You are on page 1of 33

Pamagat ng Yunit – Panahon ng Hapon

Pamagat ng Aralin – Panitikang Pilipino sa Panahon ng Pananakop


ng Hapon
Igugol na Oras – Anim na Oras/Dalawang Linggo

Introduksyon
Batay sa ating kasaysayan, nasakop ng Hapon ang ating
bansa noong 1941-1945. Bagamat hindi ito talagang labanan ng
ating bansa, hindi tayo nakaligtas sa kanilang mga kamay. Ang
tunay na magkaaway ay ang Amerika at ang Hapon. Noong
binomba ng Amerika ang Hiroshima, gumanti ang Hapon at nilusob
ang Pearl Harbor noong Disyembre 7,1941. Dahil nasa ilalim tayo
ng kolonya ng Estados Unidos, sinakop ng Hapon ang Pilipinas.
Sa ganitong pangyayari, itutuon ng modyul na ito ang naging
kalagayan ng panitikang Pilipino sa ilalim ng pananakop ng Hapon.
Hahatiin ang modyul na ito dalawang aralin, kung saan ang
una ay magpopokus sa uri ng panitikang iniambag ng Hapon, ang
Haiku na ating tinapatan ng Tanaga. Ang ikalawa naman ay
magsusuri tayo ng ilang halimbawa ng teksto na naisulat ng
panahong ito.
Halina at magbasa! Suriin ang ating panitikan sa panahon ng
Hapon.

Layunin
● Naitatala ang mga impormasyon tungkol sa naging kalagayan ng
ating panitikan sa panahon ng Hapon
● Nabibigyang – reksiyon ang mga kaisipan o ideya na tinalakay sa
mga akdang binasa
● Naihahambing ang ilang pangyayari sa akda sa mga pangyayari sa
kasalukuyan
PAUNANG PAGTATAYA
Pangalan : CLARISSE T. TANGLAO Marka:____________

Kurso/Seksiyon: BSED-MATH2A Petsa: ____________

A. Pagtukoy o Pagkilala
Panuto: Sagutin ang sumusunod ayon sa hinihingi. Isulat lamang ang sagot
sa inilaang patlang.

Tatlong taon 1. Ilang taon namalagi o nanakop ang mga Hapones sa


Pilipinas?
Haiku at Tanaga 2. Ano ang tawag sa tulang ipinamana sa atin ng mga
Hapones?
Hawaii 3. Ano ang dalawang lugar na may na nabanggit sa Ikalawang
Digmaan
Manila 4. na may kinalaman ang America at Hapon?
Haiku 5. ano ang dalawang tula na iniambag sa panitikang Pilipino ng
Hapon?
Tanaga 6.
Gintong Panahon ng Panitikang Pilipino 7. Ano ang tawag sa panitikang
Pilipino noong panahon ng Hapon?
Haiku 8. Ano ang tawag sa maikling tulang ito na binubuo ng tatlong taludtod
na may bilang na pantig na 5-7-5 sa bawat taludtod?
Tanaga 9. Ano ang tawag sa maikling tula na may apat na taludtod at ang
bilang ng pantig ay 7-7-7-7?
Samurai 10. Ano tawag sa mga kasapi ng uring military ng sinaunang
Hapon?

B. Sanaysay
Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan sa pamamagitan ng 5-7
pangungusap lamang. Isulat ang sagot sa inilaang patlang. ( 5pts/isa)

1. Bakit sinabing “Gintong Panahon ng Panitikang Pilipino” ang Panahon ng


Hapon?
  Ito ay itinuring na gintong panitikan dahil sa panahon ng hapon ay
sumibol ang panitikang Pilipino sa bansa . Ipinagbawal ng mga hapon
ang pagsalita at pagsulat ng wikang banyaga paritkular na ang Ingles .
Sa panahon ng hapon ay naging Malaya ang mga Pilipino sa pagsulat
ng kanilang mga panitikan na kasama ang kanilang kultura, mga
paniniwala at kaugalian. Naging malayang muli ang mga Pilipino sa
kanilang pagkakakulong sa paggamit ng wikang banyaga lalo na ang
wikang Ingles noong panahon ng mga amerikano dahil sa panahon ng
hapon ay  sinunog ng mga hapon ang mga panitikang banyaga sa
bansa.
2. Ipinagbawal ng namumunong Hapon ang paggamit ng wikang Ingles sa ating
bayan noong panahong ito. Ano ang epekto nito sa mga Pilipinong
manunulat? Bakit?
 Para sa mga Pilipinong manunulat ay isang biyaya sa larangang
panitikan ng bansa ang pangyayaring ito. Sumibol nang
lubos ang panitikan ng bansa sa panahong ito dahil ipinagbawal ng
namumunong Hapon ang paggamit ng wikang Ingles at
itinaguyod ang pagpapayaman sa panitikan gamit ang mga katutubong
wika sa bansa.
PAGTALAKAY

Aralin I
Ang Haiku at Tanaga… Handog ng Hapon sa Panitikang Pilipino

Mga Tiyak na Layunin:


● Naipaliliwanag ang pagkakaiba ng Haiku sa Tanaga bilang mga
pamanang panitikan ng mga Hapon sa mga Pilipino
● Napahahalagahan ang mga minanang panitikan bilang tanda ng
ating pakikipag-ugnayan at pakikipagpatiran
● Malikhaing nakabubuo ng ilang halimbawa nito batay sa mga
pangyayari sa kasalukuyan

Sa panahong ito, ipinagbawal ng namumunong Hapon ang paggamit


ng wikang Ingles, sa halip ipinagamit ang sariling wika. Sa ganitong
patakaran, naitaguyod ang pagpapayaman sa panitikan gamit ang mga
katutubng wika sa bansa na labis namang ikinatuwa ng karamihang
manunulat na Pilipino at itinuring itong isang biyaya sa larangang panitikan.
Sinunog din ang mga aklat na nasusulat sa wikang Ingles upang
makatiyak na hindi mababahiran ng mga kaisipang kanluranin ang mga
panitikan lilikhain.
Ang karaniwang paksa ng panitikan sa panahong ito ay buhay sa
lalawigan, pag-ibig, kalikasan, pagmamahal sa bayan at pagkakaroon ng
dangal sa sarili.
Ang Haiku at Tanaga ang dalawang halimbawa ng panitikan na
ipinamana nila sa atin. Ang dalawang ito ay tinatawag na maikling
tula.Bagamat maikli, punong- puno naman ng talinghaga.
Ang Haiku ay binubuo ng tatlong taludtod na may bilang ng pantig na 5-
7-5.
Samantalang ang Tanaga ay binubuo ng apat na taludtod at may bilang
na pantig na 7-7-7-7.

Narito ang ilang halimbawa:

Haiku
Ang dalawang Haiku na ito ay isinulat ni Gonzalo K. Flores
A. Tutubi
Hila mo’y tabak
Ang bulaklak: nanginig!
Sa paglapit mo.
B. Anyaya
Ulilang damo
Sa tahimik na ilog…
Halika, sinta.

Tanaga
A. Palay
Palay siyang matino
Nang humingi’y yumuko,
Ngunit muling tumayo;
Nagkabunga ng ginto.
B. Tag-init
Alipatong lumapag
Sa lupa—nagkabitak,
Sa kahoy—nalugayak,
Sa puso—naglagablab!

PAGSASANAY
Pangalan :_______________________________ Marka:____________

Kurso/Seksyon:__________________________ Petsa: ____________

Bagama’t itinuturing na maikling tula ang dalawang panitikang ito na ambag


sa atin ng mga Hapon, punong-puno naman ito ng talinghaga.

Basahing muli ang ibinigay na halimbawa. Pagkatapos, batay sa iyong


pagkaunawa ibigay ang nais ipahiwatig nito. Isulat lamang ang iyong sagot
sa pamamagitan ng 5-7 pangungusap.

Pumili lamang ng isang halimbawa sa bawat akda.

Kasagutan:
A. Haiku
Ang haiku na aking napili ay TUTUBI, sa aking palagay ang nais
ipahiwatig ng mga pangungusap ng ito ay mayroong isang tao na
naglabas ng itak o isang bagay na maaring makapanakit sa kanila
at sila ay natakot at nangamba na baka may mangyaring hindi
maganda sa kanilang mga buhay.

B. Tanaga

Ang tanaga na aking napili ay PALAY, dahil maikli man


napakalawak naman ng kahulugan. Sinasabing madapa man at
makaranas ng mga pagsubok ay dapat tuloy pa rin sa buhay
magsikap at magtiyaga lang at makukuha rin natin ang ating mga
nais na makuha sa buhay na ating dadalhin hanggang sa tayo’y
magkaedad na.

PAGSASANAY
Pangalan :_______________________________ Marka:____________

Kurso/Seksyon:__________________________ Petsa: ____________

Napakayaman ng ating panitikan. Nasa kamay ninyo na pagyamanin


pa ito. Huwag ninyong pabayaang mawala at mamatay o mapalitan.

Isa sa maaaring paraan upang ito ay mapagyaman pa, may kakayahan


kang gumawa ng sariling akda. Gamiting lunsaran ang Haiku at Tanaga
upang ipahayag ang iyong kaisipan, damdamin o pananaw sa lipunang iyong
kinabibilangan. Maaari mo ring gamitin ang iyong obserbasyon, suliranin o
karanasan sa kasalukuyan nating nararanasang krisis.

Bumuo ng tig-isang halimbawa ng Haiku at Tanaga gamit ang mga


pangyayari sa kasalukuyan.
Maging malikhain. Gamitin ang iyong imahinasyon.Kayang- kaya mo
‘yan!

Kasagutan:
A. Haiku
KAIBIGAN

KAIBIGAN KO,
AY AKING SASAMAHAN
SA KAGIPITAN

B. Tanaga

PAG-IBIG
BUHAY KO’Y MALIGAYA
DAHIL LANG SA PAG-IBIG
HINDI MAPIPIGILAN,
PUSO ANG MANANAIG

Aralin II
Pagsusuri ng Ilang Akdang Isinulat sa Panahon ng Hapon

Mga Tiyak na Layunin


● Naiisa-isa ang mga kaisipang nais bigyang-diin sa mga akdang binasa
at sinuri
● Napahahalagahan ang mga likhang- sining na ito na binuo ng ating
manunulat
● Nasusuri ang mga akdang binasa batay sa mga pangyayaring naganap
na may kaugnayan o kahalintulad sa mga pangyayari sa kasalukuyan.

Narito ang ilang halimbawa ng mga akdang naisulat noong panahon


ng Hapon. Basahin, suriin at sagutin ang mga ibinigay na katanungan.
Sa Pula, Sa Puti
Ni Francisco “Soc” Rodrigo
Kulas: A…hem! E, kumusta ka ngayong umaga, Celing.
Celing: Mabuti naman, Kulas. Salamat at naalala mo akong kamustahin.
Kulas: Si Celing naman, bakit naman ganyan ang sagot mo sa akin?
Celing: Sapagkat pagkidlat ng mata mo sa umaga, wala ka ng iniisip
kamustahin at himasin kundi ang iyong tinali. Tila mahal mo ang tinali mo
kaysa sa akin.
Kulas: Ano ka ba naman, Celing, wala ng mas mahal pa sa akin sa buhay na
ito kundi ang asawa.(Ilalagay ang kamay sa balikat ni Celing).
Celing: Siya nga ba? Ngunit kung nakikita kong hinihimas mo ang iyong
tinali, ibig ko ng kung minsang mainggit at magselos.
Kulas: Ngunit Celing, alam mo namang kaya ko lamang inaalagaang mabuti
ang mga tinaling ito ay para sa atin din. Sila ang magdadala sa atin ng
grasya.
Celing: Grasya ba o disgrasya, gaya ng karaniwang nangyayari?
Kulas: Huwag mo sanang ungkatin ang nakaraan. Oo, ako nga'y napagtalo
noong mga nakaraang araw, sapagkat noon ay hindi pa ako bihasa sa
pagpili at paghimas ng manok. Ngunit ngayon ay marami na akong
natutuhan, mga bagong sistema.
Celing: At noong nakaraang Linggo, noong matalo ang iyong talisain, hindi
mo pa ba alam ang mga bagong sistema.
Kulas: Iyon ay disgrasya lamang, Celing, makinig ka. Alam mo, kagabi ay
nanaginip ako. Napanaginipan kong ako'y hinahabol ng isang kalabaw na
puti. Kalabaw na puti, Celing!
Celing: E ano kung puti?
Kulas: Ang pilak ay puti, samakatwid ang ibig sabihin ay pilak. At ako'y
hinahabol…Hinahabol ako ng pilak…ng kuwarta!
Celing: Ngunit ngayon ay wala nang kuwartang pilak.
Kulas: Mayroon pa, nakabaon lang. kaya walang duda, Celing. Bigyan mo
lamang ako ng limang piso ngayon ay walang salang magkakuwarta tayo.
Celing: Ngunit, Kulas, hindi ka pa ba nadadala sa mga panaginip mong iyan?
Noong isang buwan, nanaginip ka ng ahas na numero 8. Ang pintakasi noon
ay nation sa a-8 ng Pebrero at sabi mo'y kuwarta na ngunit natalo ka ng anim
na piso.
Kulas: Oo nga, ngunit ang batayan ko ngayon ay hindi lamang panaginip.
Pinag-aralan kong mabuti ang kaliskis at ang tainga ng manok na ito. Ito'y
walang pagkatalo, Celing. Ipinapangako ko sa iyo, walang sala tayo ay
mananalo.
Celing: Kulas, natatandaan mo bang ganyan-ganyan din ang sabi mo sa akin
noong isang Linggo tungkol sa manok mong talisain? At ano ang nangyari?
Nagkaulam tayo ng pakang na manok.
Kulas: Sinabi ko nang iyon ay disgrasya!
(Maririnig uli ang sigawan sa sabungan. Maiinip si Kulas).
Sige na, Celing. Ito na lamang. Pag natalo pa ang manok na ito, hindi na ako
magsasabong.
Celing: Totoong-totoo?
Kulas: Totoo. Sige na, madali ka at nagsusultada na. sige na, may katrato
ako sa susunod na sultada. Pag hindi ako dumating ay kahiya-hiya.
(Titingnan ni Celing ang pagkakabalisa ni Kulas at maisip na walang saysay
ang pakikipagtalo pa, iiling-iling na dudukot ng salapi sa kanyang bulsa).
Celing: O, Buweno, kung sa bagay, ay tatago lamang ako ng pera. O, heto.
Huwag mo sana akong sisihan kung mauubos ang kaunting pinagbilhan ng
ating palay.
Kulas:(Kukunin ang salapi) Huwag kang mag-alala, Celing, ito'y kuwarta na.
seguradong-segurado! O, Buweno, diyan ka muna.
(Magmamadaling lalabas si Kulas, ngunit masasalubong si Sioning sa may
pintuan.)
Sioning: Kumusta ka, Kulas?
Kulas:(Nagmamadali) Kumusta…e…eh…Sioning didispensahin mo ako. Ako
lang ay nagmamadali. Eh…este…nandiyan si Celing! Heto si Sioning.
Buwena-diyan ka na.
(Lalabas si Kulas).
Sioning: Celing, ano ba ang nangyayari sa iyong asawa? Tila pupunta sa
sunog.
Celing: Ay, Sioning, masahol pa sa sunog ang pupuntahan. Pupunta na
naman sa sabungan.
Sioning: Celing, talaga bang…
Celing: Sandali lang ha, Sioning.(Sisigaw sa gawing kusina).Teban! Teban!
Teban!
Teban:(Masunurin ngunit may kahinaan ang ulo). Ano po iyon Aling Celing?
Celing: (Kukuha ng limang piso sa bulsa at ibibigay kay Tebang).
O heto, Teban, limang piso…Nagpunta na naman ang amo mo sa sabungan.
Madali, ipusta mo ito. Madali ka at baka mahuli!
Teban: (Nagmamadaling itinulak ni Celing sa labas).
Sioning: Ipusta ang limang piso! Ano ba ito, Celing, ikaw man ba'y naging
sabungera na rin?
Celing: Si Sioning naman. Hindi ako sabungera! Ngunit sa tuwing
magsasabong si Kulas ay pumupusta rin ako.
Sioning: A…Hindi ka sabungera, ngunit pumupusta ka lamang sa sabong?
Hoy, Celing, ano ba ang pinagsasabi mo?
Celing: O, Buweno, Sioning, maupo ka't ipaliliwanag ko sa iyo. Ngunit huwag
mo namang ipaalam kaninuman.
Sioning: Oo, huwag kang mag-alala sa akin.
Celing: Alam mo, Sioning, ako'y pumupusta sa sabong upang huwag kaming
matalo.
Sioning: Ah, pumupusta ka sa sabong upang huwag kayong matalo. Celing
pinaglalaruan mo yata ako.
Celing: Hindi. Alam mo'y marami kaming nawawalang kuwarta sa
kasasabong ni Kulas. Nag-aalaala akong darating ang araw na magdidildil na
lamang kami ng asin. Pinilit kong siya'y pigilin. Ngunit madalas kaming
magkagalit. Upang huwag kaming magkagalit at huwag maubos ang aming
kuwarta, ay umisip ako ng paraan. May isang buwan na ngayon, na tuwing
pupusta si Kulas sa kaniyang manok ay pinupusta ko si Teban sa sabungan
upang pumusta sa manok na kalaban.
Sioning: (May kahinaan din ang ulo). Sa anong dahilan?
Celing: Puwes, kung matalo ang manok ni Kulas ay nanalo ako. At kung ako
nama'y matalo at nanalo si Kulas, kaya't anuman ang mangyari ay hindi
nababawasan ang aming kuwarta.Sioning. A siya nga. Siya nga pala naman.
(Mag-uumpisang Maririnig ang sigawan buhat sa sabungan).
Celing: Hayan, nagsusultada na marahil. Naku, sumasakit ang ulo ko sa
sigawang iyan.
Sioning: Ikaw kasi, eh. Sukat ka bang pumili ng bahay sa tapat ng sabungan.
Celing: Ano bang ako ang pumili ng bahay na ito. Ang gusto kong bahay ay
sa tabi ng simbahan, ngunit ang gusto ni Kulas ay sa tabi ng sabungan.
Sioning: (Lalong lalakas ang sigawan). Ah, siya nga pala, Celing naparito ako
upang ibalita sa iyo na dumating na ang rasyon ng sabon sa tindahan ni
Aling Kikay. Baka tayo maubusan.
Celing: Hindi, siyempre ipagtitira tayo ni Aling Kikay. Sayang lamang ang
pagkukumare namin.
(Dudungaw)
O heto na nga si Teban. Tumatakbo.
(Papasok si Teban na may hawak na dalawang lilimahin).
Teban: (Tuwang-tuwa) Nanalo tayo, Aling Celing, nanalo tayo!
(Ibibigay ang salapi kay Aling Celing. Agad-agad namang itatago ito.)
Celing: Mabuti Teban, o magpunta ka na sa kusina. Baka dumating na si
Kulas ay mahalaga ang ating ginagawa.
(Magmamadaling lalabas si Teban).
Sioning: O, Buweno, lumakad na tayo, Celing.
(Kukunin ni Celing ang tapis niyang nakasampay sa isang silya. Aalis na sila.
Papasok si Kulas na tila walang kasigla-sigla).
Celing: Ano ba, Kulas, tila hindi ka inabutan ng kalabaw na puti.
Kulas: (Mainit ang ulo) Huwag mo ngang banggitin iyan. Talagang ako'y
malas. Celing, uyo'y disgrasya kamang. Ang aking manok ay nananalo
hanggang sa huling sandali. Talagang wala akong suwerte!
Celing: Iyan ang hirap sa sugal, Kulas, walang pinaghahawakan kundi
suwerte!
Kulas: Talagang buwisit ang sabong! Isinusumpa ko na ang sabong! Ni ayaw
ko nang Makita ang anino ng sabungang iyan.
Celing: Nawa'y magkatotoo na sana iyan, Kulas.
Kulas: Oo, Celing, ipinapangako ko sa iyo, hindi na ako magsasabong
kailanman.
Celing: Buweno, magpalamig ka muna ng ulo. Pupunta lang kami kay
Kumareng Kikay upang bumili ng sabon.
(Lalabas sina Celing at Sioning. Sisindihan ang natitirang kalahati ng
sigarilyo, hihithit at pagkatapos ay ihahagis sa sahig at papadyakan. Pupunta
sa isang silya at uupong may kalumbayan.)
Castor: Hoy, Kulas kumusta na?
Kulas: Ay, Castor…at lagi na lamang akong natatalo. Talagang ako'y malas!
Akalain mo bang kanina'y natalo pa ako? Tingnan mo lang,
Castor. Noong magsagupaan ang mga manok ay lumundag agad ang manok
ko at pinalo nang pailalim ang kalaban. Nagbuwelta pareho, at naggirian na
parang buksingero. Biglang sabay na lumundag at nagsugapaan
(nagsagupaan?) sa hangin. Palo diyan, palo dini ang ginawa ng aking
manok. Madalas tamaan ang kalaban, ngunit namortalan. Sige ang batalya
nila sa hangin, at tumaas ang balahibo. Unang lumagapak ang kalaban.,
patihaya. Lundag ang aking manok. Walang sugat at patayo, ngunit alam mo
kung saan lumagpak?
Castor: O saan?
Kulas: Sa tari ng kalaban. Talagang ayaw ko na ng sabong.
Castor: Bakit naman? Wala pa namang maraming natatalo sa iyo.
Kulas: Ano bang walang marami? Halos, tutong na laang ang natitira sa
aming natitipon.
Castor: Ngunit hindi tamang katwiran ang huwag ka nang magsabong.
Kulas: Ano bang hindi tama?
Castor: Sapagkat pag hindi ka na nagsabong ay Talagang patuluyan nang
perdida ang kuwartang natalo sa iyo. Samantalang kung ikaw ay
magsasabong pa maaaring makabawi!
Kulas: Hindi Castor, lalo lang akong mababaon. Tama si Celing. Ang sugal
ay suwerte-suwerte lamang, at masama ang aking suwerte.
Castor: Ano bang suwerte-suwerte? Iyan ay hindi totoo. Tingnan mo ako,
Kulas, ako'u hindi natatalo sa sabong.
Kulas: Mano nga lang magtigil ka Castor. Kung hindi sana nakikita na ang
lahat ng manok mo ay laging nakabitin kung iuwi.
Castor: Ito si Kulas, nabastos ka na nga pala sa huwego. Oo, natatalo nga
ang aking manok ngunit nananalo ako sa pustahan!
Kulas: Ngunit paano iyan?
Castor: Taong ito…pumupusta ako, hindi sa aking manok, kundi sa kalaban.
Kulas: Eh, kung magkataong ang manok mo ang manalo?
Castor: Hindi maaaring manalo ang aking manok. Ginagawan ko ng paraan.
Kulas: Hoy, Castor, maano nga lang huwag mo akong biruin. Masama ang
ulo ko ngayon.
Castor: Ano bang biro ang sinasabi mo? Ito'y totoo. At kung di lamang kita
kaibigan, ay hindi ko sasabihin sa iyo.
Kulas: Ngunit, Castor, paano mangyayari iyan?
Castor: Talaga bang gusto mo malaman?
Kulas: Aba, oo. Sige na.
Castor: O, Buweno, kunin mo ang isa sa iyong mga tinali at ipapaliwanag ko
sa iyo.
Kulas: Kahit ba alin sa aking tinali?
Castor: Oo, kahit alin, sige, kunin mo.
(Lalabas si Kulas patungo sa kusina. Babalik na may dalang tinali.)
Kulas: (Ibibigay ang tinali kay Castor). O heto, Castor.
Castor: Ngayon, kumuha ng isang karayom.
Kulas: Karayom?
Castor: Oo, karayom. Iyong ipinanahi!
Kulas: Ah… (Pupunta sa kahong kunalalagyan ng panahi ni Celing at kukuha
ng isang karayom.) O heto ang karayom.
Castor: (Hawak ang tinali sa kaliwa at ang karayom sa kanan.) O halika rito
at magmasid ka. Ang lahat ng manok ay may litid sa paa na kapag iyong
dinuro ay hihina ang paa. Tingnan mo… (Anyong duduruin ni Castro ang hita
ng tinali.) Hayan! (Ibababa ang tinali.)
Tingnan mo. Matuwid pang lumakad ang tinaling iyan. Walang sinumang
makahahalata sa ating ginawa, ngunit mahina na ang paang ating dinuro, at
ang manok na iyan ay hindi makapapalo.
Kulas: Samakatuwid ay hindi na nga maaaring manalo ang manok na iyan…
Siguradong matatalo.
Castor: Natural, ngayon, ang dapat na lamang gawin ay magpunta sa
sabungan…ilaban ang manok na iyan…at pumunta nang palihim sa kalaban.
Kulas: Siya nga pala. Magaling na paraan!
Castor: Nakita mo na? Ang hirap sa iyo ay hindi mo ginagamit ang ulo mo.
Kulas: (Balisa) Ngunit, Castor, hindi ba iya'y pandaraya?
Castor: Oo, pandaraya…ngunit po Diyos! Sino bang tao ang nagkakuwarta
sa sugal na hindi gum,agamit ng daya? At bukod diyan, ay marami nang
kuwartang natalo sa iyo. Ito'y gagawin mo lamang upang makabawi. Ano ang
sama niyan?
Kulas: Siya nga, Castor, kung sa bagay, malaki na ang natatalo sa akin.
Castor: At akala mo kay, sa mga pagkatalo mong iyan ay hindi ka dinaya.
Kulas: Kung sa bagay…
Castor: Nakita mo na. Hindi ka mandaraya, Kulas. Gaganti ka lamang.
Kulas: Siya nga, may katwiran ka.
Castor: O…eh…ano pa ang inaantay mo? Tayo na.
Kulas: Este…Castor…eh…hintayin lamang natin si Celing, ang aking asawa.
Castor: Bakit, ano pa ang kailangan?
Kulas: Alam mo na ang aking asawa ang may hawak ng supot sa bahay na
ito.
Castor: Naku, itong si Kulas! Talunan na sa sabungan ay dehado pa sa
bahay…Buweno, hintayin mo siya, ngunit laki-lakihan mo ang iyong hihingin,
ha? At nang makaitpak tayo ng malaki-laki.
Kulas: Oo…Este…Castor…
Castor: O, ano na naman?
Kulas: Eh…malapit na segurong dumating si Celing…alam mo'y ayaw kong
Makita ka niya rito. Huwag ka sanang magagalit kung maaari lang ay umalis
ka na.
Castor: (Tatawa) Oo…aalis na ako. Mabuti nga at nang makahanap na ako
ng kareto ng manok mo. Sumunod ka agad, ha? Pagdating mo roon
malalaban agad iyan.
Kulas: Buweno, diyan ka na. Laki-lakihan mo lang ang tipak ha?
(Lalabas si Castor. Ngingiti si Kulas, hihimas-himasin ang kanyang tinali, at
hahangaan ang nadurong hita ng tinali. Papasok sina Celing at Sioning.)
Celing: Ano ba yan, Kulas? At akala ko ba'y Isinusumpa mo na ang
sabungan?
Kulas: (Lulundag na palapit.)
Celing, ngayon na lamang. Walang salang tayo ay makababawi.
Celing: Naku, itong si Kulas, parang presyo ng asukal. Oras-oras ay
nagbabago.
Kulas: Celing Talagang ngayon na lamang! Pag natalo pa ako ay patayin mo
na ang lahat ng aking tinali. Ipinangangako ko sa iyo.
Celing: Ngunit baka pangako na naman ng napapako.
Kulas: Hindi, Celing! Hayan si Sioning, siya ang testigo.
Sioning: (Kikindatan si Celing) Siya nga naman. Celing, bigyan mo na, ako
ang testigo.
Celing: O buweno, ngunit tandaan mo, ito na lamang ha?
Kulas: Oo, Celing, itaga mo sa bato!
Celing: Magkano ba ang kailangan mo?
Kulas: Eh…dalawampung piso lamang.
Celing: Dalawampung piso?
Sioning: Susmaryosep!
Kulas: Oo, Celing. Dalawampung piso, upang tayo ay makabawi.
(Mag-aatubili si Celing).
Sioning: Sige na, Celing. Tutal ito naman ay kahuli-hulihan.
Celing: O buweno, heto.
(Bibigyan ng dalawampung piso si Kulas. Kukunin ang salapi sa baul)
Kulas: (Kukunin ang salapi) Ay, salamat sa iyo, Celing. Ito'y kuwarta na.
Hindi ka magsisisi. O buweno, diyan na muna kayo, hane?
(Magmamadaling lalabas si Kulas na dala ang kanyang tinali).
Celing: (Susundan ng tingin si Kulas hanggang nasa malayo na)
Teban! Teban!
Sioning: Teban, madali ka!
(Papasok si Teban buhat sa kusina)
Teban: Opo, opo, Aling Celing.
Celing: O heta ang pera. Nasa sabungan na naman ang iyong amo.
Sioning: Madali ka. Teban, ipusta mo iyan sa manok ng kalaban.
Teban: (Magugulat sa dami ng salapi). Dalawampung piso ito a…
Celing: Oo, dalawampung piso. Sige, madali ka na.
Teban: (Hindi maintindihan) ito ba'y itotodo ko?
Sioning: Oo, todo.
Teban: Opo, naku! Malaking halaga ito…(lalabas si Teban).
Celing: Ikaw naman, Sioning, bakit inayunan mo pa si Kulas?
Sioning: Hindi bale. Tutal, wala naman kayo sa pagkatalo.
Celing: Kung sa bagay. Ngunit hindi lamang ang kuwarta ang aking
ipinagdaramdam.
Sioning: Eh ano pa?
Celing: Ang iba pang masasamang bunga ng bisyo…Sioning, alam mo
namang ang bisyo ay nagbubuntot. Karaniwang kasama ng bisyo a ng
pandaraya, pagnanakaw…at kung anu-ano pa.
Sioning: Ngunit nangako naman si Kulas na ito na ang huli.
Celing: Oo nga, ngunit isulat mo sa tubig ang pangakong iyan.
(Lalong lalakas ang sigawan)
Sioning: Ang hirap sa iyo, Celing, e…hindi mo tigasan ang loob mo. Tingnan
mo ako. Noong ang aking asawa ay hindi makatkat sa monte, pinuntahan ko
siya isang araw sa kanilang klub at sa harap ng lahat minura ko siya mula ulo
hanggang talampakan. E, di mula noo'y hindi na siya nakalitaw sa klub.
Celing: Ngunit natatandaan mo ba Sioning na ikaw nama'y hindi nakalabas
ng bahay nang may limang araw, hindi ba dahil sa nangingitim ang buong
mukha mo?
Sioning: Oo nga, ngunit iyon ay sandali lamang. Pagkaraan niyon ay esta
bien, tsokolate na naman kami.
Celing: Hindi ko yata magagawa iyon. Magaan pa sa akin ang magtiis
lamang.
(Agad huhupa ang sigawan).
Sioning: Ayan, tila tapos na ang sultada. Sino kaya ang nanalo?
Celing: Malalaman natin pagdating ni Teban. Siya'y umuwi agad, upang
huwag silang mag-abot ni Kulas.
Sioning: Celing, mag-iingat ka naman sa pagtitiwala ng pera kay Teban.
Celing: Huwag mong alalahanin si Teban. Siya'y mapagkakatiwalaan.
Sioning: Siya nga, ngunit tandaan mong ang kuwarta ay Mainit kapag nasa
palad na ng tao.
Celing: Huwag kang mag-alala…
(Papasok si Teban)
Teban: (Walang sigla) Aling Celing, natalo po tao.
Celing: A, natalo. O hindi bale. Tutal nanalo naman si Kulas. Buweno, Teban,
magpunta ka na sa kusina at baka dumating ang iyong amo.
(Lalabas si Teban)
Sioning: Talagang magaan ang paraan mong iyan, Celing.
Celing: (Nalulungkot) Siya nga.
Sioning: O, Celing bakit ka malungkot?
Celing: Dahil sa nanalo si Kulas.
Sioning: O, e ano ngayon. Kay nanalo si Kulas, kay manalo ka, hindi naman
mababawasan ang iyong kuwarta. At ikaw pa rin lamang ang maghahawak
ng supot.
Celing: Oo nga, ngunit ang alaala ko'y…Ngayong manalo si Kulas, lalo
siyang maninikit sa sabungan.
(Papasok si Kulas na nalulumbay).
Kulas: Ay, Celing, Talagang napakasama ng aking suwerte! Hindi na ako
magsasabong kailanman.
Sioning: Ha?
Celing: Ano kamo?
Kulas: Talagang buwisit ang sabong! Isinusumpa ko na!
Celing: Ngunit, Kulas hindi ba't nanalo ka?
Kulas: Hindi, natalo na naman ako! At natodas ang dalawampung piso!
Celing: (May hinala) Kulas, huwag mo sana akong ululin. Alam kong nanalo
ka.
Kulas: Sino ba ang may sabi sa iyong ako'y nanalo? Bakit ba ako nakinig sa
buwisit na si Castor.
Celing: Kulas, hindi mo ako makukuha sa drama. Isauli mo rito ang
dalawampung piso.
Kulas: Diyos na maawain, saan ako kukuha?
Celing: (Lalo pang maghihinala) Teka, baka kaya ikaw Kulas, ay mayroon
nang kulasisi…at ipinatuka ang dalawampung piso.
Kulas: Celing, ano bang kaululan ito? Isinusumpa kong natalo ang
dalawampung piso. Sino baga ang nagkwento sa iyo na ako'y nanalo.
Celing: Si Teban. Nanggaling siya sa sabungan.
Sioning: (Magliliwanag ang mukha) A teka, Celing, baka si Teban ang
kumupit ng kuwarta.
Celing: Siya nga pala.
Sioning: Sinabi ko na sa iyo, huwag kang masyadong magtitiwala.
(Pupunta si Celing sa pintuan ng kusina).
Celing: Teban! Teban!
(Lalabas si Teban)
Teban: Ano po iyon?
Celing: Teban, hindi ko akalain na ikaw ay magnanakaw.
Teban: Magnanakaw? Ako? Bakit po?
Celing: At bakit pala? Isauli mo rito ang pera.
Teban: Alin pong pera?
Celing: Ang dalawampung pisong dala mo sa sabungan kanina.
Teban: Aba e, natalo po, e.
Celing: Sinungaling! Ano bang natalo! Kung natalo ka, nanalo sana si Kulas.
Ngunit natalo sa Kulas, samakatuwid nanalo ka.
Teban: (Hindi maintindihan) Ha? Ano po? Kung ako'y natalo…ay…
Kulas: 'Tay kayo. Tila gumugulo ang salitaan. Teban, ikaw ba'y pumusta sa
sabong kanina?
Teban: Opo.
Kulas: Saan ka nagnakaw ng kuwarta?
Teban: Kay Aling Celing po.
Kulas: Ha? Nagnakaw ka kay Aling Celing?
Teban: E…hindi po. Pinapusta po ako ni Aling Celing.
Kulas: A, ganoon! Hoy, Celing pinipigilan mo ako sa pagsabong, ha? Ikaw
pala'y sabungerang pailalim.
Sioning: Hindi, Kulas, pumupusta lamang si Celing sa kalaban ng manok mo.
Kulas: (kay Celing) A…at ako pala'y kinakalaban mo pa, ha?
Celing: Huwag kang magalit, Kulas. Ako'y pumupusta sa manok na kalaban
para kahit ikaw ay manalo o matalo ay hindi tayo
awawalan.
Kulas: Samakatuwid, kahit pala manalo ang aking manok ay bale wala rin.
Sioning: Siya nga at kahit naman matalo ay bale mayroon din.
Kulas: E, sayang lamang ang kahihimas at kabubuga ko ng usok sa manok.
Ako pala'y parang ulol na…
Celing: Teka muna. Ang liwanagin muna natin ay ang dalawampung piso.
Teban, saan mo dinala ang pera?
Kulas: Celing, ako man ay natalo sa pinupustahan sapagkat sa manok ng
kalaban din ako pumusta.
Sioning: Naku, at lalong nag-block out.
Celing: (Kay Kulas) Pumusta ka sa kalaban ng manok mo?
Kulas: Oo, alam mo'y pinilayan ko ang aking tinali upang seguradong matalo
at pumusta ako sa manok ng kalaban. Ngunit, kabibitiw pa lamang ay
tumakbo na ang diyaskeng manok ng kalaban at nanalo ang aking manok.
Celing: A…gusto mong maniyope? Ikaw ngayon ang matitiyope
(Tatawa)
Kulas: Aba, at nagtawa pa.
Sioning: Siyanga. Bakit ka nagtatawa, Celing?
Celing: (Tumatawa pa)
Sapagkat ako'y tuwang-tuwa, Sioning, dito ka maghapunan mamayang gabi.
At anyayahon mo sina Kumareng Kikay at ang iba pang kaibigan. Ako'y
maghahanda.
Kulas: Ha! Maghahanda?
Celing: Oo, Teban, ihanda mo ang mga palayok, ha? At hiramin mo ang
kaserola ni Ate Nena.
Teban: Opo, opo. (Lalabas sa pintuan ng kusina)
Kulas: Ngunit paano tayo maghahanda? Ngayon lang ay natalunan tayo ng
mahigpit apatnapung piso.
Celing: Hindi bale. Ibig kong ipagdiwang ang iyong huling paalam sa
sabungan.
Kulas: Huling paalam?
Celing: Oo, sapagkat ikaw ay nangako at nanumpa at bukod diyan hindi na
tayo kailangang bumili pa ng ulam.
Kulas: Bakit?
Celing: Mayroon pang anim na tinali sa kulungan. Aadobohin ko ang tatlo at
ang tatlo ay sasabawan.
(Tatawa sina Sioning at Celing. Hindi tatawa si Kulas ngunit pagkailang saglit
ay tatawa rin siya. Mag-uumpisa na naman ang sigawan sa sabungan ngunit
makikita sa kilos ni Kulas na kailanman ay hindi na siya magsasabong.)

Katanungan:
1. Anong sugal ang sinisimbulo ng pamagat?
 Ang sugal na sinisimbulo ng pamagat ay sabong
2. Paano tinangkang lutasin ni Celing ang suliranin niya kay Teban?
Bakit? Nagtagumpay ba siya sa kaniyang ginawa? Ipaliwanag.
 Tinangkang lutasin ni Celing ang suliranin niya kay Kulas sa
pamamagitan ng pagtaya niya sa manok na kalaban ni Kulas. Upang
sa pamamagitan noon ay maibalik ang tinaya ng asawa. At sa
pagkatalo ni Kulas ay nangako siya kay Celing na hindi na muling
magsasabong. Ngunit, sa pandarayang ginawa ni Kulas, mas lalo
silang natalo. Ngunit, nagtagumpay naman si Celing dahil matutupad
na ang ipinangako ni Kulas na titigil na sa pagsasabong kung ito ay
matatalo o mamalasin.
3. Anong kaisipan ang nais bigyang-diin ng akda? Bakit?
Talakayin
 Nais bigyang diin ng akda ang bisyo na mayroon ang bawat isa. Lahat
tayo ay mayroon o maaaring magkaroon ng kinaaadikan o ng bisyo.
Maaaring ito ay sa pagsusugal, paninigarilyo, pag-inom ng alak,
paggamit ng ipinagbabawal na gamot at iba pa. Nais nito na magbigay
alam na walang magandang maidudulot ang mga bisyo na iyon. Nais
lang nito na sirain ang ating mga buhay, iparamdam ang hirap ng
buhay at sa pagtigil nito. Nais ring bigyan diin ang mga pandaraya, na
kung ikaw ay nandaya ay hindi maganda ang magiging dulot nito sa iyo
mamaya, bukas o pagdating ng araw. Nasa huli ang pagsisisi, kaya’t
una pa lang ay dapat na nating isiping mabuti ang maaaring kahinatnan
ng ating mga desisyon o gawain sa buhay.

PAGSASANAY
Pangalan :_______________________________ Marka:____________

Kurso/Seksyon:__________________________ Petsa: ____________

May mga taong dahil sa pagkalulong sa bisyo ay halos isugal na pati


kaluluwa. Masahol pa rito, minsan hindi lamang sarili ang nasisira kundi pati
ang mga mahal sa buhay ay naaapektuhan.
Magtala ng ilang pangyayaring naganap sa akda na katulad ng
pangyayaring iyong nasaksihan,nabasa o narinig sa kasalukuyan na may
kaugnayan sa isang bisyo Pagkatapos, suriin kung paano ito nalutas. Kung
hindi, paano ka matutulong na ito ay masugpo.
Tumingin ka lang sa iyong paligid, tiyak mayroon kang makikita.
Makinig ka lang sa radyo o magbasa sa dyaryo,mayroon kang mababalitaan.
Simulan mo nang maging mapagmasid!

Bisyong Pangyayaring Paano Nalutas/


kinasangkutan Naganap Mungkahing Solusyon
1. DROGA - Maraming nangyayari - Hanggang ngayon ay
ngayon sa buong bansa hindi pa rin na
at isa na don ang droga, sosolusyunan ang
dahil sa dami ng tungkol sa droga sa ating
gumagamit at bansa, ang
nagbebenta nito ay maiimungkahi ko lamang
nahihirapan ang mga na solusyon ay
pulis na mahuli sila, ipagtanong sa mga
marami na ang namatay nahuli na nila kung saan
at nakulong sa bisyo na sila kumukuha ng mga
ito. stock na kanilang binibili
o binebenta at saka nila
hulihin lahat ng maituturo
sa kanila.
2. ALAK - Ng dahil sa alak - Ang maimumungkahi
maraming ko lamang na solusyon
nagkakasakitan, ay uminom lamang ng
bugbugan, patayan at alam mong kaya mo at
ibapa dahil na nakakapag isip ka pa ng
sinasabing wala sila sa tama upang maiwasan
kanilang isip at hindi nila ang mga sakitan.
alam ang kanilang
ginagawa.
3. SIGARILYO - Sa bawat pagbuga ng - Ang solusyon na
usok ng sigarilyo ay maiimungkahi ay
minsan ay nakakainis magbuga ng usok kapag
dahil sa mabahong alam mong walang tao
amoy at nakakaubo sa likod at harap mo.
pagkatapos mo itong
malanghap.
Lupang Tinubuan
Ni Narciso Reyes

Ang tren ay tumulak sa gitna ng sali-salimuot na mga ingay. Sigawan


ang mga batang nagtitinda ng mga babasahin, Tribune, mama, Tribune,
Taliba? Ubos na p o. Liwayway, bagong labas. Alingawngaw ng mga
habilinan at pagpapaalam. Huwag mong kalimutan, Sindo, ang baba mo ay
sa Sta. Isabel, tingnan mo ang istasyon. Temiong, huwag mong mabitiw-
bitiwan ang supot na iyan. Nagkalat ang mga magnanakaw, mag-ingat ka!
Kamusta na lang sa Ka Uweng. Sela, sabihin mong sa Mahal Na Araw na
kami uuwi. Ang pases mo Kiko, baka mawaglit. Maligayang Paglalakbay,
Gng.Enriquez. Ngumiti ka naman, Ben, hindi naman ako magtatagal doon at
susulta ako araw-araw. Kamusta na lamang. Paalam. Paalam. Hanggang sa
muli.
Ang tren ay nabuhay at dahan-dahang kumilos. H-s-s-s-Tsug. Tsug.
Naiwan sa likuran nina Danding ang takipsilim ng Tutuban, at sila’y
napagitna sa malayang hangin at sa liwanag ng umaga.
Huminga nang maluwag ang kanyang Tiya Juana at ang sabi,
‘Salamat at tayo’y nakatulak na rin. Kay init doon sa istasyon.’ Ang kanyang
Tiyo Goryo ay nakadungaw at nagmamasid sa mga bahay at halaman sa
dinaraanan.
Ang galaw ng makina ngayon ay mabilis na’t tugma-tugma, tila pintig
ng isang pusong wala nang alinlangan. Napawing tila ulap sa isip ni Danding
ang gulo at ingay ng pag-alis, at gumitaw ang pakay ng kanilang pag-uwi sa
Malawig. Nagsasalita na naman ang kanyang Tiay Juana, ‘Ang namatay ay
ang Tata Inong mo, pamangkin ng iyong Lola Asyang at pinsan namin ng
iyong ama. Mabait siyang tao noong siya’y nabubuhay pa.’
Si Danding ay sinagian ng lungkot, bagama’t hindi niya nakita
kailanman ang namatay na kamag-anak. Ang pagkabanggit sa kanyang ama
ang tumimo sa ilang bahagi ng kanyang puso, at naglapit sa kanyang
damdamin ang hindi kilalang patay. Naalala niya na sa Malawig ipinanganak,
lumaki at nagkaisip ang kanyang ama. Bumaling siya sa kanyang Tiya Juana
at itinanong kung ano ang anyo ng nayong iyon, kung mayaman o dukha,
kung liblib o malapit sa bayan. At samantalang nag-aapuhap sa alaala ang
kanyang butihing ate ay nabubuo naman sa isip ni Danding ang isang kaaya-
ayang larawan, at umusbong sa kanyang puso ang pambihirang pananabik.
Sa unang malas, ang Malawig ay walang pagkakaiba sa alinmang
nayon sa Kallagitnaang Luzon. Isang daang makitid, paliku-liko,
natatalukapan ng makapal at manilaw-nilaw na alikabok. Mga puno ng
kawayan, mangga, niyog at akasya. Mga bahay na pawid, luma na ang
karamihan at sunog sa araw ang mga dingding at bubong. Pasalit-salit, isang
tindahang hindi mapagwari kung tititigan sa malapit. Doon at dito, nasisilip sa
kabila ang madalang na hanay ng mga bahay. At sa ibabaw ng lahat,
nakangiti at puno ng ningning ng umaga, ang bughaw, maaliwalas at walang
ulap na langit.
‘Walang maganda rito kundi ang langit,’ ang sabing pabiro ng kutsero
ng karitelang sinasakyan nila. Pinaglalabanan ni Danding ang sulak ng
pagkabigo sa kanyang dibdib. ’ Hindi po naman,’ ang marahan niyang tugon.
Naisaloob niyang sa mga nayong tulad nito isinilang at nagsilaki sina del
Pilar, at iba pang bayani ng lahi, at sa gayong mga bukid nagtining ang diwa
ng kabayanihan ng himagsikan laban sa mga Kastila. Ang alaalang iyon ay
nakaaaliw sa kanya, nagbigay ng bagong anyo sa lahat ng bagay sa paligid-
ligid.
Kay rami pala niyang kamag-anak doon. Hindi mapatid-patid ang
pagpapakilala ng kanyang Tiya Juana. Sila ang iyong Lolo Tasyo, at sila ang
iyong Lola Ines. Ang mga pinsan mong Juan, Seling, Marya at Asyas. Ang
iyong Nana Bito. Ang iyong Tata Enteng. Yukod at ngiti rito, halik ng kamay
roon. Mga kamag-anak na malapit at malayo, tunay at hawa lamang,
matatanda at mga bata. Ang lahat yata ng tao sa bahay, buhat sa mga
nangasapuno ng hagdan hanggang sa nagasaloob ay pawang kamag-anak
ni Danding. ’Mabuti na lamang at likas na sarat ang ilong ko,’ ang naisaloob
niya. ’ Kung hindi ay pulpol na marahil ngayon.’
Sapagkat sila lamang ang nagsipanggaling sa Maynila, sa
pagtitipong iyon ay napako kina Danding ang pansin ng lahat. Umugong ang
kamustahan. Balana ang nagtanong kay Danding ng kung ano ang lagay ng
kanyang amang may sakit at ng kanyang inang siya na lamang ngayong
bumubuhay sa kanilang mag-anak. Sinulyapan ng kanyang Tiya Juana si
Danding at sinikap na saluhin ang mga tanong. Bantad na siya sa
pagkamaramdamin ng kanyang pamangkin, at alam niyang ang kasawian ng
ama nito ay talusaling na sugat sa puso nito. Ngunit hindi niya maunahan ng
pagtugon si Danding, na tila magaan ngayon ang bibig at palagay na ang
loob sa piling ng mga kamag-anak na ngayon lamang nakilala.Isang manipis
na dingding ng sawali ang tanging nakapagitan sa bulwagan at sa
pinakaloob ng bahay, na siyang kinabuburulan ng patay. At sa bukas na
lagusan, na napapalamutihan sa magkabilang panig ng mga puting kurtina
salo ng pinagbuhol na lasong itim, ay walang tigil ang pagyayaut-yaot dito ng
mga taong nakikiramay sa mga namatayan, nagmamasid sa bangkay. Ngunit
pagpasok na pagpasok ni Danding ay nag-iba ang kanyang pakiramdam.
Napawi sa kanyang pandinig ang alingawngaw sa labas, at dumampi sa
kanyang puso ang katahimikan ng kamatayan. Dahan-dahan siyang lumapit
sa kabaong, at pinagmasdan ang mukha ng bangkay. Maputi, kaaya-aya ang
bukas, isang mukhang nagbabandila sa katapatan at kagitingan. Nabakas ni
Danding ang lapad ng noo, sa mga matang hindi ganap ang pagkakapikit, at
sa hugis ng ilong, ang bahagyang pagkakahawig sa kanyang ama. Bigla
siyang nakaramdam ng awa at lungkot.
’Hindi mo nababati ang Nana Marya mo,’ ang marahang paalala ng
kanyang Tita Juana. ’At ang pinsan mong si Bining,’ ang pabulong pang
habol. Humalik ng kamay si Danding sa asawa ng yumao, at naupo sa tabi ni
Bining, ngunit wala siyang nasabing anuman. Puno ang kanyang puso.
Pagkaraan ng ilang sandali ay umabot siya ng isang album sa mesang
kalapit, binuksan iyon, at pinagmuni-muni ang mahiwaga at
makapangyarihang kaugnayan ng dugo na nagbubuklod ng mga tao.
Pagkakain ng tanghalian ay nanaog si Danding at nagtungo sa bukid
sa may likuran ng bahay. Nakaraan na ang panahon ng paggapas, at
namandala na ang ani. Malinis ang hubad na lupa, na naglalatang sa init ng
araw. Naupo si Danding sa ilalim ng isang pulutong ng mga punong
kawayan, at nagmasid sa paligid-ligid.
Hindi kalayuan, sa gawing kaliwa niya, ay naroon ang kanyang Lolo
Tasyo na nagkakayas ng kawayan. Ang talim ng matanda ay tila hiyas na
kumikislap sa araw. Tumindig si Danding at lumapit sa matanda. Si Lolo
Tasyo ang unang nagsalita.
’Kaparis ka ng iyong ama,’ ang wika niya.
’Bakit po?’
’Balisa ka sa gitna ng karamihan; ibig mo pa ang nag-iisa.’
’May mga sandali pong kailangan ng tao ang mapag-isa.’
’Ganyan din siya kung magsalita, bata pa’y magulang na ang isip.’
’Nasaksihan po ba ninyo ang kanyang kabataan?’
’Nasaksihan!’ Napahalakhak si Lolo Tasyo. ’Ang batang ito! Ako ang
nagbaon ng inunan ng ama mo. Ako ang gumawa ng mga una niyang laruan.
Naulila agad siya sa ama.’
Tumayong bigla si Lolo Tasyo at itinuro ng itak ang hangganan ng
bukid. ’Doon siya malimit magpalipad ng saranggola noong bata pa siyang
munti. Sa kabilang pitak siya nahulog sa kalabaw, nang minsang sumama
siya sa akin sa pag-araro. Nasaktan siya noon, ang akala ko’y hindi siya titigil
sa kaiiyak.’
Lumingon ang matanda at tiningala ang punong mangga sa kanilang
likuran. ’Sa itaas ng punong ito pinaakyat ko at pinagtago ang ama mo isang
hapon, noong kainitan ng himagsikan, nang mabalitaang may mga
huramentadong Kastila na paparito. At doon, sa kinauupuan mo kanina,
doon niya isinulat ang kauna-unahan niyang tula-isang maikling papuri sa
kagandahan ng isa sa mga dalagang nakilala niya sa bayan. May tagong
kapilyuhan ang ama mo.’
Napangiti si Danding. ’Ang dalaga po bang iyan ang naging sanhi ng
pagkakaluwas niya sa Maynila?’
’Oo,’ natigilan si Lolo Tasyo na tila nalalasap sa alaala ang mga
nangyari. ’Nahuli sila sa tabi ng isang mandala ng palay.’
’Nahuli po?’
’Oo – sa liwanag ng aandap-andap na bituin.’
Marami pang ibig itanong si Danding, ngunit naalala niya ang patay
at ang mga tao sa bahay; baka hinahanap na siya. Unti-unting pinutol niya
ang pag-uusap nila ni Lolo Tasyo, at iniwan ang matanda sa mga alaala nito.
’Ano ang pinanood mo sa bukid?’ ang usisang biro ng isa sa mga
bagong tuklas niyang pinsan.
’Ang araw,’ ang tugon ni Danding, sabay pikit ng mga mata niyang
naninibago at hindi halos makakita sa agaw-dilim na tila nakalambong sa
bahay.
Ang libingan ay nasa gilid ng simbahan, bagay na nagpapagunita
kay Danding ng sumpa ng Diyos kay Adan sa mga anak nito, at ng
malungkot at batbat – sakit na pagkakawalay nila, na kamatayan lamang ang
lubusang magwawakas. Nagunita niya na sa maliit na bakurang ito ng mga
patay na nakahimlay ang alabok ng kanyang ninuno, ang abang labi ng
Katipunan, ng mga pag-asa, pag-ibig, lumbay at ligaya, ng palalong mga
pangarap at mga pagkabigo na siyang pumana sa kanya ng kanyang
angkan. Magaan ang pagyapak ni Danding sa malambot na lupa, at sinikap
niyang huwag masaling maging ang pinakamaliit na halaman.
Handa na ang hukay. Wala na ang nalalabi kundi ang paghulog at
pagtatabon sa kabaong. Ngunit ng huling sandali ay binuksang muli ang
takip sa tapat ng mukha ng bangkay, upang ito’y minsan pang masulyapan
ng mga naulila.
Nabasag ang katahimikan at naghari ang impit na mga hikbi at ang
mga piping pananangis na higit na makadurog-puso kaysa maingay na pag-
iyak.
Pinagtiim ni Danding ang kanyang mga bagang, ngunit sa kabila ng
kanyang pagtitimpi ay naramdaman niyang nangingilid ang luha sa kanyang
mga mata.
Sandaling nag-ulap ang lahat ng kanyang paningin. Nilunod ang
kanyang puso ng matinding dalamhati at ng malabong pakiramdam na siya
man ay dumaranas ng isang uri ng kamatayan. Balisa at nagsisikap ang
dibdib ng damdaming ito, si Danding ay dahan-dahang lumayo at
nagpaunang bumalik sa bahay.
Ibig niyang mapag-isa kaya’t nang makita niyang may taong naiwan
sa bahay ay patalilis siyang nagtungo sa bukid. Lumulubog na ang araw, at
nagsisimula nang lumamig ang hangin. Ang abuhing kamay ng takipsilim ay
nakaamba na sa himpapawid. Tumigil si Danding sa tabi ng pulutong ng mga
kawayan at pinahid ang pawis sa kanyang mukha at leeg.
Ang kapayapaan ng bukid ay tila kamay ng isang inang humahaplos
sa nag-iinit na noo ni Danding. Huminga siya nang malalim, umupo sa lupa,
at ipinikit ang mga mata. Dahan-dahang inunat niya ang kanyang mga paa,
itinukod sa lupa ang mga palad; tumingala at binayaang maglaro sa ligalig
niyang mukha ang banayad na hangin.
Kay lamig at kay bango ng hanging iyon.
Unti-unti siyang pinanawan ng lumbay at agam-agam, at natiwasay
ang pagod niyang katawan. Sa kapirasong lupang ito, na siyang sinilangan
ng ama niya, ay napanatag ang kanyang puso.
Palakas nang palakas ang hangin, na nagtataglay ng amoy ng lupa
at kay bango ng nakamandalang palay! Naalala ni Danding ang mga
kuwento ni Lolo Tasyo tungkol sa kanyang ama, at siya’y napangiti nang
lihim. Ang pagsasaranggola sa bukid, ang pagkahulog sa kalabaw, dalaga sa
bunton ng palay, ang lahat ay nananariwa sa kanyang gunita. Tumawa nang
marahan si Danding at pinag-igi pang lalo ang pagkakasalampak niya sa
lupa. Tila isang punong kababaon doon ang mga ugat, siya’y nakaramdam
ng pagkakaugnay sa bukid na minsa’y nadilig na mga luha at
umalingawngaw sa mga halakhak ng kanyang ama.
Sa sandaling iyon ay tila hawak ni Danding sa palad ang lihim ng
tinatawag na pag-ibig sa lupang tinubuan. Nauunawaan niya kung bakit ang
pagkakatapon sa ibang bansa ay napakabigat na parusa, at kung bakit ang
mga nawawalay na anak ay sumasalunga sa bagyo at baha makauwi
lamang sa Inang Bayan. Kung bakit walang atubiling naghain ng dugo sina
Rizal at Bonifacio.
Sa kabila ng mga magigiting na pangungusap ng pambihirang mga
pagmamalasakit, at ng kamatayan ng mga bayani ay nasulyapan ni Danding
ang kapirasong lupa, na kinatitirikan ng kanilang mga tahanan,
kinabubuhayan ng kanilang mga kamag-anak, kasalo sa kanilang mga lihim
at nagtatago na pamana ng kanilang mga angkan. Muli siyang napangiti.
Sa dako ng baybay ay nakarinig siya ng mga tinig, at nauulinigan
niyang tinatawag ang kanyang pangalan. Dahan-dahan siyang tumayo. Gabi
na, kagat na ang dilim sa lahat ng dako. Walang buwan at may kadiliman
ang langit. Ngunit nababanaagan pa niya ang dulo ng mga kawayang
nakapanood ng paglikha ng unang tula ng kanyang ama, at ang ilang
aandap-andap ng bituing saksi ng unang pag-ibig nito.

Katanungan:
1. Ano-ano ang mga kaugaliang nasaksihan ni Danding sa bayan ng
kaniyang ama?

 Nasaksihan niya ang kultura at pagka-Pilipino ng pamumuhay ng mga


tao dito. Ang pagka-magalang at pagmamahal sa bayan at
pagdadamayan sa isa’t-isa.

2. Paano napagbago ng kalikasan at ng mga alaala ng kabataan ng


kaniyang ama ang pananaw at damdamin ni Danding tungkol sa lugar
na iyon?
 Nabago ang pananaw at damdamin ni Danding tungkol sa lugar na iyon
sa pamamagitan ng mabango at preskong simoy ng hangin. Ang
pagkw-kwento at pagpapaliwanag ng kaniyang Lolo Tasyo sa mga
lugar sa kung saan ay may magandang pangyayari sa kaniyang ama.
3. Anong uri ng pagmamahal ang naunawaan ni Danding kaugnay ng
lupang tinubuan?Bakit?
 Pagmamahal sa bayan ang siyang naunawaan ni Danding dito. Lubos
niyang napagtanto ang magiliw, masaya at nakaka-kalabit ng puso na
mga pangyayari sa buhay ng kaniyang ama na siyang kaniyang
naramdaman noong siya ay tila ba tinawag ng kalikasan upang
kalabitin ang puso niyang nalulumbay. At sa pagkakataong iyon ay
naramdaman niya ang pagmamahal sa bayan kasabay ng paggunita sa
mga ala-ala ng pagkabata ng kaniyang ama.

PAGSASANAY
Pangalan :_______________________________ Marka:____________

Kurso/Seksyon:__________________________ Petsa: ____________

Malimit nating naririnig sa mga taong nangibang-bayan ang mga


katagang ito, “ wala nang sasarap pa kaysa mabuhay sa sariling bayan.”
Bakit kaya?
Pagkakataon mo na ngayon na marinig mismo sa bibig nila kung
talagang totoo ang mga pahayag na ito.
1. Magpanayam sa limang (5) OFW na naghanapbuhay sa dayuhang
bayan. Itanong sa kanila ang sumusunod:
a. Bakit siya nagtrabaho sa ibang bayan?
b. Kung mabibigyan ng pagkakataon na may magandang
oportunidad na iaaalay ang pamahalaan dito sa sariling bansa,
aalis pa ba siya? Bakit?
c. Ano ang kaniyang pananaw o damdamin sa naturang pahayag?
Bakit?
2. Gawan ng isang ulat –panulat ang nakalap sa ginawang panayam sa
isang malikhaing pamamaraan.
3.Ilakip ito sa isusumiting modyul.

Uhaw ang Tigang na Lupa


Ni Liwayway Arceo
( Buod )
Naging kapansin pansin sa dalagita ang ilang bagay sa kaniyang ina
nang hindi ito makatulog, palaging malungkot kung tumitig, malalim ang
paghinga at paminsan minsan ay may impit na hikbi.
Ang kanyang ina ay hindi palakibo at matipid kung makipag-usap.
Bihira lamang siyang magalit. Parang patak ng ulan kung tag-araw at
kaniyang mga ngiti. Ang batang puso ng anak ay maitutulad sa lupang tigang
na uhaw na uhaw.
Palagi niyang namamalas ang pagsasalita ng ama habang
nagmamakinilya, ang pagbabasa nito,pinagmamasdan niya ang pagbuga ng
usok ng sigarilyo, ang pag-iisip at ang pagpatuloy sa pagsulat.
Ilang taon ang nakalipas ay may isinauling maliit na talaarawan ang
kanilang labandera sa kanyang ina at kinabukasan ay may mga bakas na ng
mga luha sa mga mata ng kanyang ina. Lalo itong naging malungkot at
tahimik.Isang gabi’y umuwing lasing ang kanyang ama at dumaing na
masakit ang dibdib at ulo. Naratay ng ilang araw ang ama at hindi ito
hiniwalayan ng kanyang ina. Hindi ipinagtapat sa anak ang tunay na
karamdaman ng ama.
Nakita ng anak sa hapag ng ama ang isang kahitang pelus ng
ipaayos sa kanya ng ama ang hapag nito. Ang larawan sa kahita ay hindi
ang kaniyang ina. Walang lagda ang larawan at ang tanging nakasaad ay
“Sapagkat ako’y nakalimot”. May nakita rin ang anak na isang salansan ng
liham. Nakasulat sa mga sobre ang pangalan ng kanyang ama at tanggapan
nito. 
Hiningi ng ama ang mga sulat ngunit tumutol ang anak. Sinabi ng kaniyang
ama na nasa kalamigan ng lupa ang kanyang kaluwalhatian. Ayon sa ama
ang unang tibok ng puso ay hindi pag-ibig tuwina.
Lumubha ang kalagayan ng ama at malimit na mawalan ng malay
samantalang ang ina ay patuloy sa pagbabantay, walang imik, hindi
kumakain, hindi umiidlip at patuloy na lumuluha kung walang makakita sa
kanya.
Nagsalita ang maysakit at sinabing magaling na siya at sila ng
kanyang mahal ay maaari nang magtungo….na nag moog na
kinabibilangguan niya ay kanyang wawasakin sa anumang paraan.
Napaluha ang ina at pumatak ito sa bibig ng asawa. Nagmulat ng
mga mata ang maysakit at nagkatitigan sila ng ina.
Hawak ng ina ang kamay ng ama nang muli itong nagsalita at ang
sabi ay “Sabihin mo, mahal ko na maangkin ko na ang kaligayahan ko”.
Mariing kinagat ng ina ang labi at sinabing maaangkin na iyon ng
kanyang mahal.
Hinagkan ng ina ang asawa at kasabay noon ay lumisan ang
kaniyang kaluluwa. Wala nang mga luhang dumaloy sa mga mata ng ina.
Tiyak na liligaya ang kaluluwa ng lumisan.

Katanungan:
1. Ano ang suliranin nanangibabaw sa akda? Bakit? Patunayan.
 Ang suliranin ay kung paano sasabihin ng mag asawa na namatay na
ang kanilang anak at kaluluwa na lamang niya ang kasama nila, dahil
ipinakita sa kwento na lagi na lamang umiiyak at hindi makapagsalita
ang kaniyang ina sa tuwing siya ay nakikita.
2. Anong kaligayahan ang tinutukoy ng ama? Patunayan?
 Ang kaligayahan na tinutukoy ng ama ay maging malaya na at
matanggap ng anak ang paglisan ng kaluluwa nito sa kanila dahil
maayos na sila at tanggap na nila ang pagkawala nito.
3. Ang suliranin bang nabanggit sa akda ay nangyayari pa rin sa
kasalukuyan?Talakayin.
 Maaring nangyayari pa rin ito sa kasalukuyan pero kung sa aking
palagay lamang ay hindi na dahil maraming tao na ang hindi gaanong
naniniwala sa mga yumao na nagkakapaglakabay pa sa ating mundo.

PAGSASANAY
Pangalan :_______________________________ Marka:____________

Kurso/Seksyon:__________________________ Petsa: ____________

Ang buhay ay punong-puno ng pakikipagsapalaran. Kaakibat ng


pakikipagsapalaran dito ay ang mga suliraning minsan ay hindi alam kung
paano haharapin.
Isa na rito ay ang suliraning pampamilya. Sinasabi natin na ang pamilya
ang pinakamaliit na yunit ng lipunan. Kung sira ang pamilya, anong uri ng
lipunan ang mabubuo?
Batay sa binasa at sinuring akda, nagkaroon ng suliranin ang
pamilyang nabanggit. Sa kasalukuyan, marami ring pamilya ang nakararanas
ng samu’t saring problema. Ano- ano kaya ang mga ito? Iyon ngayon ang
gagawin mo.
Magsaliksik ka ng suliraning kinaharap ng anak, ng asawang lalaki, ng
asawang babae, ng mismong mag-asawa na sa kasalukuyan ay kani-
kanilang hinahanapan ng solusyon.Pagkatapos, maghanap ng legal na
pamamaraan upang matulungan ang mga ito na mabigyan ng solusyon ang
naturang suliranin.
Itala sa tsart ang mga nakalap na impormasyon.
Solusyon sa Suliraning Pampamilya
Suliraning kinakaharap Legal na Solusyon/ Batas
na makatutulong
Malaki ang parusa sa
suliranin na ito. Ang
magulang na nananakit ng
Anak Takot at pananakit ng kanilang mga anak ay
kanilang mga magulang. malaki ang tyansa na
makulong sa ilalim ng RA.
7610 Special Protection of
Children Against Abuse,
Exploitation and
Discrimination Act.
Ito ay maituturing na
Pangangaliwa ng asawa, pagtataksil sa asawa na
paghanap ng panibagong mayroong mabigat na batas
Asawang babae na makatutulong upang
babae ng asawang lalake
maprotektahan ang mental,
emosyonal o pisikal ng
isang babae. Ang batas rito
ay aldultery. Ang asawa ay
maaaring kasuhan pati na
rin ang kalaguyo nito.
Kung ang employer mo ay
nagbayad ng tseke na
walang sapat na pondo,
Asawang lalaki Pagkatanggal sa trabaho at may karapatan kang
hindi makatanggap ng tumanggap ng penalties na
sapat na sahod ayon sa katumbas ng hanggang 30
kontrata. araw na sahod dagdag sa
halaga ng tseke na
tumalbog. Kung wala pa
ring magandang resulta,
pagsasampa ng kaso sa
employer ang nararapat na
gawin.
Ito ay maituturing na
pagtataksil sa asawa na
mayroong mabigat na batas
Mismong mag-asawa Pangangaliwa na makatutulong upang
maprotektahan ang mental,
emosyonal o pisikal ng
isang babae. Ang batas rito
ay aldultery. Ang asawa ay
maaaring kasuhan pati na
rin ang kalaguyo nito.

REPLEKSIYON
Pangalan :_______________________________ Marka:____________

Kurso/Seksyon:__________________________ Petsa: ____________

Paglalahad ng Saloobin Hinggil sa Pagbibigay ng Pagkakataon na


Gamitin ang Sariling Wika
Bagama’t nasa ilalim tayo ng mananakop ng panahong ito,nabigyan
tayo ng kalayaan na ipahayag ang ating sariling kaisipan at ipakilala ang
ating kultura, kaugalian at paniniwalang Pilipino sa pamamagitan ng
panitikan gamit ang sariling wika.
Sa panahon ngayon, higit nating maipakikilala at maipagmamalaki ang
ating sariling bayan. Ikaw ang inaasahang makagagawa nito, kabataan!
Paano?
Gumawa ka ng isang liham-panawagan para sa mga kabataang
katulad mo.Isulat mo ang mga kaisipan at aral na nakuha mo sa mga
binasang akda. Gayundin magbigay ka ng mga paraan kung paano ninyo
lalo pang mapapagyaman ang ating sariling wika, sariling kultura at
identidad bilang Pilipino.
Sulat na at iparating ang iyong saloobin gamit ang sariling wika.

Sa iyo kaibigan,

Sa iyo aking mga kapwa kabataan wag sana nating


kalimutan ang ating sariling wika at kultura, maari
naman tayong humanga sa mga taga ibang lugar
ngunit sana ay hindi natin nakakalimutan kung saan
tayo nagmula, maaari naman din natin silang hayaang
tangkilikin ang ating sariling wika at kultura.

Maari nating idaan sa pagsulat ng mga awitin, tula at


story ana pupwedeng maenganyo sila sa ating lugar.
Sinasabing ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan,
ako ay naniniwala na totoo tayo dahil ako, tayo na mga
kabataan ang magtataguyod at magpapayaman ng
identidad ng mga Pilipino.

Nagmamahal,
Tanglao, Clarisse T.

PAGTATASA
Pangalan :_______________________________ Marka:____________

Kurso/Seksyon:__________________________ Petsa: ____________

Uring Pamilian
Panuto: Piliin ang wastong sagot ayon sa sinasabi ng pahayag. Isulat
lamang ang titik ng napiling sagot sa inilaang patlang.
B 1. Taong sinakop ng Hapon ang Pilipinas.
A. 1898-1900 B. 1941-1945 C. 1942-1946 D. 1951-1954
C 2. Isang maikling tula na ipinamana sa Pilipino ng ng mga Hapon.
A. Haikuu B. Haikku C. Haiku D. Haiiku
B 3. Ang tunay na kalaban ng mga Hapon
A. Russia B. America C. Vietnam D. China
B 4. Lugar na nilusob ng mga Hapon upang ideklara ang Ikalawang
Digmaan.
A. Pearl of the Orient B. Pearl Harbor C. North Harbor D. South Harbor
C 5. Ang wikang ipinagbawal ng mga Hapon na gamitin
A. Pilipino B. Katutubo C. Ingles D. America
C 6. Tawag sa tula na may apat na taludtod at may pantig na 7-7-7-7
A. dagli B. tagata C. tanaga D. elehiya
C 7. Ang tulang may 5-7-5 na pantig
A. Haikuu B. Haikku C. Haiku D. Haiiku
A 8. Ang tawag sa panitikang Pilipino noong panahon ng Hapon
A. Gintong Panahon ng Panitikang Pilipino
B. Panitikang Pilipino sa Gintong Panahon
C. Gintong Panitikan sa Panahon ng Pilipino
D. Pilipino sa Gintong Panahon ng Panitikan
D 9. Uring militar o mandirigma ng sinaunang Hapon
A. mononofu B. Bushi C. Saburau D. Samurai
A 10. Ang lugar na binomba ng America kung kayat lumaban ang mga
Hapon.
A. Hiroshima B. Pearl Harbor C. North Harbor D. South Harbor

B. Sanaysay
Panuto: Sagutin sa pamamagitan ng 5-7 pangungusap ang sumusunod na
katanungan. ( 5pts/isa)
1. Bakit ipinagbawal ng mga Hapon ang paggamit ng Ingles sa panahon ng
kanilang pananakop sa Pilipinas?
 pinagbawal ng namumunong Hapon ang paggamit ng wikang Ingles at
itinaguyod ang pagpapayaman sa panitikan gamit ang mga katutubong
wika sa bansa. Sinunog din ang mga aklat na nasusulat sa
Ingles upang masigurong hindi mababahiran ng kanluraning
ideya ang panitikang nililikha
2. Ano ang naging kalagayan ng panitikang Pilipino noong panahon ng Hapon?
 Ang panahon ng Hapon noon ay ang tinaguriang "Gintong Panahon" ng
Panitikang Filipino dahil naging mas malaya ang mga Pilipino (kumpara
noong panahon ng Amerikano) sa pagsanib ng kultura, kaugalian, at
pagsulat. Sa panahon din nito, maraming babae ay naging manunulat.
Sa panahon ng hapon ay naging Malaya ang mga Pilipino sa pagsulat
ng kanilang mga panitikan na kasama ang kanilang kultura, mga
paniniwala at kaugalian.

Talasanggunian:
● Arrogante,JoseA., Nenita P. Papa, Nelia T. Albite at Emerlina L.
Carbonnel.1983.Panitikang Filipino: Antolohiya. Quezon City: National
Book Store, Inc.
● Dominguez, Leticia F et al. Hiyas ng Kayumanggi. Abiva Publishing
House, Inc.
● Pineda, Ponciano B. P., G. K.. Del Rosario-Pineda at TomasC.
Ongoco,1979. Ang Panitikang Pilipino sa Kaunlarang Bansa
( Pandalubhasaan). Caloocan City: National Book Store, Inc.
● http://markjan-markjan.blogspot.com/2009/03/sa-pula-sa-puti-ni-
francisco-soc.html
● https://m.facebook.com/story.php?
story_fbid=466386413754578&id=215649688828253
●  https://liwaywayarceo.fandom.com/tl/wiki/
Mgasss_Tema_sa_Uhaw_ang_Tigang_na_Lupa

You might also like