You are on page 1of 6

WASTONG PAGKASUNUD-SUNOD NG MGA PANGYAYARI

Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang naaayos mo sa


wastong pagkakasunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwento.

Pagbalik-aralan Mo

Basahin ang talata


Ang tag-ulan sa kanlurang bahagi ng Pilipinas ay dala ng hanging
habagat. Ang hanging habagat ay nagmumula sa timog-kanluran ng bansa.
Nagdadala ang hangin ng maitim na ulap at maagang ulan. Tumatagal
nang lima hanggang pitong araw ang ulan. Nagkakaroon ng baha sa
panahong ito.
Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.
Isulat sa iyong sagutang kuwaderno.
HALIMBAWA:
1. Ano ang dala-dala ng hanging habagat?
a) Init ng hangin at sunog
b) Maitim na ulap at maagang ulan
c) Tornado at bagyo
Sagot: b
MAGSIMULA RITO:
1. Ano ang sinasabi ng talata?
a)
b)
c)
d)

Ang mga bayan sa kanlurang bahagi ng bansa


Ang pag-ulan dala ng hanging habagat
Ang pagbaha kung tag-ulan
Ang maitim na ulap bago umulan

2. Alin ang paksang pangungusap?


a)
b)
c)
d)

Pangungusap 1
Pangungusap 2
Pangungusap 3
Pangungusap 5

3. Saan matatagpuan ang paksang pangungusap?


a) Unahan ng talata
b) Gitna ng talata
c) Hulihan ng talata

Pag-aralan Mo

A. Basahin mo ang kuwento

Pistang Bayan

Ang pagdiriwang ng pistang bayan ay labis na nagugustuhan ng mga


Pilipino. Bago pa dumating ang kapistahan ay abala na ang mga tao sa paglilinis
ng kani-kanilang mga tahanan, naglalagay ng dekorasyon sa mga lansangan at
naghahanda ng mga pagkain.

Sa madaling-araw naririnig ang ingay ng baboy, kambing, itik, manok, bibe,


baka at iba pang hayop na pinapatay.
Sa araw ng kapistahan, makikita ang mga matatanda at bata na masayang
nagsisimba, nanonood ng parada at sumasakay sa ibat ibang uri ng sasakyang
umiikot. Masaya rin silang lumilibot sa bahay ng mga kamag-anak at kaibigan
upang pagsaluhan ang inihandang pagkain.
Sa gabi, sumasama sila sa prusisyon at nanonood ng mga palabas.
Pagkatapos ng pista, masaya silang naglilinis ng tahanan, nagliligpit ng
pinagkainan at nagkukuwenta ng pinagkagastusan subalit makikita mo sa
kanilang mga mukha ang labis na kaligayahan.

A. Alin ang dapat mauna sa mga pangyayaring nabanggit? Piliin at isulat


sa sagutang kuwaderno.
a. sumasama sa prusisyon
b. naglilinis ng tahanan
c. masayang nagsisimba
B. Alin sa mga sumusunod ang huling bahagi ng kuwento? Piliin at isulat
sa sagutang kuwaderno.
a. naglilinis ng tahanan
b. nagkukuwentahan ng pinagkagastusan
d. masayang nagsisimba
C. Ayon sa isinasaad ng mga pangyayari sa kuwentong binasa, ayusin
ang mga ito ayon sa wastong pagkakasunud-sunod. Isulat sa
sagutang kuwaderno.
*
*
*
*
*
*

sumasama sa prusisyon
naglilinis ng tahanan
masayang nagsisimba
naglalagay ng dekorasyon
nagkukuwenta ng pinagkagastusan
nagpapatay ng hayop

Isaisip Mo

Higit na mauunawaan ang binasa kung maayos ang mga pangyayari


ayon sa sunod-sunod na pagkakaganap ng mga ito.

Pagsanayan Mo

Basahin mo ang kuwento.


Ang Lagalag na mga Hudyo
(salin sa Filipino ni Jong del Fierro)

Walang sariling tirahan ang mga Hudyo. Sila ay pinapatay ng mga Kosak
sa kanilang teritoryo. Si Golda ay isa sa mga batang babaing Hudyo. Naglalaro
sila sa maputik na kalsada nang walang anu-ano, nakarinig sila ng sigaw. Mga

bata, takbo! Magtago kayo! Dumarating ang mga Kosak. Ang mga koboy na
Ruso. Walang Hudyo na nakaliligtas kapag inabutan ng mga Kosak sa kalsada.
Nagtakbuhan ang mga tao. Nagsipaghanap sila ng mapapagtaguan. Ang
mga pintuan at bintana ng mga kabahayan ay nagsipagsara. May ilang batang
naiwan. Nagtakbuhan din sila. Isa ang nadapa, si Golda. Nasubsob ang mukha
niya sa putik.
Papalapit ang yabag ng mga kabayo. At nagtalsikan ang mga putik.
Tumigil ang ragasa ng mga kabayo sa tabi ng sinubsuban ni Golda. Napasigaw
siya ngunit wala na ring silbi. Nasa harap na niya ang mga Kosak.
Pinaglaruan ng mga Kosak si Golda. Pinalundagan siya ng mga kabayo.
Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Humaging sa kanyang ulo ang mga bakal
na sapatos ng mga kabayo. Nagdasal siya na sana ay di siya mapatay. Inikutikot siya ng mga Kosak. Pagkaraan ng ilang sandali ay tumahimik na ang
paligid. Papalayo na ang mga Kosak.
Tumulo ang luha ni Golda. Noong mga panahong iyon ang mga Hudyo ay
walang sariling bansa. Kailangang matigil na ang paglagalag ng mga Hudyo,
ang hikbi niya. Nang lumaki si Golda, siya ang nakatulong upang maging
malayang bansa ang Israel, ang bansa ng mga Hudyo.

A. Lagyan mo ng bilang ayon sa wastong pagkakasunud-sunod ng mga


pangyayari ang kahon sa unahan ng mga pangungusap. Gawin sa
kuwadernong sagutan.

Inabutan ng mga Kosak si Golda matapos madapa sa putik.

Nang lumaki si Golda tumulong siya upang magkaroon ng sariling


bansa ang mga Hudyo.

Si Golda ay kasama ng mga batang naglalaro sa kalsada nang


matanaw ng mga tao na dumarating ang mga Kosak.

Nagtakbuhan ang mga tao at si Golda ay naiwan dahil nadapa sa


maputik na lansangan.

Pumikit na lamang siya at nagdasal hanggang sa pag-alis ng mga


Kosak.

Pinaglaruan ng mga Kosak ang batang si Golda.


5

B. Bumuo ng sariling mga pangungusap ng di-kukulangin sa limang


pangungusap ayon sa wastong pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari
mula sa Ang Lagalag na mga Hudyo.

Subukin Mo

Isaayos at isulat sa kuwadernong sagutan ang mga pangungusap ayon sa


maaaring pagkakasunod-sunod ng pangyayari. Lagyan ng bilang 1-5.
A. _____

Napakaraming bulaklak at halamang malalago.

_____

Nang magsimulang dumami ang mga sasakyang nagbubuga


ng mga usok, unti-unting namayat ang mga halaman.

_____

Hindi na maganda ang hardin ni Mang Henry.

_____

Noong araw ay napakaganda ng hardin ni Mang Henry.

_____

Ngayon ay wala nang bulaklak ang mga halaman.

B. _____

Nagkaroon ng proyekto tungkol sa palinisan ng kalye.

_____

Dati-ratiy maruming-marumi ang aming barangay.

_____

Ang aming barangay ngayon ay isa sa pinakamalinis na


barangay sa aming bayan.

_____

Ang mga taoy tamad at hindi nagtutulungan.

_____

Nang mahalal ang bagong Barangay Captain ay muling


sumigla ang mga tao.
Ref. Kayumanggi Pagbasa pp. 163-164

C. Ipakita sa guro ang ginagawang pagsasanay upang malaman ang


susunod mong aralin.

You might also like