You are on page 1of 4

Mataas na Paaralan ng ICCT

V.V. Soliven Ave. Cainta, Rizal II

Kolehiyo ng Edukasyon
Departamento ng Asignaturang Filipino

Banghay Aralin sa Filipino 8


Ikalawang Markahan
Panitikan sa Rehiyon II

I. Layunin

A. Nakakapagbigay ng mga katangiang nagpapakilala sa Rehiyon II


sa pamamagitan ng iba’t ibang pangkatang gawain.

B. Nakakapagbahagi sa klase ng mga katangiang topographiya tulad


ng mga lalawigan at kabisera nito, mga pangkat etniko, at ang mga
sikat na panitikang sumasalamin sa kultura ng rehiyon;

C. Naisasagawa at naisasapuso ng mga aral ang mapupulot


kaalaman tungkol sa mga panitikan sa Rehiyon 2 sa pamamagitan
ng iba’t ibang gawain.

II. Nilalaman

A. Paksa: Panitikan Ng Rehiyon 2


B. Sangguniang Aklat:
Kadluan ng Wika at Panitikan I.1997.p.29
Filipino sa Bagong Henerasyon I. 1997.pp.86-88
C. Kagamitan: mga ginupit na bulaklak, cartolina, colored paper
III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagbati
 Pagtingin sa bilang ng mga pumasok sa klase
 Pagsasaayos sa klase bago ang pagtalakay sa paksa
 Pagbabalik aral

B. Pagganyak
1. Pagbabalik aral
2. Pagganyak

(Word Connect)
Ang klase ay hahatiin sa dalawang pangkat sa pamamagitan ng
pagbunot ng mga bulaklak sa loob ng kahon. Ang mga bulaklak
ay may mga nakakasulat na letra. Pagkatapos mabuo ang mga
salita ng bawat pangkat ay ipapaskil ito sa pisara at
ipapaliwanag ang nahihinuha tungkol sa nabuong salita.
Gagawin ito sa loob ng tatlong minute.

CAGAYAN RIVER PANITIKAN

C A G

P A N I

Y A
A
T I K A N

N R I

V E R
C. Aktibiti

Matapos ilahad ang mga ideya at konsepto sa mga mag aaral, ang
mga mag-aaral ay maglalahad ng;

1. Mga ilog na matatagpuan sa Rehiyon2.


2. Magbibigay ng mga katutubo na matatagpuan sa Rehiyon 2.

D. Analisis

Hahatiin ng guro ang mga mag-aaral sa dalawang pangkat sa


pamamagitang ng pagbibilang 1&2 . Sa pamamagitan ng maiksing
presentasyon, ipapakita ng bawat pangkat ang kanilang sariling
paraan ng panghihikayat sa mga turista upang bumuli ng mga
produkto na matatagpuan sa Rehiyon 2. Gagawin ito sa loob ng limang
minuto.

Pamantayan:

Nilalaman -30 puntos


Organisasyon ng mga ideya -20 puntos
Kabuuang Puntos: =50 puntos

E. Abstraksyon
Ilalahad ng guro ang iba’t-ibang katangian ng Rehiyon 2. Sasagutin ng
mga mag-aaral ang mga katanungan na inihanda ng guro.

Patnubay na Katanungan:

 Ano ano ang mga produktong matatagpuan sa Lambak ng


Cagayan?

 Ano ano ang mga pangkat etniko na matatagpuan sa Rehiyon


2?
 Magbigay ng ilang halimbawa ng panitikan sa Rehiyon 2.

 Mula sa mga lalawigan at kabisera na matatagpuan sa Rehiyon


2, saan mo gusting pumunta? Nakapunta ka na bas a lugar na
ito?
F. Aplikasyon
Hatiin ang klase sa apat na pangkat, sa pamamagitan ng apat na
kulay. Bawat pangkat ay may kani-kaniyang gawaing batay na
nakapaloob sa bawat sobre kasama ang mga kaakibat na gawain at
itanghal/ipakita ito sa harap ng klase. Gagawin ito sa loob ng limang
minuto.

Pamantayan
RUBRICS
30% Pagkamalikhain
30% Konsepto
30% Kaayusan ng Pagtatanghal
10% Reaksyon ng mga Mag aaral
100% Total

Pangkat Gawain
Ang pangkat ay gagawa ng tula(tatlong saknong)
1 patungkol sa mga magagandang lugar na
matatagpuan sa Rehiyon 2.
Ang pangkat ay bubuo ng isang hugot lines o
2 kkataga na nagpapakita ng pagpapahalaga ng
panitikan sa Rehiyon 2.
Ang pagkat ay guguhit ng isa sa mga
3 hanapbuhay ng Rehiyon 2.
Ang pangkat ay gagawa ng konseptong
4 pagbabalita tungkol sa Rehiyon 2 upang
mahikayat ang mga dayuhan na puntahan ito.

IV. Pagtataya
Sa isang kapat na papel sagutin ang mga sumusunod:
1. Saan matatagpuan ang pinakamahabang ilog sa Pilipinas?
2. Saang bahagi ng Luzon matatagpuan ang Rehiyon 2?
3. Ano ang kabisera ng lalawigan ng Cagayan?
4. Magbigay ng hanapbuhay sa Rehiyon2.
5. Magbigay ng halimbawa ng produkto sa Rehiyon 2.

V. Takdang Aralin
Isulat sa kalahating papel.

Kung ang iyong pamilya ay bibigyan ng pagkakataong magkaroon ng libreng


bakasyon sa Rehiyon 2, saan sa mga lugar o lalawigan ang gustong puntahan at
bakit?

Inihanda ni :

Bb. Mahilum, Carillgen T.

You might also like