You are on page 1of 1

Nagsimula ang kwento sa Istaked na kung saan pinagkakaguluhan ng mga tao si

Tata Selo sa kadahilanang napatay nito ang Kabesang Tano na nagmamay-ari ng


lupang sinasakahan ni Tata Selo, na ayon sa kanya ay pag-aari niya noon subalit
naisanla niya at naembargo.
Nataga at napatay ni Tata Selo ang Kabesa sa kadahilanang pinaalis ito sa kanyang
lupang sinasakahan subalit tumanggi at pinagpilitan ni Tata Selo na malakas pa
siya at kaya pa niyang magsaka, subalit tinungkod ito ng tinungkod ng Kabesa sa
noo paliwanag ni Tata Selo sa binatang anak ng pinakamayamang propitaryo, sa
Alkalde at maging sa Hepe na nagmalupit sa kanya sa loob ng istaked na pawang
mga kilala ng Kabesa.
Nang makalawang araw, dumalaw ang anak niyang si Saling na dati'y nakatira at
nanilbihan sa Kabesa, subalit umuwi ito sa kadahilanang nagkasakit ito
makalawang araw bago ang insindente, Nakakahabag si Tata Selo nang maisipan
nalang nitong pauwiin si Saling sa kadahilang wala na silang magagawa,
pinatawag si Saling nang Alkalde sa kaniyang tanggapan at pinuntahan niya iyon
at hindi nakinig sa ama nito, dumating muli ang bata na dumalaw sa kanya at
inutusan upang pumunta sa tanggapan ng alkalde subalit hindi ito papasukin
pahayag ng bata, Hindi ito inalintana ni Tata Selo at sinabi nalang nito na "inagaw
sa kanya ang lahat".

You might also like