You are on page 1of 14

FOUTH QUARTER SUMMATIVE TEST 1&2

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA AP 5


Pangalan: _________________________________Seksyon: ______________ Iskor: ______

Basahing mabuti ang bawat aytem. Itiman ang bilog ng bawat bilang ng iyong sagot.

1. Anu-ano ang mga lalawigang sakop ng monopolya ng tabako?


① Batanes,Isabela at Palawan

② Cagayan,Ilocos at Nueva Ecija

③ Cebu,Davao at Ilo-ilo

④ Quezon,Tarlac at Sorsogon

2. Ano ang kabutihang dulot ng monopolya ng tabako?


① Ang mga magsasakang nasiraan ng pananim ay hindi lamang pinagmulta kundi
binawian pa ng lupa.
② Inabuso ng mga pinunong namamahala rito ang kanilang tungkulin

③ Nagkaroon ng trabaho ang libo-libong mamayan.

④ Sa halip na mapunta sa pamahalaan ang salapi, napunta ito sa bulsa ng opisyal

3. Ano ang dahilan ng pagkakatatag ng monopolya ng tabako sa ating bansa?


① Dahil mahilig manigarilyo ang mga Espanyol

② Mahilig magtanim ng tabako ang mga Ilokano


③ Naniniwala si Gob. Heneral Basco na mas tatatag ang ekonomiya dahil mataas ang
demand ng tabako sa kalakalan.
④ Para maging sikat ang tabako sa bansa.

4. Paano naapektuhan ang mga Pilipino sa reporma ni Basco?


① Dumami ang tanim na tabako

② Lumaki ang kita ng agrikultura dahil sa mataas ang halaga ng tabako

③ Marami ang naluging negosyo

④ Marami ang yumamang mga Pilipino.

5. Ano ang dahilan ni Tamlot at Bankaw sa kanilang pag aalsa?


① Nais nilang bumalik sa tunay nilang pananampalataya

② Nais nilang maging paring regular

③ Nais nilang maging pareng sekular

④ Nais nilang maging tunay na Katoliko

6. Sino ang nagkaroon ng pinakatanyag na pag-aalsang panrelihiyon?


① Diego Silang

② Felipe Catabay

③ Hermano Pule

④ Pag-aalsa ni Dagohoy

7. Ito ay pag-aalsa dahil sa pagtutol ng mga Bisaya mula sa Samar sa Gobernador-Heneral sa


paglilipat sa kanila sa Cavite?
① Pag-aalsa ni Dagohoy

② Pag-aalsa ni Lakandula

③ Pag-aalsa ni Magat Salamat

④ Pag-aalsa ni Sumuroy

8. Ito ay ang pag-aalsa sa Cagayan sa kadahilanang hindi sila sang-ayon sa buwis at sapilitang
paggawa?
① Pag-aalsa ni Dagohoy

② Pag-aalsa ni Lakandula

③ Pag-aalsa ni Magat Salamat

④ Pag-aalsa ni Sumuroy

9. Siya ang namuno sa pinakamatagal na pag-aalsa dahil sa pagtanggi sa pagbibigay ng misa sa


kanyang kapatid na namatay sa labanan.
① Francisco Dagohoy

② Francisco Maniago

③ Diego Silang

④ Tamblot

10. Siya ay isang bayani sa Mindanao na kilala sa kanyang katapangang makipagdigma sa mga
Espanyol.
① Francisco Duque

② Magat Salamat

③ Leon Kilat

④ Sultan Kudarat

11. Sino ang asawa ni Diego Silang na nagpatuloy ng pakikipaglaban ngunit hindi rin
ngtagumpay.Siya ay hinuli at binitay.
① Gabriela Silang

② Marieta Silang

③ Melchora Aquino
④ Tandang Sora

12. Siya ang tinaguriang “Lakambini ng Katipunan”


① Gabriela Silang

② Gregoria De Jesus

③ Melchora Aquino

④ Teresa Magbanua

13. Sino ang tinaguriang “Ina ng Katipunan”

① Gabriela Silang

② Gregoria De Jesus

③ Melchora Aquino

④ Teresa Magbanua

14. Sino ang nagtatag ng Confradia de San Jose o Kapatiran ni San Jose?
① Apolinario“Hermano Pule”Dela Cruz

② Diego Silang

③ Jose Rizal

④ Magat Salamat

15. Sino-sino ang mga ekslusibong kasapi ng Confradia de San Jose?


① Lahat ng Pilipino

② Mga mamayang Espanyol

③ Mga opisyal na Espanyol

④ Mga paring Pilipino

16. Bakit hindi nagtagal ang Confradia de San Jose?


① Dumami ang sumampalataya sa katolisismo kaysa sa kapatiran

② Kinausap sila ng mga paring Kastila na sumuko na sa pag-aalsa

③ Nahuli at binitay ang pinuno ng Confradia na si Hermano Pule

④ Nagpapabayad ang mga kasama sa kapatiran upang kumalas sa grupo

17. Ito ang kaugalian ng mga Pilipino na naging dahilan ng kanilang pagkaalipin sa mahabang
panahon.
① Malinis at masipag

② Mapagtimpi at matiisin
③ Masipag at mapagpasensya

④ Tahimik at mabait

18. Bakit nagkaroon ng kilusang agraryo ?


① Dahil sa lumaganap na ang kriminalidad at banta ng droga sa kolonya

② Dahil maraming kastila ang namatay sa labanan

③ Dahil sa pangangamkam ng lupa at pag-aalsa ng mga prayle

④ Dahil tumaas ang bilihin sa merkado

19. Ano ang tawag sa isang tunggaliang naganap sa pagitan ng mga bansa sa Europa?
① Five Years War

② Six Years War

③ Seven Years War

④ Ten Years Wars

20. Anong mga bansa ang magkatunggali sa kapangyarihan at upang mapalawak ang kanilang
nasasakupan?
① Amerika at Canada

② Great Britain at France

③ Philippines at Spain

④ Portugal at Spain

21. Ano ang itinawag sa pagsalakay at pakikipaglaban ng mga British sa Intramuros?

① Battle of British

② Battle of Manila

③ Battle of Philippines

④ Battle of Spain

22. Siya ang nanguna sa pag-aaklas sa Ilocos upang paalisin ang mga Espanyol.
① Apolinario“Hermano Pule”Dela Cruz

② Diego Silang

③ Jose Rizal

④ Magat Salamat

23. Nagwakas ang Seven Years War sa paglagda sa Treaty of Paris.Kailan naganap ang paglagda?
① Abril 10,1763

② Marso 10, 1763

③ Mayo 10,1763
④ Pebrero 10,1763

24.Nagbukas ang daungan ng Maynila at nabuo ang Kalakalang Galyon .Anong bansa ang kasama
ng Maynila sa pakikipagpalitan?
① Acapulco,Mexico

② New York

③ Seville Spain

④ Tokyo, Japan

25.Ito ay palitan ng paninda na hindi ginagamitan ng salapi.


① Barter

② Buwis

③ Merkantilismo

④ Pundahan

26. Ano ang tawag sa tiket para makakuha ng pwesto sa loob ng galyon para sa kanilang mga
kalakal?
① Boleta

② Ginto at pilak

③ Puhunan

④ Tael

27. Ito ang dalawang bansa na nakipagkalakal ang Pilipinas sa panahon ng kalakalang galyon.
① Espanya at Mexico

② Japan at Amerika

③ Malaysia at Saudi Arabia

④ Mexico at Tsina

28. Ano ang tawag sa kalakalang Maynila at Mexico?

① Espanya-Akapulko

② Maynila-Akapulko

③ Mexico-Akapulko

④ Tsina-Akapulko

29. Ang mga sumusunod ay kasali sa kalakalang Galyon.Maliban sa:


① Gobernador-Heneral

② Mga alipin

③ Mga prayle

④ Miyembro ng Royal Audencia

30. Alin sa sumusunod ang mga dahilan ng pagkabigo ng mga isinasagawang pag-aalsa saPilipinas?
1.Kakulangan ng armas 3.Kakulangan ng pagkakaisa
2.Kakulangan ng nutrisyon 4.Kakulangan sa pagpaplano

① 1,2,3

② 1,3,4

③ 2,3,4

④ 2,1,3

31. Ano ang naidulot ng pag-aalsa ng mga Pilipino?


① Paggising ng kamalayan ng mga Pilipino

② Pagkawala ng pag-asa ng mga Pilipino

③ Pagrerebelde ng mga Pilipino

④ Pagwatak-watak ng mga Pilipino

32. Bakit nabigo ang pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa mga mananakop?
① Wala silang armas

② Wala silang iisang layunin

③ Wala silang koneksyon

④ Wala silang pinuno

33. Alin sa mga sumusunod ang dahilan kung bakit karamihan sa mga pag aalsa ng mga Pilipino ay
di nagtagumpay?
① Hindi makabago ang kanilang armas

② Hindi nglalagay ng sapat na oras

③ Hindi nila nais lumaya

④ Hindi sila ngsasanay kung paano makipaglaban

34. Karapat dapat bang hangaan ang mga Pilipinong nakipaglaban sa mga Espanyol kahit nabigo
sila?
① Hindi, dahil hindi naman ito nakatulong sa Kalayaan.

② Hindi, dahil hindi naman sila kilala.

③ Oo, dahil ang pagkatalo nila ay nagpakita ng pagkabayani.

④ Oo.sapagkat nagpapakita ito ng kanilang pagmamahal sa bayan na kahit sariling


buhay ay itataya para sa kalayaan.
35. Ano sa inyong palagay ang naging relihiyon ng mga Pilipino kung sa simula pa lang ay hindi na
natin hinayaang masakop tayo ng mga Espanyol?
① Budismo, dahil sa mga karatig nating bansa sa Timog-Silangang Asya.

② Hinduismo, dahil sa mga Indian na pumupunta sa Pilipinas.

③ Kristiyanismo pa rin dahil laganap ito sa buong mundo


④ Maaaring Islam dahil isa ito sa mga relihiyon sa Pilipinas bago dumating ang mga
Espanyol.
36. Ano sa inyong palagaya ang nangyari kung hindi tayo nakipaglaban sa mga Espanyol?
① Maaaring hanggang ngayon ay kolonya o teritoryo pa rin tayo ng Espanya

② Marahil ay ang mga Amerikano ang unang nakasakop sa atin

③ Marahil na ang Espanyol ang official languages.

④ Lahat ng nabanggit ay maaaring tama

37. Posible pa bang mawala ang kalayaang tinatamasa natin ngayon?


① Hindi, dahil hindi na uso ngayon ang agawan ng teritoryo.

② Hindi, dahil sa sapat na kaalaman at kahandaan ng mga Pilipino sa digmaan

③ Oo, dahil sa banta ng Amerika na sakupin tayo.

④ Oo.Kaya dapat nating pahalagahan at ingatan ang ating kalayaang tinatamasa sa


kasalukuyang panahon.
38. Sa paanong paraan masasabi na ikaw ay isang mabuting mamamayan?
① Sa pamamagitan ng hindi pagbabayad ng buwis.

② Sa pamamagitan ng pakikibahagi sa mga demostrasyon na hindi alam ang


ipinaglalaban
③ Sa pamamagitan ng pagbuo ng organisasyon na magtataksil sa bayan

④ Sa pamamagitan ng pagsunod sa batas at alituntunin ngh bansa.

39. Alin sa mga sumusunod ang HINDI mo karapatan at tungkulin bilang isang Pilipino.
① Karapatang makaalam ng impormasyon;suriin ang impormasyon kung tama.

② Karapatang maglabas ng saloobin;siguraduhing walang taong masasaktan.

③ Karapatang pumili ng relihiyon;pagrerespeto sa ibang relihiyon.

④ Pakikiisa sa mga gawaing magdadala sa bansa sa kapahamakan:Piliin ang sarili bago


ang bayan.
40. Kamakailan lamang ay ipinagdiwang ang anibersaryo ng EDSA People Power,kaninong
kabayanihan ang kinikilala dito?
① Kabayanihan ng mga Amerikano sa pagtulong nila upang makamit natin ang
kalayaan.
② Kabayanihan ng mga kababaihan na bahagi ng kasaysayan

③ Kabayanihan ng mga Pilipino noong panahon ng Espanyol

④ Kabayanihan ng mga Pilipino sa kanilang pagkakaisa sa pagkamit ng kalayaan ng


bansa at wakasan ang Martial Law.
ANSWEY KEY AP 4TH PT
1.B 16.C 31.A
2.C 17.B 32.B
3.C 18.C 33.A
4.B 19.C 34.D
5.A 20.B 35.D
6.C 21.B 36.D
7.D 22.B 37.D
8.C 23.D 38.D
9.A 24.A 39.D
10.D 25.A 40.D
11.A 26.A
12.B 27.D
13.C 28.B
14.A 29.B
15.D 30.B

FOUTH QUARTER SUMMATIVE TEST 3&4


IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA AP 5
Pangalan: _________________________________Seksyon: ______________ Iskor: ______

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.
 1.      Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang nagbigay-daan sa pagtatakda ng Batas- Militar?
a.      Nagkaroon ng kakulangan sa pagkain ang mga mamamayan.
b.      Nagkaroon ng krisis pang-ekonomiya ang bansa
c.      Nagpatuloy ang paglubha ng kalagayan ng bansa at ang mga karahasang naganap sa dekada 70
d.      Marami ang walang hanapbuhay sa bansa
2.       Ang pagpapahayag ng Batas- Militar ang huling hakbang ng Pangulong Marcos. Bakit kaya nagdeklara
ng BATAS MILITAR si Pangulong Marcos?
a.      Upang magkaroon ng hanapbuhay ang mga tao.
b.      Upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa Pilipinas
c.      Upang mabawasan ang mga krisis pang-ekonomiya ng bansa
d.      Upang tumindi ang mga demonstrasyon/pag-aaklas ng mga mag- aaral
 3.      Alin sa mga sumusunod na mga pangungusap ang naglalarawan sa BATAS MILITAR ni Pangulong
Marcos?
a.      Isinailalim ang bansa sa pamamahala ng mga militar
b.      Napasakamay ng Pangulo ang tungkuling gumawa at magpatupad ng batas
c.      Ang bansa ay magiging mapayapa, may kasapatan sa mgapangangailangan
d.      Ang mga tao ang gumagawa ng batas at tuntunin.
 4.      Isa sa mga reporma ni Pangulong Marcos ang “katahimikan at kaayusan”. Anong unang tuntunin ang
ipinahayag niya dito upang maisakatuparan ito?
a.      Ipinabuwag niya ang mga pribadong hukbo ng mga pulitiko.
b.      Ipinakumpiska niya ng mga sandata ng mga pribadong mamamayan
c.      Ipinakulong niya ang mga kriminal
d.      Ipinahuli ang mga nagbebenta ng bawal na gamot.
 5.      Bakit hindi naging maganda ang reaksiyon ng karamihan sa mga Pilipino sa pagdedeklara ng Batas-
Militar?
a. Ito ay pagpapalawak lamang ng kapangyarihan ni PangulongMarcos at pag- abuso ng mga
pinuno ng pamahalaan.
b.      Ito ay ang dahilan ng maraming kabataan upang sumali sa demonstrasyon
c.      Sapagkat higit na lalaganap ang paglabag sa karapatang pantao
d.      Isa itong pagbabago na nagbigay-daan sa pagsasarili ng mga pamahalaang lokal
 6.      Binuwag ni Pangulong Marcos ang “ sistemang kasama” sa lahat ng sakahan ng palay at mais. Ano ang
kabutihang naidulot ng“ sistemang kasama” sa mga magsasaka?
a. Nabigyan ng pagkakataon ang mga magsasaka na magmay-aring lupang sakahan sa halip na
mangupahan.
b.      Nagkaroon ng sapat na suplay na bigas ang bansa.
c.      Ang pitong ektarya ng lupa ay ipinamahagi sa mga kasama.
d.      Lumaya sila sa pangungupahan ng pagsasaka.
 
7.      Ang programang “ Green Revolution” ay programa ni Pangulong Marcos sa Reporma sa Lupa. Ano ang
kabutihang naidulot nito sa bansa?
a.      Nagkaroon ng sapat na lupa ang mga magsasaka
b.      Nabayaran ang mga lupang sakahan sa loob ng 15 taon.
c.      Nagkaroon ng sapat na suplay ng bigas ang bansa.
d.      Naipamahagi ang mga lupang sakahan na higit sa 7 ektarya.
 8.      Ano ang layunin ng panahanan para sa mga iskuwater?
a.      Maisaayos ang kapaligiran sa mga lungsod.
b.      Mabigyan ng maayos na pabahay ang bawat Pilipino.
c.       Mailipat ang mga nandarayuhan sa lungsod sa isang maayos na panahanan.
d.      Maging malinis ang kapaligiran sa mga lungsod.
 9.      Bakit mabilis ang pagdami ng populasyon sa mga pook- iskuwater?
a.      Kaakit- akit ang mga tanawin sa lungsod.
b.      Naghahanap ang mga tao ng swerte o kapalaran.
c.      Walang matirahan ang mga nandayuhan
d.      Upang maghanap ng magandang hanap-buhay, edukasyon at iba pang paglilingkod.
 10.  Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may malaking populasyon. Ano ang programang dapat ipatupad ng
pamahalaan upang mapigilan ang mabilis na paglaki ng populasyon?
a.      Pagpatay sa mga batang isinisilang
b.      Pagpapaampon sa mga bata
c.      Pagpaplano ng pamilya
d.      Ipalaglag ang mga sanggol sa sinapupunan ng mga ina.
11. Bakit naitatag ang NPA o New People’s Army?
a.      Isa itong aral at babala para sa pamahalaan.
b.      Upang maagaw ang pamahalaan sa pamunuang maykapangyarihan.
c.      Upang magkaroon ng suporta mula sa taong-bayan
d.      Upang ipaalam sa mga tao ang suliranin ng lipunan.
 12. Nang ilunsad ang BATAS MILITAR, naitatag ang MNLF  o Moro National Liberation Front. Ano ang
layunin ng
samahang ito?
a.      Layunin nitong magtatag ng isang Republikang Islamic saKatimugang Pilipinas
b.      Layunin nitong bumuo ng hukbong gerilya sa pakikipaglaban.
c.      Layunin nito na makabili ng mga sandata mula sa Libya.
d.      Layunin nitong ihiwalay ang Mindanao at Sulu sa buong Pilipinas at makapagsarili.
 13. Upang manatili ang katahimikan at kaayusan, ipinakumpiska ni Pangulong Marcos ang mga sandata ng
pribadong mamamayan. Bakit kaya pinakumpiska niya ito?
a.      Upang maiwasan ang paglaganap ng krimen
b.      Upang hindi makalaban ang mga tao sa pamahalaan
c.      Upang madagdagan ang sandata ni pangulong Marcos.
d.      Upang hindi na bumili ng sandata si Pangulong Marcos.
 14. Ano ang epekto ng kampanya ng katahimikan at kaayusan noong mga unang araw ng pagpapatupad ng
Batas-
Militar?
a.      Dumami ang mga krimen
b.      Bumaba ang bilang ng mga krimen
c.      Bumalik sa dating gawi ang masasamang elemento ng lipunan
d.      Sumunod ang mga tao  sa utos ni Pangulong Marcos
 15. Ang Bagong Lipunan Improvement of Sites and Services o BLISS ay isang proyekto ni Pangulong
Marcos para sa paglilingkod na panlipunan. Ano ang layunin ng proyektong ito?
a.      Maging maayos ang panahanang pantao at pagpapabuti ngpook iskwater.
b.      Kinakailangang magtanim ng gulay ang mga tao
c.      Binigyang- pansin ang paglutas ng suliranin sa kakulangan ng tirahan sa mga lungsod
d.      Nagpapaunlad ng sektor ng pagsasaka
 16. Nagpatayo ang pamahalaang Marcos ng sentrong pangkalusugan at programang Medicare.Ano ang
layunin ng programang ito?
a.      Para sa kalusugan ng mga kawani o manggagawa.
b.      Para sa kalusugan ng mga bata
c.      Para sa kalusugan ng mga nanay
d.      Para sa kalusugan ng mga matatanda
 17. Isa sa mahalagang pagbabago ng Saligang Batas ng 1973 ang sistema ng pamahalaan? Anong sistema ng
pamamahala ang itinadhana ng Saligang Batas ng 1973?
a.      Batas Jones                                     c. Batas na Parlamentaryo
b.      Batas Militar                                   d. Batas Tydings- Mc Duffie
 18. Itinadhana ng Saligang Batas ng 1973 ang pagbuo ng isang natatanging hukuman na kilala ngayon sa
tawag na “ Sandiganbayan”. Ano ang saklaw ng hukumang ito?
a. Tungkulin nito na magsiyasat ng reklamo sa panunungkulan ng matataas na pinuno at kawani
ng pamahalaan.
b.      Ito ang nagpapalabas ng direkto at atas.
c.      Ito ang nagpapalakad sa pamahalaan.
d.      Saklaw nito ang mga kasong sibil at criminal na kinasasangkutan ng mga pinuno at
kawani ng
pamahalaan.
 19. Bakit sinabi ng mga kritiko ng Batas Militar na ang higit na kapangyarihan ni Pangulong Marcos ay
magdudulot ng “ paglakas ng kanyang kapangyarihan”?
a.      Dahil nasa Pangulo ang kapangyarihan na gumawa ng mga batas.
b.      Dahil ito ay nagdudulot ng pag-abuso sa kapangyarihan
c.      Dahil lalaganap ang paglabag sa karapatang pantao
d.      Dahil magkakaroon ng katahimikan ang bansa
 
 20. Ano ang pangyayari na naging daan upang ipasuspinde ni Pangulong Marcos ang “ privilege of the writ of
habeas copus”?
a.       Ang pagbomba sa Plaza Miranda
b.      Ang pagkakadakip sa mga aktibistang mag-aaral at mga hinihinalang radikal
c.       Ang pagrarally ng mga mag-aaral
d.      Ang pagkatatag ng NPA at MNLF
FOUTH QUARTER SUMMATIVE TEST 3
IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA AP 5
Pangalan: _________________________________Seksyon: ______________ Iskor: ______

 21. Ano ang naging epekto ng pagkakatatag ng NPA at MNLF?


a.      Maraming buhay at ari-arian ang napinsala
b.      Maraming tao ang nagkaroon ng trabaho
c.      Natuwa ang mga tao sa pamahalaan
d.      Maraming mga tao ang nagalit
 22. Noong Mayo 1, 1974, pinagtibay ang Bagong Kodigo sa Paggawa, ano ang nilalaman ng Kodigong ito?
a.      Aktwal na pagsasanay ng mga manggagawa sa aktwal na trabahong papasukan
b.      Kautusan para sa kapakanan ng mga manggagawa
c.      Binigyang-linaw nito ang karapatan ng mga manggagawa at mga nagpapatrabaho
d.      Pasweldo sa mga manggagawa
 23. Ang mga sumusunod ay mabuting patakaran ng Batas- Militar, MALIBAN sa isa. Alin ito?
a.      Ipakulong ang mga criminal
b.      Pagbuwag sa sistemang “ kasama”
c.      Pagsuspinde sa writ of habeas corpus
d.      Paglutas ng suliranin sa kakulangan sa tirahan sa mga lungsod
 24. Ang P.D. NO. 86 ay isa sa mga batas na ipinatupad ni Pangulong Marcos. Ang batas na ito ay nagtatag ng
Citizen’s Assembly? Ano ang gawain nito?
a. Ito ang tumulong sa pamahalaang pambansa sa pagpapatupad ng layunin at proyekto
b. Pagpapasara ng lahat ng pahayagan, palimbagan, at mgaistasyon ng radyo at telebisyon
c.      Pagbabago ng sistema ng pamahalaan
d.      Pagbabawal sa lahat ng uri ng pagwewelga, demostrasyon, at pagpupulong
 25. Ang Batas na Parlamentaryo ay pinamumunuan ng Pangulo. Ang mga sumusunod ay tungkuling ng
Pangulo MALIBANsa isa.Alin ito?
a.      Siya ang pinuno ng estado
b.      Ang Pangulo ang nagpapalabas ng mga direkto at atas
c.       Siya ang pumili ng Punong Ministro
d.      Siya ang pinuno ng Ministri na bumubuo sa Gabinete.
26. Sa pagtaas ng halaga ng dolyar, maraming kompanya ang nagsara na nakaapekto sa lumaking bilang ng
manggagawang walang trabaho. Ano ang nagging tugon ng pamahalaan para sa mga manggagawang
Pilipino?
a. Binawasan ang buwis ng mga manggagawa.
b. Sinimulan ng pamahalaan ang pagluluwas ng mga manggagawa sa ibang bansa.
c. Nagtaguyod ng proyektong pangkabuhayan.
d. Pinatawan ng mataas na buwis ang mga kalakal.
27. Kinilalang mga bayani ang mga overseas contract worker (OCW) dahil sa malaking tulong nila sa
ekonomiya ng bansa. Ano ang dahilan sa unti-unting pagbawi ng ekonomiya ng bansa?
a. Dahil sa umunlad ang ekonomiya ng ibang bansa.
b. Dahil marami ang pinadalang OCW sa ibang bansa.
c. Dahil sa dolyar na ipinadadala ng mga OCW sa bansa.
d. Dahil maraming proyekto ang pamahalaan.
28. Sa harap ng matinding suliranin sa ekonomiya, naghanda ang pamahalaan ng mga paraan upang
matulungan ang mga mamamayan. Bakit inilunsad ang proyektong Kilusang Kabuhayan at Kaunlaran
(KKK)?
a. Malinang ang maliliit at katamtamang laking industriya na maaaring pagkunan ng kabuhayan.
b. Patawan ng mataas na buwis ang mga uri ng produktong hindi tinuturing pangunahing
pangangailangan.
c. Ituro ang iba’tibang paraan ng pagkakakitaan ng pamilya.
d. Pagkukumpuni ng mga nasirang impraestraktura tulad ng mga daan at tulay.
29. Lalong lumawak ang agwat ng kabuhayan ng mayayaman at mahihirap. Bumaba ang halaga ng piso kaya
_____?
a. marami ang walang hanapbuhay
b.kakaunti lamang ang nibibili ng karaniwang manggagawa mula sa kinikita nito
c. lumaganap ang krimen sa bansa
d. umunlad ang ekonomiya ng bansa
30. Hindi naging hadlang ang kasarian upang makilahok sa pagkamit ng demokrasya. Ano ang sandata ng
mga kababaihan sa pagbabago ng lipunan?
a. Gumamit ang mga kababaihan ng dahas.
b. Nanatili ang mga kababaihan sa kanilang tahanan.
c. Panalangin, tatag ng loob at mahinahong pakikipagugnayan sa mga sundalo.
d. Suporta sa pagkilos laban sa pamahalaan.
31. Alin sa mga sumusunod ang hindi pangyayaring nagbigay daan sa pagkatatag ng EDSA Revolution o
People Power.
a. Dagliang halalan 1986
b. Pagpagpapahag ng Batas Militar
c. Pagbagsak ng dolyar laban sa piso
d. Pagkamatay ni Benigno Aquino, Jr.
32. Bakit marami ang bumatikos sa pasyang dagliang halalan ni Pangulong Marcos?
a. Dahil hindi ito nakatakda sa Saligang Batas.
b. Dahil hindi pa napapanahon ang halalan.
c. Dahil nagsilbi lang itong panlilinlang sa mga Pilipino.
d. Dahil gumamit ng pang-aabuso sa kapangyarihan.
33. Ano ang papel ang ginampanan ng Simbahang Katolikosa People Power?
a. Nang-abuso sa karapatang pantao.
b. Nanawagan na suportahan ang militar sa pagtiwalag nito kay Pangulong Marcos.
c. Nagmulat sa sambayanang Pilipino sa layunin ng Pangasiwaang Marcos/
d. Nagsilbing simbolo ng kapayapaan.
34. Kabila ng masigasig na pagbabantay marami pa ring naiulat na pandaraya. Ano ang layunin ng National
Movement for Free Election (NAMFREL)?
a. Baguhin ang kalalabasan ng halalan.
b. Magprotesta sa resulta ng halalan.
c. Hikayatin ang mga mamamayan na magbantay sa proseso ng halalan.
d. Magtaguyod ng isang malaya, malinis at tapat na halalan.
35. Ano ang nagtulak sa Reform the AFP movement (RAM) upang magsagawa ng coup d’etat o pag-agaw sa
kapangyarihang ng pamahalaan?
a. Hindi binigyang pansin ni Pangulong Marcos ang hinihinging pagbabago ng RAM sa mapayapang
paraan.
b. Pagbabago ng Commission on Elections sa kinalabasan ng halalan.
c. Pag-aresto kina Enrile at Ramos sa Kampo Crame.
d. Pagboykot ng mga bangko at pahayagan.
36. Bakit tinuturing na simbolo ng hangarin ng mga Pilipino na lumaya mula sa isang mapaniil na pamahalaan
ang People Power sa EDSA?
a. Ang kapangyarihan ng tao ay mas malakas sa kapangyarihan ng pinuno.
b. Maaring magkaroon ng pagbabago sa lipunan na hindi karahasan ang pangunahing paraan na
gagamitin.
c. Pagpapahalaga sa kalayaan ng mga Pilipino.
d. Ang kalayaan ay dapat na ipaglaban at pagtulungang makamit.
37. Alin ang nagpapakita na isang demokratiko ang pamahalaan ng isang bansa?
a. Ang kabuhayan ng tao ay maunlad.
b. Ang mga ari-arian ng bansa ay hawak ng pamahalaan.
c. Ang bayan ay pinamumunuan ng makapangyarihang pinuno.
d. Ang taong bayan ay malayang natatamasa ang karapatan.
38. Malaking tagumpay ang People Power o EDSA Revolution. Anong pahayag ang magpapatunay dito?
a. Nagkaroon ng mga kilusang mapagpalaya sa bayan.
b. Ang People Power ay isang babala sa sinumang mang-aabuso sa kapangyarihan.
c. Kabayanihan ng mga Pilipino sa EDSA.
d. Pagpapatalsik kay Pangulong Marcos matapos ang mahigit na 20 taong paniniil at pagpapahairap sa
mga Pilipino.
39. Tinawag na pamahalaang rebolusyonaryo ang pangasiwaang Aquino dahil __________?
a. Nanguna si Corazon Aquino sa pagpapatalsik kay Marcos.
b. Itinatag ito sa panahon ng People Power Revolution.
c. Nagkaroon ng pagbabagong tatag sa pamahalaan.
d. Napapanatili ang demokrasya sa bansa.
40. Pangangalaga sa karapatang pantao ang isa sa programa ng pamahalaang Aquino. Upang masiyasat ang
paglabag sa mga karapatang pantao nilikha ang ______.
a. Freedom Constitution
b. Presidential Commision on Good Government
c. Presidential Commission on Human Rights
d. New People’s Army
41. Inilunsad ng pamahalaan ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). Ano ang pangunahing
layunin nito?
a. Mabigyan ng dagdag puhunan ang mga magsasaka.
b. Mailipat ang pagmamay-ari ng lupa sa mga magsasaka.
c. Magkaroon ng pagkakataong umupa ng lupa ang mga magsasaka.
d. Ang mga magsasaka ay hindi maaring mamuhunan sa mga industriya.
42. Ipinatupad ang batas na R.A. 6655 o Free Public Secondary Education Act of 1988 upang
a. magbigay ng libreng edukasyon hanggang sa antas ng Secondarya.
b. pagbibigay tulong ng pamahalaan sa lahat ng mag-aaral at guro.
c. pag-isahin at pagtugmain ang mga programang pampalakasan ng bansa.
d. wala sa nabanggit
43. Bakit kailangan bumuo ng bagong Saligang Batas ang pangasiwaan ni Pangulong Aquino?
a. May kanya-kanyang tungkulin ng tatlong sangay ng pamahalaan.
b. Maaring saklawan ng isang sangay ang tungkulin ng ibang sangay.
c. Makakabuti ito sa pangsiwaan ni Pangulong Aquino.
d. Pagpapaibayo ng pamahaalan ng pangulo.
44. Isang programa ng pangulong Fidel V. Ramos ang Philippines 2000. Ano ang hangarin ng programang
ito?.
a. maisakatuparan ang mga proyektong imprastraktura
b. mabawasan ang kahirapan at matamo ang pag-unlad ng ekonomiya
c. pagpapatupad ng batas ukol sa karapatang pantao
d. pagpapanumbalik sa pagkakaisa ng madla
45. Binigyang-tuon ng pamahalaang Ramos ang people empowerement. Ang tao ang sentro ng pag-unlad.Ano
ang panukat ng kaunlaran ng people empowerement?
a. kapakanan ng bansa
b. kapakanan ng mga ahensiya ng pamahalaan
c. kapakanan ng mga mayayaman
d. kapakanan ng mga karaniwang Pilipino.
46. Isa sa mga layunin ng pangasiwaang Ramos ang lumikha ng mga hanapbuhay. Paano naisakatuparan ang
layuning ito?
a. Paghihikayat ng pamahalaan sa mga dayuhan na mamuhunan sa bansa.
b. Pagpapatayo ng mga gusali, daan at tulay.
c. Pagbibigay trabaho sa mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa.
d. Pagluluwas ng mga produkto sa ibang bansa.
47. Alin sa mga sumusunod ang magpapatunay na isang progreso at maunlad ang isang bansa?
a. Ang pakikipag-ugnayan sa ibang bansa.
b. Pagkakaroon ng mataas na porsyento ng mga taong may hanapbuhay.
c. Ang pagdami ng suliranin ng bansa ukol sa ekonomiya nito.
d. Ang paghigpit sa mga produktong iluluwas sa ibang bansa.

48. Ang mga sumusunod ay ilang suliranin sa lipunan na kailangang harapin at mabigyang kalutasan maliban
sa isa
a. Mababang antas ng ekonomiya
b. Katiwalian sa pamahalaan
c. Murang bilihin
d. Kriminalidad
49. Maraming kinahaharap na suliranin ang pamahalaan na kailangang bigyan kalutasan o programa. Ang
pag-asa na makaahon sa kahirapan ay nasa kamay ng ______?
a. Pangulo ng bansa
b. Pamahalaan
c. Iba’t ibang ahensiya o pribadong sektor
d. lahat ng Pilipino
50. Ang pag-angat ng kabuhayan at pag-ahon sa kahirapan ang pangunahing hamon ng isang pangulo ng
bansa. Ano ang palatandaan na umuunlad na ang isang bansa?
a. Pagdami ng proyektong pangkabuhayan.
b. Ang bansa ay matuturing na industiyalisado.
c. Kakulangan ng likas na yaman ng bansa.
d. Pagdami ng mga dayuhan sa bansa.

You might also like