You are on page 1of 2

GAWAING PASULAT NA GINAWANG PASALITA (SPOKEN WORD POETRY)

PAGPAPAHALAGANG PAMPANITIKAN

ni Joy Pasco

Pagpapahalagang Pampanitikan,

Paano ba natin maiuugnay sa kasalukuyang henerasyon,

sa mga nakatalang diwa ng kaisipan, damdamin at karanasan ng literatura?

Ano nga ba ang lagay nito, sa pagbibigay ng malalim na interpretasyon

at malawak na pag-unawa sa mga di matatawarang obra ng kasaysayan?

Paano ba natin mapapalakas at mapapaigting ang hangarin na mabigyan ng hustisya

ang Panitikang atin?

Sa aking napagtanto ang dalawang mabigat na bagay,

PRIBILEHIYO at RESPONSIBILIDAD.

Pribilehiyo, pribilehiyo na makabasa ng isang obra at sumailalim ng isang pagsusuri,

pribilehiyo na mapasok ang mundo ng panitikan

at maging bahagi nito sa sariling pag-unawa’t pagpapakahulugan.

Ituring din natin isa itong responsibilidad,

sapagkat kaakibat ng pag-unawa sa akdang ating binasa

ay may karampatang aksyon na dapat isaalang-alang.

Responsibilidad natin na makagawa ng isang malikhaing interpretasyon,

Base sa mga aral na naidulot ng nito,

responsibilidad nating maipakita’t maipamalas sa kapwa at lipunan,

ang kuntil butil na dala ng ating binasa


responsibilidad din natin na maging pangunahing tagapagtangkilik,

tagataguyod, tagataguyod ng mga akdang pampanitikan,

na hindi lamang sa pansariling buhay,

kundi maging sa impluwensya na maibahagi natin ito,

sa mga susunod pang henerasyon.

You might also like