You are on page 1of 16

3

MOTHER TONGUE
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Nakasusulat ng Reaksyon at
Sariling Opinyon sa Isang
Balita o Isyu.
Mother Tongue– Ikatlong Baitang
Self – Learning Module (SLM)
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Nakasusulat ng Reaksyon at Sariling Opinyon sa
Isang Balita o Isyu.
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin
ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Cherry Ann B. Osumo, Lorna L. Villanueva, Kristine Joy M. Garcia,


Rahima K. Pagocag, Arnie L. Bedaño, Angela B. Placencia,
Katherine Fe M. Almeranes
Editor: Grace C. Pastolero, Julie S. Pascual, Diana June M. Palabrica
Tagasuri: Agabai S. Kandalayang, Yusof A. Aliudin, Rowena P. Alterado,
Sheryl B. Bautista, Ma. Kristine B. Lastris, Eloisa R. Agni, Aida S. Delo
Tagaguhit: Emman Dwight J. Tuyan
Tagalapat: Alvin P. Gumapac/Genesis M. Magbanua, Glen D. Napoles
Cover Art Designer: Jay Sheen A. Molina
Tagapamahala: Francis Cesar B. Bringas, CESO V– Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V– Assistant Regional Director
Isagani S. Dela Cruz, CESO V - Schools Division Superintendent
Dr. Roberto J. Montero,CESO VI - Assistant Schools Division Superintendent
Mario M. Bermudez, CESO VI- Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Leonardo B. Mission – REPS, MTB-MLE
Elpidio B. Daquipil - CID Chief
Juvy B. Nitura - EPS In Charge of LRMS
Marcelo Bucatera - ADM Coordinator
Rebella S. Dulay – EPS, MTB-MLE

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – SOCCKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
3

MTB-MLE
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Nakasusulat ng Reaksyon at
Sariling Opinion sa isang
Balita o Isyu.
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang MTB-MLE 3 ng Self – Learning Module


(SLM) para sa araling Nakakasulat ng Reaksyon at Sariling Opinyon sa isang Balita o
Isyu.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay


at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala Para sa Guro


Magandang araw! Mapalad kayo na magkaroon ng kagamitang pangturo
na katulad nito. Ito ay inyong magagamit upang maihatid at maibahagi sa inyong
mga mag-aaral ang tamang kaalaman upang mapalawak at malinang ang
kanilang karunungan tungkol sa Pagsulat ng Reaksiyon at Sariling Opinyon sa Isang
Balita o Isyu. Ang inyong tamang paggabay ay makatutulong sa mga mag-aaral
upang makamit ang ating mga layunin sa pag-aaral.
Ipaalala sa ating mga mag-aaral na basahin, unawain, at sagutin nila nang
tama ang lahat ng mga gawain at katanungan dito sa modyul na sadyang
inihanda para sa kanila.
Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang
Bilang tagapagdaloy, magagamit
inaasahang bibigyan sa
mo ngpaggabay sa mag-
paunang kaalaman ang mag-
aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
aaral.
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa MTB-MLE 3 ng Self – Learning Module (SLM) ukol sa


Pagsususulat ng Reaksyon at Sariling Opinyon sa isang Balita o Isyu.

ii
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


Alamin dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang
sagot (100%), maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


Balikan upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


Tuklasin
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa


Pagyamanin mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-unawa
at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o


Isaisip pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

iii
Ito ay naglalaman ng gawaing
Isagawa makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o


Tayahin
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Gawain panibagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari
ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Magandang araw sayo mag-aaral! Kumusta ka sa araw na


ito. Nagagalak ako sa iyong ipinakita sa nakaraang aralin. Ako ay
nakakasiguro na makakaya mo sagutin ang gawain sa modyul
na ito. Mahilig ka bang magbasa ng mga kuwento at tula?
Mayroon ka bang nabasang mga salitang mahirap baybayin?
Sa modyul na ito ay maiintindihan mo ang mga sumusunod na
layunin.
Most Essential Learning Competency:
• Writes reactions and personal opinions to news reports
and issues. MT3F- IIIa-i-2.6

Sa araling ito, ang mag-aaral ay inaasahang:


• Makasusulat ng reaksyon at sariling opinion sa isang balita
o isyu.

1
Subukin

Panuto: Magbigay ng reaksyon sa isyu o pangyayari na


magsisimula sa pagsasabi ng Sa palagay ko…/
Nararamdaman ko na……./Sa aking
palagay……..Maaaring pumili ng sagot sa loob ng kahon.

1.
Maraming tao ang nanood ng
pagtatanghal ng mga awiting Pinoy.
Matapos ito, iniwan ng mga nanood
ang gabundok na basura.

walang disiplina ang mga nagtapon ng basura


nagkulang ng paalala ang mga kinauukulan
magagalit ang mga namumuno sa lugar

a. Sa palagay ko_____________________________________

b. Nararamdaman ko na _____________________________

c. Sa aking palagay__________________________________

2
Sa modyul na ito ay matutuhan ninyo ang pagsusulat ng
reaksyon at sariling opinion sa isang balita o isyu.

Balikan

Panuto: Hanapin ang mga pagmamalabis na salita na ginamit sa


pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa
sagutang papel.

1. Halos sumabog ang utak ko nang mabalitaan kong


sinisiraan niya ako sa mga kaibigan niya.
A. mabalitaan kong sinisiraan
B. sa mga kaibigan niya
C. sumabog ang utak

2. Mahilig kumain nang marami si Sabel kaya balyena siya sa


laki.
A. marami akong nakain
B. kaarawan ni Helen
C. balyena sa laki

3. Si Mang Doming ay parang puno ng niyog ang taas.


A. parang puno ang taas
B. si Mang Karding
C. parang puno

4. Nalaglag ang balikat ni Jose nang nalaman niyang


namatay ang kaniyang lolo.
A. nalaman niyang namatay
B. nalaglag ang balikat
C. nang nalaman niya

5. Para akong nalunod sa aking luha sa sobrang sakit na aking


nadarama nang nawala ang aking alkansya.
A. na aking nadarama
B. nalunod sa aking luha
C. sa sobrang

3
Tuklasin

Ano ang iyong nararamdaman sa tuwing may nananalong


Pilipino sa pandaigdigang paligsahan?

Basahin ang balita.

Sayaw Pinoy: Daan sa Pagkakaunawaan at Kabutihan


(Halaw)

Nanalo ng gintong medalya ang Bayanihan Philippine


National Folk Dance Company noong nakaraang 14th World
Folklore Festival na ginanap sa Istanbul, Turkey, July 7, 2013.

Matatandaang noong 2007, nagkamit din ng parehong


parangal ang grupo nang ipamalas nito ang husay ng mga
Pilipino sa pagsayaw ng “Tinikling”, “Singkil”, “Pandanggo sa
Ilaw”at “Maglalatik”. Dahil sa pagtatanghal na ito ang kultura at
kasarinlan ng mga bansang kasapi ay naipamamalas sa lahat. Ito
ang siyang naging dahilan upang mapalaganap ang
pagkakaunawan at kabutihan.

Panuto: Sagutin ang mga tanong at isulat ang titik ng tamang


sagot.

1. Anong gantimpala ang natanggap ng Bayanihan Philippine?


A. pilak na medalya
B. tansong medalya
C. gintong medalya

2. Kailan nila ito natanggap?


A. July 7, 2012
B. July 7, 2013
C. July 7, 2014

4
3. Saan ginanap ang paligsahan?
A. Istanbul, Turkey
B. Jakarta, Indonesia
C. Manila, Philippine

4. Anong sayaw ang ipinamalas nila?


A. Folk Dance
B. Hiphop Dance
C. Robotics Dance

Suriin

Panuto: Magbigay ng reaksyon sa isyu o pangyayari na


magsisimula sa pagsasabi ng Sa palagay ko…/
Nararamdaman ko na……./Sa aking palagay……..

Nanalo ng gintong medalya ang Bayanihan Philippine


National Folk Dance Company noong nakaraang 14th World
Folklore Festival na ginanap sa Istanbul, Turkey, July 7, 2013.

a. Sa palagay ko nanalo ng gintong medalya ng Bayanihan


Philippine National Folk Dance Company dahil sila ay nag-ensayo
nang maigi.

b. Nararamdaman ko na mananalo sila dahil sa kanilang


kasipagan sa pag-eensayo.

c. Sa aking palagay ang kanilang pagpupursige at


determinasyon ang nagpapanalo sa kanila.

Ang pagbibigay ng reaksiyon ay isang madamdamin at


pangkaisipang pagpapahayag ayon sa isang isyu o usapin. Ito
ay naaayon sa iyong personal na isipan, damdamin, at
karanasan.

5
Pagyamanin

Panuto: Magbigay ng reaksyon sa isyu o pangyayari na


magsisimula sa pagsasabi ng Sa palagay ko…/
Nararamdaman ko na……./Sa aking palagay……..

1. Ang mga paaralan ay kailangang magtaguyod ng mga lokal


at mga katutubong mga awitin at sayaw. Ano ang masasabi mo
tungkol dito.

a. Sa palagay ko_____________________________________
b. Nararamdaman ko na _____________________________
c. Sa aking palagay__________________________________

Isaisip

Panuto: Punan ng tamang sagot ang bawat patlang upang


mabuo ang talata. Piliin ang tamang sagot sa loob ng
kahon at isulat ito sa sagutang papel.

madamdamin isyu karanasan isipan

Ang pagbibigay ng reaksiyon ay isang ________________ at


pangkaisipang pagpapahayag ayon sa isang ________ o usapin.
Ito ay naaayon sa iyong personal na __________ damdamin, at
________________.

Isagawa

Panuto: Piliin ang tamang reaksyon sa isyu o pangyayari. Hanapin


sa kahon ang mga reaksiyon at isulat ang tamang sagot
sa sagutang papel.

6
1. Ang mga bata ay tinuturuan na sumayaw ng mga katutubong
sayaw sa paaralan.

a. mas nakabubuti na turuan ang mga batang sumayaw ng


mga katutubong sayaw sa paaralan
b. nararapat na turuan ang mga batang sumayaw ng mga
katutubong sayaw
c. mas masaya ang mga batang sumayaw ng mga
katutubong sayaw sa paaralan
a. Sa palagay ko_____________________________________
b. Nararamdaman ko na _____________________________
c. Sa aking palagay__________________________________

Tayahin

Panuto: Magbigay ng reaksyon sa isyu o pangyayari na


magsisimula sa pagsasabi ng Sa palagay ko…/
Nararamdaman ko na……./Sa aking palagay……..
1. Payagang umawit ng awiting bayan sa halip na mga sikat na
banyagang awitin.
a. Sa palagay ko_____________________________________
b. Nararamdaman ko na _____________________________
c. Sa aking palagay___________________________________

Karagdagang Gawain

Panuto: Itanong sa mga magulang ninyo ang kanilang reaksyon


sa isyu.
Isyu:

1. Ang sayaw na Kuratsa ay sayaw sa pagdiriwang ng kasal para


ang mga kaanak ng mga ikinasal ay maghandog ng pera.
a. Sa palagay ko_____________________________________
b. Nararamdaman ko na _____________________________
c. Sa aking palagay________________________________

7
8
Balikan:
1. c
2. c
3. a
4. b
5.b
Tuklasin:
1. c
2. b
3. a
4. a
Pagyamanin:
Isaisip:
1. madamdamin
2. isyu
3. isipan
4. karanasan
Isagawa:
1. b
2. a
3. c
Tayahin:
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

MTB grade 3 Learners Material pages 217-219

9
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELCs)
ng Kagawaran ng Edukasyon. Iyo ay pantulong na kagamitan na gagamitin
ng bawat mag-aaral sa pampubikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa
taong panuruan 2020-2021. Ang prosesong paglinang ay tinutukan sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Mahigpit naming hinihimok
ang anumang puna, komento at rekomendasyon.

Para samgakatanungan o puna, sumulat o tumawagsa:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like