You are on page 1of 11

7/24/2019 Filipino 6 DLP 52 - Mga Pang-uri at Ang Kanilang Kayarian

6
6  
Module 52

Filipino
Mga Pang-uri at ang kanilang Kayarian 

󰀱󰀸

A DepEd-BEAM Distance Learning Program supported by the Australian Agency for International Development
http://slidepdf.com/reader/full/filipino-6-dlp-52-mga-pang-uri-at-ang-kanilang-kayarian 1/11
7/24/2019 Filipino 6 DLP 52 - Mga Pang-uri at Ang Kanilang Kayarian

Sa Mag-aaral

Binabati kita ng magandang araw. Maragdagan na naman ang


iyong kaalaman ngayon. Ipagpatuloy mo ang kasipagan sa
pagsagot ng lahat ng mga aralin.

Mga Dapat Matutuhan

Ang tao, bagay , lugar o pangyayari ay kailangang ilarawan.


Sa araling ito malalaman mo kung anu-ano ang mga salitang
naglalarawan sa tao,bagay, hayop, lugar at pangyayari.

Dito rin nasusuri ang kayarian ng pang-uri; payak, maylapi,


inuulit at tambalan.

Subukin Natin

Piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang


papel.

1.  Tahimik ang buhay sa bukid. Anong kayarian ng pang-uri


ang ginamit?

a.  inuulit b. maylapi c. payak

2.  Malawak at luntian ang bakuran sa aming paaralan. Ang may


salungguhit ay nasa kayariang_____________.

a.  inuulit b. maylapi c. tambalan

󰀱󰀹

http://slidepdf.com/reader/full/filipino-6-dlp-52-mga-pang-uri-at-ang-kanilang-kayarian 2/11
7/24/2019 Filipino 6 DLP 52 - Mga Pang-uri at Ang Kanilang Kayarian

3.  Masayang-masaya ang mga panauhin sa kanilang pook na


pinapasyalan. Ang may salungguhit ay nasa
kayariang__________.

a.  inuulit b. tambalan c. payak


4.  Binigyan siya kahapon ng hugis-pusong laruan. Anong
kayarian ang ginamit sa may salungguhit na pang-uri?

a.  payak b. tambalan c. maylapi

5.  Sagana sa sariwang gulay ang kapaligiran nila. Ang


kayariang ginamit ay______________.

a.  payak b. tambalan c. Inuulit

Ano’ng iskor mo?

Pag-aralan Natin

Nakakita ka na ba ng isang balon? Ano ba ang hugis ng


nakita mong balon? Basahin ang usapan ng mga bata.

󰀲󰀰

http://slidepdf.com/reader/full/filipino-6-dlp-52-mga-pang-uri-at-ang-kanilang-kayarian 3/11
7/24/2019 Filipino 6 DLP 52 - Mga Pang-uri at Ang Kanilang Kayarian

Isinama ni Eddie ang mga kaibigan sa bukid ng kanyang lolo


at lola. Nakita nila ang isang hugis-pusong balon na may malinis at
malamig na tubig.
“Mahiwaga ang balong iyan,” wika ni Eddie. “Iyan daw ang

nagbibigay ng magagandang kapalaran sa mga humihiling.”


“Siyanga? Paano ang paghiling? Maaari rin ba kaming
humiling?” usisa ni Charito.
“Aba, siyempre naman,” sagot ni Eddie. “Kumuha kayo ng
tigtatlong maliit na bato. Pumikit kayo, ihulog ang maliit na bato
kasabay ng inyong paghiling.”
Nagsikuha sila ng maliliit na bato.
“Ako ang unang hihiling,” sabi ni Annie.
“Balong mahiwaga! Balong malalim!
Pakinggan mo ang aking hiling;
Sana sa paglaki ko, maging doktorang ubod-galing
Upang lahat ng maysakit ay gumaling.”
Palakpakan ang magkakaibigan.
“Ako naman ang hihiling,” sabi ni Edward.
“Balong mahiwaga! Balong malalim!
Pakinggan din sana ang aking hiling;
Sana magkaroon din ako ng ganitong looban
Malawak, luntian, at sagana sa halaman.”
Natanaw ni Eddie ang lola niya. Dala na ang kanilang tanghalian.
“Matagal pang mangyari ang mga hiling ninyo. Ako naman
ang inyong pakinggan,” sabi ni Eddie.
“Balong malalim, tubig na malinaw!
Ang aking hiling iyong pakinggan;
Sana kami ay pagkalooban ng mainit-init at masarap-sarap na
pananghalian.”
At narinig nila si Lola.
“O, mga bata, halina kayo,” ang anyaya ni Lola sa mga bata.
“Nakita na ninyo. Ibinigay agad ang hiling ko,” ang
natatawang sabi ni Eddie. Masayang nagsalu-salo ang lahat sa payak
ngunit masarap na pagkain.

󰀲󰀱

http://slidepdf.com/reader/full/filipino-6-dlp-52-mga-pang-uri-at-ang-kanilang-kayarian 4/11
7/24/2019 Filipino 6 DLP 52 - Mga Pang-uri at Ang Kanilang Kayarian

Nagustuhan n’yo ba ang kwento? Masasagot mo kaya ang


mga tanong?

1.  Ano’ng hugis ng balong nakita ng mga bata?

2.  Anong uring looban ang hinihiling ni Edward?


Tingnan mo kung ganito ba ang sagot mo;

1. Ang nakitang balon ng mga bata ay hugis-puso.


2. Hinihiling ni Edward ang loobang malawak, luntian at
sagana.

Tama ba ang sagot mo? Kung mali itama mo ang iyong sagot

at pag-aralan mo ito :
Ang mga salitang may salungguhit ay naglalarawan o mga
pang-uri. Sa paglalarawan ay may apat na kayarian o pagbubuo. Ang
mga ito ay :

1.  Payak - pang-uring binubuo ng salitang-ugat o likas na salita


lamang.

Halimbawa: Ang gusto ni Edward na looban ay sagana sa


halaman.
Ang palda ng bata ay dilaw.

2.  Maylapi - Binubuo ng salitang-ugat na may panlapi ang


salitang naglalarawan o pang-uri.

Malawak at luntian ang isa sa mga hinihiling ng mga bata.

•   Ang may salungguhit ay mga panlapi at ang may bilog ay


mga salitang-ugat.

3.  Inuulit - Pang-uring may pag-uulit ng salitang-ugat. Maaaring


ganap o di-ganap ang pag-uulit.

󰀲󰀲

http://slidepdf.com/reader/full/filipino-6-dlp-52-mga-pang-uri-at-ang-kanilang-kayarian 5/11
7/24/2019 Filipino 6 DLP 52 - Mga Pang-uri at Ang Kanilang Kayarian

Pag-uulit na ganap

® Sa dinaanan naming bahay ay nakatambak ang putul-


putol na kahoy.
® Kaawa-awa ang matandang nakatulog sa bangketa.

Pag-uulit na di ganap

® Ang bagong pitas na rambutan ay matatamis.

® Ang itinanim noong nakaraang taon ay malalaki na.

4.  Tambalan - pang-uring binubuo ng dalawang salitang


magkaiba ang kahulugan na pinag-iisa.

Biglang-yaman ang magkakapatid dahil sa ipinamanang


kayamanan ng magulang.

Nadatnan nila sa ospital na agaw-buhay ang nasagasaang bata.

Gawin Natin

Suriin sa ibaba ang mga salitang naglalarawan at isulat sa


patlang ayon sa kayarian nito :

lakad-pagong hinog tuwang-tuwa lanta


makatao sariwa patay-gutom palatawa
dilang-anghel puting-puti payat maliit-liit

󰀲󰀳

http://slidepdf.com/reader/full/filipino-6-dlp-52-mga-pang-uri-at-ang-kanilang-kayarian 6/11
7/24/2019 Filipino 6 DLP 52 - Mga Pang-uri at Ang Kanilang Kayarian

PAYAK MAYLAPI INUULIT TAMBALAN


_________ __________ ________ ____________
_________ __________ ________ ____________

_________ __________ ________ ____________


Isulat ang iskor sa patlang _______.

Mga Dagdag na Gawain

Isulat sa sagutang papel ang angkop na pang-uri ayon sa


kayarian. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1.  Ang hanging __________ ay pamawi sa init. 

a.  malamig b. malakas c. mabaho 

2.  Magandang pagmasdan ang________ buhok ni Gillie 


a.  along b. alun-along c. Maalong 

3. _________ ang dala niyang cake sa kaarawan ng Lola niya.

a. Hugis-kandila b. Hugis-puso c. Hugis-paikot

4. Palabati at palangiti si Myllen. ________ siyang bata.

a. Mataray b. Malambing c. Mabagsik


5. Nakakainis ang batang_______.

a. mabait b. masipag c. tamad

󰀲󰀴

http://slidepdf.com/reader/full/filipino-6-dlp-52-mga-pang-uri-at-ang-kanilang-kayarian 7/11
7/24/2019 Filipino 6 DLP 52 - Mga Pang-uri at Ang Kanilang Kayarian

Tandaan Natin

Ang pang-uri o salitang naglalarawan ay may apat na


kayarian :

1.  Payak – Ito ay pang-uring binubuo ng likas na salita 


lamang o salitang walang lapi. 

Halimbawa :
pula busog dilat likas putla
payat sariwa hinog sagana lamig

2. Maylapi — Ito ay pang-uring binubuo ng salitang-ugat


na may panlapi.

Halimbawa :

makatulad makatao
palaiyak luntian
masarap maagapa
palangiti mahalimuyak

3. Inuulit – Ito ay pang-uring may pag-uulit ng salitang-


ugat o salitang maylapi. Maaaring ganap o di-
ganap ang pag-uulit.

󰀲󰀵

http://slidepdf.com/reader/full/filipino-6-dlp-52-mga-pang-uri-at-ang-kanilang-kayarian 8/11
7/24/2019 Filipino 6 DLP 52 - Mga Pang-uri at Ang Kanilang Kayarian

Ganap na pag-uulit Di-ganap na pag-uulit

hilung-hilo malalagim
mapulang-mapula matataas
gulung-gulo magagaling
litung-lito maliliit

4.  Tambalan - pang-uring binubuo ng dalawang salitang 


pinag-iisa. 

Halimbawa:

hubog-kandila boses-ipis
lakad-pagong batang-lansangan
ngiting-aso halik-Hudas
dilang-anghel patay-gutom
buong-puso agaw-buhay
biglang-yaman takaw-tulog

Sariling Pagsusulit

Isulat sa sagutang papel ang pang-uri at isulat ang kayarian


nito.

_____________1. Mababait ang mga manlalarong kasama nila.


_____________2. Tuwang-tuwa ang mga magulang sa pagtatapos ng
kanilang anak.
_____________3. Minamahal ni Clark nang buong-puso ang kanyang
mga patay-gutom na mga kapitbahay.
_____________4. Masaya silang nagsibalik sa kanilang maliit na
bahay.
_____________5. Ang kanilang mga ugali ay parang laking-lansangan.

Ano’ng iskor mo?


󰀲󰀶

http://slidepdf.com/reader/full/filipino-6-dlp-52-mga-pang-uri-at-ang-kanilang-kayarian 9/11
7/24/2019 Filipino 6 DLP 52 - Mga Pang-uri at Ang Kanilang Kayarian

Pagyamanin Natin

Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

1.  Bago ang kurtina sa kabilang silid. Aling salita ang nasa
payak na kayarian? 

a.  Bago b. kurtina c. silid 

2.  Malinaw ang kanyang mga mata. Ang may salungguhit ay


nasa kayariang ________________.

a.  payak b. maylapi c. tambalan

3.  Kahit agaw-buhay na ay nakausap pa rin niya ang


1 2

kanyang ama. 
3

Alin ang pang-uring tambalan sa pangungusap? 

a.  1 b. 2 c. 3

4.  Magandang-maganda ang suot niyang damit. Ang may


salungguhit ay nasa kayariang__________.

a.  tambalan b. inuulit c. payak

5.  Dala-dalawa ang mga basket na nilagyan ng mga prutas.

Alin sa pangungusap ang nasa kayariang inuulit?

a.  basket b. Dala-dalawa c. prutas

󰀲󰀷

http://slidepdf.com/reader/full/filipino-6-dlp-52-mga-pang-uri-at-ang-kanilang-kayarian 10/11
7/24/2019 Filipino 6 DLP 52 - Mga Pang-uri at Ang Kanilang Kayarian

Gabay sa Pagwawasto

Subukin natin
1.c
2.b
3.a
4.b
5.a

Gawin natin

PAYAK MAYLAPI INUULIT TAMBALAN

hinog makatao puting-puti dilang-anghel


sariwa lanta tuwang-tuwa patay-gutom
payat palatawa maliit-liit lakad-pagong
lanta

Mga Dagdag na Gawain

1.a
2.b
3.b
4.b
5.c

Sariling Pagsusulit Pagyamanin Natin

1.  mababait-------inuulit (di-ganap) 1. a


2.  tuwang-tuwa------inuulit 2. a
3.  patay-gutom--------tambalan 3. a
4.  maliit------maylapi 4. b
5.  laking-lansangan-------tambalan 5. b 

󰀲󰀸

http://slidepdf.com/reader/full/filipino-6-dlp-52-mga-pang-uri-at-ang-kanilang-kayarian 11/11

You might also like