You are on page 1of 6

Ikalawang Markahang Pagsusulit

sa FILIPINO I

Pangalan: _______________________________________________ Iskor: ___________


Panuto: Pakinggang mabuti ang kwentong babasahin ng guro. Sagutin ang
mga tanong tungkol dito. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.
Ang Daga at Ang Leon

Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na


leon. Hindi nya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng Leon ang Daga at
hinawakan sa buntot na wari balak siyang isubo at kainin. Natakot at
nagmakaawa ang daga.“Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang
gambalain ka sa pagtulog mo, ang pagmamakaawa ng daga. “Sige,
pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong gagambalain ang pagtulog
ko,” sabi ng Leon. “Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa
kabutihan mo,” ang sabi ng daga. Makalipas ang ilang araw, sa pamamasyal
ng daga ay napansin niya ang leon na nahuli sa loob ng lambat na ginawang
bitag ng mga nangangaso sa kagubatan. Dali-daling umakyat ang daga sa
punò at nginatngat ang lubid na nakatali upang tulungan ang leon na
makawala sa lambat.

_________1. Ano ang pamagat ng napakinggang kuwento o pabula?


A. Ang Pagtulog ng Leon C. Ang Daga sa Kagubatan
B. Ang Daga at ang Leon D. Ang Galit na Leon

_________2. Sino-sino ang tauhan sa pabula?


A. Leon at Agila C. Leon at Pusa
B. Daga at Leon D. Daga at Pusa

_________3. Sino ang naglalaro sa ibabaw ng natutulog na Leon?


A. Aso B. Bulate C. Daga D. Pusa
_________4. Ano ang ginawa ng Leon kay Daga matapos siya nitong mailigtas?
A. Tumakbo ang Leon papalayo kay Daga.
B. Nagalit ang Leon at kinain ang Daga.
C. Nagpasalamat ang Leon sa Daga at sinabing “Utang ko sa iyo ang aking
buhay.”
D. Tiningnan lámang ito ni Leon at umalis na.
_________5. Ano ang áral na makukuha sa nabásang pabula?
A. Huwag magpapalinlang sa kahit kaninong tao.
B. Dapat paniwalaan ang lahat ng sinasabi ng ibang tao.
C. Nása hulí ang pagsisisi kayâ pag-isipang mabuti bago magdesisyon.
D. Huwag maliitin ang kakayahan ng iba. Maliit man ang iyong kapwa ay may
kakayahan pa rin itong makatulong sa paraang hindi madalas inaasahan ng
iba.

II. Panuto: Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot sa patlang.

_________6. Nais mong isauli sa iyong nakatatandang kapatid ang hiniram


mong ballpen. Anong magalang na pananalita ang iyong sasabihin?
A. Ito na ang ballpen mo.
B. Maraming salamat po, Ate.
C. Hindi ko na isasauli.

_________7. Ibig mong magpaalam sa iyong ina upang dumalo sa kaarawan


ng iyong kaklase. Anong magalang na pananalita ang iyong sasabihin?
A. Inay, maaari po ba akong dumalo sa kaarawan ng kaklase ko?
B. Inay, pupunta ako sa kaklase ko.
C. Pupunta ako sa kaklase ko.

_________8. Nasalubong mo si Gng. Raneses na iyong guro isang umaga.


Anong magalang na pananalita ang iyong sasabihin?
A. Magandang umaga po, Gng. Raneses!
B. Magandang umaga.
C. Saan ka pupunta?

_________9. Nais mong hilingin sa iyong tatay na iabot ang baso na nása tabi
niya. Anong magalang na pananalita ang iyong sasabihin?
A. Iabot mo nga ang baso.
B. Pakiabot po ng baso, tatay.
C. Akin na ang baso tatay.
_________10. Binigyan ka ng báong pera ng iyong tatay. Anong magalang na
pananalita ang iyong sasabihin?
A. Salamat po tatay.
B. Kulang pa po tatay.
C. Huwag na tatay.

_________11. Si Ana ay matalinong batà. Ang salitang may salungguhit ay


pangngalan ________.
A. tao B. bagay C. hayop D. lugar

_________12. Ipinagdiriwang ang Bulihan Festival tuwing Abril 25. Ang salitang
may salungguhit ay pangngalan ng _______.
A. bagay B. hayop C. pangyayari D. lugar

_________13. Ako ay may alagang aso at pusa. Ano ang ngalan ng salitang
may salungguhit?
A. bagay B. hayop C. pangyayari D. lugar

_________14. Si Nesta, Zion at Nayah ay magkakapatid. Ano ang kailanan ng


pangngalan ng may salungguhit?
A. isahan B. dalawahan C. maramihan D. wala

_________15. Ang mansanas ay masarap. Ano ang kailanan ng pangngalan


ng may salungguhit?
A. isahan B. dalawahan C. maramihan D. wala

_________16. Ano ang tamang salita batay sa ugnayang salita-larawan?


A. Humihingi B. umiiyak C. natutulog D. pinapahinto

_________17. Ano ang tamang salita batay sa ugnayang salita-larawan?


A. Humihingi B. umiiyak C. natutulog D. pinapahinto

_________18. Ano ang tamang pagpapantig sa salitang kabayo?


A. kaba-yo B. ka-ba-yo C. kab-ayo D. ka-bayo

_________19. Ano ang tamang pagpapantig sa salitang sapatos?


A. sa-pa-tos B. sapa-tos C. sa-patos D. sa-pa-to-s
Panuto: Basahin at isulat ang mga pangungusap nang may wastong gamit ng
malaki at maliit na letra at lagyan ng tamang bantas.
20. sampaloc,quezon

21. gng. Elisa j. mancenido

Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari bago pumasok sa eskwelahan.


Lagyan ng bílang 1–4 ang patlang.

22. ____________ 23. ____________ 24. ___________ 25. ___________

Goodluck and God bless!!!


TALAAN NG ISPISIPIKASYON
Ikalawang Markahan – Filipino 1

No. of PLACEMENT OF ITEMS


Learning Competencies Code Days No. of Placement
Items per
Target Remember Understand Applying Analyzin Evaluati Creatin Percentage Topic
ing ing g ng g of Topic
FILIPINO 1

1. Nakasasagot sa mga tanong F1PN-IIa- 3 1 5 0 0 0 0 0 20 5 1,2,3,4,5


tungkol sa napakinggang pabula; F1PN-IIIg-3
F1PN-IVh
2. Nakagagamit ng magagalang na F1PS-IIa-2 1 0 0 5 0 0 0 20 5 6,7,8,9,10
pananalita na angkop na F1PS-IIIc-
sitwasyon tulad ng pagpapakilala 10.1
sa sarili; pagpapahayag ng sariling F1PS-IVh-
karanasan at pagbati 10.2
3. Nakagagamit ng wastong F1WG-IIc-f-2 1 0 0 3 0 0 0 12 3 11,12,13
pangngalan sa pagbibigay ng
pangalan ng tao, lugar, hayop,
bagay, at pangyayari;
4.Nakatutukoy sa kailanan ng F1WG-IIc-f- 1 0 2 0 0 0 0 8 2 14,15
pangngalan. 2.1
4. Natutukoy ang kahulugan ng F1PT-IIb-f-6 1 0 2 0 0 0 0 8 2 16,17
salita batay sa kumpas, galaw,
ekspresyon ng mukha; ugnayang
salita-larawan; o kasalungat;
5. Nakikilala ang mga tunog na 1 2 0 0 0 0 0 8 2 18,19
bumubuo sa pantig ng mga salita F1KP-Iie-4
at mabibílang ang mga pantig ng
salita.
6.Nakasusulat ng malalaki at F1PU-II a- 1 0 0 2 0 0 0 8 2 20,21
maliliit na letra na may tamang 1.11: c-1.2;
layo sa isa’t isa 1.2a
7.Nakapagsusunod-sunod ng mga F1PN-IIf-8 1 0 0 0 2 0 0 16 4 22,23,24,25
pangyayari sa napakinggang
kuwento sa tulong ng larawan at
pamatnubay na tanong.
KABUOAN 8 7 2 10 2 0 0 100 25 1-25

Prepared by:

ANNA LEE L. RANESES

You might also like