You are on page 1of 5

Name: Richel Leola Sumagang Section Code: E219

1. Magbigay ng mga halimbawa ng kulturang Hapon na hanggang ngayon ay ginagawa ng


mga Pilipino?
PAG-AALAGA AT PAGPAPARAMI NG MGA BIBE
Ito ang kanilang ikinabubuhay at pinagkikitaan. Ang klase ng hanap-buhay na ito sa
Pilipinas ay galing sa impluwensiya ng mga Hapon. Hindi lamang pagpaparami at pag-aalaga
ng mga bibe kundi pati narin ang mga isda at hipon.

PAGKAIN NG MGA HILAW NA ISDA


Naiambag din nila sa mga Pilipino ang kanilang kultura at tradisyon sa pamamagitan
nang pagkain ng hilaw na isda.

ANIME (komiks)
Isang pabalbal na pananalita sa Wikang Hapon ng animēshon na binabanggit ng
[anime] ( makinig) sa Hapon. Ang anime ay isang daglatin ng salitang animēshon
(gumagalaw na kartun o guhit larawan) sa Hapon,hindi lahat ng animasyon ay anime, at ang
anime ay isang uri lamang ng animasyon.Kadalasang gumagamit ito ng mga istilong
makukulay na mga larawan na nagsasalarawan ng mga maliliwanag na mga karakter sa mga
iba-ibang tagpo at linya ng istorya, na sinsadyang makuha ang malawak na tagapanood. Ang
mga ganitong guhit ay madalas ginagawang makatotohanan para magkaroon ng katuturan na
ipalabas. Ang Anime ay sikat din sa mga Pilipino. Ito’y pinapanood na rin nila.

2. Magbigay ng mga halimbawa ng kulturang Amerikano na hanggang ngayon ay ginagawa


ng mga Pilipino?

PAGLALARO NG TENNIS
Isang laro na ginagamitan ng raket, ang panghataw ng bola habang hawak ito ng
kamay. Karaniwang dalawang tao ang naglalaban dito na nakatakda sa dalawang dulo ng
laruang nahahati sa gitna ng isang lambat (net). Mayroon ding larong tennis na dalawang
pares ng manlalaro ang nagtutunggali para sa mga puntos.
PANANAMIT
Maraming Pilipino ang nagsusuot ng modernong damit. Ngayon, lahat ng damit ng
Pilipino ay yari at pareho ng korte sa Amerika.

PAGKAIN
Nahilig ang mga tao kumain ng sandwich, burger, mga pagkaing may ketsup, hot dog,
oatmeal at iba pa.

3. Magbigay ng mga halimbawa ng kulturang Espanyol na hanggang ngayon ay ginagawa ng


mga Pilipino?

SARSUELA
Ang sarsuwela o zarzuela ay isang dulang may kantahan at sayawan, na mayroong isa
hanggang limang kabanata, at nagpakita ng mga sitwasyon ng Pilipino na may kinalaman sa
mga kuwento ng pag-ibig at kontemporaryong isyu. Ang sarsuwela ay impluwensiya ng mga
Kastila. Kung ihahalintulad natin ang sarsuwela sa isang realistikong dula, ito ay walang
gaanong kaibahan, kaya lamang ang ibang linya sa sarsuwela ay kadalasang kinakanta at
patula ang dialogo nito. Kadalasan ang sarsuwela ay nagtatapos palagi sa masayang
pagwawakas, kasiyahan o nakakaaliw na tagpo. Ang tunggalian nang sarsuwela ay pahaplis
at pahapyaw lamang. Ito ay ipinangalan sa la Zarzuela ng Espanya. Ang sarsuela ay naging
tanyag sa mga Pilipino at ginagawa narin ito hanggang sa kasalukuyan.

SENAKULO
Ang Senakulo ay tradisyonal na pagsasadula ng mga pangyayari hinggil sa mga
dinanas ni Hesukristo bago at pagkaraang ipako siya sa krus. Hango ang nasabing tradisyon
sa Bibliya at iba pang tekstong apokripa. Kadalasang ginaganap ito sa lansangan o kaya'y sa
bakuran ng simbahan. Ang mga kasuotan ng mga gumaganap ay ginagad sa suot ng mga
kawal na Romano at iba pang personalidad at kasaysayan at may matitingkad na kulay. Hindi
man atentibo sa panonood ang ilang tao ay madali pa ring masundan ang takbo ng
pagsasadula sapagkat pamilyar ang bawat mga eksena.
KARILYO
Itinuturing na isang laro ng mga tau-tauhang ginagampanan ng mga aninong ginagawa
mula sa karton, na pinapanood na gumagalaw sa likod ng puting taning at pinagalaw ng mga
taong di nakikita na syang nagsasalita rin para sa mga karton na gumagalaw. Sa ngayon, may
mga Pilipino paring gumagawa ng mga ito kahit na mataas parin ang lipad ng teknolohiya.

“Naimpluwensiyahan man ng mga dayuhan ang ating kultura,


ngunit hindi ito ang dahilan upang hindi tayo maging Pilipino sa
puso, sa diwa at sa damdamin.”

You might also like