You are on page 1of 5

GAWAING PAGKATUTO

ARALING PANLIPUNAN III - UNANG MARKAHAN


Ang mga Lalawigan sa Aking Rehiyon

Pangalan: ______________________________ Baitang:__________________


Seksiyon: _______________________________ Petsa: ____________________

Pamagat: Katangiang Pisikal na Nagpapakilala ng Iba’t Ibang Lalawigan sa Rehiyon


Panimula

Ang mga lungsod, bayan at rehiyon ay may iba’t ibang katangiang pisikal na nagiging pagkakakilanlan nito.
Ang mga kalapit nitong katubigan at kalupaan ay makakatulong upang lubos nating makilala ang lugar at rehiyon na
ating kinabibilangan.

Ang lalawigan ng Cavite ay may malawak na kapatagan at may mahabang baybayin kaya’t pagsasaka,
pagpapastol, manggagawa ng mga pabrika o kompanya ang pangunahing hanapbuhay. Sa Cavite din matatagpuan
ang mga tanyag na pasyalan gaya ng Picnic Grove, Skyranch at iba pa. Sa lalawigan naman ng Laguna, mayroong
malawak na kapatagan na napapalibutan ng bundok at may malawak na lawa at talon. Dito din matatagpuan
ang tanyag na Laguna de Bay. Ang lalawigan ng Batangas ay may malawak na kapatagan at mahaba din na
baybayin kung kaya’t dito matatagpuan ang tanyag na Taal Lake at Taal Volcano. Sa lalawigan naman ng Rizal,
bulubundukin at maliit na bahagi ng kapatagan kung kaya’t pagsasaka at manggagawa ang pangunahing
hanapbuhay, dito din matatagpuan ang tanyag na Mt. Balagbag. Ang lalawigan ng Quezon, bulubundukin naman
at maliit na bahaging kapatagan lamang na kung saan matatagpuan dito ang Mt. Banahaw.

Upang mas higit mong maunawaan ang tungkol sa katangiang pisikal sa iyong lalawigan at ang kahalagahan
ng mga ito basahin ang Aralin 6-7 sa LM pp.40-58 at kung may internet panuorin ang video sa
https://www.youtube.com/watch?v=fRPFLaozyEg

Kasanayang Pampagkatuto at koda


 Nasusuri ang iba’t ibang lalawigan sa rehiyon ayon sa mga katangiang pisikal at
pagkakakilanlang heograpikal nito gamit ang mapang topograpiya ng rehiyon. AP3LAR-
le-7

GAWAIN 1
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang rehiyon IV-A ay mas kilala bilang ____________?
A. CALABARZON C. NCR
B. MIMAROPA D. CARAGA
2. Ang dagat, lawa, ilog, karagatan at iba pa ay kabilang sa anong uri?
A. Anyong Lupa C. Anyong Tubig
B. Anyong Mineral D. Anyong Gubat
3. Ang bundok, burol, talampas at iba pa ay kabilang sa anong uri?
A. Anyong Lupa C. Anyong Tubig
B. Anyong Mineral D. Anyong Gubat
4. Sa paghahanap ng mga direksyon, ano ang ginagamit na bagay upang matukoy ang isang
lugar?
A. Cellphone C. Simbolo
B. Mapa D. Laptop

GAWAIN 2
Panuto: Sagutin ang mga tanong at punan ng tamang pisikal na katangian ang kahon gamit ang
pag-uusap ng magkaibigan sa LM p.54

Lugar Katangian
Tagaytay hal. Kabundukan
Calamba, Laguna
Atimonan, Quezon
Turbina, Quezon

1. Ano ang usapan ng mag-pinsang sina Brenda at Jane?

2. Ano-ano ang katangian ng mga lugar na madadaanan nila Jane mula sa Tagaytay
hanggang sa Atimonan?

Upang mas higit mong maunawaan ang tungkol sa pisikal na katangian ng iyong lalawigan o
rehiyon, aralin at unawain ang mga larawan at imposrmasyon sa ibaba.

Tagaytay Picnic Grove- Mt. Balagbag-Rodriguez,


Taal Lake/Bombon Lake- Mt. Banahaw-Quezon
Laguna de Bay/Lawa ng
Tagaytay
Taal City, Cavite
Volcano-Batangas Rizal
Batangas Laguna-Laguna
GAWAIN 3
Panuto: Sagutin ang mga tanong mula sa mga larawan at impormasyong nakita.

1. Saan matatagpuan ang Bombon Lake?

2. Ang Taal Volcano ay matatagpuan sa ___________________?

3. Saan matatagpuan ang dinarayo ng mga turista na magandang lokasyon para sa


picnic area ng mga magpapamilya?

4. Anong bundok ang matatagpuan sa Quezon?

5. Anong bundok ang ipinagmamalaking tourist spot ng mga taga Rizal?

6. Ito ang pinakamalawak na lawa sa Pilipinas na matatagpuan sa Laguna.

GAWAIN 4
Panuto: Batay sa pisikal na mapa ng sariling rehiyon, isulat ang mga nakikitang mga pisikal na
katangian ng mga lalawigan. Isulat sa kahon ang hinihingi.
Pangalan ng Lalawigan Mga Simbolong nakikita Ipinapahiwatig na
sa mapa katagiang pisikal
A
B
C
Halimbawa: Cavite- -kabundukan
GAWAIN 5
Panuto: Iguhit ang anyong-tubig o anyong lupa na nagpapakilala sa iyong lalawigan. Buuin ang
brochure tungkol dito at hikayatin ang mga tao na pumunta rito sa pamamagitan ng paglalarawan
ng kagandahan nito.

Ang aking lalawigan ay __________________.

Makikita rito ang tanyag na _________________.

Ang anyong-tubig/anyong-lupa na ito ay ______________ marami ang pumupunta rito dahil


______________ kaya’t inaanyayahan naming kayo na dalawin ang tanyag na lugar na ito sa aming
lalawigan. Tiyak na masisiyahan kayo.
GAWAIN 6
Panuto: Iguhit at kulayan ang pinakamagandang anyong-lupa o anyong-tubig na napuntahan mo
na sa REHIYON 1V-A CALABARZON

PANGWAKAS
Sagutin ang tanong : Paano ka makakatulong sa pagpapanatili ng kagandahan ng mga
anyong lupa at anyong tubig sa iyong lalawigan o rehiyon?

SANGGUNIAN
Araling Panlipunan 3, Kagamitan ng Mag-aaral - Unang Edisyon, 2015
Araling Panlipunan 3, Patnubay ng guro- Unang Edisyon, 2015
Inihanda ni:
JENBY GRACE B. SOMERA
Guro, Zenaida H. Gana Memorial School
Susi sa Pagwawasto
(Ikaapat na Linggo- Katangiang Pisikal na Nagpapakilala ng Iba’t Ibang Lalawigan sa
Rehiyon)

Gawain 1
1. A
2. C
3. A
4. B
Gawain 2

Lugar Katangian
Tagaytay hal. Kabundukan
Calamba, Laguna Kapatagan
Atimonan, Quezon Kabundukan
Turbina, Quezon Kabundukan
1. Pinag-uusapan ni Brenda at Jane ang direksiyon mula Tagaytay City papuntang Antimonan,
Quezon dahil inimbitahan ni Brenda si Jane sa darating na piyesta ng kanilang lugar.
2. Madadaanan ni Jane ang mga kabundukan at kapatagan sa kanilang paglalakbay papunta kina
Brenda.

Gawain 3
1. Batangas
2. Batangas
3. Tagaytay, Cavite
4. Mt. Banahaw
5. Mt. Balagbag
6. Laguna de Bay o Lawa ng Laguna

Gawain 4
---sariling gawa---

Gawain 5
---sariling gawa---

Gawain 6
---sariling gawa---

Pangwakas: ---sariling opinyon---

You might also like