You are on page 1of 5

Mataas na Paaralan ng ICCT

V.V. Soliven Ave. Cainta, Rizal II

Kolehiyo ng Edukasyon
Departamento ng Asignaturang Filipino

Banghay Aralin sa Filipino 8


Ikalawang Markahan
Panitikan sa Rehiyon II

I. Layunin

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag aaral ay;

A. nakakapagbigay ng mga katangiang nagtatangi sa Rehiyon II sa


iba pang rehiyon sa bansa sa pamamagitan ng mga larawan na
sumasalamin sa rehiyon;

B. nakakapagbahagi sa klase ng mga katangiang topographiya tulad


ng mga lalawigan at kabisera nito, mga pangkat etniko, at ang mga
sikat na panitikang sumasalamin sa kultura ng rehiyon;

C. naisasagawa at naisasapuso ang mga aral na mapupulot mula sa


mga panitikan sa Rehiyon 2 sa pamamagitan ng iba’t ibang Gawain
at pagkakataon.

II. Paksang Aralin

A. Paksa: Panitikan Ng Rehiyon 2


B. Sangguniang Aklat:
Kadluan ng Wika at Panitikan I.1997.p.29
Filipino sa Bagong Henerasyon I. 1997.pp.86-88
C. Kagamitan: Mga Ginupit na Larawan, laptop, projector, powerpoint
presentation
III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagbati
 Pagtingin sa bilang ng mga pumasok sa klase
 Pagsasaayos sa klase bago ang pagtalakay sa paksa
 Pagbabalik aral

Mga Katanungan:
 Maari bang ibahagi ang naging paksa noong
nakaraang pagkikita at kung ano ang natutunan
niyo mula rito?
 Kayo ba ay may nais pang linawin mula sa
nakaraang paksa?

B. Panlinang na Gawain

1. Pagbabalik aral
Mga Katanungan:
 Maari bang ibahagi ang naging paksa noong
nakaraang pagkikita at kung ano ang natutunan niyo
mula rito?
 Kayo ba ay may nais pang linawin mula sa nakaraang
paksa?

2. Pagganyak

(Jigsaw Puzzle)

Ang klase ay hahatiin sa apat na pangkat at ang bawat


nasabing pangkat ay bibigyan ng isang sobre na naglalaman ng
mga ginupit na piraso ng larawan. Sa loob ng 30 segundo,
kinakailangang mabuo ng mga mag aaral ang larawan at idikit
ito sa bond paper na ibinigay sa kanila. Ang bawat pangkat ay
pipili ng kanilang kinatawan upang magbahagi ng masasabi sa
kanilang nabuong larawan.
C. Pagsusuri (Analysis)

Matapos ilahad ang mga ideya at konsepto sa mga mag aaral,


itatanong ang mga sumusunod:

1. Saan niyo nakikitang lalawigan ang mga sumusunod na


bagay/ Gawain sa nasabing larawan?
2. Bukod sa mga larawang ito, bilang mag aaral sa
asignaturang Filipino, sa paanong paraan malalaman o
matatangi pa ang nasabing rehiyon? Bakit?

D. Paghahalaw at Pagahahambing (Abstraction and Comparison)

 Mula sa mga larawang ginamit mula sa


pagganyak, ipapaliwanag sa mga mag-aaral paksa
patungkol sa Panitikan sa Rehiyon 2. Ilalahad ang mga
impormasyong topographiya tulad ng mga lalawigang
nakapaloob, mga kabisera nito, mga pangkat etniko na
matatagpuan rito at ang mga sikat na panitikang umusbong
sa nasabing rehiyon.

 Gamit ang Venn diagram, ipakita ang pagkakahalintulad at


pagkakaiba ng katutubong kwento na matatagpuan sa mga
lalawigan na saklaw ng ikalawang rehiyon

 Magbibigay ng mga halimbawa ng panitikan sa Rehiyon 2


tulad ng mga bugtong, salawikain, epiko, tula atbp.

E. Paglalapat (Application)

Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Bawat pangkat ay may kani-


kaniyang gawaing batay sa Multiple Intelligence na nakapaloob sa
isang sobre kasama ang mga kaakibat na gawain

Pangkat Gawain
(Verbal-Linguistic)
1 Paggawa ng PLOT (Pamagat, Lugar, Oras, Tauhan) sa
Epikong Biuag at Malana
(Logical-Mathematical)
2
Bumuo ng isang hugot-bugtong
(Visual-Spatial)
3 Pagbuo ng sariling interpretasyon sa Rehiyon 2 gamit ang
pagguhit
(Musical-Rhythmic)
4 Pag-awit ng kantang Salomon (Awit na pang Pasko ng
mga Cagayenos)

Pamantayan

RUBRICS
30% Pagkamalikhain
30% Konsepto
30% Kaayusan ng Pagtatanghal
10% Reaksyon ng mga Mag aaral
100% Total

F. Paglalahat
Pagpapahalaga:

Halaw mula sa isang awit ng pag-ibig sa Rehiyon 2

O lappaw a makayay
Nga inimmi-immian na mata,
Pare nakuan tu ari ka matay,
Tape manayuk ka gugammay

(O kaibig-ibig bulaklak
Aking mga mata masdan magpakailanman,
Maaari mong hindi makalanta, o mamatay,
Matagal na kitanng naging hiyas ng aking mga mata.)

Aral:

“Ang literatura ay tila mga mata ng isang ninuman, iyong mababakas ang pag-ibig na
wagas.”

IV. Ebalwasyon
Sa isang buong papel, sumulat ng 10 bugtong na tumutukoy sa kultura at
panitikan ng Rehiyon II

RUBRICS
50% Ideya at Konsepto
30% Wastong Gramatika
20% Kalinisan ng Gawa
100% Total
V. Kasunduan
Magtanong sa mga magulang o nakatatanda tungkol sa mga alamat na kanilang
nalalaman ditto sa Iloilo. Isulat sa isang buong papel at ibahagi ito sa klase.

Inihanda nina :

Bb. Carillgen T. Mahilum at Bb. Lorelli A. Dela Cruz

You might also like