You are on page 1of 1

NASYONALISMO

Ang pagkamakabansa o nasyonalismo ay isang kataga na tumutukoy sa isang doktrina o kilusang


pampolitika na pinanghahawakan na may karapatan ang isang bansakadalasang binibigyan kahulugan
sa etnisidad o kultura-na magbuo ng isang malaya o awtonomong pamayanang pampolitika na nakabatay
sa isang magkakatulad na kasaysayan at karaniwang patutunguhan. Ito rin ang ideyolohiyang pampolitika
at sentimyento o damdamin bumubugkos sa isang tao sa iba pang mga taong may pagkakapareho sa
kanyang wika, kultura o kalinangan, at mga kaugalian o tradisyon. Bagaman nakapagpapasigla o
nakapagpapanimula ito ng demokratikong pampolitika na pagbabago at repormang pangkabuhayan o
pang-ekonomiya, kadalasang kinalalabasan o nagreresulta ito ng labis na katapatan sa isang estado na
may tendensiyang maliitin ang isa pang nasyon, kaya't maaaring maging obstakulo o balakid sa
pandaigdigang kapayapaan at kooperasyon o pagkakaisa.

URI NG NASYONALISMO

PASIBONG NASYONALISMO
pagpapakita ng pagmamahal sa bayan sa mapayapang paraan.
hal. pagsusulat, pagpipinta, pagsasadula, pag-awit, at paggamit ng simbolo

AKTIBONG NASYONALISMO
pagpapakita ng pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng dahas
hal. Rebolusyon, Pag-aalsa, himagsikan, labanan, atbp.

You might also like