You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Lipa City
BOLBOK ELEMENTARY SCHOOL

ARALING PANLIPUNAN 4
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT
SY 2022-2023

TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON
Content Most Essential No. No. Percentag Item Placement per Cognitive Types
Learning of of e of Item Process Dimensions and of
Competencies Days Items the Cognitive Domain Test
Taug
ht R U A A E C
Mga 1.
Pakinabang Naipaliliwanag
#1,2
na Pang- ang iba’t ibang #6 #7 #8
3,4,5
ekonomiko pakinabang pang 8 8 20%
ng mga ekonomiko ng (C) (M) (M)
(F)
Likas na mga likas na MULTIPLE
Yaman yaman ng bansa CHOICE

Kaugnayang 2. Nasusuri ang


ng kahalagahan ng
MAtalinong pangangasiwa at #9,10 #12, #15,
11 #13
Pangangasiwa pangangalaga ng 8 8 20% 14 16
ng mga Likas
mga likas na (M)
na Yaman sa (F) (C) (M) MULTIPLE

Pagunlad ng
yaman ng bansa CHOICE

Bansa
Hamon at 3. Natatalakay
Oportunidad ang mga hamon #2
sa mga #17,1 #20, #2
at pagtugon sa #18 3,
Gawaing 9 21 2
mga gawaing 8 8 20% 24
Pangkabuhaya (F)
pangkabuhayan
n ng Bansa (C) (M) (M) MULTIPLE
ng bansa (M) CHOICE

AP4LKE- IId-5
Likas Kayang 4. Nakalalahok
Pag-unlad sa mga gawaing
nagsusulong ng
# #30,
likas kayang #27,
25,26 31
pagunlad 29
8 8 20% 28 32 MULTIPLE
(sustainable CHOICE

development) (M)
(F) (M)
ng mga likas
yaman ng bansa
AP4LKE- IIe-6
Ang Kultura 5. #
at Pagbubuo Naipaliliwanag 33,34
ng ang kahalagahan 35,36
Pagkakakilanl #40
at kaunayan ng 8 8 20% 37,38
ang Pilipino
mga sagisag at 39 (M) MULTIPLE
pagkakakilanlang CHOICE

Pilipino (C)

TOTAL 40 40 100% 12 12 6 6 2 2
Prepared by:

RIALYN D. PERLADO
Teacher I

ARALING PANLIPUNAN 4
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT
SY 2022-2023
Pangalan:____________________________ Iskor:_____________
Baitang/Pangkat: ________________________ Guro:______________________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay yamang pangturismo dahil sa magandang hugis nito.

A. Bundok Apo C. Bulkang Mayon


B. Bulkang Taal D. Bundok Makiling

2. Ito ay pinagkukunan ng enerhiya na matatagpuan sa Norte.

A. Maria Cristina Falls C. Tiwi, Albay Geothermal Powerplant


B. Bangui Windmills D. Bulkang Taal

3. Isa sa pinakasikat na isla at dinadarayo ng mga turista dahil sa kulay puting buhangin nito.

A. Isla ng Boracay C. El Nido


B. Saud Beach D. Palawan

4. Alin sa mga sumusunod na produkto ang kabilang sa yamang pansakahan?


A. gasolina B. pilak at ginto C. palay, mais at gulay D. perlas at kabibe
5. Ito ay ang pangkabuhayan ng mga nakatira sa bulubundukin na potensyal na pagkukuhanan nga mga
minerals.
A. pangingisda B. pagsasaka C. pagpapastol D. pagmimina
6. Paano nakatutulong ang mga likas na yaman sa pag-angat ng ating kabuhayan?
A. Ang mga likas na yaman gaya ng enerhiya mula sa bulkan, lakas ng hangin ay malaking panganib sa
kalusugan.
B. Ang mga sakahan ay maaaring gawing subdibisyon, parke at pasyalan.
C. Ang mga produktong nakukuha natin dito gaya mga lamang dagat ay ipinagbibili sa mataas na halaga
sa mga dayuhan.
D. Ang mga prutas, gulay at mga produktong pang-agrikultura ay napagkakakitaan ng malaki ng ating
mga magsasaka.
7. Ang Pilipinas ay sagana sa likas na yaman. Ito ang nagdudulot ng pag-angat sa antas ng ekonomiya ng bansa.
Isa na rito ang pakinabang sa kalakal at produkto. Alin ang HINDI kabilang sa pangkat ng kalakal at produkto?
A. mga prutas at gulay
B. Geothermal Energy
C. mga isda at lamang dagat
D. mga troso, mineral at ginto
8. Ang mga sumusunod na pahayag ay tumutukoy sa pakinabang pang-ekonomiko ng mga likas na yaman ng
ating bansa, MALIBAN sa isa. Alin ito?
A. pakinabang sa turismo C. pakinabang sa kalakal at produkto
B. pakinabang sa enerhiya D. pakinabang sa mga Overseas Filipino Worker (OFW)
9. Ano ang isang pagbabago dahil sa malakihang pagpapatayo ng mga industriya, pagtatatag ng kalakalan
at iba pang mga gawaing pang-ekonomiya?
A. Polusyon C. Global Waming
B. Industriyalisasyon D. Climate Change
10. Ano ang tawag sa pagtaas ng temperatrura ng mundo sanhi ng mga chloroflourocarbons na nanggagaling sa
mga industriya at mga kabahayan?
A. Global Warming C. Climate Change
B. Bio-intensive gardening D. Pagbaha at pagguho

11. Ang isyung pangkapaligiran na ginawa ng tao para makagawa ng uling, upang pagtamnan ang lupa o
pagtatayuan ng tirahan o komersiyal na gusali_________.
A. Polusyon C. Climate Change
B. Pagkakaingin o pagsusunog D. Global Warming
12. Ano ang maaaring epekto ng walang habas na pagpuputol ng malalaking punongkahoy sa kabundukan at
kagubatan at nagiging sanhi rin ng pagkasira ng mga pananim at ari-arian?
A. Polusyon C. Pagkakaingin
B. Pagbaha at pagguho ng lupa D. Chloroflourocarbons
13. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng matalinong pangangasiwa ng likas na yaman?
A. Pagputol ng malalaking puno upang gamitin sa mga imprastraktura.
B. Pagsusunog sa tanim upang mapatayuan ng mga bahay.
C. Hindi pagsuporta ng inyong Barangay sa wastong pagtatapon ng basura.
D. Pagbabawas sa paggamit ng plastic.
14. Ano ang mangyayari kung hindi natin pangangalagaan nang maayos ang ating likas na yaman?
A. Masisira ang ating paligid at mawawalan ng yaman ang susunod na salinlahi.
B. Magiging maayos pa ang kabuhayan ng mga tao
C. Mapapakinabangan pa natin ang ating likas na yaman.
D. Magiging mas maunlad ang ekonomiya.
15. Bilang isang mag-aaral, ano ang maari mong maitulong sa pangangalaga ng ating mga likas na yaman?
A. Magtatapon ng basura kung saan-saan.
B. Susunugin ko ang mga plastik.
C. Paghihiwalayin ang mga nabubulok at di-nabubulok na basura.
D. Hindi ko susundin ang mga alituntunin sa paaralan.
16. Ang iyong kapatid ay mahilig magtapon ng mga bagay na alam mong maaari pang gamiting muli. Ano ang
gagawin mo para maiwasto ang ginagawa ng kapatid mo?
A. Isusumbong ko siya sa aming mga magulang.
B. Sasabihin ko sa guro niya na turuan ang kapatid ko tungkol sa 3Rs (reduce, reuse at recycle).
C. Kukunin ko ang mga itinatapon niya na pwede ko pang mapakinabangan.
D. Tuturuan ko siya kung paano muling mapakinabangan ang mga bagay na akala niya ay basura na.
17. Kadalasang ito ay nararanasan tuwing tag-init na nagiging sanhi ng pagkatuyo ng mga lupang tinatamnan ng
mga magsasaka.
A. Kaingin B. La Niña C. El Niño D. Climate Change
18. Anong paraan ang dapat gawin upang maparami ang ani?
A. Pag- aaral ng paraan sa pagpaparami ng ani
B. Pagtatanim ng mga hybrid na pananim
C. Paggamit ng mga natural na pataba sa lupa
D. Lahat ng nabanggit
19. Alin sa mga sumusunod ang dahilan ng pagkakalugi ng mga magsasaka at mangingisda sa pagbebenta ng
kanilang produkto?
A. Kawalan ng kontrol sa presyo ng mga produkto
B. Kawalan ng puhunan sa kanilang pagnenegosyo
C. Hindi maayos na daanan o sistema ng transportasyon
D. Hindi maayos na kagamitan sa pagsasaka at pangingisda
20. Ang mga sumusunod ay paraan ng panghuhuli ng isda sa dagat. Isa sa mga ito ay ang dahilan ng pagkasira
ng tahanan ng mga isda sa ilalim ng dagat. Alin ito?
A. Paggamit ng bingwit sa panghuhuli ng isda
B. Paggamit ng tamang sukat ng lambat sa panghuhuli ng isda
C. Paggamit ng dinamita upang mas maraming isda ang mahuli
D. Paggamit ng underwater sonar at radars sa paghahanap ng isda
21. Ano ang dahilan sa pagkakaantala ng pagdating ng mga isda sa palengke na dahilan ng pagiging bilasa nito?
A. Mahabang panahon ng tagtuyo
B. Paggamit ng tamang paraan ng pangingisda
C. Walang masasakyan ang mga mangingisda
D. Kawalan ng maayos na daanan o imprastraktura upang makarating ng maayos at maaga ang mga isda
sa palengke
22. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasabi ng katotohanan tungkol sa gawaing pangkabuhayan ng
Pilipinas?
A. Mayayaman ang mga magsasaka at mangingisda sa bansa.
B. Hindi natutugunan ng pamahalaan ang pangangailangan ng mga mamamayan.
C. May kinakaharap na hamon sa gawaing pangkabuhayan ang bansa, may tugon dito ang pamahalaan
at may ibinibigay na oportunidad.
D. Nangunguna ang Pilipinas sa pangkabuhayang pangingisda at pagsasaka sa buong Asya kaya’t
walang hamong nararanasan ang mga mamamayan.
23. Ang mga sumusunod ay mga oportunidad kaugnay ng mga gawaing pangkabuhayan, MALIBAN sa isa.
A. Pagbili ng mga modernong kagamitan sa pangingisda tulad ng underwater sonars at radar.
B. Paggamit ng mga makabagong teknolohiya para mapabilis ang produksiyon.
C. Pagkakaroon ng mga kooperatibang naglalayong masuportahan ang maliit na mangingisda.
D. Pagkasira ng kalikasan at pagbabago ng panahon tulad ng EL NIŇO at LA NIŇA.
24. Ang mga sumusunod ay mga hamon kaugnay sa mga gawaing pangkabuhayan ng bansa, MALIBAN sa isa.
A. Panahon ng tagtuyot C. Nagbigay ang gobyerno ng libreng bangka at lambat.
B. Malakas na bagyo D. Kawalan ng pondo na pambili ng fertilizer sa mga palay.
25. Ano ang tawag sa pagtugon sa pangangailangan at mithiin ng mga tao nang may pagsaalang-alang sa
kakayahan ng susunod na henerasyon na makamit din ang kanilang mga pangangailangan?
A. kayamanang likas
B. likas kayang pag-unlad
C. kakayahang manakop ng ibang bansa
D. likas na kakayahang mag-angkin ng yaman ng iba
26. Ang likas kayang pag-unlad ay kilala rin sa tawag na ________________.
A. Environmental Sustainment C. Sustainable Environment
B. Sustainable Development D. Environmental Development
27. Bakit kailangan ang sustainable development o ang likas kayang pag-unlad?
A. upang magkaroon ng isang alternatibong kaunlaran sa harap ng lumalalang krisis pangkalikasan
B. upang maiwasan ang tuluyang pagkasira at pagkawasak ng kalikasan
C. pagsaalang-alang sa kakayahan ng susunod na henerasyon na makamit din ang kanilang mga
pangangailangan
D. lahat ng nabanggit ay tamang sagot
28. Ito ay binuo ng pamahalaan upang magsagawa ng iba’t-ibang istratehiya para matugunan ang
pangangailangan ng mga tao.
A. Rio Earth Summit
B. United Nations Millennium Development
C. Philippine Strategy for Sustainable Development
D. United Nations Conference on Human Environment
29. Ang pamahalaan ay nagsasagawa ng iba’t ibang istratehiya upang matugunan ang mga pangangailangan ng
tao. Alin ang HINDI kabilang dito?
A. pagbabawas ng paglaki ng mga rural na lugar
B. hindi pagpapaigting ng edukasyong pangkalikasan
C. pagsama ng mga usaping pangkalikasan sa paggawa ng desisyon
D. pagsama ng mga isyung pampopulasyon at kapakanan ng nakararami sa pagpaplano ng pag-unlad
30. Ikaw, bilang bata ano ang maaari mong gawin upang makatulong sa pamahalaan upang makamit ang mga
nilalayon nito tungkol sa pangangalaga sa kalikasan?
A. Nakikinig ako nang husto sa aking guro kapag tinatalakay ang mga aralin tungkol sa kalikasan.
B. Nilalaro ko ang tubig kapag naliligo.
C. Tinatapon ang aking pinagkainan sa ilalim ng aking upuan.
D. Nilalabag ko ang mga alituntunin sa pinapatupad sa aming paaralan.
31. Ano ang gagawin mo kung nakakita ka ng taong nanghuhuli ng baboy-ramo sa kagubatan?
A. Ipagsawalang-bahala ito.
B. Isusumbong sa may kinauukulan.
C. Panonoorin ko lamang siya sa panghuhuli.
D. Hindi na ako makikialam pa dahil bata pa lamang ako.
32. Bilang isang mag-aaral, paano ka makakalahok sa gawaing lumilinang at nagsusulong ng likas kayang
pag-unlad ng mga likas na yaman ng bansa?
A. Sasali ako sa tree planting na programa ng paaralan.
B. Susunugin ko ang aming basura para maging malinis ang paligid.
C. Hahayaan kong tumulo ang tubig sa gripo kahit walang gumagamit.
D. Hindi ako makikinig sa aking guro kapag tinatalakay ang mga aralin tungkol sa kalikasan.
33. Ano ang naging mahalagang kontribusyon ni Julian Felipe sa kasaysayan ng Pilipinas?
A. sumulat ng Noli Me Tangere
B. nagtahi ng watawat ng ating bansa
C. may-akda ng himig ng pambansang awit ng Pilipinas
D. tumugtog ng Lupang Hinirang noong Hunyo 12, 1898
34. Ano ang kahalagahan ng tulang FILIPINAS sa pagbuo ng pambansang awit ng Pilipinas?
A. maganda ang nilalaman ng tulang ito
B. makasaysayan ang nilalaman ng buong tula
C. kapangalan kasi ito ng ating bansang Pilipinas
D. hango dito ang opisyal na liriko ng Lupang Hinirang
35. Bakit itinuturing na mahalagang araw sa kasaysayan ng Pilipinas ang Hunyo 12, 1898?
A. kamatayan ito ni Dr. Jose Rizal
B. pinatay sa araw na ito ang tatlong paring martir
C. araw ito ng pagsilang kay Andres Bonifacio
D. pinatugtog sa unang pagkakataon ang pambansang awit ng Pilipinas
36. Bakit mahalaga sa kasaysayan ng Pilipinas ang mga babaeng sina Marcela Agoncillo, Lorenza Agoncillo, at
Delfina Herbosa Natividad?
A. nagtahi sila ng watawat ng Pilipinas
B. taga-ingat sila ng watawat ng Pilipinas
C. nagdisenyo sila ng watawat ng Pilipinas
D. tagatago sila ng watawat ng Pilipinas
37. Bakit may walong sinag ng araw sa ating watawat?
A. sinisimbolo nito ang walong lalawigan na idineklara ni Ramon Blanko sa ilalim ng Batas Mlilitar.
B. sinisimbolo nito ang walong lalawigan na unang nagtagumpay sa mga labanan
C. sinisimbolo nito ang walong lalawigan na unang natalo sa panahon ng himagsikan
D. sinisimbolo nito ang walong lalawigan na hindi napasailalaim ng Batas Militar
38. Tumayo ng tuwid habang ianaawit ang pambansang awit.
A. wasto B. hindi wasto C. malamang D. ewan
39. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pagpapahalaga at pagmamalaki sa kulturang Pilipino MALIBAN
sa isa.
A. Pagtangkilik sa larong Pinoy. C. Pagsasaliksik sa mayamang kultura ng bansa.
B. Paggalang sa watawat ng Pilipinas. D. Pagkalimot sa ating tradisyon.
40. Ano ang nararapat mong gawin sa ganitong kalagayan? Narinig mo na pinapatugtog ang Lupang Hinirang at
nakita mo na itinataas ang watawat habang ikaw ay naglalakad sa labas ng inyong paaralan.
A. Huminto, tumayo nang matuwid, ilagay ang kanang kamay sa dibdib at sumabay sa pag-aawit ng
Lupang Hinirang.
B. Huminto, tumayo nang matuwid at tumingin lamang sa mga tao sa paaralan.
C. Dahan-dahang maglakad para hindi makalikha ng ingay na ikagagambala ng mga umaawit ng
Lupang Hinirang.
D. Tumayo lamang ng tuwid at kunan ng litrato ang mga taong umaawit ng Lupang Hinirang.
ANSWER KEY: ARALING PANLIPUNAN 4

1. C
2. B
3. A
4. C
5. D
6. D
7. A
8. D
9. B
10. C
11. B
12. B
13. D
14. A
15. C
16. D
17. C
18. D
19. A
20. C
21. D
22. C
23. D
24. C
25. B
26. B
27. D
28. C
29. B
30. A
31. B
32. A
33. C
34. D
35. D
36. A
37. B
38. A
39. D
40. A

You might also like