You are on page 1of 26

TALAMBUHAY NI

DR. JOSE P. RIZAL


 Kahulugan ng mga Pangalan ni Jose
Rizal
 Dr. – nagmula sa kanyang pagtatapos ng
kursong medisina sa Universidad Central
de Madrid Jose – pinili ng kanyang ina na
isang deboto ni Saint Joseph (San Jose)
 Protacio – nagmula kay Gervacio P. na
galing sa isang kristiyanong kalendaryo
 Mercado – ginamit ng nuno ni Dr. Jose Rizal
na si Domingo Lamco ang apelyidong ito.
Ang Mercado ay hango sa salitang Ingles na
market.
Rizal – hango sa salitang ricial na ang ibig
sabihin ay luntian na bukirin
Alonzo – dating apelyido ng kanyang ina
Realonda – ginamit ni Donya Teodora na
nagmula sa kanyang lola
 Ginamit ni Rizal at ng kanyang pamilya
ang apelyidong Rizal at Realonda dahil
sa isang kautusan mula kay
Gobernador-Heneral Narciso
Claveria na kailangang gumamit ng
mga Pilipino ng mga apelyidong
Espanyol para sa layuning pan-census.
 Petsa ng Kapanganakan: Hunyo 19 , 1861
Lugar ng Kapanganakan: Calamba ,
Laguna
Petsa ng Kamatayan: Disyembre 30 , 1896
Lugar ng Kamatayan: Bagumbayan na
ngayon ay Rizal Park na matatagpuan sa
Maynila
 Pamilya ni Rizal
 Magulang
 Si Don Francisco Mercado ang ama ni Jose Rizal. Siya
ay bunso sa labintatlong magkakapatid. Pinanganak
noong Mayo 11,1818 sa Binan, Laguna. Nakapag-aral
ng pilosopiya at wikang Latin sa Colegio de San Jose sa
Maynila at pumanaw noong Enero 5, 1898.
 Doña Teodora Alonzo y Quintos Realonda ang ina ni Jose
Rizal. Ikalawang anak ni Lorenzo Alonzo at Brigida de
Quintos. Pinanganak noong Nobyembre 9,1827 sa Tondo,
Maynila. Nag-aral sa Colegio de San Jose sa Maynila at
namatay noong Agosto 16, 1911.
 Mga Kapatid
 Saturnina- Siya ay ang panganay na anak nina Francisco Mercado at Teodora
Alonzo. Neneng ang kanyang palayaw si Manuel Timoteo Hidalgo na taga-Batangas ang
kanyang naging asawa.
 Paciano- Siya ay ang ikalawang anak nina Francisco Mercado at Teodora Alonzo. Naging
guro at kaibigan niya si Padre Jose Burgos. Nakisali sa kilusang propaganda, Katipunan, at
Digmaang Pilipino-Amerikano
 Narcisa- Siya ay ang ikatlong anak nina Francisco Mercado at Teodora Alonzo. Sisa ang
kanyang palayaw. Nagsanla at nagbenta ng mga alahas para may pondo si Rizal sa
kanyang pag-aaral sa Europa. Si Antonino Lopez ang pangalan ng kanyang asawa.
 Olimpia- Siya ay ang ikaapat na anak nina Francisco Mercado at Teodora Alonzo . Si
Silvestre Ubaldo ang asawa ni Olympia Rizal. Siya ay namatay noong Agosto 1887 dahil sa
komplikasyon sa pagbubuntis niya sa ikatlong anak.
 Lucia- siya ay ang ikalimang anak nina Francisco Mercado at Teodora Alonzo. Mariano Herbos ang
kanyang asawa. Pinagbintangan siya ng mga Espanyol na sinulsulan ang mga kanilang kababayan na hindi
magbayad ng upa.
 Maria– siya ay ang ikaanim na anak nina Francisco Mercado at Teodora Alonzo. Si Daniel Faustino
Cruz asawa ni Maria Rizal. Kinausap ni Jose Rizal noong gusto niyang pakasalan si Josephine Bracken.
 Jose – Siya ay ang ikapitong anak nina Francisco Mercado at Teodora Alonzo at tinaguriang bilang
Pambansang Bayani ng Pilipinas.
 Concepcion– Siya ay ang ikawalong anak nina Francisco Mercado at Teodora Alonzo at paboritong kapatid
ni Jose Rizal. Namatay noong siya ay tatlong taong gulang.
 Josefa – Siya ay ang ikasiyam na anak nina Francisco Mercado at Teodora Alonzo ang kanyang palayaw
ay Panggoy. Nagkaroon ng sakit na epilepsy. Sumapi sa sektor ng kababaihan ng Katipunan, kasama si
Gregoria de Jesus.
 Trinidad Rizal-Mercado – Siya ay ang ikasampung anak nina Francisco Mercado at Teodora Alonzo. Ang
kanyang palayaw ay Trining. Katulad ni Josefa Rizal, sumapi rin siya sa Katipunan.
 Soledad – Siya ay ang bunsong anak nina Francisco Mercado at Teodora Alonzo. Ang kanyang palayaw ay
Choleng. Isang guro at pinaka-edukado sa magkakapatid.
 Ang Buhay Pag-ibig ni Rizal
 Julia – Nagkita sila ni Rizal sa Ilog Dampalit, sa Los Banos, Laguna.
Panandalian lamang ang paghanga ni Rizal sa kanya.
 Segunda Katigbak – Tinaguriang unang pag-ibig ni Jose Rizal. Nagmula sa Lipa,
Batangas. Noong una sila nagkita, pumayag si Segunda na iguhit ang kanyang larawan ni
Rizal. Natigil lamang ang pagsuyo ni Rizal kay Segunda, noong nagpakasal na si Segunda
sa isang binata na ang pangalan ay Manuel Luz.
 Vicenta Ybardaloza – Tinatawag din na Binibining L, na isang guro. Laging binibisita ni
Rizal si Vicenta sa kanyang tirahan sa Pakil, Laguna. Nahinto lamang ang kanyang
pagbisita dahil pinagbawalan siya ng kanyang ama.
 Leonor Valenzuela • Nagkilala sila noong ikalawang taon ni Rizal sa Unibersidad ng Santo
Tomas. Sila ay nagpapalitan ng sulat, at ang gamit na tinta ay yari sa asin at tubig. Hindi
nagtagal ang kanilang pagmamahalan, pero nagkasundo sila na sila lamang ay magkaibigan
lamang.
 Leonor Rivera – Pinsan ni Jose Rizal. Mula Camiling, Tarlac. Nagsimula ang
kanilang pagmamahalan ng masugatan si Rizal sa isang pag- aaway at ang
kanyang mga sugat ay ginamot ni Leonor. Matagal nagkahiwalay ang dalawa
dahil pumunta si Rizal sa Madrid. Pinagkasundo ng ina ni Leonor kay Henry
Kipping at sila ay kinasal noong Hunyo 17, 1891.
 Consuelo Ortega y Perez – Anak ni Don Pablo Ortega y Rey, na alkade ng
Maynila noon. Ayaw ni Rizal na magkaroon ng relasyon kay Consuelo dahil
may kasunduan na sila ni Leonor Rivera. Nag-compose si Rizal ng isang tula
na alay kay Consuelo na may pamagat na A la Senorita C.O.y.P na
nagsasalaysay ng paghanga ni Rizal sa kanya.
 Seiko Usui – Tinatawag din siya ni Rizal na O-Sei- San. Anak ng isang
samurai. Nagkilala si Rizal at O-Sei-San noong 1888 sa Azabu, Distrito ng
Tokyo. Tinulungan niyang makilala ang kulturang Hapones. Tinuruan din
niyang bumasa at sumulat si Rizal ng Wikang Nihongo. Pagkatapos ng mahigit
isang buwan ng kanilang pagsasama, umalis si Rizal patungong Amerika.
 Gertrude Beckett – Siya ang pinakamatanda sa tatlong magkakapatid. Anak ni Charles
Beckett, isang organist sa St. Paul Church sa London. Tinawag ni Rizal si Beckett bilang
Gettie.
 Suzanne Jacoby – Noong pumunta si Rizal sa Brussels, tumira siya sa bahay ni Suzanne
Jacoby. At habang lumipas ang panahon, si Rizal at si Suzanne ay nag-ibigan. Hindi
nagtagal at umalis na si Rizal sa Brussels para ipagpatuloy ang kanyang paglalakbay.
 Nellie Boustead – Bunsong anak ni Eduardo Boustead, isang mangangalakal na Briton.
Sumulat si Rizal sa kanyang mga kaibigan, na gusto niyang magpakasal kay Nellie. Subalit
may isang kondisyon si Nellie, kailangang magpalit ng relihiyon si Rizal bilang isang
Protestante, pero umayaw siya dito at hiniwalayan si Nellie.
 Josephine Bracken – Anak nina James Bracken, isang korporal at Elizabeth Jane
MacBride. Nagustuhan nila ang isa’t isa sa una nilang pagkikita. Noong unang bahagi ng
1896, nagdadalang tao na si Josephine Bracken ng walong buwan.
 Edukasyon
 Teodora Alonzo Mercado-Rizal, ang kanyang ina ang nagsilbing unang guro niya. Tinuruan
siya magsulat, magbasa at magdasal. Noong apat na taong gulang si Rizal, nakamit niya ang
pormal na edukasyon sa pamamagitan ng gurong binayaran ng kanyang ama na si Leon
Monrog, na nagturo sa kanya ng Latin.
 Si Maestro Celestino ang kauna-unahang pribadong tagapagturo ni Jose Rizal na kinuha ng
kanyang mga magulang. Ipinagpatuloy ni Rizal ang kanyang pag-aaral sa Binan noong 1870 sa
pangunguna ng guro niya na si Justinian Aquino Cruz. Pinasukan din ni Rizal ang libreng pag-
aaral ng painting sa ilalim ng pagtuturo ni Old Juancho o Matandang Juancho.
 Noong Disyembre 17, 1870, umalis sa Binan si Rizal at bumalik sa Calamba na sakay ng
Talim, isang bapor. Pagbalik ni Rizal sa Calamba ay nag-aral siya sa ilalim ni Maestro Lucas
Padua. Pagkatapos ng isang taon, pumunta si Rizal sa Maynila at nag-aral sa Colegio de San
Juan de Letran.
 Kumuha si Rizal ng entrance exam sa Ateneo de Manila University noong Hunyo 10, 1872 at
siya ay tuluyang nakapasok sa unibersidad na ito. Si Padre Jose Bech ang unang propesor ni
Rizal sa Ateneo. Si Rizal ay napunta sa dibisyon Carthaginians at sa loob ng isang buwan, siya
ay naging emperor o ang pinakamataas na rango sa klase.
 Kumuha si Rizal ng entrance exam sa Ateneo de Manila University noong Hunyo 10, 1872 at siya ay tuluyang
nakapasok sa unibersidad na ito. Si Padre Jose Bech ang unang propesor ni Rizal sa Ateneo. Si Rizal ay napunta sa
dibisyon Carthaginians at sa loob ng isang buwan, siya ay naging emperor o ang pinakamataas na rango sa klase.
 Noong ikalawang taon niya ng pag-aaral, nahiligan na ni Rizal na magbasa. Ang kanyang unang minahal na nobela
ay ang The Count of Monte Cristo by Alexander Dumas.. Noong Marso 23, 1877, nakapagtapos si Rizal at nakamit
ang sobresaliente sa Bachelor of Arts.
 Extra-Curricular Activities ni Rizal: Extra-Curricular Activities ni Rizal: Sekretarya ng Marian Congregation,
Miyembro ng Academy of Spanish Literature at ng Academy of Natural Sciences, Sumali sa gymnastics at fencing,
Nag-aral ng painting sa ilalim ng tanyag na pintor na Espanyol na si Agustin Saez
 Noong Hunyo 1877, nag- enrol si Rizal sa Unibersidad ng Santo Tomas sa kursong Pilosopiya at Panitikan. Noong
unang taon niya sa UST, nag-aral si Rizal ng mga asignaturang Cosmology, Metaphysics, Theodicy at Kasaysayan
ng Pilosopiya. Kinuha ni Rizal ang kursong medisina sa UST na pinag- aralan niya mula 1877 hanggang 1879.
Habang nag-aaral si Rizal sa UST, natapos ni Rizal ang kursong Surveying Course sa Ateneo noong 1878. Noong
1880, nagtatag si Rizal ng isang sikretong grupong tinatawag na Companeros, na lahat ng miyembro ay mga
Pilipino.. Naglaon, hindi na rin nagustuhan ni Rizal ang pamamaraan ng pagtuturo at pagtrato sa kanya ng mga
propesor at ng kapwa niya estudyante, kaya napag- desisyunan niyang pumunta sa ibang bansa
 Noong 1882, umalis sa bansa si Rizal patungong Madrid, Espanya para doon ipagpatuloy ang pag-aaral ng kursong
medisina. Pumasok siya Universidad Central de Madrid at kinuha ang mga kursong medisina at filosofia y Letras.
Dahil sa kursong medisina, kinuha ni Rizal ang mga asignaturang Medical at Surgical Clinic at Legal Medicine.
 Wikang Pinag-aralan ni Rizal
 Tagalog , Bisaya , Subanon ,
Kastila , Ingles , Pranses , Latin ,
Aleman , Griyego , Arabe , Sanskrito
, Hebreo , Italyano , Portugis , Ruso ,
Olandes , Hapones , Tsino , Suveko ,
Catalan at Masayo
 Ang Paglalakbay ni Dr. Jose P. Rizal
 Noong Mayo 3, 1882 umalis si Rizal patungo sa Singapore na sakay ng
Salvadora, isang Spanish na barko. Mayo 9, 1882 dumaong ang Salvadora sa
Singapore. Hotel de La Paz dito nanirahan si Rizal habang siya ay nasa
Singapore sa loob ng dalawang araw.
 Mayo 11, 1882 sumakay si Rizal ng barkong Pranses na Djemnah na
patungong Europa. Mayo 17, 1882 dumaong ang Djemnah sa Point Galle,
Colombo dito’y namangha si Rizal sa ganda ng lugar.
 Sakay ng barkong Djemnah, narating ni Rizal ang Aden (na matatagpuan sa
kasalukuyang bansa na Yemen) noong Mayo 26, 1882.
 Hunyo 11, 1882 narating ni Rizal ang Naples sakay ng
barkong Djemnah. Hunyo 12, 1882 dumaong ang
barkong Djemnah sa Marseilles. Bumisita si Rizal sa Chateau d If, kung saan
kinulong ang bayani ng The Count of Monte Cristo na si Dantes.
 Hunyo 16, 1882 narating ni Rizal ang Barcelona, Espanya sa pamamagitan
ng pagsakay ng tren. Sinulat ni Jose Rizal sa Barcelona ang Amor Patrio
(Love of Country) na inilimbag sa Dyaryong Tagalog noong Agosto 20,
1882. Nobyembre 3, 1882 nag-enrol sa Unibersidad Central de Madrid.
Sa Antigua Café de Levante, dito umiinom ng kape si Rizal kasama ang iba
pang estudyante mula sa iba pang bansa.
 Hunyo 17 hanggang Agosto 20, 1883 nagtungo si Rizal sa Paris
France. Dito ay sumali si Rizal sa grupong Freemasonry upang masuportahan
siya sa laban niya sa Espanyol. Pagbalik niya sa Espanya, noong ika-24
niyang kaarawan, nakamtan ni Rizal ang digri ng Licentiate in Philosophy
and Letters ng Universidad Central de Madrid na may rating
na sobresaliente. Sa Paris din nakilala ni Rizal si Maximo Viola, isang
estudyante ng medisina na taga- Bulacan. Tinulungan ni Rizal si Juan
Luna sa pagpinta niya ng kanyang obra maestra na Blood Compact.
 Pebrero 3, 1886 dumating si Rizal sa makasaysayang lugar ng Heidelberg, Germany.
Si Dr. Karl Ullmer isang mabait na Protestanteng pastor na nagpatuloy kay Rizal sa
kanyang tirahan
 Agosto 14, 1886 narating ni Rizal ang lungsod ng Leipzig, Germany. Naging kaibigan
niya si Professor Friedrich Ratzel, na isang tanyag na Alemanyang historyador.
Oktubre 29, 1886 lumisan si Rizal sa Leipzig at tumungo sa Dresden Germany. Dito
niya nakilala niya si Dr. Adolph B. Meyer, direktor ng Anthropological at
Ethnological Museum.
 Nobyembre 1, 1886 dumating si Rizal sa Berlin. Namangha siya sa kapaligiran ng
Berlin at dito n’ya rin nakilala niya si Dr. Feodor Jagor, isang Alemang siyentista-
manlalakbay na nagsulat ng Travels in the Philippines, naibigan siyang basahin ito
habang siya ay nasa Maynila pa. Pinakilala ni Dr. Jagor si Rizal kay Rudolf Virchow,
ang tinaguriang Ama ng Patolohiya at may malaking kontribusyon sa Cell
Theory. Naging miyembro siya ng Anthropological
Society, Ethnological Society at Geographical Society. Dito natapos ni Rizal ang
pagsulat niya sa kanyang akda na Noli Me Tangere. Ang Berliner Buchdruckrei-
Action- Gesselschaft – printing-press ang naglathala ng 2,000 kopya nito.
 Mayo 11, 1887 ay lumisan si Rizal kasama si Maximo Viola sa Aleman para maglakbay pa sa
mga bansa sa Europa. Mayo 13, 1887 dumating sina Rizal at Viola sa Leitmeritz, Bohemia.
Tumagal sila doon ng tatlong araw. Nakilala nila si Dr. Carlos Czepelak na isang siyentista sa
Europa.
 Mayo 20, 1887 dumating si Rizal at Viola sa Vienna, kapital ng Austria- Hungary. Tumuloy
sila sa Hotel Metropole. Mayo 24, 1887 umalis sina Rizal at Viola sa Vienna patungo sa
Lintz, Austria sa pamamagitan ng barko na dumaan sa Ilog Danube at namangha si Rizal sa
ganda ng ilog na ito.
 Munich, Germany dito huminto sina Rizal at Viola para malasahan ang tanyag na Alak ng
Munich (Munich beer). Bumisita rin sila sa Nuremberg, isa sa mga pinakamatandang
lungsod sa Germany. Binisita rin nina Rizal at Viola ang Ulm Cathedral, ang pinakamalaking
katedral sa Alemanya.
 Hunyo 2-3, 1887 nanirahan sa Schaffhausen, Switzerland. Hunyo 6, 1887 nakarating
sa Geneva, Switzerland. Doon nagdiwang si Rizal ng kanyang ika-26 na kaarawan. Ito na rin
ang huling pagsasama ni Rizal at Viola. Papunta si Rizal sa Italya habang si Viola ay papunta
ng Barcelona sa Espanya. . Hunyo 27, 1887 narating ni Rizal ang Roma, kapitolyo ng Italya.
Hunyo 29, 1887, pista nina St. Peter at St. Paul ay nabisita ni Rizal ang Vatican.
 Pagbalik ni Rizal sa Maynila sa Unang Pagkakataon sakay ng barkong
Djemnah Maynila (ito rin ang nasakyan ni Rizal papuntang Espanya). Hulyo
30, 1887 lumipat si Rizal sa barkong Haiphong, na papuntang Maynila. Agosto
5, 1887 narating ni Rizal ang Maynila. Agosto 8, 1887 pumunta si Rizal sa
kanyang pinanggalingang-bayan, ang Calamba, Laguna, at doon nagtayo ng
isang maliit na medikal klinik.
 Pebrero 3, 1888 sumakay si Rizal sa barkong Zafiro na papuntang Hong
Kong. Pebrero 8, 1888 dumating si Rizal sa Hong Kong. Nanirahan siya
sa Victoria Hotel, kung saan tinanggap siya ng malugod ng mga Pilipinong
residente doon, katulad nina Jose Maria Basa at Balbino Mauricio
 Pebrero 18, 1888 umalis sina Rizal at Maria Basa papunta sa Hong
Kong sakay ng isang ferry steamer na ang tawag ay Kiu-
Kiang patungong Macao. Nanirahan sila sa bahay ni Don Juan Francisco
Lecaros, isang Pilipino. Pebrero 20, 1888 ay bumalik sina Rizal at Basa sa
Hong Kong, sakay muli ng Kiu-Kiang.
 Pebrero 22, 1888 sumakay si Rizal sa isang American Steamer, Oceanic,
papuntang Japan • Pebrero 28, 1888 dumating si Rizal sa Yokohama, Japan. Sa Tokyo
Hotel siya nanirahan mula Marso 2 hanggang Marso 7. Umalis na rin si Rizal sakay ng
barkong Belgic, isang English steamer, patungong Amerika
 Abril 28, 1888 dumaong ang Belgic sa San Francisco, California. Sa Palace Hotel
nanirahan si Rizal sa loob ng dalawang araw. Mayo 6, 1888 pumunta si Rizal
papunta Oakland, California. Mayo 13, 1888 dumating si Rizal sa New York City. Mayo
16, 1888 sumakay si Rizal sa barkong City of Rome, na inilarawan ni Rizal na pangalawa
sa pinakmalaking barko sa mundo (noong panahong iyon). Ang isang hindi magandang
impresyon ni Rizal sa Amerika ay ang kakulangan sa pantay na pinagmulan ng lahi.
 Mayo 24, 1888 dumating si Rizal sa Liverpool, England. Kinabukasan, umalis si Rizal
patungo sa London, England. Nanirahan siya sa bahay ni Dr. Antonio Maria
Regidor. Setyembre 1888 binisita ni Rizal ang Paris, France ng isang linggo para
maghanap ng mga historikal na materyales. Nagkita sila ni Juan Luna at ang kanyang
pamilya sa French metropolis. Disyembre 24, 1888 bumalik si Rizal sa Inglatera, para
doon mag-Pasko at mag-Bagong Taon.
 Enero 28, 1890 umalis si Rizal mula Paris papuntang Brussels, kabisera ng
Belgium. Sinamahan siya ni Jose Albert noong dumating siya sa rito.
 Agosto 1890 dumating si Rizal sa Madrid, Spain at dito hinamon ni Antonio
Luna si Jose Rizal sa isang duelo sa kadahilanan na nabigo siyang makuha ang
gusto niyang babae.
 Hulyo 5, 1891 umalis si Rizal patungong Ghent, Belgium at dito na nailimbag
ang mga kopya ng kanyang nobelang El Filibusterismo.
 Mayo 1892 ay napagdesisyunan ni Rizal na bumalik sa Pilipinas sa ikalawang
pagkakataon. Hunyo 26, 1892 dumating sina Rizal at ang kanyang kapatid na
si Lucia sa Maynila. Unang inasikaso ni Rizal ang La Liga Filipina na isinulat
ang saligang batas sa Hong Kong. Ang ilan sa mga dahilan ni Rizal sa
pagbabalik ay upang operahan ang mata ng kanyang ina, matulungan ang
kanyang mga kababayan na matagal nang inaapi, makita ang ibinunga ng
kanyang unang nobela na Noli Me Tangere at alamin ang dahilan ni Leonor
Rivera sa hindi pagsulat sa kanya.
 Hulyo 14,1892 isinakay si Rizal sa barko patungong Dapitan ang
kapitan nito ay si Ricardo Carcinero. Apat na taon siyang namalagi
rito napaunlad niya ang munting isla ng Dapitan dito na rin niya
nakilala ang kanyang huling babaeng minahal at pinakasalan si
Josephine Bracken. Hunyo 31,1896, natapos ang kanyang
pananatili sa Daptan at bumalik siya sa Maynila kasama ang
kanyang asawa at kapatid.
 Ipiniit siya sa Fort Santiago. Si Jose Taviel de Andrade ang
kanyang naging tagapagbantay at naging matalik na kaibigan ni
Rizal. Si Tinyente Luis Taviel de Andrade ibinigay at piniling
tagapagtanggol ni Rizal sa paglilitis. Noong Disyembre 30, 1896,
binaril si Dr. Jose P. Rizal sa Bagumbayan (na ngayon ay
Luneta).
 Mga Karanasan at Hanapbuhay
 Dakilang Alagad ng Sining. Di mabilang na mga sinulat na akda sa
iba’t ibang wika. Dumalo sa mga lektyur at panayam nina Dr.Becker
at Prof. Buchne Nagtrabaho siya sa “University Eye Hospital” sa
pamamahala ni Dr.Becker. Naging kasapi ng
samahang Antropolohista , Etnolohika at Heograpika sa tulong
nina Dr.Jagor at Dr. Meyer.
 Nanggamot siya sa Dapitan sa maraming kapwa Pilipino nang
walang bayad. Isa sa mga nagtatag ng samahang Circulo Hispano-
Filipino nang walang bayad. Marami rin siyang mga iginuhit sa
lapis ,gamit ang krayola at Oleo at mga ilang likhang iskultura sa
Pilipinas at sa London. Isa sa mga bantog na moog ng La
Solidaridad, pahayagan ng kilusang del Pilar at Graciano Lopez-
 Mga Likhang Sining
 Dula: Dula sa Pista ng Paete
 Tula:
• Sa Aking mga Kabata(sinulat sa edad na pitong taong gulang)
• El Embargue: Himno ala Flota de Magallanes
• La Tragedia de San Eustaquio
• El Combates : Urbiztondo,Terror de Jolo
• Un Requerdo a mi Pueblo
• La Entrada Triumfa de los Reyes Catolicos en Grande
• A La Juventud Filipina
• A Mi Madre
• Los Viejeros
• Mi Retiro
• Ultimo Adios
 Nobela
• Noli Me Tangere
• El Filibusterismo
• Makamisa (di-natapos)
 Paglilok
• Sagrado Corazon de Jesus
• Mahal na Birheng Maria

You might also like