You are on page 1of 7

ARALING PANLIPUNAN 3

Hunyo 22, 2015


Lunes
3:40 - 4:20 pm III- Heron

I. LAYUNIN
Nakasasagot sa lingguhang pagsusulit sa Araling Panlipunan.

II. PAKSANG ARALIN


Summative Test

III. PAMAMARAAN
Ipaliwanag ang direksyon ng malinaw.

A. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.


A B

1. A. ilog

2. B. hospital

3. C. bulubundukin

4. D. kagubatan

5. E. bulkan

6. F. paaralan

7. G. lawa

8. H. talampas
9. I. kabahayan

10. J. burol
K. Kapatagan

B. Iguhit ang mga panandang ginagamit sa pagtukoy ng direksyon.

11. Compass
12. Compass Rose ng Pangunahing Direksyon
13. North Arrow

C. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

14. Alin dito ang pananda para sa hilagang-kanluran ?

a. TS b. HS c. HK d. TK

15. Madaling hanapin ang kinaroroonan ng isang lugar sa pamamagitan ng


__________ .

a. panturo b. mapa c. guhit d. Larawan

16. Alin sa mga sumusunod ang pananda na nagpapakita ng distansya o layo


ng isang lugar sa isa’t isa sa mapa?

a. legend b. grind c. iskala d. Ruler

D. Tingnan ang mapa ng NCR. Sagutin ang mga sumusunod na tanong gamit ang
pangunahing direksyon.

17. Anong lungsod ang nasa hilaga ng Valenzuela City ? ___________


18. Anong lungsod ang nasa timog ng Valenzuela City ? ___________
19. Anong lungsod ang nasa kanluran ng Makati City ? ___________
20. Anong lungsod ang nasa silangan ng Makati City ? __________

ARALING PANLIPUNAN 3
Hunyo 24, 2015
Miyerkules
3:40 - 4:20 pm III- Heron

I. LAYUNIN
A. Natutukoy ang mga katangian ng lalawigan sa sariling rehiyon batay sa lokasyon,
direksyon, laki at kaanyuan
B. Naipaghahambing ang mga lalawigan sa sariling rehiyon ayon sa
lokasyon, direksyon, laki at kaanyuan

II. PAKSANG ARALIN

A. Paksa : Katangian ng mga Lungsod sa Sariling Rehiyon


B. Sanggunian : Modyul 1, Aralin 4 K to 12- AP3LAR-Ic-4
C. Kagamitan : Concept map ng katangian ng mga lungsod sa isang
rehiyon (NCR), mapa ng sariling rehiyon, crayons

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain

1. Pagsasanay
Ano ang hitsura ng mapa ng NCR ?

2. Balik-aral
Anu-ano ang mga lungsod na makikita sa National Capital Region o NCR ?

B. Panlinang na Gawain

1. Pagganyak
Maghanda ng walong set ng mapa ng sariling rehiyon na walang kulay
(depende sa dami ng mga mag-aaral). Igrupo ang mga mag-aaral sa walo. Hayaang
lagyan ng kulay ang mapa gamit ang crayons.

2. Paglalahad
Pagtanong sa mga mag-aaral:
A. Anong mapa ang nakulayan ninyo ?
B.Ilang bahagi/ kulay ang bumubuo sa mapa? Ano-ano kaya ang mga ito?
C. Paano nagkakaiba ang mga bahaging bumubuo sa mapa?
3. Pagtalakay
Matutukoy natin ang katangian ng bawat lungsod sa ating rehiyon sa
pamamagitan ng paghahambing ng lokasyon, direksyon, laki at anyo ng bawat isa..

4. Paglalahat
Pagtanong sa mga mag-aaral.
A. Paano natin matutukoy ang katangian ng bawat lalawigan o lungsod sa ating
rehiyon ?
B. Anu-ano ang mga pagkakapare-pareho ng sariling nating lalawigan sa ibang
lalawigan sa ating rehiyon batay sa lokasyon, direksyon, laki at kaanyuan?
C. Anu-ano ang mga pagkakaiba-iba nga sarili nating lalawigan sa ibang
lalawigan sa ating rehiyon batay sa lokasyon, direksyon, laki at kaanyuan?

C. Pagsasagawa
Pangkatin ang klase sa lima (ayon sa dami ng lungsod sa
sariling rehiyon) at punan ang chart sa ibaba.

Lungsod Lokasyon Direksyon Laki Anyo

Ipaulat sa bawat pangkat ang mga katangian ng mga lungsod batay sa lokasyon,
direksiyon, laki at kaanyuan.

IV. PAGTATAYA
Kumpletuhin ang chart sa ibaba.

Lungsod Lokasyon Direksyon Laki Anyo


1. Valenzuela
2.Caloocan (upper)
3. Muntinlupa
4. Pasig
5. Manila

V. TAKDANG GAWAIN
Iguhit ang mapa ng sariling rehiyon sa puting papel, bigyan ng pagkakakilanlan ang bawat
lalawigan sa pamamagitan ng pagiiba-iba ng kulay na gagamitin sa bawat isang lalawigan. Isulat
ang detalye ng bawat lalawigan ayon sa lokasyon, direksyon, laki at kaanyuan.

ARALING PANLIPUNAN 3
Hunyo 25, 2015
Huwebes
3:40 - 4:20 pm III- Heron

I. LAYUNIN
A. Nakapagtutukoy ng kinalalagyan ng bawat lungsod sa rehiyon (NCR) gamit ang
mga pangunahin at pangalawang direksiyon
B. Nailalarawan ang kinalalagyan ng iba’t-ibang lungsod sa rehiyon gamit ang mapa
II. PAKSANG ARALIN

A. Paksa : Lokasyon ng mga Lungsod sa Rehiyon Batay sa Direksiyon


B. Sanggunian : : Modyul 1, Aralin 4 K to 12- AP3LAR-Ic-4
C. Kagamitan : mapa ng sariling rehiyon, larawan o totoong compass, compass
rose, north arrow

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain

1. Pagsasanay
Tumawag ng isang bata at patayuin sa gitna ng klase habang nakaharap sa pisara.
Itanong sa mga bata ang sumusunod:
A. Ano-ano ang mga bagay sa harapan ng inyong kaklase? Sa kanyang
likuran? Sa kanan? Sa kaliwa?
B. Sa anong direksiyon naroon ang __________ (magbanggit ng mga
bagay na nasa silid-aralan)?

2. Balik-aral
Paano natin matutukoy ang katangian ng bawat lalawigan o lungsod sa ating
rehiyon ?

B. Panlinang na Gawain

1. Pagganyak
Itanong sa mga mag-aaral, “Batay sa maikling gawain, ano-ano ang mga salitang
ating ginamit upang tukuyin ang iba’t-ibang direksiyon? (harapan, likuran,
kanan, kaliwa)

2. Paglalahad
Sabihin sa mga bata na maliban sa mga nabanggit na tawag sa direksiyon,
matututuhan nila sa araling ito ang wastong tawag sa mga direksiyon.
Itanong sa mga mag-aaral, “Ano-ano ang makikita sa mapa maliban sa mga
simbolo o pananda na napag-aralan na natin?

3. Pagtalakay
Magpakita ng mapa ng NCR sa klase. Ipatukoy ang mga lungsod sa iba’t ibang
direksyon sa mapa.
1. Caloocan City (Upper) - hilaga
2. Valenzuela City - hilagang kanluran
3. Quezon City - hilagang silangan
4. Navotas City - hilagang kanluran
5. Malabon City - hilagang kanluran
6. Caloocan City (Lower) - hilagang kanluran
7. Manila City - kanluran
8. San Juan - gitna
9. Mandaluyong City - gitna
10. Pasig City - silangan
11. Pasay City - kanluran
12. Makati City - gitna
13. Pateros - silangan
14. Taguig - timog silangan
15. Paranaque City - timog kanluran
16. Las Pinas - timog kanluran
17. Muntinlupa City - timog

4. Paglalahat
Ano ang gagamiting pananda upang matukoy ang lokasyon ng isang lugar? Anu-
anong instrumento ang mayroon nito?

C. Pagsasagawa
Gamit ang mapa at Makati City bilang relatibong lokasyon, tukuyin ang mga lungsod
sa mga sumusunod na direksyon.
HK- _______________
H- _______________
HS- _______________
S- _______________
TS- _______________
T- _______________
TK- _______________
K- _______________

IV. PAGTATAYA
Tingnan ang mapa ng NCR at sagutin ang mga sumusunod na direksyon.
1. HK- _______________
2. H- _______________
3. S- _______________
4. T- _______________
5. K- _______________

V. TAKDANG GAWAIN
Gumuhit ng isang mapa ng isang lungsod sa NCR. Kulayan ito ng iyong paboritong
kulay at isulat ang direksyon nito sa mapa.

ARALING PANLIPUNAN 3
Hunyo 26, 2015
Biyernes
3:40 - 4:20 pm III- Heron

I. LAYUNIN
A. Natutukoy ang lokasyon ng mga lungsod sa rehiyon batay sa mga kalapit na lugar
B. Nailalarawan ang lokasyon ng mga lungsod sa rehiyon batay sa mga nakapaligid
dito.

II. PAKSANG ARALIN


A. Paksa : Kinaroroonan ng mga Lungsod sa Rehiyon Batay sa mga Nakapaligid
Dito
B. Sanggunian : mapa ng sariling rehiyon, bondpaper
C. Kagamitan : Modyul 1, Aralin 3 K to 12 - AP3LAR-Ic-3

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay

Paano mo masasabi ang lokasyon ng isang lugar?


Ano-ano ang maaaring gamitin upang masabi ang lokasyon ng isang
lugar?
2. Balik-aral
Direksyon ng mga Lungsod sa NCR

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak

Pag-aralan at suriin ang mapa.

2. Paglalahad
Ang plasa bilang ating point of reference,saan makikita ang plasa?
Anong gusali ang nasa tapat nito?
Anong gusali ang nasa likod nito?
Paano kung ang gusaling pamahalaang ang pagbabatayan ?
Paano mo tutukuyin ang lokasyon ng plasa?

3. Pagtalakay
Ang mga direksiyon o lokasyon ng isang lugar ay ibinabatay sa kinaroroonan ng
mga nakapaligid at karatig-pook. Ang tawag dito ay relatibong lokasyon.

4. Paglalahat
Ano ang relatibong lokasyon?

C. Pagsasagawa
Igrupo ang mga mag-aaral sa walo at bigyan ng piraso ng bondpaper ang bawat
grupo. Hayaan silang pag-aralan ang mapa ng NCR at tukuyin ang mga lungsod na
nakapaligid sa bawat relatibong lokasyon sa ibaba sa pamamagitan ng pangunahing
direksyon (H, T, K, S)

1. Relatibong Lokasyon : Quezon City


2. Relatibong Lokasyon: San Juan
3. Relatibong Lokasyon: Makati City
4. Relatibong Lokasyon: Mandaluyong City
5. Relatibong Lokasyon: Valenzuela City

IV. PAGTATAYA
Pag-aralan ang mapa ng NCR at sagutin ang kasunod na katanungan.

1. Saang direksiyon makikita ang Upper Caloocan City?


2. Saang direksiyon naman matatagpuan ang Muntinlupa City?
3. Saan banda ang lungsod ng Manila City?
4. Saang direksyon matatagpuan ang Pasig City?
5. Saan banda naman ang Valenzuela City?

V. TAKDANG GAWAIN
Pag-aralan ang lokasyon, direksiyon laki at kaanyuan ng bawat lungsod sa NCR.

You might also like