doña Victorina.

Biglang sumingit si Kapitan Tiago sa usapan.

K. Tiago: Kung gayon ay ano ang gusto mong mangyari, Doña?

Doña Victorina: Ang pinsan kong si Linares ay hahamunin ang alperes. Kung hindi siya pumayag ay
huwag mo siyang ipakasal sa iyong anak!
Nabigla si Maria Clara sa nasabi ni Doña Victorina. Nalaman na niya na ipinagkasundo siya kay
Linares.

Doña Victorina: Bakit umiiyak si Clarita?

K. Tiago: Hindi siya nasabihan sa ating pagkakasundo... na hindi si Ibarra ang pakakasalan niya kundi
si Linares.

Walang Lihim na Hindi Nabubunyag

Si Padre Salvi ay nagmamadaling tumungo sa tahanan ng alperes.

P: Ngayon ninyo mapapatunayan ang kahalagahan ng mga prayle. Isang babae ang nangumpisal na
ngayong gabi, ganap na ikawalo ay sasalakayin ang kwartel, papasukin ang kumbento at papatayin
ang mga Kastila. Magkakaroon ng isang malaking pag-aalsa.

ALPERES: [kinuha ang rebolber] Sino ang taong huhulihin ko?

P: Huminahon kayo. Ang dapat ay paghandaan ninyo ang pagsalakay nila. Padalhan ninyo ako ng
apat na guwardiya sibil at pasabihan din ang mga bantay sa mga daungan. Kailangang maging
maingat kayo upang sila’y mahuli. Tungkulin ninyo iyan at sapagkat kayo ang tatanggap ng medalya
sakaling magtagumpay kayo, sana’y hindi ninyo malimutang banggitin ang aking ginawa.

Dali dali namang pumunta si Elias sa bahay ni Ibarra

ELIAS: Natuklasan na magkakaroon ng isang malaking pag-aalsa at kayo ang nakatakdang


mapahamak sapagkat isisigaw ang inyong pangalan ng mga manghihimagsik na bayaran. Huwag
na kayong mag-alinlangan pa, Ginoo. Anumang oras ay maaaring sumiklab ang pag-aalsa!
Kailangan na ninyong umalis.

IBARRA: Saan ako pupunta? May naghihintay sa akin?

ELIAS: Kahit saang lugar. Maynila o sa bahay ng isang makapangyarihan upang hindi nila masabing
totoong may kinalaman kayo dito.
IBARRA: Paano kung ako ang magsuplong ng pag-aalsa?

ELIAS: Iisipin nila kayo’y taksil at ipinain sila para mahuli. Sunugin ang mga kasulatan, tumakas at
maghintay kung ano ang mangyayari yan ang dapat mong gawin.

IBARRA: Si Maria Clara? Hindi. pang mamatay na lang. Tulungan mo ako Ginoo. Diyan nakatago ang
kasulatan ng aming pamilya. Ibukod ninyo ang sulat ng aking ama na lalong magpapahamak sa
akin.

Kumilos sina Elias at Ibarra. Pinunit ang ilang kasulatan at itinago ang iba.

ELIAS: Nakikilala po ba ninyo si Don Pedro Eibarramendia?

IBARRA: Siya ang lolo ko sa tuhod.

ELIAS: Siya ang dahilan ng kasawian ng aming angkan. Kayo ang itinuro sa akin ng Diyos para
makapaghiganti. (Niyugyog ang balikat ni Ibarra) Tingnan ninyo akong mabuti! Tingnan ninyo ang
mukhang ito na punung-puno ng pagtitiis! Samantalang kayo’y nabubuhay..umiibig..
kayamanan...kinikilala..! Nabubuhay!

English

Philippines

Company

About Us

Ask AI

Studocu World University Ranking 2023

E-Learning Statistics

Doing Good

Academic Integrity

Jobs

Blog
Dutch Website

Contact & Help

F.A.Q.

Contact

Newsroom

Legal

Terms

Privacy Policy

Cookie Statement

Google Play Link

Copyright © 2023 StudeerSnel B.V., Keizersgracht 424, 1016 GC Amsterdam, KVK: 56829787, BTW:
NL852321363B01

You might also like