You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OFFICE I PANGASINAN
BATIARAO ELEMENTARY SCHOOL
BATIARAO, ANDA, PANGASINAN

Unang Markahang Pagsusulit sa EPP 4


Pangalan: Iskor:
I. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay mga tanim na ginagamit na palamuti sa mga tahanan at paaralan.
a. ornamental b. gulay c. narseri d. herbal
2. Ang pagtatanim ng mga puno at halaman sa paligid ay naiiwasan ang ___________.
a. Pagsunog b. paglilinis c. polusyon d. pagkukumpuni
3. Ito ang pagtatanim ng pinagsamang halamang ornamental at halamang gulay na nagbibigay ganda
sa bakuran at makakakuha ka pa ng sariwang gulay na makakain.
a. marcotting b. intercropping c. inarching d. ornamental
4. Ito ay ang pagdidisenyo ng mga halaman at punong ornamental sa hardin ng bahay o paaralan.
a. landscape gardening b. ornamental gardening c. narseri d. intercropping
5. Ang paghahanda ng kahong punlaan at pagbababad ng magdamag ng mga butong pantanim o
sangang pantanim sa tubig ay isang halimbawa ng ______________ pagpapatubo.
a. tuwiran b. intercropping c. di-tuwiran d. inarching
6. Ang paghuhulog ng 2-3 butong pantanim o sangang pantanim ay halimbawa ng ___________
pagpapatubo.
a. tuwiran b. intercropping c. di-tuwiran d. inarching
7. Ang gumawa ng butas sa ilalim ng buhol ay halimbawa ng ___________ pagpapatubo.
a. tuwiran b. intercropping c. di-tuwiran d. inarching
8. Ang ipunla sa kahong punlaan at takpan habang hindi pa lumalabas ang unang sibol ay isang
____________ pagpapatubo.
a. tuwiran b. intercropping c. di-tuwiran d. inarching
9. Ito ay itinatanim sa gilid, sa kanto, o sagit nang ibang mababang halaman.
a. halamang ornamental c. halamang gulay
b. punong ornamental d. punong gulay
10. Ito ay itinatanim sa mga panabi o paligid ng tahanan, maaari rin sa bakod o sa gilid ng daanan.
a. halamang ornamental c. halamang gulay
b. punong ornamental d. punong gulay
11. Ito ay mga halamang may malambot na tangkay at karaniwang nabubuhay ng isa o dalawang taon.
a. herbs b. aquatic c. aerial d. shrubs
12. Ito ay mga halamang tubig na nabubuhay katulad ng water lily at lotus.
a. Punongkahoy b. aquatic c. aerial d. shrubs
13. Ito ay mga halaman na may ilang matitigas na sanga na pangkaraniwan ng hindi tumataas ng
mahigit sa 7 metro.
a. Punongkahoy b. aquatic c. aerial d. shrubs
14. Ito ay mga halamang hindi nakakatayo sa sarili kaya’t gumagapang sa lupa o kumakapit sa mga
bagay.
a. Punongkahoy b. aquatic c. vine d. shrubs
15. Ito ay ang normal na pagtubo ng mga usbong ng halaman mula sa ugat o punong tanim.
a. pasanga b. natural c. artipisyal d. ornamental
16. Ito ay uri ng pagtatanim na gamit ang sanga, dahon, o usbong ng tanim.
a. pasanga b. natural c. artipisyal d. ornamental
17. Sa paraang ito, pinagsasama ang sanga ng isang puno at sanga ng isa pang punong nakalagay sa
paso.
a. Grafting b. marcotting c. inarching d. artipisyal
18. Sa paraang ito pinagsasama ang dalawang sangang galing sa dalawang puno.
a. grafting b. marcotting c. inarching d. artipisyal
19. Ginagawa ito sa sanga o katawan ng punongkahoy habang ito ay hindi pa nahihiwalay sa
puno.
a. grafting b. marcotting c. inarching d. artipisyal
20. Ito ay mga halaman na mayroong matitigas na sanga na maaaring gamiting pambakod.
a. namumulaklak b. baging c. ornamental d. palumpon
21. Ito ay ginagamit upang linisin ang kalat sa bakuran tulad ng tuyong dahon at iba pang uring basura.
a. asarol b. kalaykay c. pala d. regadera
22. Ito ay ginagamit sa pagbubungkal ng lupa sa paligid ng halaman at mahusay rin itong gamit sa
paglilipat ng mga punla.
a. dulos b. asarol c. regadera d. pala
23. Ang pagsasama-sama ng mga sariwa o nabubulok na mga basura na puwedeng gawing abono.
a. organiko b. inarching c. planting d. di-organiko
24. Ito ay isang uri ng paraan upang maging mataba ang lupa sa pamamagitan ng paggamit ng mga
basurang nabubulok bilang pataba sa lupang taniman.
a. compost heap b. compost pit c. organiko d. di-organiko
25. Ito ay isang paraan ng pagpapabulok ng mga basura sa sisidlan at hindi sa hukay.
a. compost heap b. compost pit c. organiko d. di-organiko
26. Ito ay pataba na inilalagay sa lupa upang hindi gaanong malapit sa ugat ng halaman sa
pamamagitan ng isang kagamitang nakalaan para rito.
a. broadcasting b. foliar application c. side-dressing d. basal application
27. Ito ay magandang alagaan sa bahay dahil sila ay eco-friendly animals at nagbibigay ng
masustansyang karne at hindi madaling dapuan ng sakit.
a. kuneho b. aso c. pusa d. ibon
28. Ito ay hindi gaanong mahirap alagaan dahil hindi ito nangangagat sa halip ito ay nagbibigay ng
karagdagang kita sa mag-anak dahil nagbibigay ito ng itlog at karne.
a. kuneho b. aso c. pusa d. manok
29. Ang pag-aalaga ng hayop ay nangangailangan ng ____________.
a. tirahan, tubig, sikatngaraw, at hangin c. halaman, puno, bahay, hangin
b. pera, damit, paaralan, ospital d. walasanabanggit
30. Ang mga ___________ ay dapat pakainin ng palay, mais, munggo, tinapay, at butong mirasol.
a. kuneho b. aso c. manok d. kalapati
31. Ito ay isang lalagyang may tubig kung saan inaalagaan at pinalalaki ang mga isda.
a. kahon b. aquarium c. baso d. kulungan
32. Ito ay isang uri ng daga na matuturuan sa ipapagawa sa kanya katulad sa mga carnival.
a. dagang costa b. kuneho c. kalapati d. aso
33. Ito ay talaan ng mga gawaing dapat isakatuparan sa takdang oras at panahon.
a. iskedyul b. plano c. paggawa d. panahon
34. Ito ay mas kilala bilang Animal Welfare Act na komprehensibong pagtakda sa tama at makataong
pangangalaga ng mga mamamayan sa lahat ng hayop sa bansa.
a. Republic Act No. 8585 c. Republic Act No. 8686
b. Republic Act No. 8485 d. Republic Act No. 8586
35. Sa anong section ng batas na ipinagbabawal ang pagmamaltrato at pagtotorture sa mga
hayop?
a. Section 3 b. Section 6 c. Section 4 d. Section 5
36. Ang panukalang ito ang unang hayagang pagbabawal sa paggawa ng mga crush video.
a. House Bill 914 b. House Bill 900 c. House Bill 814 d. House Bill 800
37. Mga amyenda o pagbabagong itinakda ng RA 10631 ay ang:
a. Mas mababa na piyansa o parusa c. Walang parusa
b. Mas mataas na piyansa o parusa d. Pagkakulong lang ang parusa
38. Upang mabigyan agad ng karampatang lunas ang alagang hayop, kumunsulta sa ______.
a. Doctor sa ospita c. matandang kapitbahay
b. Beterinaryo d. may-ari ng hayop
39. Ano dapat gawin sa hayop upang hindi pagala-gala sa kalye?
a. Ipamigay sa nais kumuha nito. c. Dalhin sa beterinaryo.
b. Itali o igawa ng kulungan. d. Huwag pakainin
40. Saan dapat dadalhin ang namatay na hayop sanhi ng pagkakasakit?
a. Ibabaon sa lupa. c. Itatapon sa dagat.
b. Ibinibigay sa kapitbahay. d. Hayaan nalang sa loob ng kulungan.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OFFICE I PANGASINAN
BATIARAO ELEMENTARY SCHOOL
BATIARAO, ANDA, PANGASINAN

Unang Markahang Pagsusulit sa EPP 4


Pangalan: Iskor:

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa patlang ang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng halamang ornamental?
a. San Francisco b. Makopa c. Mangga d. Duhat
2. Alin ang halamang ornamental ang hindi namumulaklak?
a. Santan b. Gumamela c. Cosmos d. San Francisco
3. Ano ang nararapat gawin sa halamang ornamental?
a. Huwag alagaan c. ilagay kung saan -saan
b. Diligin araw-araw d. pabayaan na lamang
4. Alin sa sumusunod ang maaring gamitin na punlaan para sa mga halamang nais patubuin?
a. Kahon na yari sa kahoy c. Pasong malalapad
b. Kama ng lupa d. Lahat ng mga nabanaggit
5. Si Abdul ay nais magtanim ng Gumamela. Anong bahagi ng Gumamela ang gagamitin ni Abdul?
a. buto b. ugat c. dahon d. sanga
6. Ano ang hindi dapat mapinsala sa paglilipat ng punlaan sa taniman?
a. dahon b. sanga c. bunga d. ugat
7. Ano ang dapat gamitin upang makakuha ng wastong agwat sa pagtatanim?
a. tali na may buhol c. panukat
b. patpat d. pala
8. Si Myren ay may ililipat na halamang ornamental. Saan niya ito itatanim?
a. sa timba b. sa palanggana c. sa paso d. sa tabo
9. Alin sa mga sumusunod na bahagi ng halaman na hindi maaaring gamitin sa pagpapatubo ng
tanim?
a. buto b. sanga c. tangkay d. wala sa nabangit
10. Saan sa mga ito ang hindi magandang halimbawa sa posibleng pagkuha ng halamang ornamental
na itatanim?
a. humingi sa kapitbahay c. mamitas nang hindi nagpapaalam sa may-ari
b. bumuli sa mga flower shop d. Humingi sa kaibigan
11. Alin sa mga sumusunod ang pakinabang sa pagtatanim ng halamang ornamental?
a. Nagdudulot ng basura c.Nagdudulot ng polusyon
b. Nagbibigay ganda sa kapaligiran d. Dagdag gastos
12. Anong uri ng polusyon ang mababawasan dahil sa pagtatanim ng halamang ornamental?
a. Polusyon sa tubig c. Polusyon sa tunog
b. Polusyon sa lupa d. Polusyon sa hangin
13. Paano mapagkakitaan ang halamang ornamental?
a. Ibebenta b. Ipimimigay c. Iiwan sa daan d. itatapon
14. Paano nakapagpapaganda sa kapaligiran ang pagtatanim ng halamang ornamental?
a. Nagsisilbing palamuti c. Nagbibigay lilim at sariwang hangin
b. Nagbibigay kasiyahan sa pamilya d. Lahat ng nabanggit ay tama
15. Alin sa mga sumusunod na halaman ang nakapagbibigay lilim?
a. Adelfa b. Bermuda c. daisy d. orchids
16. Ano ang tawag sa pag-aayos ng mga halaman sa bakuran na kaaya-ayang tingnan?
a. fish pond b. basurahan c. landscape d. tambakan
17. Kailan kailangang isaalang-alang ang pagpili ng halamang ornamental na itatanim?
a. tuwing tatanim b. tuwing aani
c. paminsan-minsan d. hindi kailangan
18. Ano-ano ang kailangang isaalang- alang sa pagbabago ng espasyo ng taniman ng halamang
ornamental?
a. lupang tataniman
b. kasangkapan at kagamitan
c. mga halaman at punong ornamental na nababagay sa inyong bakuran
d. lahat ng nabanggit
19. Ano ang pangunahing dapat alamin kung sakaling hindi maganda ang mga dating tanim?
a. alamin muna ang lupang tataniman
b. palitan agad ang mga tanim
c. itatapon lahat ng mga nakatanim sa lupa
d. mag aabono sa lupang tataniman
20. Kapag ang lupa ay tuyo, matigas, at bitak bitak ano ang marapat na gawin?
a. maghahanap ng ibang lupang maaring bungkalin
b. haluan ng mga organikong bagay gaya ng mga binulok (decomposed) na mga halaman
at dumi ng hayop.
c. buhusan ito ng maraming tubig
d. wala sa nabanggit
21. Anong kagamitan ang gagamitin upang bungkalin ang lupang pagtataniman?
a. kalaykay at regadera c. asarol at piko
b. dulos at regadera d. dulos at pisi
22. Bakit kailangan ang masusing paghahanda sa itatanim?
a. upang mabilis ang paglaki ng halaman
b. upang maisakatuparan ang proyekto
c. upang madali ang pagsugpo ng mga sakit nito
d. upang maibenta kaagad ang mga produkto
23. Saan maaaring magsimula ang itatanim na halamang ornamental?
a. paso at lupa c. buto at sangang pantanim
b. bunga at dahon d. wala sa mga ito
24. Saan itinatanim ang mga namumulaklak na halaman?
a. Sa tabi ng mga lumalaki at yumayabong na halaman
b. Sa lugar na naaarawan
c. Sa ilalim ng mga punong-kahoy
d. Wala sa nabangit
25. Ano ang tawag sa pagpapaganda ng isang lugar sa pamamagitan ng pagtatanim ng halamang
ornamental?
a. Vegetable gardening c. Landscape gardening
b. Floral arrangement d. Urban gardening
26. Alin sa mga sumusunod ang hindi wastong pagpapahalaga sa hayop?
a. Pagpapakain sa oras. c. Pabayaan na lamang sa bakuran.
b. Pag-aalaga nang maayos. d. Pagbibigay ng maayos na tirahan.
27. Ang ____________ ay isang dulot ng pag-aalaga ng hayop na kung saan maaari mong ibenta ang
mga alagang hayop.
a. Libangan c. Napagkakakitaan
b. Napaglalaruan d. Nagbibigay pagkain
28. Alin sa mga sumusunod na hayop ang maaaring alagaan sa tahanan?
a. Tigre b. Leon c. Manok d. Elepante
29. Ano ang kabutihang dulot ng pag-aalaga ng aso?
a. Nagbibigay ito ng itlog. c. Nagbibigay ito ng karne.
b. Magaling humuli ng daga. d. Mainam na bantay sa bahay.
30. Ang sumusunod ay mga dapat tandaan sa maayos na pag-aalaga ng hayop, maliban sa:
a. Linisin nang mabuti ang tirahan o kulungan.
b. Bigyan ng sapat na pagkain at malinis na tubig.
c. Ang bitamina at gamot ay hindi na kinakailangan ng alagang hayop.
d. Dapat ang tirahan o kulungan ay nakatayo sa bakanteng lote o sa likod bahay.
31. Ang sumusunod ay mga bagay na dapat ibigay sa hayop, maliban sa:
a. Pagkain at tubig c. Bitamina at gamot
b. Malinis na hangin d. Matibay ngunit maruming tirahan o kulungan.
32. Mainam na may puno sa tabi ng kulungan ng hayop upang may _______.
a. Sapat na suplay ng hangin. c. Panangga sa sobrang init at ulan.
b. Mapagkukunan ng panggatong. d. Mapagtatalian sa mga hayop.
33. Ang iyong tatay ay gagawa ng kulungan ng iyong alagang aso. Alin sa mga sumusunod ang angkop
na lugar para sa kanyang kulungan?
a. Walang kanal c. Malapit sa bahay
b. Nakaangat sa lupa d. Sa makitid na lugar
34. Bakit mahalaga ang pagbibigay ng wastong pagpapakain sa mga alagang hayop?
a. Malalaman ang kaukulang kita.
b. Matiyak ang paglaki ng mga alagang hayop.
c. Maipakita ang kagalingan sa pag-alaga ng hayop.
d. Maipahayag ang kaalaman sa pag-aalaga ng hayop.
35. Paano maiiwasan ang hawaan at kontaminasyon ng sakit ng mga alagang hayop?
a. Paglilinis ng paligid ng bahay.
b. Ipagbibili ang may sakit na mga hayop.
c. Hindi paglilinis ng tirahan ng mga hayop.
d. Paglilinis ng tirahan ng mga alagang hayop araw-araw.
Mga Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat sa sagutang papel ang salitang TAMA kung
ang pangungusap ay tama at MALI naman kung ito ay hindi tama.
1. Mas nakakabuting organikong pataba ang gamitin sa mga halaman.
2. Mainam gawin ang pagbububungkal ng lupa sa paligid ng halaman kung umaga o kaya’y sa
hapon.
3. Hayaan na paglaruan ng mga bata ang mga kagamitan sa pagbubungkal ng lupa.
4. Walang halong synthetic chemicals ang inorganikong pataba.
5. Lahat ng mga halaman ay dinidiligan araw araw para sila ay hindi malanta.

You might also like