You are on page 1of 14

Ang mga babaylan ay isang lider-

ispiritwal na may tungkuling panrelihiyon


at inihahalintulad sa mga sinaunang
priestess at shaman. Ito ay tumutukoy sa
babae, ngunit kadalasan ay mayroon ding
lalaking babaylan (mga asog sa Visayas).
Ang mga lalaki ay hindi lamang
nagsususuot ng kaugaliang kasuotan ng
mga babae, ginagaya rin nila ang kilos ng
mga babae, at pinagkakalooban ng
panlipunang pagkilalang simboliko bilang
“tila-babae”. Ilan sa mga babaylang lalaki
ay kasal sa kapwa lalaki.
Para sa mga Espanyol, ang mga babaylan ay kinakatakutan dahil sa makapangyarihang
posisyon nito. At sa panahon ng mga Espanyol, lumaganap ang kristiyanismo.
Dekada 60 ang
pinaniniwalang dekada
kung saan umusbong ang
Philippine Gay Culture sa
Pilipinas. Maraming akda
ang nailathala na ang
tinatalakay ay
Homoseksuwalidad. Ang
ilan sa mga ito ay mga
akda nina Victor Gamboa
at Henry Feenstra, Lee
Sechrest at Luis Flores.
Sa mga huling bahagi ng Dekada 80 at unang bahagi ng Dekada 90; ang
paglabas ng Ladlad, isang antolohiya ng panulat ng mga Pilipino na miyembro ng
gay community. Ito ay inedit nina Danton Remoto at J. Neil Garcia noong 1993.
Ang isinulat naman ni Margarita Go-Singco Holmes noong 2004
ay “A Different love Being Gay in the Philippines”. At sumali ang
di-kilalang samahan na Lesbian Collective sa martsa ng
International Women’s Day noong Marso 1992.

Margarita Go-Singco Holmes


Ang Dekada 90 ay ang simula ng LGBT movement
sa Pilipinas. Itinatag sa Pilipinas ang:
• ProGay Philippines (1993)
• Metropolitan Community Church (1992)
• UP Babaylan (1992)

Mga lesbian Organization na sumulpot noong


Dekada 90:
• CLIC (Cannot Live in a Closet)
• Lesbian Advocates Philippines (LeAP)
ProGay Philippines (1993) Metropolitan Community Church
(1992)
UP Babaylan (1992)
Ang Unang Partidong Politikal na kumonsulta sa LGBT Community ay ang
Partidong Akbayan Citizen’s Action Party at ang konsultasyong ito ang nagbigay daan
sa pagkakabuo ng unang LGBT lobby group- ang Lesbian and Gay Legislative
Advocacy Network o LAGABLAB noong 1999.
Noong Setyembre 21, 2003, itinatag ni Danton Remoto (propesor sa Ateneo
de Manila University) ang political na partido na Ang Ladlad. Noong Abril
2010, ang partido ay pinayagan na ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas na
sila ay lumahok sa halalan.

Nooong 2004, ginanap sa


Maynila ang ika-10 anibersaryo

LGBT ng LGBT pride sa Pilipinas bilang


bahagi ng Gay Pride March. Ang
pagdiriwang na ito ay dinaluhan
ng mga indibidwal na kinikilala
ang sarili bilang bahagi ng
pamayanan ng LGBT.
Isang Pilipinong mamamahayag at politiko. Siya ang
kauna-unahang transgender woman na miyembro ng Kongreso ng
Pilipinas. Siya ang tagapagsulong ng ‘Anti- Discrimination Bill’.

“Recognizing our rights and dignity will in no


way diminish yours. We are not asking for special privileges or
extra rights. We simply ask for equality. With inclusiveness and
diversity, our nation has so much to gain.“ (part of her maiden
speech about Anti-Discrimination Bill).
Isang Pilipinong manunulat, mamamahayag,
editor, tagapamahala, at propesor. Siya ay ang
tagapangulong emeritus ng Ang Ladlad, isang
lesbian, gay, bisexual, at transgender (LGBT) na
pampulitikong partido sa Pilipinas.

You might also like