You are on page 1of 4

FILIPINO 4 NAGING MAAGAP SI WASANA

PANGALAN: _____________________________________________
Baitang at Pangkat: ________________________________________

Panuto: Isaayos ang mga pangungusap ayon sa maaaring pagkakasunod-sunod ng pangyayari.

Lagyan ng bilang 1-5.

A.
_____ Napakaraming bulaklak at halamang malalago.
_____ Nang magsimulang dumami ang mga sasakyang nagbubuga ng mga usok, unti-unting
namayat ang mga halaman.
_____ Hindi na maganda ang hardin ni Mang Henry.
_____ Noong araw ay napakaganda ng hardin ni Mang Henry.
_____ Ngayon ay wala nang bulaklak ang mga halaman.
B.
_____ Nagkaroon ng proyekto tungkol sa palinisan ng kalye.
_____ Dati-ratiy maruming-marumi ang aming barangay.
_____ Ang aming barangay ngayon ay isa sa pinakamalinis na barangay sa aming bayan.
_____ Ang mga taoy tamad at hindi nagtutulungan.
_____ Nang mahalal ang bagong Barangay Captain ay muling sumigla ang mga tao.

Basahin mo ang kuwento “Pistang Bayan” 

“Pistang Bayan”
Ang pagdiriwang ng pistang bayan ay labis na nagugustuhan ng mga Pilipino. Bago pa dumating ang
kapistahan ay abala na ang mga tao sa paglilinis ng kani-kanilang mga tahanan, naglalagay ng
dekorasyon sa mga lansangan at naghahanda ng mga pagkain. Sa madaling-araw naririnig ang ingay ng
baboy, kambing, itik, manok, bibe, baka at iba pang hayop na pinapatay. Sa araw ng kapistahan,
makikita ang mga matatanda at bata na masayang nagsisimba, nanonood ng parada at sumasakay sa ibat
ibang uri ng sasakyang umiikot. Masaya rin silang lumilibot sa bahay ng mga kamag-anak at kaibigan
upang pagsaluhan ang inihandang pagkain. Sa gabi, sumasama sila sa prusisyon at nanonood ng mga
palabas. Pagkatapos ng pista, masaya silang naglilinis ng tahanan, nagliligpit ng pinagkainan at
nagkukuwenta ng pinagkagastusan subalit makikita mo sa kanilang mga mukha ang labis na
kaligayahan.
Panuto: Ayon sa isinasaad ng mga pangyayari sa kuwentong binasa, ayusin ang mga
pangyayari sa ibaba ayon sa wastong pagkakasunud-sunod.

* Una, ay abala silang naglilinis ng tahanan.

* Pinakamahalaga sa lahat ay masayang nagsisimba ang mga matatanda at bata.
* Pangalawa, may naglalagay ng dekorasyon sa mga lansangan.
* At panghuli,ay nagkukuwenta ng pinagkagastusan
*Sunod nman ay nagpapatay ng hayop.
Sagot:

Basahin mo ang kuwento “Ang Lagalag na mga Hudyo”

Ang Lagalag na mga Hudyo

(salin sa Filipino ni Jong del Fierro)

Walang sariling tirahan ang mga Hudyo. Sila ay pinapatay ng mga Kosak sa kanilang teritoryo. Si Golda
ay isa sa mga batang babaing Hudyo. Naglalaro sila sa maputik na kalsada nang walang anu-ano,
nakarinig sila ng sigaw. Mga Pagsanayan Mo Isaisip Mo 5 bata, takbo! Magtago kayo! Dumarating ang
mga Kosak. Ang mga koboy na Ruso. Walang Hudyo na nakaliligtas kapag inabutan ng mga Kosak sa
kalsada. Nagtakbuhan ang mga tao. Nagsipaghanap sila ng mapapagtaguan. Ang mga pintuan at bintana
ng mga kabahayan ay nagsipagsara. May ilang batang naiwan. Nagtakbuhan din sila. Isa ang nadapa, si
Golda. Nasubsob ang mukha niya sa putik. Papalapit ang yabag ng mga kabayo. At nagtalsikan ang mga
putik. Tumigil ang ragasa ng mga kabayo sa tabi ng sinubsuban ni Golda.

Napasigaw siya ngunit wala na ring silbi. Nasa harap na niya ang mga Kosak. Pinaglaruan ng mga
Kosak si Golda. Pinalundagan siya ng mga kabayo. Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Humaging
sa kanyang ulo ang mga bakal na sapatos ng mga kabayo. Nagdasal siya na sana ay di siya mapatay.
Inikut-ikot siya ng mga Kosak. Pagkaraan ng ilang sandali ay tumahimik na ang paligid. Papalayo na
ang mga Kosak. Tumulo ang luha ni Golda. Noong mga panahong iyon ang mga Hudyo ay walang
sariling bansa. Kailangang matigil na ang paglagalag ng mga Hudyo, ang hikbi niya. Nang lumaki si
Golda, siya ang nakatulong upang maging malayang bansa ang Israel, ang bansa ng mga Hudyo.
Panuto: Isalaysay muli ang kwentong binasa sa pamamagitan ng pagbuo ng sariling
pangungusap na di-kukulangin sa limang pangungusap. Ang iyong pagsasalaysay ay
kinakailangan may wastong pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari at ginamitan ng mga
signal words.

Bumuo ng isang maikling kwento tungkol sa iyong naging karanasan noong nasa ilalim ng Enhanced
Community Quarantine ang buong Luzon dahil sa pandemic na COVID-19. Ang iyong kwento ay
inaasahang may wastong pagkakasunod-sunod na ginamitan ng mga signal words. Gawin gabay ang
balangkas sa ibaba.

Una__________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_______________________________.
Pangalawa
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
________________________________.
Sumunod
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________.
At panghuli

You might also like