You are on page 1of 2

2nd Quarter Unang Linggo

Direksyon: Basahin at unawain ang bawat tanong. Bilugan ang titik ng wastong sagot.
C. Basahin at sagutin ang mga tanong. Bilugan ang titik ng wastong sagot.

Ang Nawawalang Patak ng Tubig

Maagang nagising si Lilibeth upang maligo at tulungan ang kaniyang nanay sa pagtitinda ng mga
gulay sa palengke. Maaga rin ang kaniyang Kuya na tumutulong sa kanilang ama sa paglalagay ng mga paninda
sa lumang jeep na nakaparada sa may tarangkahan.
Pagpasok ni Lilibeth sa kanilang paliguan, “Tubig! Tubig! Wala na namang pumapatak sa gripo.”
Sabay labas sa kanilang kusina. Dala ang timba, unti-unti siyang naghakot ng tubig mula sa dram ng tubig na
inipon ng kaniyang nanay nang nagdaang gabi.
“Talaga nga yatang nararamdaman na natin ang epekto ng pagkasira ng ating kapaligiran. Bihira
nang umulan kaya nagkukulang na ang tubig. Kailangan na nating bumili pa ng ilan pang ipunan ng tubig,” ang
narinig niyang sabi ng kaniyang Tatay.

1. Sino ang maagang gumising?


A. Maribeth B. Lizette C. Lilibeth D. Elizabeth
2. Bakit siya maagang gumising?
A. Upang maligo at tulungan ang nanay niya sa pagtitinda.
B. Upang maligo at pumasok sa paaralan.
C. Upang mag-aral ng leksyon.
D. Upang magsimba.
3. Nang biglang mawala ang tubig sa gripo, saan siya kumuha ng ipampaligo?
A. sa balde B. sa palanggana C. sa dram D. sa balon
4. Sino ang nagsabi ng, “Talaga nga yatang nararamdaman na natin ang epekto ng pagkasira ng
ating kapaligiran” ?
A. nanay b. kuya C. ate D.tatay
5. Ano ang magiging wakas ng kuwento?
A. Hindi na maliligo si Lilibeth.
B. Ipagsawalang bahala ang pangyayari ng pamilya.
C. Sila ay magtitipid sa paggamit ng tubig.
D. Maghahahanap ng tubig si Lilibeth.

Ikalawaang Linggo

Bilugan ang titik nang wastong sagot.


Para sa bilang 1-3. Hanapin ang kahulugan ng salitang may salungguhit.

1. Si Rosa ay matalinong bata kaya ipinagmamalaki siya ng kanyang guro.


A. mabait B. bobo C. magaling D. masipag
2. Ang hangin sa nayon ay presko.
A. marumi B. mabango C. mabaho D. malinis
3. Mabango ang ulam na niluto ni nanay.
A. masarap B. mahalimuyak C. matamis D. mabaho

Para sa bilang 4-5. Hanapin ang kasalungat ng may salungguhit na salita.

4. Duwag ang mga taong lumaban ng patalikod.


A. mabuti B. masama C. matapang D. nahiya
5. Si Aling Marta ay maramot sa kanyang kapwa kaya naman ng siya ay nasunugan ay walang
tumulong sa kanya.
A. magalang B. mapagbigay C. maunawain D. mapagmahal
Pagganap

Panuto: Isulat sa patlang ang MK kung ang pares ng mga salitang may salungguhit sa pangungusap ay
magkasingkahulugan, MS kung magkasalungat.

1. Si Carol ay masipag samantalang si Juan ay tamad.


2. Masarap ang nilutong ulam ni nanay at malinamnam itong kainin.
3. Mainit ang panahon kaya naman, maalinsangan ang paligid.
4. Payapa pa ring natutulog ang sanggol kahit maingay ang kanyang mga kapatid.
5. Mabilis na tumakbo ang kabayo at matuling pumasok sa kagubatan.

You might also like