You are on page 1of 18

3

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 4:
Ang mga Natatanging Simbolo at
Sagisag ng Ating Lalawigan

CO_Q2_AP 3_ Module 4
3

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 4:
Ang mga Natatanging Simbolo at
Sagisag ng Ating Lalawigan
Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 4: Ang mga Natatanging Simbolo at Sagisag ng Ating
Lalawigan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Melanie D. Geyrozaga

Editors: Kimberly E. Dueñas, Pamela L. Edisane, Hannie P. Zamora

Tagasuri: Arcel W. Gacasan, Jean Christi B. Rivera, Guillesar P. Villarente

Tagalapat: Alpha Amor G. Manglicmot, Patrick John P. Peresores, Jecson L. Oafallas


Tagapamahala: Evelyn R. Fetalvero Nelson C. Lopez

Janette G. Veloso Cheerylyn A. Cometa

Analiza C. Almazan Christopher P. Felipe

Ma. Cielo D. Estrada Alicia I. Ayuste

Danilo R. Dohinog Leonora Liza D. Dacillo

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education – Region XI
Office Address: F. Torres St., Davao City
Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147
E-mail Address: region11@deped.gov.ph * lrms.regionxi@deped.gov.ph
Alamin

Naranasan mo na bang maglakbay sa ibang lalawigan?


Ano ang napapansin mo sa larawan na nakadikit sa harapan ng
kapitolyo? May mga nakikita ka rin bang mga simbolo sa kanilang
bandila o sa mga monumento? Napapansin mo na ba ang mga
hugis bilog na karaniwang nakikita ang mga katagang, Sagisag
ng Lalawigan (Official Seal)? Ang tawag dito ay mga opisyal na
simbolo at sagisag ng isang lugar o lalawigan. Subukan mong
hanapin ang opisyal na Simbolo ng iyong lalawigan na nasa
ibaba.

Sa araling ito, inaasahang:


• Natatalakay ang kahulugan ng ilang simbolo at sagisag ng
sariling lalawigan at rehiyon – MELC -AP3KLR-IIe

CO_Q2_AP 3_ Module 4
Subukin

Panuto: Basahin ang mga sumusunod. Isulat ang titik ng tamang


sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang ipinahihiwatig sa luntiang kulay na sagisag?

A.Katabaan ng lupa
B.Kalinisan ng lupa
C.Kalakasan ng lupa
D.Kamahalan ng lupa

2. Saang lalawigan makikita ang simbolo na may kulay ginto?

A. Davao del Norte


B. Davao del Sur
C. Davao de Oro
D. Davao Occidental

3. Sa silyo ng Davao Occidental saan sumisimbolo ang kanilang


daan?

A. Sumisimbolo sa kahirapan
B. Sumisimbolo sa kasamaan
C. Sumisimbolo sa katalinohan
D. Sumisimbolo sa pagiging progrisibo sa lalawigan

CO_Q2_AP 3_ Module 4
4. Ang "tuna" bilang isa sa mga kadalasang makikita natin sa
mga sagisag ay nagpapahiwatig sa pagiging mayaman sa
dagat ng lalawigan.

A. Oo,nagpapatunay na mayaman sa isda ang isang


lalawigan
B. Hindi, dahil mga guhit lamang ang makikita sa mga sagisag
C. Oo,nagpapahiwatig na maraming yaman ang isang
lalawigan
D. Hindi, dahil mahirap makakahuli ng "tuna" sa kasalukuyang
panahon

Aralin Ang mga Natatanging

1 Simbolo at Sagisag ng Ating


Lalawigan

Handa ka na ba sa iyong aralin?


Ano-ano kaya ang simbolo at sagisag ng iyong lalawigan?

Balikan

Sa nakaraang aralin, nalalaman mo ang timeline ay paraan


upang lubos na maunawaan ang ugnayan ng mga pangyayari
na may kinalaman sa kasaysayan ng iyong lalawigan.
Basahin at unawain ang bawat tanong na nasa ibaba.

CO_Q2_AP 3_ Module 4
a. Paano nabigyang halaga ng mga mamayan sa bawat
lalawigan ang kasaysayan at pamumuhay sa kanilang lalawigan?
b. Paano nila napag-uugnay ang mga makasaysayang
pangyayari sa kanilang lalawigan at mga lalawigan ng sa
rehiyon?

Mga Tala para sa Guro


Basahin at ipaunawa nang mabuti ang mga panuto sa
bawat hakbang at gawain. Ipaalala sa mag-aaral na
gumamit ng hiwalay na papel sa pagsulat ng kanilang mga
sagot sa mga gawain. Lahat ng sagutang papel at mga
proyektong nagawa ay ipapasa sa guro upang mabigyan
ng nararapat na marka.

CO_Q2_AP 3_ Module 4
Tuklasin

Basahin at unawain ang usapan ng magkakaibigan. Itala ang


mga mahahalagang impormasyon tungkol sa kanilang lalawigan
ayon sa kanilang pinag-uusapan.

Hugis Bilog
ni Melanie D. Geyrozaga
Stanly: Alam niyo gusto ko sanang pumunta sa ibat ibang
lalawigan dito sa rehiyon ng Davao.

(Sina Stanly, Jhuliane, Jay-ar, Jigie at Zian ay


nakatira sa malayong lugar ng Barangay Asbang,
Bayan ng Matanao.)

Jhuliane: Oo nga, ako rin Stanly gusto kong maranasan ang


maglakbay sa iba't ibang lalawigan.
Jay-ar: Ano kaya ang makikita natin kapag pumunta tayo
sa pinakasentro ng lalawigan?
Jegie: Sabi ng aking tatay, nakapunta na raw siya sa iba't
ibang lalawigan ng Davao at nakita niya ang mga
malalaking gusali, monumento at kapitolyo.
Napansin niya ang mga hugis bilog ng bawat
kapitolyo na nakapaskil sa harap nito.
Stanly: Ano kaya ang ibig sabihin ng hugis bilog sa
harapan ng bawat kapitolyo na nakikita ng tatay
mo, Jegie?

CO_Q2_AP 3_ Module 4
Jay-ar: Jegie, hindi ba sabi ng tatay mo na sa loob ng
hugis
bilog makikita raw ang iba't ibang larawan gaya ng
puno, isda, alon, araw, bituin, ginto at daan?

Stanly: Mas mabuti pa na magtanong tayo sa nanay ni


Zian dahil sa kapitolyo ng Davao del Sur ito
nagtatrabaho.

Zian: Oo nga, doon nagtatrabaho ang nanay ko sa


kapitolyo ng Davao del Sur, mamayang gabi ay
tatanungin ko siya.
(Kinabukasan ang mga magkaibigan
nagkuwentuhan na naman.)

Jhuliane: Zian, naitanong mo na ba sa nanay mo kung ano


ang ibig sabihin ng hugis bilog sa harapan ng
kapitolyo?

Zian: Sinagot na ng aking nanay ang ating tanong.


Ibig sabihin daw ng hugis bilog na iyon ay simbolo
at sagisag (Official Seal) ng lalawigan.

Alam mo ba ang ibig sabihin ng mga simbolo at sagisag na


makikita mo sa iyong lalawigan? Ito ang iyong pag-aralan sa loob
ng modyul na ito.

CO_Q2_AP 3_ Module 4
Suriin

Ngayon talakayin at tukuyin mo ang ilan sa mga


natatanging simbolo at sagisag na makikita at naglalarawan sa
bawat lalawigan ng rehiyon.

Makikita sa lalawigan ng Davao


del Norte ang niyog, saging at
luntiang puno na nagpapakilala
ng kanilang agrikultura.

Ang mais, isda, niyog, palay,


de lata, at bangka ay sumisimbolo
sa pangunahing pinagkukunan ng
kabuhayan sa lalawigan.
Ang mga bituin ay
simisimbolo sa 13 na mga
munisipyo.

CO_Q2_AP 3_ Module 4
Ang opisyal na selyo ng
lalawigan ng Davao de Oro ay
may dalawang tonelada at
nakakabit na solidong ginto.
Ipinakita nito ang pagkakakilanlan
ng isang pangunahing lugar kung
saan naninirahan ang mga tao sa
kasaganaan.

Sumisimbolo ang tulay ng Davao


Occidental sa pagkaugnay ng
bawat bayan sa kabila ng balakid
ng bundok at dagat. Ang daan
ay sumisimbolo sa pagiging
progresibo ng lalawigan.

Sa lalawigan ng Davao
Oriental, ang kulay asul, puti at
pula ang simisimbolo sa pagiging
Pilipino, ang luntian ang
nagpapahiwatig ng katabaan ng
lupain at azure blue ay Kalayaan.

CO_Q2_AP 3_ Module 4
Pagyamanin
Upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan
sa paksa sagutan ang gawain sa ibaba.
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kinapaloobang lalawigan ng
ilan sa mga natatanging simbolo na nasa Hanay A. Isulat ang titik
sa sagutang papel.
Hanay A Hanay B

1. A. Davao Oriental

2. B. Davao Occidental

3. C. Davao del Sur

4. D. Davao del Norte

5. E. Davao de oro

CO_Q2_AP 3_ Module 4
Isaisip

Sagutin ang mga katanungan para maproseso ang mga


natutuhan mo mula sa aralin.
1. Makikita ba sa sagisag ng mga lalawigan ang ilan sa mga
natataging simbolo nito?

1. Bakit mahalaga sa isang lalawigan ang pagkakaroon ng


opisyal na sagisag?

2. Ano ano ang kahulugan ng mga simbolo na makikita natin


sa bawat sagisag ng mga lalawigan?

3. Ano ang ugnayan ng mga simbolo sa katangian ng mga


lalawigan sa rehiyon?

Isagawa
Iguhit sa sagutang papel ang mga simbolo na
napapaloob sa iyong lalawigang kinabibilangan.
Pamantayan:

Nilalaman - 35%
Pagkamalikhain - 35%
Kalinisan - 30%

Kabuoan - 100%

10

CO_Q2_AP 3_ Module 4
Tayahin
Piliin at isulat ang titik ng wastong sagot.
1. Ano ang sumisimbolo sa lalawigan ng Davao
del Sur?
A. bituin, isda, at dahon
B. bundok at gusali
C. damit at pagkain
D. mais, isda, niyog, palay, de lata, at bangka

2. Ano ang sinisimbolo ng tulay sa selyo ng Davao Occidental?


A. kahirapan
B. kasaganaan
C. pagiging progresibo
D. pagkaugnay ng bawat bayan

3. Ano ang ipinahiwatig sa pagkakaroon ng simbolo ng luntiang


puno sa sagisag ng Davao del Norte?
A. pagkakaroon ng magandang kapaligirang pisikal
B. pagkakaroon ng malawakang na lupain
C. paglalahad ng masaganang agrikultura
D. pagpapakita ng pasyalan

4. Anong taon ang nakasulat sa simbolo ng lalawigan ng Davao


de Oro?
A. 1998
B. 1999
C. 2000
D. 2001

5. Ano ang sinisimbolo ng kulay asul, puti, at pula ng lalawigan ng


Davao Oriental?
A. masagana ang rehiyon
B. malawak ang nasasakupan ng rehiyon
C. pagiging Pilipino
D. sagana sa yamang lupa ang rehiyon

11

CO_Q2_AP 3_ Module 4
Karagdagang Gawain
Mula sa sagisag ng iyong kinabibilangang lalawigan,
gumawa ng isang maikling awitin sa isang malinis na papel.

12

CO_Q2_AP 3_ Module 4
CO_Q2_AP 3_ Module 4
13
Subukin Pagyamanin
1. A 1. D
2. C 2. C
3. D 3. E
4. A 4. B
5. A
Tayahin
1. D
2. D
3. C
4. A
5. C
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian:
Araling Panlipunan 3 Kagamitan ng Mag-aaral Sinugbuanong
Binisaya, Pasig City
Philippines: Book Media Press, Inc. 2015

Araling Panlipunan-Ikatlong BaitangKagamitan ng Mag-aaral


Revised Edition 2019
(Unpublished)

https://upload.wikimedia.org/wikipedia/en/6/65/Ph_seal_Davao_
del_Norte.png

https://en.wikipedia.org/wiki/Davao_del_Sur#/media/File:Ph_seal_
davao_del_sur.png

https://pag.wikipedia.org/wiki/Davao_de_Oro#/media/File:Dava
o_de_Oro_Official\
Seal.png

https://en.wikipedia.org/wiki/Davao_Occidental#/media/File:Ph_s
eal_DavaoOccidental.svg

https://en.wikipedia.org/wiki/Davao_Oriental#/media/File:Ph_seal
_davao_oriental.png

14

CO_Q2_AP 3_ Module 4
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like