You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VI
Division of Negros Occidental
NEGROS OCCIDENTAL HIGH SCHOOL
FILIPINO 7
UNANG MARKAHAN T.P. 2022-2023
(PRE-TEST)

I. PANUTO: Maghinuha sa kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng iba’t ibang kuwentong-bayan
mula sa Mindanao batay sa mga pangyayari o usapan ng mga tauhan. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
linya.
_____1. Ang isa sa dalagang pinakasalan ng datu ay si Hasmin.  Siya ay batang-bata at napakalambing .  Sa tuwing
mamamahinga ang datu, binubunutan ni Hasmin ng puting buhok ang asawa.
A. Hindi mahal ni Hasmin ang asawa
B. Gusto ni Hasmin na magmukhang bata ang kanyang asawa
C. Gusto ni Hasmin na magmukhang matanda ang kanyang asawa
D. May lihim na galit si Hasmin sa asawa
_____2. Maganda, mabait si Farida ngunit kasintanda ng datu.  Tuwang-tuwa si Farida kapag nakikita ang mga puting
buhok ng datu.  Tuwing tanghali, sinusuklayan ni Farida ang datu.  Kapag tulog na ang datu, palihim niyang
binubunot ang itim na buhok ng asawa.
A. Hindi mahal ni Farida ang asawa
B. Gusto ni Farida na magmukhang bata ang kanyang asawa
C. Gusto ni Farida na magmukhang matanda ang kanyang asawa
D. May lihim na galit si Farida sa asawa
_____3. Ngunit hindi lamang iisang dilag ang napili ng datu kundi dalawang dalagang maganda na ay mababait
pa.  Dahil sa wala siyang itulak-kabigin kung sino sa dalawa ang higit niyang mahal kaya pinakasalan niya ang
dalawang dalaga.
A. Hindi makuntento sa isa ang datu
B. Nagpapakita ng kanyang kapangyarihan ang datu
C. Talagang kahanga-hanga ang kakisigan ng datu
D. Puwedeng makapag-asawa ng higit sa isa ang mga Muslim basta makayanan nila itong buhayin
_____4. Sinabi ni Abed na kailangang magdala ang bawat isa ng bato na tamang-tama lang ang bigat para sa kanila.
Nagdala si Subekat ng batong sinlaki lang ng kanyang hinlalaking daliri. Nang mapagod na sila sa kanilang
paglalakbay ay minabuti nilang magpahinga at magdasal. Hindi pa rin sumali si Subekat sa kanyang mga
kasamahan sa pagdarasal. Pagkatapos magdasal ay ipinag-utos ni Abed na buksan ng kanyang mga tauhan ang
kanilang baon. Nang mabuksan na nila, ang lahat ng dala nilang bato ay naging tinapay. Bukod tanging
si Subekat na ang dala ay sinlaki lamang ng hinlalaki ay nakaramdam ng gutom dahil sa liit ng kanyang tinapay.
A. Si Abed ay hindi masunurin
B. Si Subekat ay hindi masunurin
C. Si Subekat ay mapagsamantala
D. Si Abed ay mapang-abuso sa kapangyarihan
_____5. Bago sila magpatuloy sa kanilang paglalakbay, sinabihan muli ni Abed ang kanyang mga kasama na magdala ng
maliit na bato. Sumunod ang lahat ng mga tao, maliban kay Subekat na ang dinalang bato ay ang pinakamalaki
sa pag-aakalang magiging tinapay ulit ito. Nang dumating na sila sa kanilang pupuntahan, sinabi ni Abed sa bawat
isa sa kanila na ihagis ang mga dalang bato sa abot ng kanilang makakaya dahil ito na rin ang lawak ng lupang
matatamo ng kanyang mga nasasakupan. Samantala, si Subekat na nagdala ng pinakamalaking bato ay sinlaki
lamang ng bilao ang nakuhang lupa. Ito ay dahil sa sobrang bigat ng bato at hindiniya nakayang ihagis ng malayo.
Doon lamang sa nahulugan ng bato ang kanyang makukuhang lupain.
A. Si Subekat ay may ugaling mapagkunwari
B. Si Subekat ay may ugaling masunurin
C. Si Subekat ay may ugaling mapagsamantala
D. Si Abed ay mapang-abuso sa kapangyarihan

_____6. Ang binatang si Usman ay pumunta sa isang palengke malapit sa palasyo ng sultan. Mahihinuhang ang lugar ng
sultan ay…
A. Mas maunlad at mas may malaking palengkeng dinarayo ng mga tao.
B. Ginagawang pasyalan ng iba pang mga tao
C. Katatagpuan ng kayamanan at mahahalagang pilak
D. Tirahan ng mga kamag-anak at mga kaibigan ng binatang si Usman
_____7. Dahil hindi matanggap ng sultan ang kanyang itsura, nagpatupad siya ng kautusang ang lahat ng mga lalaking
nakahihigit sa kanya ang pisikal na anyo ay dapat kitlin at maglaho. Sinunod lahat at hindi man lang ito tinutulan
ng kanyang mga tauhan. Mahihinuha sa pahayag na ito na…
A. Malapit sa kanyang mga tauhan ang sultan
B. Kinatatakutan at sinusunod ang makapangyarihang sultan
C. Mayaman at maraming ari-arian ang sultan
D. Masipag at mapagmalaki ang sultan
_____8. “Para mo nang awa, Ama, pakawalan mo si Usman. Wala po siyang kasalanan,” ang pahmamakaawa ni Potre
Maasita sa kanyang ama subalit hindi man lang siya pinansin nito. Mahihinuhang si Sultan Zacaria ay…
A. Matigas ang kalooban B. Mapaghiganti C. Mapagtimpi D. Matalino
_____9. Sinubukan ni Potre Maasitang mag-isip ng paraan upang mapigilan ang kamatayan ng lalaking labis niyang iniibig.
Mahihinuha sa ginawang ito ng dalaga na…
A. Matatakutin siya at madaling sumuko sa mga pagsubok
B. Mapaghiganti siya at mahigpit kung kinakailangan
C. Mapagmalaki siya at hindi basta nakikinig sa magulang
D. Malakas ang kanyang loob at hindi siya basta sumusuko
_____10.Nang magkaroon ng malakas na lindol sa kanilang lugar ay hindi nagdalawang isip sina Usman at Potre Maasita
na tumulong sa mga kababayang nasalanta. Nang bumalik sa normal ang sitwasyon ay ipinagbunyi sila ng
taumbayan. Mahihinuhang ang taumbayan ay…
A. Nagagalak sa pagkakaroon ng mabubuting pinuno kapalit ng nagdaang malupit na pinuno
B. Nag-aalala na baka ang susunod na pinuno ay malupit ding tulad ng nauna
C. Namamayani ang kagustuhan para sa mga pinunong may magagandang itsura
D. Nagbabakasakaling makatagpo na sila ng mga pinunong makatutulong upang maging mayaman ang bawat isa sa
kaharian

II. PANUTO: Tukuyin kung ang pahayag ay nagbibigay ng patunay o hindi. Isulat ang OO kung nagbibigay ng
patunay at HINDI kung walang patunay.
_____11. Ang mga politiko, malalaking negosyante, artista, lider ng iba’t ibang samahan, mga ambassador ng iba’t ibang
bansa, at iba pang matataas na tao ay patungo lahat ngayon sa Davao.
_____12. Ang Davao ay biglang naging bagong simbolo ng kapangyarihan pagkatapos ng malawakang pagkapanalo ni
Pangulong Rodrigo Duterte na umabot sa mahigit 16 na milyong boto.
_____13. Ang sakit na Coronavirus 2019 (COVID-19) ay isang sakit sa palahingahan. Ito ay sanhi ng isang bagong virus.
_____14. Ang mga taong nagkakasakit ng COVID-19 ay maaaring makahawa sa iba, kahit pa minsan parang wala silang
sakit.
_____15. Ilan sa mga sintomas ng COVID-19 ay ubo , pangangapos ng paghinga , lagnat , panginginig , pananakit ng ulo,
pananakit ng kalamnan, pananakit ng lalamunan, pagkawala ng panlasa o pang-amoy , maaaring sumakit ang
tiyan, magsusuka, o magtae.
_____16. Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III, ang Pilipinas sa kasalukuyan ay may nakatalang 359,169
kaso ng COVID-19, 310,303 ang mga gumaling na at 6,675 ang mga namatay.
_____17. Unti-unti nang pinapayagan ng pamahalaan ang muling pagbubukas ng mga negosyo upang muling
maiangat ang bumagsak na ekonomiya ng bansa dahil sa COVID-19.
_____18. Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 1,109,130 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng
nakakahawang sakit.
_____19. Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may
223,644.
_____20. Ang bawat isa ay may bahaging gagampanan upang mapabagal ang pagkalat ng COVID-19.
III. PANUTO: Tukuyin ang buong SANHI sa bawat pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

21. Malaki ang silbi ng kabundukan sapagkat dito dinidebelop ang mga pabahay.
22. Taong 1999, nagkaroon ng matagalang pag-ulan sa Kamaynilaan kaya lumambot ang bahagi ng bundok na tinibagan.
23. Gumuho ang bundok kaya natabunan ang mga residente.
24. Marami ang nangamatay na tao dahil sa pagguho ng bundok.
25. Nalungkot ang sambayanang Pilipino dahil sa idinulot ng bagyong si Rolly.
IV. PANUTO:Tukuyin ang buong BUNGA sa bawat pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

26. Huwag sabihin na hindi ka makaiwas sa pagkakamali dahil ang pagkakamali ay likas sa tao.
27. Huwag ipagkamaling isipin o idahilan na dahil sa ikaw ay tao lamang, ikaw ay maaari nang magkamali o maaari nang
magkasala.
28. Ang Diyos ay matutuwa kung ang katangiang ipinagkaloob NIya sa tao ay naging makabuluhan
29. Hindi dapat umasa sa ano mang ilalaan sa kanya ng kapalaran ang tao kaya dapat siyang magpakatatag.
30. Ang tao ay pinagkalooban ng Diyos ng buhay, damdamin, diwa, budhi at kaluluwa upang siya ay makapag-isa sa
daigdig na ito kaya dapat niyang gamitin sa pagharap at pakikibaka sa buhay.

V. PANUTO: Isulat ang OO kung ang pariralang nakadiin ay SANHI at HINDI kung ito ay BUNGA. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.
___31. Pawang kabundukan ang tinatahanan ng maraming taong doo’y namumuhay, maligaya sila sapagkat sagana sa
likas na yaman.
___32. Ang lahat ng tao’y sa kuweba tumahan upang makaligtas sa salot na itong may matang malinaw at kukong
matalas.
___33. Walang makaligtas sa bagsik ng kanyang matalas na kuko pagkat maaaring kanyang natatanaw ang lahat ng dako.
___34. Noon di’y nilipad niyong si Sulayman ang bundok ng Bita; siya’y nanlumo pagkat ang tahanan sa tao ay ulila.
___35. Sa bigat ng pakpak, ang katawan niya’y sa lupa bumaon kaya’t si Sulayman noon ay nalibing na walang
kabaong.
___36. Ang kasawian ay agad nabatid ng mahal na Hari pagkat ang halaman noon di’y nalanta’t sanga’y nangabali.
___37. Ang magkapatid ay minahal ng mga tao sapagkat sila’y tunay na matulungin sa kapwa.
___38. Sa aking palagay ay madaling matatalo ng hari ang mapinsalang halimaw dahil sa kapangyarihang taglay nito.
___39. Walang makatatalo sa kapangyarihan ng hari, palibhasa malakas siya.
___40. Talagang malakas ang hari kaya naman nanalo siya.
VI. PANUTO: Tukuyin ang pinakamalapit na maaaring kalalabasan ng mga pangyayari o pahayag. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa linya.
___41. Bumaba ang halaga ng piso.
A. Marami ka nang mabibiling pagkain C. Maraming mawawalang mg trabaho
B. Tataas ang palitan ng dolyar D. Dadami ang magnanakaw
___42. Inaprubahan na ng mayor na gawing tambakan ng basura ang lugar na malapit sa ilog.
A. Magiging mabilis na ang pagdaloy ng tubig sa ilog at dadami ang makikinabang nito
B. Magdudulot ito ng polusyon sa hangin
C. Magiging sanhi ito ng pagbaha sa paligid
D. Maaaring mahulog ang mga basura sa ilog at magiging sanhi ng polusyon sa tubig
___43.Tumaas nang P2.00 ang krudo.
A. Tataas na naman ang pamasahe C. Titigil sa pasada ang mga tsuper
B. Magwewelga ang mga taong bayan D. Bababa ang kita ng mga gasolinahan
___44. Mababa ang resulta ng pagsusulit.
A. Magagalit ang magulang C. Mababa ang gradong makukuha
B. Ma-aaral ng mabuti D. Matutuwa ang guro
____45. Lumaki ang budget ng Kagawarang Pang edukasyon
A. Marami ang mawawalan ng trabaho sa iabng ahensya ng gobyerno
B. Marami ang maipapatayong gusali
C. Lalaki rin ang budget ng bawat mag-aaral
D. Tataas ang sahod ng mga guro

VII. PANUTO:Tukuyin at lagyang ng tsek(√) ang lahat ng mahahalagang kaisipang taglay ng binasa at akis (x) namn ang
ilagay sa hindi. Isulat ang sagot sa linya.
___ 46. Ang masipag na nilalang ay ginagantimpalaan.
___47. Si Pilandok ay isang nilalang na palaging nag-iisip ng paraan kung paano makapanlinlang o makapanloko sa
kanyang kapwa.
____48. Maging mapanuri sa karakter ng isang tao upang maiwasan ang maloko.
____49. Huwag kaagad maniwala sa matamis na pananalita.
____50. Magtiwala sa mga taong / nilalang na matagal ng kakilala.
IX. PANUTO: Tukuyin ang angkop na kahulugan ng mga salitang nakadiin batay sa ginamit na panlapi. Piliin ang
sagot sa hanay B.
Hanay A
___56. Mausok sa labas ng bahay dahil sinindihan ni JJ ang mga tuyong dahon.
___57.Pinausukang tuyo ang aming ulam.
___58. Marumi ang sili-aralan kaya galit na galit ang aming guro.
___59. Nadumihan ang labada ni aling Josie.
___60. Nilinis ng taong -bayan ang pinagdumihan ng mga nakawang kalabaw.
Hanay B
A. Nalagyan ng dumi/ mantsa
B. May mga kalat/ basura
C. Lugar kung saan may dumi
D. Paraan ng pagpreserba ng pagkain
E. Paraan ng pagluluto ng pagkain
F. Nangyayari pag hindi umaapoy
X. PANUTO: Basahin ang mga pangungusap at salungguhitan ang angkop na ekspresyong naghahayag ng posibilidad na
bubuo sa pangungusap.
61. ( Maari, Tila ) uulan nang malakas dahil dumidilim ang paligid at lumalamig ang ihip ng hangin.
62. ( Marahil, Maaari ) hiyang sa sabong ginagamit niya si Faye kaya mas lalong pumuti at gumanda ang kanyang kutis.
63. ( Baka, Posible kaya ) na ang SHS ay mawala?
64. Kapag tuluyang mawala ang SHS ( baka, tila ) ikatutuwa ito ng mga magulang dahil mababawasan naman ang kanilang
gastusin.
65. ( Sa palagay ko, Siguro ) malabong mangyari na mawala ang SHS.

XI. PANUTO: Tukuyin ang tamang pang-angkop na gagamitin upang mabuo ang diwa ng pangungusap. LETRA lamang
ang iIusulat sa patlang.
A. na B. ng C. g
___66. Maraming kapatid natin sa Cagayan, lalong-lalo na sa Tuguegarao ang nangangailangan ng ating tulong dahil sa
dulot ng
bagyo__ si Ulysses.
___67. Ang walang tigil na pagbuhos nang malakas __ ulan ang siyang naging dahilan ng pagtaas ng tubig.
___68. Ngayon na ang tamang panahon, upang maipakita natin ang pagkakaisa ng sambayanan__ Pilipino.
___69. Pansamantalang nakalimutan ang pandemya__ dulot ng COVID-19 dahil sa mga pinsalang dulot nina bagyong Rolly
at Ulysses.
__70. Alam kong kaya nating bumangon sa lahat ng mga pagsubok na ito, manalig lamang tayo sa ating Diyos __
Makapangyarihan.

XII: PANUTO: Piliin ang tamang pangatnig na bubuo sa diwa ng pangungusap. LETRA lamang ang isulat sa patlang.
___71. Aalis sana ako papuntang South Korea, _______ hindi ito natuloy dahil sa pandemyang COVID-19.
A. Sapagkat B. Kahit na C. Subalit D. Kasi
___72. Itutuloy ko ang aking pagpunta sa South Korea ______ bumalik na sa dati ang lahat.
A. Kapag B. Kahit na C. Sapagkat D. Dahil sa
___73. Nakaalis si Gi papuntang Amerika, ________ nakapag-asawa ng Amerikano kaya penetisyon siya.
A. Subalit B. Palibhasa C. Datapwat D. Bukod-tangi
___74. Lahat ay nagbigay ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong sina Rolly at Ulysses, ________ lamang si XYZ na hindi
man lang nagbigay ng ambag.
A. Pati B. Kahit na C. Tulad ng D. Bukod-tangi
___75. Walang pasok sa darating na Nobyembre 30 ______ ito’y kaarawan ni Andres Bonifacio, at ito’y ipinagdidiriwang
natin.
A. Tulad ng B. Datapwat C. Sapagkat D. Kahit na
XIII: PANUTO: Salungguhitan ang buong pang-ukol sa pangungusap.
76. Ayon sa balita, unti-unti nang humuhupa ang tubig na kasintaas na ng mga bubong ng bahay.
77. Nais makausap ng sambayanang Pilipino si Pangulong Duterte ukol sa kasalukuyang kalagayan ng Pilipinas ngayon.
78. Laging tungkol sa sakunang dulot ng bagyong sina Rolly at Ulysses ang mga balitang ipinalalabas sa telebisyon
ngayon.
79. Labag sa ordinansa ng lungsod ang manigarilyo sa mga lugar na pampubliko.
80. Tungkol kay Binibining Pilipinas Universe Rabiya Mateo ba ang pinag-uusapan ninyo?

You might also like