You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas
LIAN CENTRAL SCHOOL
D. Lapitan St., Lian, Batangas

THIRD PERIODIC TEST IN FILIPINO V


Grade V-DBD
2023-2024

TABLE OF SPECIFICATION

Learning Competencies No of days % of time No of Items Item


Placement

Nagagamit ang pang abay at pang uri sa paglalarawan


8 20% 10 1-10
Nagagamit ang pang abay sa paglalarawan ng kilos
Nakapagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa
4 10% 5
tekstong napakinggan (kronolohikal na pagkakasunod-
11-15
sunod) F5PN-IIIb-8.4
Nagbibigay ng mga salitang
4 10% 5 16-20
magkakasalungat/magkakasingkahulugan F5PT-IIIc-h-
10
Naibabahagi ang isang pangyayaring nasaksihan F5PS-
4 10% 5
IIIb-e.3.1
21-25
Nasusuri kung ang pahayag ay opinion o katotohanan
4 10% 5
26-30
Nagagamit nang wasto ang pang-angkop sa
8 20% 10
pakikipagtalastasan. F5WG-IIIf-g-10
31-40
Nasasabi kung ano ang simuno at panag-uri sa
pangungusap F5WG-IIIi-j-8
4 10 % 5 41-45

Nakasusulat ng isang sulating pormal o di pormal


4 10 5 46-50

TOTAL 40 100 50 50

Prepared by:

DONNABELLE B. DAVID
V-DBD ADVISER
NOTED:

MA. MIMIE M. JUMARANG


Principal II
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas
LIAN CENTRAL SCHOOL
D. Lapitan St., Lian, Batangas

THIRD PERIODIC TEST IN FILIPINO V


Grade V-DBD
2023-2024

A.Piliin ang pang-abay na pamamaraan sa pangungusap.Isulat ito sa puwang.


1. Si Rodelyn ay nagkukumahog magbasa upang makapasa sa BAR Exam .__________________
2. Pinaghandaan ni Yen ng maayos ang pagbabalik ng matalik niyang kaibigan. _________________
3. Lagi tayong magdasal nang taimtim sa Diyos. __________________
4. Sabik na dumating si Gerric _________________
5. Isa-isa niyang tinawag ang kanyang mga kapatid. ________________________

B.Basahin ang mga pangungusap, bilugan ang pang-abay na naglalarawan ng kilos at guhitan ang kilos na
inilarawan nito:
6. Si Rodel ay matiyagang nag-aaral ng kanyang liksiyon gabi- - gabi.
7. Totoong madalang dumalaw ang mga panauhin sa ating lugar
8. Saksakan ng bilis magmaneho ang kanilang bagong drayber.
9. Mahusay magplano an gaming lider.
10. Marahang kinakalbit ng ina si Mila

C.Makinig sa talatang babasahin ng guro, ayusin ang mga ito ayon sa pagkakasunodsunod na pangyayari.
Lagyan ng bilang 1-5.
Pista sa Aming Nayon

Tuwing ika-15 ng Mayo ay ipinag diriwang ang pista sa aming nayon. Abala ang lahat bago pa sumapit ang araw na yaon. Naglilinis ng paligid at nagkakabit ng mga bandiritas. Tuwing
gabi ay may palabas sa plasa na pinapanood ang mga tao. Sa disperas ng pista ay may mga banda ng musiko gumagala sa buong nayon. Maraming mga bisita ang dumarating. Ang bawat bahay
ay may mga handa. Sa tanghali ay may misa at may mga binyagan na nagaganap. Sa hapon naman ay may prusisyon kung saan iginagala ang patron ng nayon

__________ 11.Maraming bisita ang dumating.


__________12.May prusisyon kung saan iginagala ang patron ng nayon
__________13. May palabas sa plasa tuwing gabi
__________ 14.Abala ang lahat
__________ 15.May misa at binyagang nagaganap.

D.Piliin ang kasingkahulugan ng mga sumusunod na salita


16. Marangya- ( kapos, marami, mayaman )
17. Makisig- ( gwapo, payat, mayaman )
18. Tinitingala- ( tinitingnan, iginagalang, makapangyarihan )
19. Hamon- (utos, tinapay, pagsubok )
20. Suko ( abot, tigil, taas-kamay )

E. Basahin ang kwento at sagutin ang mga pangyayaring naganap sa kwento

CALACATCHARA

Litson ang itinuturing na pangunahing pagkain sa anumang handaan o pagdiriwang ng mga Pilipino. Subalit sa bayan ng Calaca, ang kanilang malinamnam na
atchara naman ang pinakamabisang pang-alis ng umay sa mga handaan. Kakaiba ang pagdiriwang ng mga Calaqueño ng kanilang kapistahan dahil sa kanilang
Calacatchara Festival. Ginaganap ito apat na araw bago ang Oktubre 24, araw ng kanilang patrong si San Rafael. . Lahat ng pampublikong paaralan ay lumalahok sa
naturang festival. Bahagi ng kapistahang ito ang street dancing competition kung saan ang mga piling bata ay nakasuot ng makukulay na kasuotan bitbit ang
kaing,papaya at kudkuran ni to. Sumasayaw sila sa kalsada kung saan may mga hurado sa bawat kanto. Sa huli, iaalay nila ang kanilang sayaw sa harap ng San Rafael
na ginaganap sa patio ng simbahan.
21. Bakit kakaiba ang pagdiriwang ng kapistahan sa Calaca?

22. Anong produkto ang itinatampok sa festival?

23. Paano isinasagawa ang street dancing? Court dancing?

24. Dapat bang magkaroon ng mga ganitong aktibidades kung pista? Bakit?

25. Ano pang kakaibang pagdiriwang ng kapistahan ang iyong naranasan? Isalaysay ito

Republic of the Philippines


Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas
LIAN CENTRAL SCHOOL
D. Lapitan St., Lian, Batangas
F. Isulat sa patlang ang K kung ang pangungusap ay katotohanan at 0 kung ito'y opinyon.
__ 26. Tila mali ang mangutang ng pera upang ipaghanda sa panauhin.
__ 27. Ang taon ay binubuo ng 12 buwan.
__ 28. Marahil, kung maging matalino tayo sa paggasta ng pera, hindi tayo siguro maghihirap.
__ 29. Ang unang araw ng taon ay ika-1 ng Enero.
__ 30. Apat tayong magsaya sa tuwing sasapit ang Bagong Taon.

G.Lagyan ng pang-angkop ang sumusunod. Piliin ang na, ng at g


31.dahil gusto ____ kumita nang malaki.
32.bata __ malinis
33.namimiligro ___mawalang species
34. binabaril ___ mga ibon
35. kinakatay _____ malalaking isda

H.Punan ng wastong pang-angkop ang patlang.


36. Matulin ___ tumakbo si Lydia de Vega.
37. Umiyak ang bata nang minsan__ iwanan ng nanay.
38. Ang mga mag-aral ay matatalino___ bata.
39. Binigyan ko siya ng mababango__ bulaklak.
40. May ibibigay akong sampu__ bulaklak

I.Isulat sa puwang ang simuno at panaguri.


A. Ang pagdarasal ay mahalagang sangkap sa araw-araw na buhay.
41.Simuno _______________________
B. Ang taong matapat ay pinagpapala.
42.Simuno________________________
43.Panaguri_______________________
C.Ugaling Pilipino ang pagtulong sa kapwa.
44.Simuno________________________
45.Panaguri_______________________

J. Isulat ng wasto ang liham sa sulating di-pormal

29 Bonifacio St.
Lubao,Pampanga
March 20,2024

Tagahanga mo ako Ate Lydia.Lagi kong binabasa ang kolum mo sa Tanglaw.Magaganda ang mga payo mo sa mga nagpapadala sa
iyo ng liham. Alam mo,Ate Lydia,matagal ko nang nais kang sulatan.Tinutukso nga ako sa klase dahil sa sobrang nipis ng buhok ko.
Sana‘y tulungan mo ako Ate Lydia.Babasahin ko ang mga susunod mong kolum upang malaman ang iyong kasagutan.
Maraming salamat at dalangin ko ang lalo pang tagumpay ng iyong kolum.

Mahal Kong Ate Lydia,

Sumasaiyo,
Eunice Perez

You might also like