You are on page 1of 9

DIAGNOSTIC TEST SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO IV

IKATLONG MARKAHAN

I. Layunin:

1. Nakapagpapakita ng kawilihan sa pakikinig o pagbabasa ng mga


pamanang kulturang material (hal. Kuwentong bayan, alamat, mga epiko)
at di-materyal (hal. mga magagandang kaugalian, pagpapahalaga sa
nakatatanda at iba pa).
EsP4PPP-IIIa-b-19

2. Naipagmamalaki/napahahalagahan ang nasuring kultura ng iba’t-ibang


pangkat etniko tulad ng kuwentong bayan, katutubong sayaw, awit, laro, at
iba pa.
EsP4PPP-IIIc-d-20

3. Nakasusunod sa mga batas/panuntunang pinaiiral tungkol sa pangangalaga


ng kapaligiran kahit walang nakakakita.
EsP4PPP-IIIe-f-21

4. Nakatutulong sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng kapaligiran


saan man sa pamamagitan ng:

4.1. segregasyon o pagtatapon ng mga basurang nabubulok at di-


nabubulok sa tamang lagayan
4.2. pag-iwas sa pagsunog ng anumang bagay
4.3. pagsasagawa ng muling paggamit ng mga patapong bagay
(Recycling)
EsP4PPP-IIIg-i-22
II. Talaan ng Ispisipikasyon

No. Perce No. Taxonomy of Objectives Item


Most Essential Learning Topic of ntage of Place
Days of Ite ment
Competencies
Taug Teac ms
ht hing
Time R U Ap An E C
20 20 20 20 10 10
% % % % % %

1.Nakapagpapakita ng
kawilihan sa pakikinig o
pagbabasa ng mga Pakikinig o
pamanang kulturang
Pagbasa ng
material (hal.
kuwentong bayan, mga 10 25% 5 / / 1-5
alamat, mga epiko) at di- Pamanang
materyal (hal. mga Kultura
magagandang kaugalian,
pagpapahalaga sa
nakatatanda at iba pa).
2.Naipagmamalaki/
napahahalagahan
ang nasuring kultura ng Pagpapahalag 10 25% 5 / / 6-10
iba’t-ibang pangkat etniko
a sa Kultura
tulad ng kuwentong bayan,
katutubong sayaw, awit,
laro, at iba pa.
3.Nakasusunod sa mga
batas/panuntunang pinaiiral Pagsunod sa 10 25% 5 11-15
tungkol sa pangangalaga ng Batas / /
kapaligiran kahit walang
nakakakita.
4.Nakatutulong sa
pagpapanatili ng kalinisan
at kaayusan ng kapaligiran 1 /
saan man sa pamamagitan
ng:
4.1. segregasyon o
pagtatapon ng mga
basurang nabubulok at Pagpapanatili 10 25% 16-20
1 /
di-nabubulok sa tamang ng Kalinisan
lagayan
4.2. pag-iwas sa pagsunog
ng anumang bagay
1 /

4.3. pagsasagawa ng
muling paggamit ng mga
patapong bagay 2 /
(Recycling)
DIAGNOSTIC TEST IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 4
IKATLONG MARKAHAN
Name: ______________________________________ Date: ________________
Grade & Section: _____________________________ Score: _______________

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at piliin ang titik ng tamang sagot.

_____ 1. May pinsan kang nagbalik-bayan sa unang pagkakataon. Nagbilin ang iyong tatay
na turuan siya ng larong Pinoy. Ano ang ituturo mo sa kaniya?

A. Isasama ko siya sa computer shop para maglaro ng computer games.


B. Iimbitahan ko siyang magbasketbol.
C. Magkukunwari akong hindi narinig ang Tatay dahil mahihirapan lang akong
mag-Ingles kapag tinuruan ko siya.
D. Iimbitahan at tuturuan ko siyang maglaro ng sungka.
_____ 2. Napansin mo na hindi gumagamit ng po at opo ang iyong nakababatang kapatid sa
pagsagot sa inyong nanay. Ano ang iyong gagawin?
A. Hahayaan ko na lamang siya sa kaniyang ginagawa.
B. Sisigawan at pagagalitan ko siya upang matuto siya.
C. Sasabihin ko sa kaniya na ang batang Pilipino ay magalang kaya dapat na sumagot
siya nang may po at opo sa mga nakatatanda.
D. Sasabihan ko si nanay na paluin siya.

_____ 3. Sinabihan kayo ng inyong guro na kayo ay magsasayaw ng Tinikling sa


pagdiriwang ng Buwan ng Wika . Ano ang iyong gagawin?
A. Hindi ako sasali dahil mahirap ang sayaw na Tinikling.
B. Sasali ako at pagbubutihin ko ang pag-eensayo.
C. Sasali ako sa pag-eensayo pero hindi ako dadalo sa araw ng pagtatanghal.
D. Makikiusap ako na Hiphop na lang ang sayawin namin dahil iyon ang uso.
_____ 4. Sa kabila ng suliraning idinulot ng bagyong Yolanda, hindi natinag ang mga
Pilipino. Bagamat may ibang walang kakayahang magbigay, nanaig pa rin ang
pagtutulungan ng bawat isa sa pamamagitan ng pagbibigay ng relief goods, muling
pagtatayo ng kanilang bahay at pagdarasal para sa kanila, at masasabing likas na sa
bawat Pilipino ang pagiging:
A. bayani
B. madasalin
C. matulungin
D. mapagbigay
_____ 5. Napansin mong nahihirapan ang inyong kaklase na intindihin ang inyong leksiyon
sa Matematika. Laging mababa ang kaniyang iskor sa mga pagsusulit. Samantala,
matataas lagi ang iyong nakukuha dahil naunawaan mo nang mabuti ang itinuturo ng
inyong guro.
A. Maaawa ka sa kaniya.
B. Lalapitan ko siya at aalukin kung nais niyang mag-aral kami ng leksiyon namin sa
Matematika.
C. Sasabihan ko siyang making nang mabuti sa aming guro.
D. Sasabihan ko siyang mag-aral nang mabuti.
_____ 6. Si Isabel ay isang Tasaday. Nang siya ay makapag-aral sa kabayanan at
makapagtapos, bumalik siya sa kanilang lugar at tinulungan ang kaniyang mga
kasama na baguhin ang mali nilang nakasanayan tulad ng hindi pagkakaroon ng
tamang palikuran at ang pag-aasawa nang wala sa edad. May pagpapahalaga ba siya
sa kanilang pangkat etniko?
A. Mayroon C. Maaari
B. Wala D. Hindi ko alam
_____ 7. Naatasan ang inyong pangkat na magtanghal sa palatuntunang inihanda para sa mga
mag-aaral mula sa Malaysia upang maipakilala sa kanila ang kulturang Pilipino.
Alin sa mga sumusunod ang pipiliin ninyo na sa inyong palagay ay magugustuhan
ng mga manunuod?
A. Sumayaw ng Pandanggo sa Ilaw
B. Umawit ng nauusong kanta ngayon.
C. Lumikha ng bagong himig at tugtugin sa piano.
D. Sumayaw ng katutubong sayaw ng Malaysia.
_____ 8. Isinama ka sa Davao City ng iyong pinsan na nagbalik-bayan mula sa ibang bansa.
Sa isang parke roon may, isang lugar na nag-aanyaya ng libreng tikim ng kanilang
ipinagmamalaking prutas na durian. Ano ang gagawin mo upang ipakita ang iyong
pagkilala sa kanilang kultura?
A. Hindi ako papayag dahil mabaho at hindi ako sanay kumain ng prutas na ito.
B. Papayag ako dahil mainam na matikman ko rin ang lasa ng durian.
C. Papayag ako dahil bahagi ng pagpasyal ko sa lugar na iyon ang tuklasin anuman
ang kultura ng mga tao rito.
D. Hindi ako papaya dahil hindi naman ako tagaroon.
_____ 9. May kakayahan ka sa pag-awit. Isinali ka ng guro mo sa musika para maging kasapi
ng isang koro sa inyong paaralan na aawit ng mga awitin ng mga Katutubong
Manobo para sa nalalapit na pagtatanghal sa plasa. Ano ang gagawin mo upang
makilala ka sa iyong kakayahan at may pagpapahalaga sa kultura ng iba?
A. Sasali ako para tumaas ang aking grado sa musika.
B. Sasali ako dahil kailangang ipagmalaki ko rin ang mga awitin ng mga Manobo.
C. Sasali ako dahil gusto kong humusay pa ang aking kakayahan.
D. Hindi ako sasali dahil hindi ko alam ang awit ng mga Manobo.
_____ 10. Pinagtatawanan ng mga kaklase mo ang bagong lipat ninyong kamag-aral dahil sa
kaniyang ipinakitang sayaw at kasuotang Muslim sa inyong programa sa paaralan.
Ano ang maaari mong gawin?
A. Sasawayin ko sila dahil dapat igalang ng bawat isa ang kulturang alam at
nakasanayan niya.
B. Sasawayin ko sila dahil nakakaawa naman ang bago naming kaklase.
C. Sasawayin ko sila dahil masama ang makipag-away.
D. Hindi ko sila papansinin upang hindi sila magalit saakin.
_____ 11. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng disiplina sa pangangalaga sa kalikasan
kahit walang nakakakita?
A. Pinipitas mo ang mga magagandang bulaklak na nakikita mo sa parke kapag
walang tao.
B. Sa palikuran ay ipina-flush mo ang kubeta at hindi itinatapon ang tissue sa toilet
bowl para malinis na magamit ng ibang tao.
C. Sa palaruan ay itinatapon mo ang iyong basura sa ilalim ng slide dahil may
tagalinis naman dito.
E. Sa daan ay inilalaglag mo ang mga basura galing sa iyong bulsa mula sa paaralan.
_____ 12. Nagmamadali kang umuwi dahil may dadaluhan kang birthday party ng iyong
kapitbahay. Paglabas mo ng silid-aralan, nakita mong umaapaw ang basura sa
labas. Ikaw na lang ang tao dahil nauna nang umuwi ang iyong mga kaklase. Ano
ang gagawin mo?
A. Pababayaan ang basura dahil baka mahuli ka sa birthday party na iyong dadaluhan.
B. Mabilisan mong aayusin ang mga basura sa sako bago umuwi.
C. Magkukunwaring hindi nakita ang umaapaw na basura .
D. Magkikibit-balikat dahil hindi naman ikaw ang tagalinis sa araw na iyon.
_____ 13. Habang nasa sasakyan ay ngumunguya ka ng bubble gum. Nang malasahan mo ay
matabang na ito. Ano ang gagawin mo?
A. Ibabalibag sa bintana ang kinakaing bubble gum.
B. Ididikit sa ilalim ng upuan ang bubble gum.
C. Itatapon sa basurahan ang bubble gum na nasa loob ng sasakyan.
D. Lulunukin na lang ang bubble gum.
_____ 14. Nangangamoy na ang inyong mga basura ngunit hindi mo pa ito mailalabas kundi
sa mismong araw ng paghahakot ng basurang nabubulok, ayon sa ordinansa. Ano
ang gagawin mo?
A. Ilalabas ko na ang basura kahit hindi pa araw ng kolekta dahil mabaho at
nangangamoy.
B. Ilalagay ko sa bakuran ng kapitbahay kapag walang nakakakita.
C. Ibabaon ko sa lupa upang maging pataba.
D. Ipaaanod ko na lang sa ilog para wala nang basurang mangamoy.
_____ 15. Si Sky ang Pangulo ng SPG sa kanilang paaralan. Siya ay naatasang bumuo ng
proyektong Clean and Green. Ano-ano ang maaari niyang gawin?
I. Pagtatanim ng mga ornamental plant sa palibot ng paaralan.
II. Paglalagay ng mga basurahan sa loob at labas ng paaralan.
III. Mag-assign ng mga mag-aaral na maaaring tumulong sa kaniya.
IV. Ipaubaya na lamang sa bise-presidente ng SPG ang mga dapat gawin.
A. I at IV C. I, II, at III
B. II at III D. IV
_____ 16. Habang si Gab ay naglalakad pauwi ng kanilang bahay ay may Nakita siyang mga
basyo ng softdrinks. Pinulot niya ito at iniuwi sa kanila. Ano kaya ang gagawin ni
Gab sa mga ito upang mapakinabangan?
I. Siya ay gagawa ng flower vase.
II. Siya ay gagawa ng mga bulaklak na yari sa plastic bottle.
III. Siya ay magtatanim sa mga bote.
IV. Siya ay gagawa ng dekorasyon sa bahay na yari sa plastic bottle.
A. I at II C. I at IV
B. II at III D. Lahat ng nabanggit
.Panuto: Ibigay ang proyektong maaaring magawa buhat sa mga patapong
bagay. Piliin sa kahon na nasa ibaba.
__________________ 17. lumang gulong
__________________ 18. basyo ng lata ng gatas, sardinas at iba pa
__________________ 19. mga plastik na bote
__________________ 20. mga lumang diyaryo

paso/taniman ng halaman/duyan flower vase

taniman ng halaman placemat/bulaklak/bag

 
Susi sa Pagwawasto:

1. C
2. D
3. B
4. C
5. B
6. A
7. A
8. C
9. B
10. A
11. B
12. B
13. C
14. C
15. C
16. D
17. Paso/taniman ng halaman/duyan
18. Taniman ng halaman
19. Flower vase
20. Placemat/bulaklak/bag

You might also like