You are on page 1of 3

WEEK Katangian ng Populasyon ng

4 Iba’t Ibang Pamayanan (MELC 3)


I
KARAGDAGANG GAWAIN (AP 3)
PANGALAN:
_________________________________________________

BAITANG: ____________________________________

GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 1B


PANUTO: Tignan ang larawan. Itala sa ibaba ang makikita mong mga anyong lupa at
anyong tubig.

Mga Anyong Lupa Mga Anyong Tubig

__________________________ __________________________

__________________________ __________________________

__________________________ __________________________

D
GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 2B
Basahin at unawain ang teksto.
Ang mga rehiyon ay may mga anyong lupa at anyong tubig na natatangi at
nagpapatanyag sa bawat lalawigan nito. Kapag binanggit ang ilan sa mga anyong lupa at
anyong tubig nito, agad naaalala ng mga tao ang lalawigan kung saan matatagpuan ito.
Tuklasin natin ang ilan sa mga ito na makikita sa ating rehiyon at sa karatig nito.
Ang Rehiyon XII- SOCCSKSARGEN ay maituturing nang paraiso dahil sa angking
yaman at ganda nito. Iba’t ibang anyong lupa at anyong tubig ang makikita rito.
Nakatutuwang maligo sa mga baybaying dagat ng Sarangani na may malinaw na tubig at
mapuputing buhangin kung saan makikita ang saganang yamang-dagat nito. Sa
bulubundukin ng South Cotabato, makikita naman ang Bundok Matutum, Bundok Parker at
Lawa Holon. Marami ring mga talon dito tulad ng tanyag na Dongon, Hikong Alu, at Hikong

1
Bente ng Seven Falls sa Lake Sebu. Sa Tantangan naman makikita ang talon ng Matimos.
Madadaanan din sa kapatagan nito ang taniman ng palay, mais, pinya, niyog, at saging.
Ang Sultan Kudarat naman ay may malalawak ding kapatagan na may iba’t ibang
pananim. Dito makikita ang kabundukan ng Daguma. Nakatutuwa ring maligo sa mga
baybayin ng Palimbang, Lebak, at Kalamansig. Kilala rin ang Marguez Hot and Cold Spring
Resort sa Esperanza, Sultan Kudarat.
Sa bahagi naman ng Cotabato Province makikita ang mga tanyag na talon tulad ng
Asik-Asik, mga lawa tulad ng Agco at ang bahagi ng Bundok Apo na pinakamataas na
bundok sa bansa sa may gawi ng Lungsod ng Kidapawan.
Kung magagawi ka na man sa Lungsod ng Cotabato, mamamangha ka sa laki at
lawak ng ilog ng Rio Grande de Mindanao na mas Malaki at malawak sa Ilog Allah ng South
Cotabato.
Samantala, kung gusto mo naman matikman ang masarap na tuna, pumunta ka sa
Lungsod ng Heneral Santos. Marami ring paliguan sa malawak na baybayin nito.
Talaga namang kahali-halina ang mga tanawin na hatid ng iba’t ibang anyong lupa at
anyong tubig sa ating rehiyon. Sa katunayan, dinarayo ang mga ito na siya namang
nagpapatanyag sa kinaroroonan ng Lungsod o lalawigan.

Panuto: Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Ang pinakamataas na bundok sa bansa na makikita sa Mindanao.
A. Apo B. Diwata C. Hibok-Hibok D. Mambajao
2. Aling lalawigan sa Rehiyon XII matatagpuan ang malalawak na kapatagan?
A. Cotabato B. Sarangani C. South Cotabato D. Sultan Kudarat
3. Dumarayo ang mga turista sa Lake Sebu sapagkat malamig ang panahon dito kahit tag-
init. Alin ditto ang pisikal na katangian na kinaroroonan ng Lake Sebu?
A. Burol B. Bulubundukin C.Kapatagan D. Talampas
4. Ang lalawigang ito ay napapaligiran ng kabundukan ng Roxas at Daguma na nagsisilbing
proteksyon nito sa bagyo.
A. Cotabato B. Sarangani C. SouthCotabato D. Sultan Kudarat
5. Sa aling lalawigan ng rehiyon matatagpuan ang lawa ng Holon?
A. Cotabato B. Sarangani C. South Cotabato D. Sultan Kudarat

E
GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 5B
Panuto: Iguhit ang anyong tubig o anyong lupa na nagpapakilala sa inyong lalawigan. Buuin
ang brochure tungkol dito at hikayatin ang mga tao na pumunta rito sa pamamagitan ng
paglalarawan ng kagandahan nito.

Ang aking lalawigan ay ang _______________________________. Makikita rito ang

2
tanyag na ___________________________________. Ang anyong tubig o anyong lupa na

ito ay _________________________________________. Marami ang pumupunta rito dahil

______________________________kaya’t inaanyayahan namin kayo na dalawin ang


tanyag

na lugar na ito sa aming lalawigan. Tiyak na masisiyahan kayo.

A
GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 7B
Panuto: Isagawa ang sumusunod sa pamamagitan ng pagsulat ng isang talata na
sumasagot sa mga katanungan.
1. Paano mo hihikayatin ang mga kaibigan mo sa isang lugar na dalawin ang alin man
sa mga anyong lupa o anyong tubig sa iyong lalawigan?

___________________________________________________________

___________________________________________________________

2. Paano mo maipakikita ang pagmamalaki mo sa anyong lupa o anyong tubig sa


rehiyon?

___________________________________________________________

___________________________________________________________

3. Kung ikaw ang papipiliin, saan mo gusting manirahan? Sa kabundukan, kapatagan,


talampas, o lambak?

___________________________________________________________

___________________________________________________________

4. Paano ka makatutulong sa pagpapanatili ng kagandahan ng mga anyong lupa at


anyong tubig sa rehiyon?

___________________________________________________________

___________________________________________________________

You might also like