You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OFFICE I PANGASINAN
BATIARAO ELEMENTARY SCHOOL
BATIARAO, ANDA, PANGASINAN

Ikalawang Markahang Pagsusulit sa EPP 4

Pangalan: Iskor:

Panuto: Basahin ang kwento at ayusing ang mga gawain. Pagsunurin ang mga hakbang sa pamamalantsa. Lagyan
ng bilang mula 1-5.

Isang araw, inutusan si Lara ng kanyang Nanay Nora na ayusin ang mga kasuotan. Gusot-gusot
ang mga damit na bagong laba. Nasabi niya sa sarili na kailangan niyang plantsahin ang mga damit bago
ito itago at suotin. Kaagad kinuha ni Lara ang plantsahan. Tulungan si Lara sa kanyang pamamalantsa.

1. Unang plantsahin sa kabaligtaran ang mga bahagi ng damit na pinagdugtong ng tahi tulad ng balikat,
tagiliran, bulsa, mga lupi at laylayan.
2. Ihanda ang plantsahan, plantsa at mga piraso ng damit na paplantsahin. Tiyaking malinis ang ilalim ng
plantsa bago gamitin. Painitin ang plantsa. Paraanan ng plantsa nang ilang ulit ang plantsahan upang
malaman kung tama ang init nito.
3. Baliktarin muli ang damit kung bulsa o polo ang pinaplantsa. Unang padaanan ang
manggas. Plantsahin ang damit pang-itass ayon sa ganitong pagkasunud-sunod: balikat,
likod, at harapan ng damit.
4. Tiklupin nang maayos ang mga bagong plantsang damit o kaya isabit sa hanger.
5. Plantsahin ang palda at pantalon mula sa laylayan patungong baywang. Dampian ang
mga ito ng basing pasador bago plantsahin upang maalis ang gusot.

Panuto: Pagsunud-sunurin ang tamang hakbang sa paglalaba. Lagyan ng bilang mula 1-5.

6. Basaing isa-isa ang bawat pirasong lalabhan. Kusutin ng bahagya upang unti-untin maalis
ang dumi sa damit.
7. Ihanda ang mga kagamitan tulad ng sabon, palanggana, batya, balde at tubig. Kunin ang
mga maruruming damit. Ihiwalay ang mga damit na puti sa may kulay.
8. Ikula ang mga puti. Ilatag ang mga ito sa lugar na naaarawan. Manaka-nakang basain ng
tubig na may sabon ang damit na nakakula upang di amtuyo. Samsamin ang mga ikinula
pagkatapos mainitan. Sabunin at kusutin ang mga ito hanggang sa maalis na lahat ang
dumi.
9. Lagyan ng sabon ang palangganang may tubig, pabulain. Isa-isang kusutin ang mga
damit. Simulant sa mga presong puti at parte ng damit na madaling kinakapitan ng dumi
tulad ng kuwelyo, leeg, manggas at laylayan.
10.Banlawan nang makailang ulit ang mag damit hanggang sa maalis na lahat ng bula ng
sabon sa tubig. Pigaing mabuti ang binanlawang damit at isampay upang matuyo.
Lagyan ng sipit ang mga sampay upang hindi ilaglag ng hangin.

Panuto: Tukuyin ang kagamitan sa pananahi na inilalarawan sa bawat bilang. Piliin ang titik ng tamang sagot.

11. Ito ay ginagamit sa pagsukat ng tela.


a. didal
b. emery bag
c. gunting
d. medida

12. Itinutusok dito ang karayom sa kapag hindi ginagamit upang hindi kalawangin.
a. didal
b. emery bag
c. pin cushion
d. sewing box
13. Ginagamit ito sa paggupit ng tela.
a. aspili
b. emery bag
c. gunting
d. karayom
14. Upang hindi matusok ang daliri, inilalagay mo ito sa iyong gitnang daliri.
a. aspili
b. didal
c. gunting
d. karayom
15. Ito ay magkasamang ginagamit sa pananahi.
a. didal at medida
b. emery bag at didal
c. gunting at lapis
d. karayom at sinulid
16. Inutusan ka na bunutin ang mga ligaw na damo sa inyong bakuran. Ano ang itong dapat
gawin?
a. hayaan lang
b. walisin ang ligaw na damo
c. putulin ang ligaw na damo
d. bunutin ang ugat ng mga ligaw na damo
17. Ang mga sumusunod ay tamang pagtatapon ng basura, maliban sa?
a. paghalu-haluin ang basura
b. ang mga tuyong dahon ay gawing pataba
c. ang mga plastic ay itapon sa di- nabubulok
d. ibaon sa ilalim ng lupa ang mga basura na hindi pwedeng gamitin
18. Natapos ka na sa pagwawalis ng bakuran. Ano ang dapat mong gawin sa mga tuyong
dahon?
a. sunugin ito
b. hayaan lang ito
c. itapon sa malayo
d. dakutin ito at ilagay sa basurahan
19. Nakita mo na walang takip ang basurahan. Ano ang iyong dapat gawin dito?
a. lagyan pa ng basura
b. hayaan lang itong bukas
c. huwag pansinin ang basurahan
d. takpan ito upang hindi pamugaran ng mga sari-saring insekto
20. Bakit kailangang siguruhing ang mga kanal o daluyan ng tubig ay dumadaloy nang tuloy-
tuloy?
a. upang hindi mapuno ang kanal
b. upang hindi kumalat ang mga dahoon
c. upang hindi mahirapan maglinis ng kanal
d. upang hindi pamahayan ng mga lamok at makaiwas sa sakit na dengue
21. Nagluto ang Nanay ng spaghetti, anong kubyertos ang dapat mong gamitin?
a. baso
b. kutsara
c. plato
d. tinidor
22. Inutusan ka ng Lola na ihanda na sa hapagkainan ang mga pagkain. Anong kasangkapan ang ginagamit
panlagyan ng kanin?
a. baso
b. platito
c. plato
d. tinidor
23. May niluto ang ate na sinigang na karneng baka. Anong kasangkapan ang dapat gamitin sa sabaw?
a. baso
b. kutsara
c. platito
d. tinidor
24. Anong kasangkapan ang ginagamit panlagyan ng sawsawan?
a. baso
b. kutsara
c. platito
d. plato
25. Anong kasangkapan ang ginagamit sa pagsaing?
a. kaldero
b. kawali
c. platito
d. sandok
26. Sa paghuhugas ng pinggan, ano ang ginagamit para panlagyan ng tubig?
a. dish rack
b. palanggana
c. sabon
d. spongha
27. Kasangkapan kung saan ditto pinapatulo ang mga pinggan at iba pang kubyertos.
a. dish rack
b. china ware
c. glass rack
d. shoe rack
28. Ito ang gamit sa paghuhugas ng kubyertos na tumataglay ng disinfectant o pumapatay ng mikrobyo.
a. sabon
b. sanitizer
c. spongha
d. zonrox
29. Anong gawaing ang dapat mong gawin pagkatapos magluto at kumain?
a. Umalis at maglaro.
b. Pabayaan ang mga pagkain sa mesa.
c. Alisin ang mga tira-tirang pagkain sa plato.
d. Dalhin ang mga ito sa kusina upan hugasan.
30. Ano ang dapat tandaan sa paghuhugas at pagliligpit ng pinagkainan?
a. Tiyakin na ang lalagyan ay malinis at may amoy.
b. Ilagay ang mga huhugasang pinagkainan sa dakong kaliwa ng lababo.
c. Pagkatapos kumain hugasan kaagad ang plato na hindi inaalis ang tira-tirang pagkain.
d. Unang alisin ang mga tira-tirang pagkain sa plato at hugasang mabuti ang pinagkainan sa kusina.
Panuto: Tukuyin kung anong alituntunin ang tinutukoy ng mga sumusunod na taludtud.

Hugasang mabuti ang mga kamay sabi ni nanay


Gamit sa paghahanda ang gabay
Apron ang suot ni nanay
Hairnet o bandana sa ulo and kadamay
31.
a. Ilagay sa tamang lalagyan ang pagkain.
b. Mag-ingat sa paggamit ng mga matutulis at matatalas na kutsilyo.
c. Maglaan ng hiwalay na basurahan para sa basa at tuyong basurahan.
d. Hugasang mabuti ang mga kamay bago at pagkatapos maghanda ng pagkain.

Ihanda ang lahat ng gagamiting sangkap


Sa pagluluto kailangan kasangkapan ay sapat
Saktong dami ng pagkain
Alay sa kanyang mag-anak
32.
a. Mag-ingat sa paggamit ng mga matutulis at matatalas na kutsilyo.
b. Hugasang mabuti ang mga kamay bago at pagkatapos maghanda ng pagkain.
c. Ihanda ang lahat ng gagamiting sangkap sa pagluluto at lutuin lamang ang dami ng
pagkaing kayang ubusin ng pamilya.
d. Maglaan ng hiwalay na basurahan para sa basa at tuyong basurahan upang hindi
magkalat sa lugar na pinaglulutuan.
Pagkaing niluluto ay huwag iwanan
Pag-apaw, pagkatuyo o pagkasunog ay maiiwasan
Potholder o basahan gamit sa kamay
Iwas pagkapaso ayon sa payo ni nanay
33.
a. Hugasang mabuti ang mga kamay bago at pagkatapos maghanda ng pagkain.
b. Huwag iwanan ang niluluto upang maiwasan ang pagka-apaw, pagkatuyo, o pagkasunog nito.
c. Ihanda ang lahat ng gagamiting sangkap sa pagluluto at lutuin lamang ang dami ng pagkaing
kayang
ubusin ng pamilya.
d. Maglaan ng hiwalay na basurahan para sa basa at tuyong basurahan upang hindi magkalat sa
lugar
na pinaglulutuan.

Gulay ay ilagay kung malapit ng hanguin sa kalan


Pagkadurog maiiwasan at sustansiya ay hindi ka mawawalan
Uminom ng tubig kung ito’y titikman
Gas cylinder ay isara matapos gamitin
34.
a. Isara ng maayos ang gas cylinder matapos gamitin.
b. Huwag iwanan ang niluluto upang maiwasan ang pagka-apaw, pagkatuyo, o pagkasunog nito.
c. Ihanda ang lahat ng gagamiting sangkap sa pagluluto at lutuin lamang ang dami ng pagkaing
kayang
ubusin ng pamilya.
d. Maglaan ng hiwalay na basurahan para sa basa at tuyong basurahan upang hindi magkalat sa
lugar
na pinaglulutuan.

Laging mag-ingat sa paggamit ng kutsilyo o anumang


matutulis at matatalas
Basa o tuyong basura ay ihiwalay
Kalat sa saktong basurahan ilagay
35.
a. Isara ng maayos ang gas cyclinder matapos gamitin.
b. Mag-ingat sa paggamit ng mga matutulis at matatalas na kutsilyo.
c. Huwag iwanan ang niluluto upang maiwasan ang pagka-apaw, pagkatuyo, o pagkasunig nito.
d. Ihanda ang lahat ng gagamiting sangkap sa pagluluto at lutuin lamang ang dami ng pagkaing
kayang
ubusin ng pamilya.

Panuto: Pangkatin ang mga salita na nasa kahon kung ito ay nabubulok, di-nabubulok at nareresiklo(recyclable).
(36-40)

gulay damo plastic container


sirang tsinelas sanitary napkin

Nabubulok Di-nabubulok Nareresiklo

You might also like