You are on page 1of 35

Pamagat ng Yunit: Modyul 5 - Amerikano

Pamagat ng Aralin : Panitikan sa Panahon ng Amerikano

Igugol na Oras : Tatlong Oras/Isang Linggo

Introduksiyon
Ang modyul na ito ay isa sa pangunahing kagamitan sa
pagtatasa ng kritikal na kaisipan ng mga mag-aaral ng Bulacan
State University. Layon ng modyul na ito na mahasa ang mga
mag-aaral na kumukuha ng sabjek na Panitikan at Lipunan sa
usaping panlipunan sa paraang pagbabasa, panunuri ng mga
likhang akda, paglikha at paglubog sa panitikang Pilipino bilang
isa sa pangunahing daluyan ng mas makabayang pagtalima ng
susunod pang salin-lahi.

Mga Layunin
● Nababatid at naipapaliwanag ang mga mahahalagang
kaganapan sa Panahon ng Amerikano.
● Naipakikilala ang mga manunulat na nagbigay ng
malaking ambag sa panitikan sa panahon ng amerikano;
● Naikikintal sa puso’t isipan at gawa ang mga iniwang aral
at pakikibaka laban sa mga amerikano ng mga
manunulat.
● Nakasusulat at nakalilikha ang mga mag-aaral batay sa
araling tinalakay.

PAUNANG PAGTATAYA

Opps...Teka lang… May simpleng pagsubok ako sa iyo!

Pangalan :_______________________________ Marka:____________

Kurso/Seksyon:__________________________ Petsa: ____________

PANUTO: Isulat sa kahon ang mabuti at di-mabuting epekto na naging ambag ng


panitikan sa Panahon ng Amerikano sa panitikan ng Pilipinas sa kasalukuyan.
Edukasyon Relihiyon Arkitektura

Mabuti Mabuti Mabuti

1. Maraming natutununan 1. Pag nagkakaroon tayo ng 1. Nakakatulong sap ag-


na mga bagay na maaaring problema at wala tayong angat ng ekonomiya ng
magamit sa pagtanda. masabihan nagdarasal bansa.
lamang tayo.
2. Makakatulong ito para 2. Nakakatulong sap ag
matuto at maging isang 2. Sinasabing ito raw ang gawa ng mga gusali at
mabuting mamamayan. purpose of life ng iba. bahay na ating tinitirhan.

3. Makakakuha tayo ng 3. Nagbibigay lakas ng loob 3. Ito rin ay isa sa paraan


magandang trabaho na at magpatuloy sa kabila ng ng pagpaplano,
maari kapag tayo’y nag-aral mga dinanas sa buhay. pagdidesnyo ng mga bagay
ng mabuti. na Gawain.

Di-Mabuti Di-Mabuti Di-mabuti

1. Nakakalimutan na ang 1. Ang hindi pag respeto sa 1. Maari rin maging


mga ibang bagay na dapat iba pang mga relihiyon. ikabagsak ng ekonomiya ng
gawin dahil wala ng iban bansa kung maari man na
ginawa kung hindi tumutok pumapalpak ang isang
na lamang sa aralin. 2. Pagpilit na pagsali sa plano.
relihiyon na kinabibilangan.

2. Minsan ay nawawalan ng 2. Pandaraya at hindi


komunikasyon sa mga 3. Maling paggamit at pag paggamit ng mga dapat na
kaibigan at pamilya dahil iisip ng masama sa ibang gamit sap ag gawa ng mga
mas pinipili na lamang mag- relihiyon para lamang gusali na nagiging sanhi ng
aral maging tama ang iyong mga pagguho.
paniniwala.

3. Nawawalan ng kalayaan 3. Pagastos ng malaking


na maglaro habang bat aba pera ngunit di naman
lamang. nilagay lahat sa paggawa
ng proyekto.
Transportasiyon Thomasites Sining at Kultura
at Komunikasiyon

Mabuti Mabuti Mabuti

1. Malayang nakakapag- 1. ito ay nakakatulong


1. Pag-unlad ng antas ng aral ang mga kababaihan. upang yumabong ang
ekonomiya gayon din para
libangan makilala tayo sa ibat ibang
2. Nakakapag-aral ng libre parte sa asya
2. Mas mapapadali ang
pagresponde sa mga 3. Maraming natulungan na 2. Ito ang sumisimbolo
kaganapan mga Pilipino sateng bansa.

3. Ang pagiging malikhain


3. Mas mapapabilis at ay maaaring mas
madami ang gawaing magpaganda sa buhay
maaaring magawa

Di-Mabuti Di-Mabuti Di-Mabuti

1. Nararamdaman ang 1. pagkakaroon ng


1. Nakakadulot ng pagiging epekto ng pananakop ng diskriminasyon
mga Amerkano.
tamad ng mga tao
2. hindi pagkakaintindihan
2. Ginamit lang ito upang batay sa paniniwala
masakop ang ating bansa
2. Maaaring gamitin sa
karahasan 3. hindi pagkaka pantay-
3. pantay sa antas ng
pamumuha
3. Nakakasira ng kalikasan

TALAKAYAN
ARALIN I

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG PANITIKAN SA PANAHON NG


AMERIKANO
Noong panahon ng pananakop ng Estados Unidos sa Pilipinas (1898-1946), ang
pamahalaan ng Estados Unidos ang namamahala sa pagbibigay ng edukasyon sa
Pilipinas.
Makikita at mararamdaman ang epekto ng pananakop ng mga Amerikano sa
sistema ng pampublikong edukasyon na itinayo nito sa bansa. Matapos mapasakamay
ng mga Amerikano ang Maynila noong Mayo 1898, sinimulan na ang pagtatatag ng
mga pampublikong paaralan sa Pilipinas. Sa simula, mga sundalong Amerikano muna
ang nagsilbing unang guro na kalaunan ay napalitan ng mga gurong galing sa America.
Ang pinakamalaking pangkat ng mga guro ay dumating sa Pilipinas noong 1901 lulan
ng barkong Thomas. Itinalaga sa Maynila at mga lalawigan ang mga gurong ito na
binansagang Thomasites.
Sa ilalim ng Batas bilang 74, itinatag ang Kagawaran ng Pampublikong
Instruksiyon (Department of Public Instruction). Sa pamamagitan din ng batas na ito ay
nabigyang-daan ang pagkakaroon sa bansa ng mga normal school at trade school
tulad ng Philippine Normal School/University at ang Philippine School of Arts and
Trades na kilala ngayon bilang Technological University of the Philippines.
Noong 1906 nagpadala ng mga Pilipinong iskolar ang pamahalaang kolonyal sa
America. Tinawag silang mga pensionado dahil tinutustusan ng pamahalaan ang
kanilang pag-aaral. Marami sa kanila ang nag-aaral ng edukasyon, abogasya, medisina
at inhinyeriya. Pagbalik ng mga ito sa Pilipinas, sila ang mga naging guro at propesor o
kaya ay tagapaglingkod sa iba’t-ibang sangay ng pamahalaan.
Noong 1907, pinalabas ng Asamblea ng Pilipinas ang Batas Gabaldon na isinulat
ng mambabatas na si Isauro Gabaldon ng Nueva Ecija. Sa pamamagitan ng batas na
ito, nabigyang-bisa ang pagtatayo ng dalawang pampublikong paaralan sa bawat
lalawigan. Maraming estudyante ang nakapasok sa mga pampublikong paaralan dahil
ito ay sapilitan. Ingles ang ginamit bilang wikang panturo.
Bagama’t hindi na bago sa Pilipinas ang libre at sapilitang pagpapaaral dahil
naisagawa na ito noong panahon ng mga Espanyol, mas malakas naman ang naging
epekto ng programa ng mga Amerikano dahil naging mas malawak ang saklaw nito.
Bukod sa matrikula, libre rin ang mga aklat, lapis at papel. Kaugnay pa nito, nagpalabas
din ang mga Amerikano ng kautusan na maaring ikulong ang mga magulang na hindi
pinapapasok ang kanilang mga anak sa paaralan. Dahil sa patakarang ito, lumaki ang
bahagdan ng mga mamamayan na natutong bumasa at sumulat at ang wikang Ingles
ay agad na naging pangunahing wika ng edukasyon at pamamahayag. Naging daan
din ang edukasyon sa pagsalin ng mga kaalamang Kanluranin ukol sa pag-aalaga ng
kalusugan at pagpapanatili ng kalinisan upang makaiwas sa sakit.
Sa panahon din ng mga Amerikano, naitatag sa bansa ang mga pamantasan
tulad ng Unibersidad ng Pilipinas noong 1908. Ito ang naging sentro ng edukasyong
sekular na hindi katulad ng mga pamantasang pinatatakbo ng mga Kongregasyong
Katoliko.
Bukod sa simbahang Katoliko, binigyang-laya rin ng mga Amerikano ang ibang
sekta ng relihiyon na makapagtatag ng mga institusyong pang-akademya. Ang
halimbawa nito ay ang mga Protestante na nagtatag ng Silliman University sa
Dumaguete sa isla ng Negros noong 1901. Nakapagtatag din ang mga sekular na
pribadong mga pamantasan tulad ng Far Eastern University at University of Manila.
Nabigyan din ng pagkakataon ang pagtatatag ng mga unibersidad para sa
kababaihan tulad ng Escuela de las Señoritas na ngayon ay kilala bilang Centro
Escolar University at Philippine Women’s University. Nagbibigay-daan ito sa pag-
usbong ng mga babaeng propesyonal sa larangan ng medisina, abogasya at
edukasyon.

ANG PANITIKAN SA PANAHON NG AMERIKANO AT


SEDISYON

Kung pananampalataya ang naging pamana sa mga Pilipino ng mga Espanyol,


ang Edukasyon naman ang naging pangunahing ambag ng Estados Unidos. Sa
panahong ito naman inihandog ng mundo ang mga mahuhusay na mga Pilipinong
makata na nagsusulat sa Ingles at Tagalog. Hindi rin naman agad nawala ang mga
nagsusulat sa wikang kastila.
Taong 1910 mas lalong umusbos ang mga Panitikang Ingles at dito na sumibol
lalo ang mga tanyag na Pilipinong manunulat tulad nina: Cecilio Apostol na naging
tanyag sa kaniyang pagsulat ng mga Oda alay sa buhay at kadakilaan ni Rizal. Nariyan
din si Claro M. Recto na sikat sa kanyang mga talumpati. Si Lope K. Santos naman na
siyang sumulat ng isang obra-maestra na Banaag at Sikat at siya rin ang nagpasikat ng
mga sosyalistang mga akda. Si Jose Corazon de Jesus bilang makata ng pag-ibig at
ang kaniyang madalas katunggali sa mga timpalak ay si Florentino Collantes. Nandiyan
din si Severino Reyes o mas sikat sa sagisag panulat na Lola Basyang. Itinuturing
siyang Ama ng Dulang Tagalog dahil sa kaniyang walang kamatayang dulang Walang
Sugat. Si Zoilo Galang naman ang itinuturing na pinakaunang nobelistang pilipino.
Sumikat siya sa kaniyang akdang A Child of Sorrow at marami pang iba.
Para sa mga manunulat na Pilipino, ang pinakamahalagang naganap ay
nakakawala sila sa galamay ng kaisa-isang paksang maaari nilang talakayin sa
panahon ng Kastila at ito ay ang pagpuri’t pagbibigay- karangalan sa kanilang
relihiyong Kristiyanismo. Kahit na nga sila’y ginapusan ng bagong panginoon ng
mahigpit na tanikala ng Batas ng Sedisyon. Makasusulat sila ng tungkol sa kahit na
ano, lalo na ang tungkol sa pang-aabuso’t pananampalasan ng kanilang mga dating
panginoon, ang mga Kastila.

Sa ilalim ng Batas Sedisyon ay hindi sila maaaring magsulat nang lantaran ni


sa paraang pahiwatig ng kahit na anong makapagpapaalab sa damdaming makabayan
laban sa mga Amerikano. Hindi sila maaaring magsulat ng laban sa mga Amerikano,
laban sa kanilang mga pagmamalabis laban sa kanilang mga layunin na hindi naman
pawang sa kapakanang Pilipino.

Nahahati ang panahong 1901 -1942 sa tatlo: (a) Panahon ng Paghahangad ng


Kalayaan; (b) Panahon ng Romantisismo sa Panitikan (c) Panahon ng Malasariling
Pamahalaan

Panahon ng Paghahangad ng Kalayaan


Sa tanglaw ng kasaysayan ay higit ngayong maliwanag ang pagsusuri sa mga
naganap nang panahong iyon. Nabigyan ng kalayaan ang mga Pilipino subalit
katakatakang may malaking balakid na humadlang sa pag-usbong ng panitikang
makabayan. Unang- una, dapat na sumibol na uri ng panitikan sa panahong iyon ay
pagpapatingkad ng nasyonalismo: pagmamahal sa bayan, sariling kalinangan,
panitikan at wika. Totoong ang dula ay ginamit ng mga manunulat upang ipahayag ang
kanilang mga “paghihimagsik” tulad ng masaksihan sa Tanikalang Ginto ni Juan K.
Abad at Kahapon, Ngayon at Bukas ni Aurelio Tolentino.

Subalit dahil nga sa batas ng Sedisyon at dahil sa pangkontrol ng mga


Amerikano sa sarili nating kapakanan at sa katuparan ng kanilang mga makasariling
layunin, naiba ang takbo ng panitikan.

Ang Romantisismo sa Panitikan

Naging isang mabisang kasangkapan ng mga Amerikano ang pagpapalaganap


ng romantisismo sa kanilang pangkalahatan at mabilisang pagbabago sa katutubong
kamalayang Pilipino. Ito ang uring nahihimig sa Romantisismo ng Kanluran - lubhang
emosyunal, malabis ang pagkamoralistiko, sadyang sumusuma sa hindi kayang abutin
ng isipan, dumadakila sa kagandahan at kapangyarihan ng kalikasan, gumagamit ng
matayog na imahinasyon o guni-guni at bumabandila ng tungkol sa kalayaang sarili.
Masasabing bagaman nakuha ng panitikang Pilipino ang romantisismong banyaga ay
hindi naman lubus-lubusan. Isang katangian ng manunulat na Pilipino ang kakayahang
ihalo ang ‘hiniram’ na katulad ng romantisismo sa pansariling elemento na angkop
lamang sa kulturang Pilipino.

Talakayin natin ang mga katangiang romantiko na napaloob sa mga


pampanitikang sulatin noon.

Unang- una, masasabing nagasgas nang husto ang paboritong paksa, ang
pag-ibig. Sa tuwi-tuwina, binibihisan lamang ng iba’t ibang anyo’t kulay, ito’y tungkol sa
pag-iibigan ng isang mahirap at isang mayaman.

Ang ganitong kalakaran ng paksa ay malinaw na mababakas sa mga


kuwentong lumitaw sa Mga Kuwentong Ginto: Katipunan ng Pinakamahusay na Katha
Mula sa 1925- 1935. Ito’y tinipon at ipinalagay na pinakamahusay nina Clodualdo del
Mundo at Alejandro Abadilla. Isa pang katangian ng panitikang Romantiko ay ang
pagpaksa sa katutubong buhat sa mga lalawigan, lalo na sa malalayong nayon. Sa
isang tagalunsod na mambabasa, ito’y tila ba isang pagganyak na iwan ang buhay na
iyon at lasapin ang sarap ng buhay sa piling ng mga bukiring namamango sa hinog na
palay at kalabaw sa ilalim ng punong mangga: ngangasab-ngasab at kontento na.
Pinalutang din ang mga tauhang kahanga-hanga, ang maiinam na mga katangaian o
iyong tinatawag na mga romanikong bayani.

Sa ibabaw ng lahat ng ito, ang panitikang romantiko ay yaong nagbibigay ng


aral batay sa mga ipinangangaral ng relihiyong Kristiyanismo. Sa tuwina’y ikinikintal sa
isipan na ang masama’y pinarurusahan at ang mabuti’y tumatanggap ng karampatang
gantimpala.
Mga Samahan ng mga Manunulat

Mahahati ang panahong ito batay sa mga itinatag na mga samahan ng mga manunulat
noong ang Aklatang- Bayan (1900- 1921), at Ilaw at Panitik (1922-1934).

Panahon ng Aklatang Bayan (1900- 1921)

Ang Pasingaw at Dagli

Sang-ayon kay Lope K. Santos, ang maikling kathang Tagalog ay matutuntong


na nagsupling sa anyo ng panitikang tinatawag na Pasingaw. Ito’y kadalasang tungkol
sa mga dalagang hinahangaan, nililigawan, sinasamba nang lihim o pinaparunggitan
dahil sa nais tawagan ng pansin ang kapintasan sa pag-uugali o sa hitsura. Kaya ang
kadalasang nagsusulat nito ay mga lalaking manunulat na nagkukubli sa ilalim ng mga
sagisag dahil na rin sa “kaselanan” ng mga paksang tinatalakay. Ang pasingaw ay
naging dagli. Sa tiyakang pagbibigay ng kahulugan , ang dagli ay isang maikling
salaysay na nangangaral, namumuna, nagpapasaring at nanunuligsa.

Ang Tula sa Panahon ng Aklatang Bayan

Yumabong nang husto ang tula sa panahong ito ng Aklatang-Bayan. Masasabi


pa ngang sa lahat ng panitikan ng panahong iyon ay sa tula nanaig nang ganap ang
romantisismo

Si Francisco Balagtas ay hindi maikakailang produkto ng kaniyang panahon. Sa


kaniyang mga isinulat na hindi nasunog at sumapit sa kamay ng mga sumunod na
henerasyon ay ganap na mababakas ang labis na sentimentalismo ng kaniyang
panahon.

Ang mga Manunulat ng Panahon:

Jose Corazon de Jesus - Ang “Makata ng Puso” ang siyang


higit sa kaninoman ay nakapagmana ng korona’t setro, ng
panulat at papel ni Francisco Balagtas. Hindi kailanman
magiging ganap ang anomang pagsusuri ng tulang Pilipino sa
kahit anong panahon kung hindi babanggitin ang pangalan ni
Huseng Batute, ang “Makata ng Puso”.
Pedro Gatmaitan - Nagpakita ng pag-unawa sa kalagayang panlipunan ng
kaniyang paligid. Taong 1913 nang kanyang paksain ang tungkol sa
maselan na temang nauukol sa lipunang pyudal. Sumulat din siya ng mga
nauukol sa pagmamahal sa bayan.

Iñigo Ed Regalado - Siya ay isa ring kuwentista, nobelista at


mamamahayag ngunit ang buong linamnam at tamis ng
kaniyang pagkamulat ay sa kaniyang mga tula malalasap.
Tinalakay niya sa kaniyang mga tula ang buhay sa daigdig, ang
mga bagay- bagay sa kapaligiran at ang mga di
mapapasubaliang katotohan ng buhay.

Florentino Collantes - kasabay ni Jose Corazon de Jesus at


mahigpit niyang nakaribal sa titulong Hari ng Balagtasan.
Itinuring siyang makata ng mga magsasaka at may sagisag-
panulat siyang Kuntil Butil

Julian Cruz Balmaceda - Kilalang mandudula,


mananalaysay, nobelista, mananaliksik wika at makata. Siya ay
naging patnugot ng Surian ng Wikang Pambansa hanggang sa
mamatay sa taong 1947.

Mga Manunulat ng Dula

● Severino Reyes - Taong 1902 nang simulan niyang mag-ukol ng panahon para sa
pagsulat at pagpapaunlad ng dulang Tagalog. Para sa kaniya, ang moro-moro o
komedya ay walang idinudulot na anomang kapakinabangan sa mga manonood kaya’t
pinagsikapan niyang ito’y palitan ng inaakala niyang higit na mapagkukunan ng aral at
karikitan ng sambayanang manonood. Mula nang pasukin niya ang makabagong uri ng
dulang tagalog, ang sarsuwela, wala nang dulang nakahigit sa kaniya. Siya ang may-
akda ng pamosong Walang Sugat.
● Patricio Mariano - Siya ay nakapag-ambag na sa iba’t ibang larangan ng panitikang
Pilipino. Siya’y kinikilala hindi lamang sa pagsusulat ng dula kundi gayon din sa pagiging
isang batikang makata, mamamahayag, nobelista at tagapagsalin ng mga sulatin mula
sa wikang Kastila.

URI NG MALA-DULANG PAGTATANGHAL

● Zarsuela - Ito ay isang dula na may awitan at sayawan, mayroon itong isa hanggang
limang tagpo lamang na kadalasang nagpapakita ng pang-araw-araw na takbo ng buhay
ng mga Pilipino, tulad ng kwento ng pag-iibigan o dili kaya naman ay mga isyung
panlipunan.
● Balagtasan - Isang patulang pagtatalo o debate na may tatlong tauhan, ang dalawang
magkatunggali ng katwiran sa isyu at isang lakandiwa na siyang tagapagitna. Ito ay
isinunod sa dakilang Sinse ng Panginay na si Francisco Balagtas. Ang kauna-unahang
balagtasan ay ginanap sa bulwagan ng Instituto de Mujeres noong 1924, Ang mga
makatang nagtagisan ng talino ay sina Jose Corazon de Jesus at Florentino Collantes.
● Balagtasan- Balitaw- Isang anyo ng dulang Cebuano na pinagsanib ang duplo at
balitaw. May mga pagkakataong ang banghay ng pagliligawan sa balitaw ay nagiging
sanligan ng pagtatalo sa isang paksang hindi romantiko.
● Batutian- Isang mimetiko at satirikong pagtatalong patula na may kayarian ng isang dula
na pinangalanan sa makatang si Jose Corazon de Jesus na higit na kilala sa sagisag
panulat na Huseng Batute.
● Bukanegan- Isang mimetikong pagtatalong patulang nagbuhat sa pangalang Pedro
Bukaneg na itinuturing na “Ama ng Panulaang Ilocano.” Kahawig ito ng Balagtasan at
Batutian ng mga Tagalog.
● Crissotan- Isang mimetikong pagtatalong patulang buhat sa pangalang Crisostomo
Sotto, ang Ama ng Panulaang Pampango. Isa itong pagtatalong kahawig ng Balagtasan
at Batutian ng mga Tagalog at Bukanegan ng mga Ilokano.
Panahon ng Ilaw at Panitik

Ang Panahon ng Ilaw at Panitik ay nagsimula sa paglitaw ng magasing


Liwayway noong 1922. Ito’y nakilala muna sa tawag na Photo News noong mga unang
taon nito. Maliwanag na mababakas sa mga pangyayari ang paglitaw ng magasing
Liwayway ay nagdulot ng di gaanong pampasigla sa panitikan. Hanggang sa
sumusunod na panahon ay patuloy itong nanatili sa sirkulasyon habang ang ibang
nauna o kasabay nito ay naglahong parang bula. Ang Panahon ng Ilaw at Panitik ay
nagwakas sa taong 1932, sa pagkatatag ng Panitikan, isang kapisanang itinuturing na
siyang sakdalista at aristokrata ng panulatang Pilipino.

Maikling katha

Masasabi na ring masigla ang pagsulat at pagtanggap ng sambayanang


Pilipino sa maikling katha bagamat patuloy ang pamamalasak ng romantisismo. Dahil
sa Parolang Ginto ni Clodualdo del Mundo, nagkaroon ng pagpili sa mga akdang sa
palagay niya’y pinakamagagaling na katha ng mga buwan at taon.

Dahil sa siyam na taong matiyagang pagsasala ni Del Mundo sa inakala


niyang pinakamahusay na maikling katha, masasabing tumaas ang kilatis ng maikling
katha. Nagkaroon ng inspirasyon ang mga manunulat at naging masigla sila.
Nagkaroon lalo ng matibay na dahilan upang paghusayin ang pamamaraan ng kanilang
pagsusulat. Nagkaroon sila ng matibay na dahilan upang paghusayin ang pamamaraan
ng kanilang pagsulat at palawakin ang tema na hindi naman pawang sa pag-ibig.
Taglay ng panahong ito ang tatak ng mga pampanitikang katangian ng nagpapabukod-
tango sa mga maiikling kathang nasulat sa panahong iyon. Ganap nang nababakas
ang tinatawag na katipian sa larangan ng paglalarawan at ganoon din sa
pagpapahayag ng nadarama. Ang larawan at ganoon din sa pagpapahayag ng
nadarama. Ang mga kuwentista ay nagsimula na ring gumamit ng mga panauhan sa
kuwento.

Ang Tula

Ang paglathala ng Liwayway noong taong 1922 ang siyang naging higit sa lahat
na pampasigla sa mga Pilipino. Naging lunsaran ito ng damdamin at malikhaing
imahinasyon ng mga tao. Sa ganoong paraan unti-unting umangat ang panitikang
pilipino lalo na sa tula.

Mga Makata:
Amado V. Hernandez (1903-1970) Ang makata ng
Manggagawa. Ang mga tula niya ay naglalantad na tumawag
at nagmulat sa kamalayang panlipunan. Tinatalakay niya sa
kaniyang mga tula ang iba’t ibang bahagi ng buhay: tao,
makina, bayani, gagamba, langgam, panahon at pati aso.

BAYANI ni Amado V. Hernandez - Mayo 1928

Ako'y manggagawa: butil ng buhangin


sa daa'y panambak, sa templo'y gamit din;
buhay ko'y sa Diyos utang nga marahil,
ngunit ang palad ko'y utang din sa akin.
Alam ko ang batas: "Tao, manggagaling
sa sariling pawis ang iyong kakanin."
Hubad ang daigdig nang ako'y sumilang
at pikit ang mata ng sangkatauhan:
dahilan sa aki'y kaharia't bayan
ang nangapatayo sa bundok at ilang,
aking pinasikat sa gabi ang araw
at tinanlawan ko ang diwa't ang buhay.
Ako ang nagbangon ng Gresya at Roma,
ako ang nagbagsak sa palalong Troya;
ang mga kamay ko'y martilyo't sandata –
pambuo't panggiba ng anumang pita!
Kung may kayamanan ngayong nakikita,
paggawa ko'y siyang pinuhunan muna!
Ako'y isang haring walang trono't putong,
panginoong laging namamanginoon,
daming pinagpalang binigyan ng milyon
ay ako't ako ring itong pataygutom;
sila ay sa aking balikat tumuntong,
naging Mamo't Nabod ang dati kong ampon!
Sambundok na ginto ang aking dinungkal,
kahi't na kaputol, di binahagihan!
ang aking inani'y sambukiring palay,
nguni't wala akong isaing man lamang!
ang buhay ng iba'y binibigyang-buhay
habang nasa bingit ako ng libingan!
Ang luha ko't dugo'y ibinubong pawa
sa lupang sarili, nguni't nang lumaya,
ako'y wala kahi't sandakot na lupa!
Kung may tao't bayang nangaging dakila,
karaniwang hagda'y akong Manggagawa,
nasa putik ako't sila'y sa dambana!
Kung kaya sumulong ang ating daigdig,
sa gulong ng aking mga pagsasakit;
nilagyan ang tao ng pakpak at bagwis,
madaling nag-akyat-manaog sa langit;
saliksik ang bundok, ang bangin at yungib,
ang kailaliman ng dagat, saliksik!
Ang mga gusali, daan at sasakyan,
ay niyaring lahat ng bakal kong kamay;
sa tuklas kong lakas – langis, uling, bakal,
naghimala itong industria't kalakal;
nguni't lumawak din naman ang pagitan
ng buhay at ari... nasupil ang buhay!
Ang mundo'y malupit: ngayo't ako'y ako,
nakamihasnan nang dustain ng mundo
gayon pa ma'y habang ang tao ay tao,
gawa ang urian kung ano't kung sino;
batong walang ganda'y sangkap ng palasyo,
sanggol sa sabsaba'y naging isang Kristo.
Tuwi na'y wal'in man ako ng halaga,
iyan ay pakanang mapagsamantala;
ang ginto, saan man, ay gintong talaga,
ang bango, takpan man, ay di nagbabawa;
itakwil man ako ng mga nanggaga,
walang magagawang hadlang sa istorya!
Kung di nga sa aki'y alin kayang bagay
ang magkakasigla at magkakabuhay?

Puhunan? Likha ko lamang ang Puhunan!


Bayan? At hindi ba ako rin ang Bayan?
Walang mangyayari pag ako ang ayaw,
mangyayaring lahat, ibigin ko lamang!
Sa wakas, dapat nang ngayo'y mabandila
ang karapatan kong laong iniluha,
ang aking katwiran ay bigyan ng laya
at kung ayaw ninyo'y ako ang bahala
sa aking panata sa pagkadakila...
Taong walang saysay ang di Manggagawa!

Ildefonso Santos (1897-1984) Hinangaan siya


bilang makata ng kaniyang panahon. Naging tanyag siya
sa kaniyang husay at kariktan ng kaniyang mga
pananalitang ginagamit sa kaniyang mga akda ngunit
kakambal nito ang katayugan ng diwang ipinahayag. Siya
ang kauna-unahang gurong pilipino na nakapagturo sa
National Teachers College noon. Ginamit niya ang sagisag-
panulat na Ilaw Silangan. Ang ilan sa kanyang mga tula ay ang mga “Gabi”, “Sa Tabi ng
Dagat”, siya rin ang sumulat ng pamosong “ Pilipinas Kong Mahal” na nilagyan na rin
ng salin na musika. Siya ang ama ni Pambansang Alagad ng Sining para sa Arkitektura
Ildefonso P. Santos Jr.

Ang Guryon ni Ildefonso Santos


Tanggapin mo, anak, itong munting guryon
na yari sa patpat at papel de Hapon;
magandang laruang pula, puti, asul,
na may pangalan mong sa gitna naroon.
Ang hiling ko lamang, bago paliparin
ang guryon mong ito ay pakatimbangin;
ang solo’t paulo’y sukating magaling
nang hindi mag-ikit o kaya’y magkiling.
Saka pag sumimoy ang hangin, ilabas
at sa papawiri’y bayaang lumipad;
datapwa’t ang pisi’y tibayan mo, anak,
at baka lagutin ng hanging malakas.
Ibigin mo’t hindi, balang araw ikaw
ay mapapabuyong makipagdagitan;
makipaglaban ka, subali’t tandaan
na ang nagwawagi’y ang pusong marangal.
At kung ang guryon mo’y sakaling madaig,
matangay ng iba o kaya’y mapatid;
kung saka-sakaling di na mapabalik,
maawaing kamay nawa ang magkamit!
Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,
dagiti’t dumagit, saanman sumuot…
O, paliparin mo’t ihalik sa Diyos,
bago pa tuluyang sa lupa’y sumubsob!

Ang Nobela

Tunay na ang paglitaw ng magasing Liwayway sa panahong ito ay nagbigay ng


pagkakataon sa mga nobelista na makapaglathala ng kanilang mga isinulat kahit
payugto-yugto ang paglatha ng mga ito. Subalit dahil sa mga pagpiling ginawa at
pagbibigay ng gantimpala sa mga marikit na maikling katha ng taon, hindi gaanong
naging masigla ang pagtanggap sa mga nobela.

Ang Dula

Kung gaano kasigla ang pagtanggap ng sambayanang Pilipino sa mga


sarsuwela noong unang taon ng mga Amerikano o sa panahon ng Aklatang-Bayan ay
siya namang panlalamig nila sa panahon ng Ilaw at Panitik. Hindi masisisi ang mga
mandudula sa panahong ito sapagkat ginawa nila ang makakaya upang mapanatili ang
sigla ng mga dula. Subalit sadyang ang pagbabago’y dala ng panahon. Bunga ng mga
kadahilan ang hindi naiwasan, nanlupaypay ang anyong ito ng panitikan ng mga
sumunod na taon. Nauso ang bodabil sa stage shows at halos ay nawalan ng
pagkakataon ang pagtatanghal ng dula. Dumating ang mga pelikulang galling sa
Amerika at ganap na narahuyo ang mga tao sa panonood ng mga ito sa halip na dula.

Panahon ng Malasariling Pamahalaan

Ang panahong ito ay sumasakop sa panahong nalalapit nang magwakas ang


pananakop ng mga Amerikano hanggang sa panahon ng Hapon. Sa panahong ito,
nabigyan ng Malasariling Pamahalaan ang mga Pilipino na ang naging Pangulo ng
bansa ay si Manuel Luis Molina Quezon, na siyang tinaguriang “Ama ng Wikang
Pambansa”. Siya ang nagpunyagi upang magkaroon ng Wikang pambansa ang
Pilipinas sa panahon niya.

REPLEKSIYON

Pangalan:___________________________________Marka:____________

Kurso/Seksiyon:_____________________________Petsa:_____________

Sa iyong palagay paano hinubog ng panahong ito ang mga


sumusunod; Edukasyon, Kababaihan, Kultura at Pulitika.
 Isa na rin siguro sa dahilan ng pag unlad ng ating bansa kaya’t
nahubog natin ang mga ito ay marami na tayong natutunan sa
eskwelahan, sa tahanan at sa ating nilalakaran ay marami na
tayong natutunan na mga bagay at nalalaman natin kung ang
mga ginagawa ba natin ay tama o mali. Maaring isa ring
dahilan sa panahon ngayon ay mas advance at marami na rin
tayong dapat malaman na gawi, dapat resptuhin at galangin
ang mga tao.

PAGTATASA

Pangalan:___________________________________Marka:____________

Kurso/Seksiyon:______________________________Petsa:____________Panuto:
Sa pamamagitan ng pagguhit, ikaw ay lilikha ng isang ilustrasyon na nagpapakita ng
pangyayari na naganap sa panahon ng Amerikano na hanggang sa kasalukuyan ay
nagaganap na tila walang nagbago. Maaari itong kaganapang pampanitikan,
panlipunan, kultura, kasarian, pulitika. Bigyan ito ng 5-8 pangungusap bilang
pagpapaliwanag.

Aralin II
Mga Piling Akda sa Panahon ng Amerikano

Kilalanin Natin
Juan Crisostomo Soto (27 Enero 1867-12 Hunyo 1918)

Pangunahing mandudula, peryodista, at makata


sa Kapampangan si Juan Crisostomo Soto(Hu∙wán
Kri∙sós∙to∙mó Só∙to), at kilalá rin sa alyas niyáng “Crissot,”
isang aknonim na kinuha sa mga unang pantig ng
kaniyang mga apelyido. Nagsimula siyá bilang manunulat
para sa mga progresibong pahayagang tulad ng La
Independencia, El Liberal at La Publicidad. Mula1906
hanggang 1917, pinamatnugutan naman niyá ang ilang
publikasyong Kapampangan tulad ng Ing Balen na siyá
ang nagtatag, at Ing Alipatpat na nagtampok ng kaniyang salin ng Noli me Tangere ni
Rizal sa wikang Kapampangan. Bilang isang makata, nagwagi ang kaniyang “Lira, Dalit
at Sinta” ng unang gantimpala sa pagdiriwang ng araw ni Rizal sa San Fernando noong
1917. Ang nag-iisa niyáng nobela, ang Lidia (1907), ay unang nalimbag na serye sa
pahayagang Ing Imangabiran na kaniya ring pinamatnugutan. Humigit-kumulang 50
sarswela at drama ang naisulat ni Soto ngunit hindi na ingatan ang karamihan.
Nagsimula siyá sa pagsulat ng mga dulang halaw sa mga banyagang akda tulad ng Ing
Singsing a Bacal (mula sa El anillo de hierro). Higit siyang nakilala sa kaniyang mga
akdang makabayan, tulad ng Sigalut at Balayan at Sinta (Bayan at Pag-ibig), na
kapuwa naisulat sa loob ng kulungan, ng Ing Paniu nang Sitang (Ang Panyo ni Sitang),
at ng Ing Anac ning Katipunan (Ang Anak ng Katipunan). Ang Alang Dios (Walang
Diyos) ang pinakabantog niyáng dulà at unang itinanghal sa Teatro Sabina noong 16
Nobyembre1902. Si Soto mismo ang nagdirihe ng Compania Sabina para sa kaniyang
mga dula at tinugtog ng Orquesta Palma ang musika batay sa mga komposisyon nina
Amado Gutierrez, Pablo Palma, Dionisio Andres, Jose Estrella.

Isinilang si Soto noong 27 Enero 1867 at panganay sa tatlong anak nina


Santiago Soto, may-ari ng mga palayan at dating alguacil mayor ng Bacolor, at
Marcelina Caballa, isang mananahi. Hindi niyá natapos ang pag-aaral sa Maynila dahil
nahilig magsulat at pagkuwa’y lumahok sa hukbo ni Heneral Tomas Mascardo sa
Himagsikang 1896. Una niyáng naging asawa si Julia Amaida at nagkaroon silá ng
anim na anak. Nang mamatay si Julia noong 1903, pinakasalan naman ni Soto si
Rosario Palma at nagkaroon silá ng apat na anak. Yumao si Soto noong 12
Hunyo1918. Bilang parangal, ipinangalan sa kaniya noong 1926 ang Crissótan, ang
bersiyon ng balagtásan sa Kapampangan, na unang itinanghal sa isang bahay sa
Santa Cruz, Maynila at nilahukan nina Lino Dizon at Nicasio Dungo, at ni Amado Yuzon
bilang lakandiwa.

SI BINIBINING PHATHUPATS ni JUAN CRISOSTOMO SOTO

(Buod)
Si Yeyeng o Bb. Yeyeng ay isang Pilipina na nabibilang sa isang mahirap na
pamilya. Kasama ng kanyang pamilya ay nakatira sila sa pinakamaliit na bayan sa
Pampanga. Ang pagtitinda ng ginatan at paglalako ng bitso-bitso sa mga sugalan ang
tanging ikinabubuhay nila hanggang sa siya’y magdalaga. Matapos ang rebolusyon,
ang pamahalaang militar ng Amerika ay nagbukas ng paaralan. Ang mga gurong kawal
dito na naging suki niya ay pinilit siyang pumasok sa paaralan upang sila’y
magkaintindihan sa kanilang pag-uusap. Pagkalipas ng ilang araw, si Bb. Yeyeng ay
nakapagsasalita na ng wikang Ingles at dahil dito ay inihatid siya sa isang bayan upang
magturo.

Lumipas ang panahon, si Bb. Yeyeng ay hindi na lubusang nagsasalita ng


Kapampangan dahil nakalimutan niya na raw ito. Ayon sa kanya, ito ay matigas kaya sa
tuwing siya’y magsasalita ng wikang ito ay nababaluktot ang kanyang dila. Kaya naman
hindi na raw siya makapagsasalita nito ng tuwid dahil siya ay nauutal. Dahil dito, mula
sa malambing na palayaw niyang Yeyeng ay binansagan siya ng mga taong
nakakakilala sa kanya bilang “Binibining Phathupats”, na pangalang hango sa malapad
niyang balakang na pilit iniipit sa pahang mahigpit ang balot. Samantala, sa isang pista
o velada sa bayan na kanyang dinaluhan ay may nakita siyang tao na nagbabasa ng
“Ing Emangabiran”, isang pahayagang Kapampangan sa Bacolor. Nang makita niya ito
ay lumabi siya ng kaunti, umiling at nagsabing: “Mi no entiende ese Pampango”. Sa
kanyang sinabi ay napatingin ang lahat ng nasa umpukan ngunit kaagad nilang iniligaw
ang usapan upang hindi niya mahalata. Kahit alam na parang tinutukso na siya ay
nagpatuloy pa rin si Bb. Phathupats. Sa ilang salitang kanya pang binigkas ay hindi na
nakapagpigil ang mga nakarinig at napatawa sila ng malakas. Dahil dito, nagalit siya at
hinarap ang mga tumatawa ngunit sa halip na tumigil ay lalo lamang lumakas ang
halakhak ng mga nakikinig. Hindi na siya marunong magsalita ng Kapampangan dahil
sa dalawang kadahilanan. Una, matagal na siyang nakisama sa mga kawal na
Amerikano. Pangalawa, hindi na siya Kapampangan. Sa pangyayaring ito ay nag-init
ang kanyang pakiramdam at siya ay nagalit na parang sumabog na bulkan. Dahil sa
galit na kanyang nadarama, hindi niya napigilang makapagwika sa Kapampangan ng
mga hindi kaaya-ayang salita. Sa ginawa niyang ito ay napahagalpak ng tawa ang mga
manonood. Napaiyak si Bb. Phathupats at nang kanyang punasan ang kanyang
tumutulong luha ay sumama ang kanyang makapal na pulbos sa pisngi at lumitaw ang
kanyang maitim pa sa duhat na kulay. Nang makita ito ng mga manonood ay lalo silang
napatawa. Sigawan, palakpakan at halakhakan ang narinig sa pistang iyon. Sa huli,
dahil na rin sa sobrang kahihiyan hindi na nakatiis si Bb. Phathupats at siya’y
nagkandarapa sa pag-alis, bubulong- bulong at bahag ang bunto
Marcel M. Navarra (2 Hunyo 1914 – 28 Marso 1984)

Tinagurian si Marcel M. Navarra (Mar-sél


Na-vá-ra) na“Ama ng Modernong Maikling
Kuwentong Sebwano.” Ipinanganak siyá noong
2 Hunyo 1914 sa isang mahirap na pamilya sa
Tuyom, Carcar, Cebu ngunit matiyagang binasa
ang anumang babasahín hanggang matutong
sumulat. Umaabot diumano sa sandaan ang
maikling kuwento naisulat niya.

Una siyáng nakilála nang magwagi sa


timpalak sa magasing Bisaya ang kuwentong “Ug Gianod Ako” (At Inaanod
ako) noong 1937. Bago ito, nalathala sa Cebu Advertizers ang kaniyang
unang tula noong 1930 hábang nilathala naman sa Nasud ang kaniyang
unang kuwento noong 1931. Kinikilala rin ang kaniyang kuwentong“Paingon
sa Bag-ong Kalibutan” (1947, Tungo sa Bagong Mundo) at “Ang Hunsoy
Sunsungan Usab” (1954, Ang Hungkag na Hunsoy).

Sinikap niyang mamuhay sa pamamagitan ng pagsulat. Naging


editor siyá ng Bisaya sa Maynila sa mga taóng 1938–1941. Bumalik siyá sa
Cebu sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Naging patnugot siyá
ng Lamdag noong 1947, naging bahagi ng Bulak noong 1948, at ng Republic
Daily noong 1948–1952. Huminto siya sa pagsulat noong1955 pagkatapos
niyang isulat ang “Si Zosimo”. Ngunit bumalik siyá sa Maynila at naging
editor muli ng Bisaya hanggang 1972. Namatay siya noong 28 Marso 1984
sa bayang kaniyang sinilangan.

At Ako’y Inanod ni Marcel Navarra

Salin sa Tagalog ni Dr. Teresita G. Maceda

Ayaw ko nang makipagkita pa sa iyo. Galit ako sa aking ginawa.


Halos limang buwan na tayong di nagkikita. Ngunit kagabi, nagkatagpo tayo
sa Letoile Parlor. Di ko ‘yon inaasahan, ngunit pagtingala ko, nakita kitang
nakaupo sa may harapan ko. Marahil, napansin mong bigla akong yumuko.
Malalaman mo rin kung bakit. Sa ngayon, sapat nang mabatid mong may
sumuot sa aking dibdib at nanginig ang aking buong katawan. Di ko nga
malunok ang kinakain kong sorbetes.

Napatingala muli ako nang iyong sinabing, “Say, Kid, saan ka bang
sulok nagtago nitong mga huling buwan?” Napansin mo siguro na matagal
bago ako nakasagot. Sa halip, ako’y napatunganga. Malinaw ang aking mga
salitang nagdadahilan, “Dito lang, Kid. Sa totoo, umuwi ako sa aming baryo.
Hindi kaagad ako nakabalik dahil ayaw akong payagan ni Tatay na masakitin
na.” Kung naniwala ka man sa sagot ko o hindi, mabuti na ring malaman mo
na yao’y pawang kasinungalingan.

Matagal bago ako nakatulog kagabi. Pabiling-biling ako sa higaan.


Kagabi lamang nangyari sa akin ito. Ang isip ko’y magulo, mga gunita ko’y
nagkasala-salabid. At saka...Lumapit ka sa akin sa anyo ng isang leon.
Napaso ako sa init ng iyong mga nanlilisik na mga mata na wari’y dalawang
bolang apoy. Ang iyong mga nakabukang daliri at mga matipunong bisig na
nanginginig sa galit ay handang sumakal sa akin. At sumigaw ka: Taksil?
Walang utang na loob? Hayop? Pagbabayaran mo ito... Kailangan!
Kailangan!” Nangilabot ako, lumuhod at humingi ng tawad, “Kid, Kid, maawa
ka sa akin. Wala akong kasalanan... hindi ako ang may sala, hindi... ngunit
kung nagkasala man ako, patawarin mo ako, maawa ka, maawa ka...”

Salamat at nakita ko pa rin ang araw na nakangiti sa Silangan! Ang


kanyang banaag na lumusot sa maliliit na butas ng dingding ang gumising at
humila sa akin mula sa malabong daigdig tungo sa liwanag. Akala ko’y
sinakal mo ako hanggang sa lumawit ang aking dila at ako’y namatay---
naiwang isang bugtong na makagugulo lamang sa iyong isipan.

Di mahuli ng kamay ang usok, ito’y tiyak na tatakas; di mapigilan ang


pagdaloy ng tubig sa ilog, ito’y maghahanap ng ibang lagusan patungong
dagat. Kaya, ang una kong ginawa ngayong umaga pagkabatid kong
gumagalaw pa pala ang aking mga daliri, ay sumulat sa iyo. Di ko nais na
malaman mo pa sa iba. Kailangang manggaling ito sa akin. Sinulat ko ng
liham na ito sa paniwalang lilitaw din ang katotohanan. Magpapaunawa ito na
akong kinilala mong tapat na kaibigan at kapanalig ay wala nang alam na
ibang paraan kundi ito. Tiyak na magagalit ka sa pagbasa mo nitong liham.
Baka kung sino pa ang pagbalingan mo ng iyong galit – magtataka ang taong
‘yon at sisigaw na wala siyang kasalanan.

Mabuti pang simulan ko na. Magkaibigan tayong matalik mula 1929


kung kailan tayo naging magkaklase sa unang taon natin sa High School.
Tuwing umaga’t hapon, magkasama tayong pumasok sa klase at umuwi. Kid
ang tawag ko sa iyo, at Kid din ang tawag mo sa akin.

Sa mga sumunod na taon, nagkahiwalay tayo. Huminto ako sa pag-


aaral, batid mo kung bakit. Di dahil sa di na kaya ng aking mga magulang
ang gastos sa aking pag-aaral kundi sa dahilang ikaw lamang at ilan sa ating
mga kaibigan ang nakakabatid. Batid mo ang aking kahinaan at palagi mo
akong pinapayuhang labanan ito. Di ko makalimutan ang sinabi mo minsan,
“Upang di ka tuluyang mabaliw sa mga babae, ang tanging lunas, Kid, ay
umiwas ka sa kanila. Ang demonyong nagngangalang babae ang siyang
simula ng kabiguan sa buhay ng tao. Layuan mo sila kung nais mo pan
magtagumpay.”

Di ako tinablan ng iyong makatuwirang payo na nagbuhay sa puso


ng isang kaibigan. Di ko sila maiwasan at hanggang ngayon, isa pa rin akong
bilanggo sa sarili kong kahinaan. Dahil dito, dahil dito... Hindi na tayo
magkasamang pumasok sa klase, ngunit nagkikita pa rin tayo sa gabi, may
buwan man o wala. Kung anong magandang palabas sa sinehan, naroon
tayo, magkatabing nanonood at naninigarilyo. Pagkagaling sa sinehan,
dumadaan tayo sa Letoile Parlor kung saan kita nakita kagabi.

Akyat-panaog ako sa inyong tahanan. Itinuring ko itong parang


bahay ng aking Tiyo at Tia. Hindi na ninyo ako itinuturing na iba.

Madalas akong makitang nakaupo sa inyong balkon. Kung minsan,


diyan ako humihiga pagkatapos kong mananghalian sa amin. Kung di tayo
nag-uusap tungkol sa pelikula, buhos na buhos ang aking isip sa pagbabasa
ng Graphic at iba pang pahayagang ingles na inyong kinagigiliwang basahin.
Kung minsan, gustong-gusto ng Mama mong makinig sa aking pagbasa ng
“Dora, ang Anak ng Mamamatay-Tao,” “Tarzan, ang Taong Unggoy,” “Sa
Paanan ng Krus” at iba pang kuwentong nalimbag sa Bisaya. Ayaw din
niyang kaligtaan ko ang mga maikling kwento.

Hinahangaan mo ako sa aking kakayahan sa pagsulat ng maikling


kwento na pinadadala ko paminsan-minsan sa Bisaya. Lagi mo akong
hinihimok na magsulat nang mas madalas. Ang lahat sa inyong tahanan ay
naghusga na walang kuwenta ang aking mga maikling kwento dahil di raw
maintindihan. Tumatawa lamang ako.

“Ba’t di ka na nagsusulat, Kid?” ang usig mo sa akin isang gabi. At


isiniwalat ko naman ang dahilan. “Babae na naman! Babae! Babae! Babae
ang nagpatigil sa iyong pag-aaral at babae na naman ngayon ang nagnakaw
ng iyong hilig sa panunulat?” Kung batid mo lamang na babae rin ang...

Siyempre, kilala mo ang mga babaeng naging biktima at ang mga


kumagat sa aking pain ngunit nakatakas din. Tinanong mo sa akin minsan
kung bakit madali para sa akin ang babaeng samantalang ikaw ay
nahihirapan. Humalakhak ako bilang sagot. Dahil kagaya ko, may isa ka ring
kahinaan – takot kang lumapit sa babae. Nanginginig ka’t di mapalagay.
Kailanma’y di kita nakitang kusang lumalapit at nakikipag-usap sa mga
dalaga. Di naman kita matatawag na bakla dahil gaya ng karamihan sa mga
tunay na lalaki, nangangarap ka rin namang makatagpo ng isang maganda,
mabait at masipag na babae na maari mong maging kasama sa buhay.

Di nagbago ang aking ugali sa pagdaan ng panahon. Ako’y balisa,


nag-aalala at nalulungkot tuwing di tayo magkita. Agad akong sumasaglit sa
inyo, at kung ika’y wala, inaaliw ko na lamang ang aking sarili sa pagbasa ng
pinakabagong labas na Graphic.

Minsan, nagbabasa ako ng isang artikulo ni Jose Garcia Villa na


bumabatikos sa mga maikling kwentong nalimbag sa mga pahayagang
Ingles. Nalibang ako sa pagbabasa kay Villa. Batid mo kung ano ang
pagtingin ko kay Villa at kapwa natin alam kung ano ang kanyang mga
sinulat. Dahil buhos na buhos ako sa aking pagbabasa, di ko napansin ang
pag-upo sa aking harapan ng nakababata mong kapatid na si Pepita.

“Kumusta na si Sonia?” isang ipit na tinig ang aking narinig at biglang


natabunan ang mga linyang aking binabasa. Tumingala ako. Nakatutok si
Pepita sa sahig. “Ay, ewan. Iisipin ko pa ba kung ano na ang nangyari sa
kanya?” At bumalik ako sa aking pagbabasa. “Loloy, nakaramdam ka na ba
ng... tunay na pag-ibig?” Di ko pa nga natagpuan kung saang linya ako
tumigil nang tumingin muli ako sa kanya upang sagutin ang pangalawa
niyang tanong. Ngunit matagal bago ako nakasagot. Di ko mapigilang muling
tumitig sa kanya. At mula ng sandaling ‘yon, nabatid ko... Ang kanyang
malamlam na mga mata na nakatitig sa akin ay nagpamalas ng malaking
pagnanasa... nagdala ng maraming pananabik at nagsalaysay ng isang
magandang kuwentong hinabi sa pighati at pumipintig na sugat sa puso at
kirot na iniwan ng naglahong pag-asa. “Tunay na pag-ibig? Ha, ha, ha...”

Isang umaga noong nakaraang Hulyo, maagang-maaga akong


dumaan sa inyo. Nais sana kitang yakaging sumama sa Banawa dahil
naanyayahan tayo ng ating mga kaibigan na pumasyal doon at kumain ng
buko. Ang aking naabutan ay si Pepita na nagwawalis sa inyong bakuran.
Tinanong ko siya kung nasaan ka. Di niya ako sinagot, sa halip, siya’y
nagpatuloy sa kanyang pagwawalis. Muli ko siyang tinanong. “Ewan, di ko
alam.” Mabigat ang kanyang tinig at tila matalas ang kanyang pananalita.
Ako’y nagtaka. Ngunit totoong nakaramdam na ako ng kaunting pagbabago
sa kanyang pagtingin sa akin mula nang maitanong niya kung ako’y
nakadama na ng tunay na pag-ibig.

“Pepita, galit ka ba sa akin?” Tiningnan niya ako at pagkuwa’y


tumakbong paakyat ng bahay. Sinundan ko siya. Sa loob, nakita ko siyang
nakapangalumbaba sa isang gilid ng silyang tumba-tumba.

“Sagutin mo ako, Pepita, galit ka ba sa akin?” Hinawakan ko siya sa


balikat at pilit na iniharap sa akin. Ngunit nagmatigas siya. “Pepita, tumingin
ka sa akin. Sabihin mo kung ano ang ikinagagalit mo.”

Tumingala siya at ang kanyang mga mata ang sumagot: “Galit ako
sa iyo, Loloy, galit? Kung marunong ka lang sanang umunawa, di ako
magagalit. Minamahal kita, ngunit di mo ako iniibig. Bakit, di ba ako
nararapat sa iyo? Di ba ako kapantay nina Sonia, Ester, Fe, Prospera at Risa
sa ganda at talino? Sino ka ba na ayaw umibig sa akin? May araw din, Loloy,
na ikaw ang magagalit sa akin. Magsissii ka rin, magsisisi!”

Kami lang ni Pepita ang nasa loob ng bahay.

Isang dumadagundong na baha ang palapit sa akin. Nais ko sanang


tumakbo at umiwas, ngunit huli na. Nahagip ako ng rumaragasang tubig,
natabunan ako at ako’y suminghap-singhap. Di ako makatakas sa
nakakapangilabot na agos na tumangay sa akin. At ako’y inanod... Nais ko
sanang may humarang sa akin na isang timbulang aking mahahawakan
nang di ako matangay sa malayo, ngunit wala akong magawa... Waring
ipinagpalo ang aking katawan ng naglalakihang agod. At ang aking kahinaan
ang tumulong sa paghila sa akin sa ilalim kung saan wala akong makita
kundi kadiliman.

At ngumiti si Pepita.
Valeriano Hernandez Peña (12 Disyembre 1858 - 7 Setyembre 1922)

Si Valeriano Hernandez Peña (ang


Peña ay apelyido ng kanyang ina) ay isinilang
sa nayon ng San Jose, Bulakan, Bulakan
noong 12 Disyembre 1858. Siya ay bunsong
anak nina Marcos Hernandez at Dominga dela
Peña. Ang kanyang ama ay isang platero, at
ang hanapbuhay na ito ang kanyang ginamit
upang maitawid ang kanyang pamilya sa pang-
araw-araw na pangangailangan.

Nagsimulang mag-aral si Tandang Anong (ito ang tawag sa kanya ng


mga kasamahang manunulat sa Muling Pagsilang) ng Kartilya at ang
kanyang naging guro ay ang kanilang kapit-bahay na si G. Marcelino Nuque.
Sa murang edad na sampu ay nakitaan na siya ng pagkahilig sa pagbabasa
at pagsusulat.

Sa nayon ng Matungao, Bulakan, Bulakan ginugol ni Tandang Anong


ang malaking bahagi ng kanyang kamusmusan sa piling ng mga kababatang
sina Gregorio Santillan (ama ng mga manunulat na sina Dr. Jose Santillan at
Dr. Pura Santillan-Castrence), Benito dela Peña, at Mariano Cristobal.

Nagsimula siyang mamasukan bilang kawani ng isang Kapitan


Alvarez sa gulang na labindalawa matapos pumanaw ang kaniyang ama.
Nagsilbi rin siyang kawani ng husgado. Nakasal siya kay Victoria Laktaw,
isang taga-Matungao sa gulang na 45, subalit ang mag-asawa ay hindi
pinalad na mabiyayaan ng anak.
Nagsimula siyang sumulat sa pahayagang El Renacimiento Filipino
(Muling Pagsilang) na pinamatnugutan ni Jose Palma at sa pahayagang
Taliba kung saan inilathala ang kanyang pitak na Buhay Maynila na nasalin
kay Huseng Batute matapos na siya ay pumanaw. Sa mga pahayagang ito
nakilala ang kanyang angking husay sa pagsulat. Maliban sa mga tula,
sumulat din siya ng mga nobelang inilabas ng serye sa Seccion Tagala ng
Muling Pagsilang. Dito iniluwal ang kanyang mga unang nobela na sa
kalaunan ay naging panulukang bato ng mga akdang prosa ng mga
sumunod na panahon.

Inihambing si Tandang Anong ni Bb. Mona P. Highley, propesora ng


Kagawaran ng Ingles sa Pamantasan ng Pilipinas sa mandudulang Ingles na
si Shakespeare. Sila ay kapwa tagahawan ng kani-kanilang panitikang
kinabibilangan. Na mula sa Edad Media ay ipinakilala ni Shakespeare ang
isang bagong anyo ng panitikan, gayon din naman ginamit ni Tandang
Anong ang isa bagong anyo sa panahong ang Tagalog ay hindi gaanong
ginagamit dahil sa malawakang paggamit ng Kastila at ang pagdating ng
wikang Ingles.

Sa Muling Pagsilang, nakasama ni Tandang Anong ang mga kilalang


manunulat na gaya nina Lope K. Santos, Faustino Aguilar, Andres Rivero,
Carlos Ronquillo, at iba pa. Kilala sa taguring Ama ng Nobelang Tagalog,
itinuturing na obra maestra niya ang Kasaysayan ng Magkaibigang si Nena
at si Neneng (1905), bagamat iniluwal din ng kanyang panitik ang iba pang
mga nobela tulad ng: Pagluha ng Matuid (1899), Mag-inang Mahirap
(dalawang bahagi – 1905 at 1906), Hatol ng Panahon (1909), Pahimakas ng
Isang Ina (1914), Unang Pag-ibig (1915), Dangal ng Magulang (1920), at iba
pa, gayundin ang mga maiikling kuwento at mga tula.

Pumanaw ang dakilang alagad ng sining noong 7 Setyembre 1922 at


inilibing sa kanyang pinagmulang bayan ng Bulakan, Bulakan.

Sa kasalukuyan, ang ilang mga kagamitan ng manunulat (pluma,


orihinal na kopya ng patente ng nobelang Si Nena at Si Neneng, at iba pa) at
dalawang sipi ng El Renacimiento Filipino (1910 at 1911) ay nasa pag-iingat
ni G. Jaime Villafuerte Jr. ng Matungao, Bulakan, Bulakan, na apo niya sa
talampakan sa kanyang pamangkin na si Maria.
Buod ng Kasaysayan ng Pagkakaibigan nina Nena at
Neneng ni Valeriano Hernandez Peña

Si Nena at Neneng ay matalik na magkaibigang dalaga na parang


kapatid na ang tratuhan. Ang unang pagsubok sa pagkakaibigan ay
nagsimula nang magkaroon ng tinginan sina Nena at ang kilalang babaero't
mapaglaro sa damdamin na si Miguel- sinumbong ni Neneng kay Aling
Anday, pinarusahan si Nena, at sa gitna ng paghuhumigpit ng ale, hiningi
nito ang kamay ni Miguel sa kasal. Nagkabalikan ang dalawang dalaga nang
maipakita ni Neneng kay Nena si Miguel na kasama na si Chayong. Si
Chayong ay may dalawang lalaking kinaguguluhan sa buhay- si Miguel na
naiipit sa dalawang dalaga, at ang pinsan nitong si Narciso na mas pabor sa
kanya ang pamilya ni Chayong, matino't matalino, at saka dati nang minahal
ni Chayong. Ang kuwento'y lumalim lalo nang magkatitigan nang iba si
Neneng na papunta kay Chayong at si Narciso na paalis, at pagkatapos,
nang inilahad ni Miguel kay Chayong ang kanyang tuluyang paglimot kay
Nena. Lalo pang lumalim ito nang mamatay ang asawa ni Aling Anday kung
kaya't naghiwalayan ang magkaibigan. At sunud-sunuran ang mga
pangyayaring naganap na sila ring nagbago ng direksyon ng buhay nilang
lahat. Lumalim ang pagkakaibigan tungo sa pagmamahalan at pagpapakasal
nina Nena at Deogracias- ang kanyang kalaro't parang kapatid sa lalawigan
noong lumalaki pa sila. Ganun din halos para kina Narciso't Neneng- sa
pagkikilala ni Narciso kay Pepe hanggang sa matamis na pagdedeklara ng
mga nararamdaman para sa isa't isa. Ang kina Miguel at Chayong nama'y
nauwi sa bigo. Nagtanan ang dalawa, nawalan ng puri si Chayong,
nadiskubre sila ng magulang ng babae, pinaghiwalay, at nang nalamang
buntis ang anak, pinakulong sa bilibid si Maiguel. Nalaman ni Miguel kay
Narciso ang tungkol sa anak nitong Narciso rin ang ngalan, ngunit di na ito
nakapagsilbi bilang ama ng sanggol nang siya'y mamatay sa bilangguan. Sa
kabilang panig naman ng kwento'y muling sinasamahan ang dalawang pares
na sina Nena't Deogracias at sina Neneng at Narciso- mula sa pagbisita ng
mga taga-lalawigan sa Maynila na ikinasaya ng dalawang dalaga't dito
binalita ang mangyayaring pag-iisang dibdib nina Nena't Deogracias at ang
kasal nila sa Bulacan, hanggang sa mga pagsubok sa relasyon nina Neneng
at Narciso nang tumakas sila galing sa Misa de Gallo, at nang malaman ni
Neneng ang pagbibisita ni Narciso kay Chayong sabay pagtanto sa mga
maliliit na sinungaling ni Narciso. Lumbay muli ang napupuna kay Chayong
na sawi sa pagibig hindi lamang kay Miguel kundi na rin kay Narciso, at
ngayo'y may alaga pang sanggol. Natatapos ang kwento niya sa paglalayas
mula sa malulupit na magulang, sa pagkahanap ng matutuluyan kina Pepe at
Neneng, at sa tuluyang pagkasawi nangikasal na si Narciso. At ang kwento
naman nila Neneng at Narciso y mas-hihigit pa bilang trahedya nang ang
kaguluha y magsimula sa isang liham mula kay Isko na siyang isang munting
taga-hanga na may pagtingin kay Neneng noong kasal pa ni Nena sa
Bulacan. Datapwat nakasal na ang dalawa y di nagtagal bago magulo ni Isko
sa pamamagitan ng mga liham at pagkulit sa kanila ang kanilang pagiging
mag-asawa. Dahan-dahan na rin pumasok ang samu t saring mga tanong at
duda sa noong una y masayang pagiisang dibdib. At dahil sa liham na rin, na
nakalimutan lamang ni Neneng nang pumanaw si Pepe, umalis si Narciso
dahil sa kanyang isipa y hindi na tapat ang pagibig ni Neneng sa kanya, na
naging sanhi na rin ng pagkasakit na malubha ni Neneng. Nang makumpleto
na ang mga huling habilin at nasabi na sa kaibigan ang mga lihim na tira y
hindi na nagtagal bago pumanaw si Neneng, at nang malaman na ito ni
Narciso na nais na sanang makipagbalikan kay Neneng,dir in nagtagal bago
namatay na rin siya.

Lópe K. Sántos (25 Setyembre 1879 - 1 Mayo 1963)

Si Lópe K. Sántos ay pangunahing


manunulat at makata, lingguwista, at lider
manggagawa.

Noong 1900, nagsimula si Santos


bilang peryodista sa iba’t ibang diyaryo
hanggang maging editor ng Muling Pagsilang,
Lipang Kalabaw, at iba pa. Nakapagsulat si
Santos ng sampung tomo ng mga tula.
Kasáma sa mga itinuturing na mahahalagang koleksiyon niyá ang Puso at
Diwa(1908), Mga Hamak na Dakila(1945), Ang Diwa ng mga Salawikain
(1953), at ang tulang pasalaysay na Ang Pangginggera (1912). Sa anim na
nobela niyá, tampok ang Banaag at Sikat (1906), na may diwaing sosyalista.

Isa rin siyáng kritiko ng panitikan. Kabílang sa pinakamahahalaga


niyáng kritisismo ang “Peculiaridades de la poesia Tagala” (1929), “Tinging
Pahapyaw sa Kasaysayan ng Panitikang Tagalog,” “Ang Apat na Himagsik ni
Balagtas” (1955). Malaki rin ang naging ambag ni Santos sa pagtataguyod
ng wikang pambansa. Naging direktor siyá ng Surian ng Wikang Pambansa
at awtor ng Balarila ng Wikang Pambansa na naging opisyal na teksbuk sa
pagtuturo ng wikang Tagalog.

Naging aktibo rin si Santos sa politika. Naging gobernador siyá ng


Rizal, unang gobernador ng Nueva Vizcaya, at senador ng ika-12 distrito.
Bilang senador, inakda niyá ang Araw ni Bonifacio at mga batas para
mapabuti ang kalagayan ng mga manggagawa. Kasáma rin siyá ni Isabelo
de los Reyes na nagtatag ng Union Obrera Democratica(1902). Naging
pangulo rin siyá ng Union del Trabajo de Filipinas, tagapagtatag at pangulo
ng Congreso Obrero.

Ipinanganak siyá noong 25 Setyembre 1879 sa Pasig, Rizal. Anak


siyá nina Ladislao Santos at Victoria Canseco (nang lumaon, babaybayin ni
Santos ang Canseco gamit ang titik K). Napangasawa niyá si Simeona
Salazar. Maagang natuto si Santos ng pag-iimprenta sa kaniyang amang
nagtatrabaho sa isang imprenta. Nag-aral siyá sa Escuela Normal Superior
de Maestros at Escuela de Derecho sa Maynila at natamo ang kaniyang
batsilyer sa sining mula sa Colegio Filipino. Namatay siyá noong 1 Mayo
1963

Buod ng Banaag at Sikat Ni Lope K. Santos

Ang buod ng kasaysayan ng Banaag at Sikat ay lumiligid sa mga


adhikain at paninindigan ng dalawang magkaibigang sina Felipe at Delfin. Si
Felipe ay anak ng isang mayamang presidente ng isang bayan sa Silangan.
Dahil sa kanyang pagkamuhi sa mga paraan ng pagpapayaman ng kanyang
ama at sa kalupitan nito sa mga maralitang kasama sa bukid at sa mga
utusan sa bahay ay tinalikdan niya ang kanilang kayamanan, pumasok na
manggagawa sa isang palimbagan, at nanligaw sa isang maralita ngunit
marangal na dalaga, si Tentay. Samantala, siya’y nakatira sa isang bahay ng
amang-kumpil na si Don Ramon sa Maynila. Ang mga paraan ni Don Ramon
sa pagpapayaman, ang kanyang mababang pagtingin sa mahihirap at ang
pag-api niya sa mga pinamumunuan ay nakapagpalubha sa pagkamuhi ni
Felipe sa lahat ng mayayaman at nagpapatibay sa kanyang pagiging
anarkista.

Pinangarap niya ang araw na mawawala ang mga hari, punumbayan


at alagad ng batas, ang lahat ng tao’y magkakapantay-pantay at
magtatamasa ng lubos na kalayuan at patas na ginhawa sa buhay. Nang
pilitin ng ama na umuwi sa kanilang bayan, siya’y sumunod. Subalit itinuro
niya sa mga kasama sa bukid at sa mga katulong sa bahay ang kanilang
karapatan. Sa galit ng ama, siya’y pinalayas at itinakwil bilang anak. Nagbalik
siya sa dating pinapasukan sa Maynila at hinikayat si Tentay na pumisan sa
kanya kahit di kasal, sapagkat tutol siya sa mga seremonyas at lubos na
naniniwala sa malayang pag-ibig. Si Delfin ay hindi anarkista kundi
sosyalista. Hindi niya hinangad na mawala ang pamahalaan ngunit katulad ni
Felipe ay tutol siya sa pagkakaipon ng kayamanan sa ilang taong
nagpapasasa sa ginhawa samantalang libu-libo ang nagugutom, nagtitiis at
namamatay sa karalitaan. Tutol din siya sa pagmamana ng mga anak sa
kayamanan ng mga magulang. Siya’y isang mahirap na ulilang pinalaki sa
isang ale (tiya). Habang nag-aaral ng abogasya ay naglilingkod siya bilang
manunulat sa isang pahayagan. Kaibigan siya at kapanalig ni Felipe,
bagamat hindi kasing radikal nito. Nais ni Felipe ang maagang pagtatamo ng
kanilang layunin, sukdang ito’y daanin sa marahas na paraan, samantalang
ang hangad ni Delfin ay dahan-dahang pag-akay sa mga tao upang mapawi
ang kamangmangan ng masa at kasakiman ng iilang mayayaman, sa
pamamagitan ng gradwal na pagpapasok sa Pilipinas ng mga simulain ng
sosyalismo. Si Don Ramon ay may dalawang anak na dalaga at isang anak
na lalaking may asawa na. Ang mga dalaga’y sina Talia at Meni. Si Talia ay
naibigan ng isang abogado, si Madlanglayon. Ang kasal nila’y napakarangal
at napakagastos, isang bagay na para kina Felipe at Delfin ay halimbawa ng
kabukulan ng sistema ng lipunan na pinangyayarihan ng mayayamang
walang kapararakan kung lumustay ng salapi samantalang libu-libong
mamamayan ang salat

na salat sa pagkain at sa iba pang pangunahing pangangailangan sa


buhay. Sa tulong ni Felipe noong ito’y nakatira sa bahay ni Don Ramon,
nakilala at naibigan ni Delfin si Meni. Si Don Ramon ay tutol sa pangingibig ni
Delfin sa kanyang anak; dahil ito’y maralita, at ikalawa, dahil tahasang
ipinahayag nito ang kanyang pagkasosyalista sa isang pag-uusap nilang
dalawa sa isang paliguan sa Antipolo. Ang pagtutol na ito ay walang nagawa.
Nakapangyari ang pag-ibig hanggang sa magbinhi ang kanilang
pagmamahalan. Nang mahalata na ni Talia at ni Madlanglayon ang
kalagayan ni Meni, hindi nila ito naipaglihim kay Don Ramon. Nagalit si Don
Ramon; sinaktan nito si Meni at halos patayin. Sa amuki ni Madlanglayon,
pumayag si Don Ramon na ipakasal si Meni kay Delfin, Subalit nagpagawa
ng isang testamento na nag-iiwan ng lahat ng kayamanan sa dalawa niyang
anak; si Meni ay hindi pinagmanahan.

Si Meni ay nagtiis sa buhay-maralita sa bahay na pawid na tahanan


ni Delfin. Paminsan-minsan, kung mahigpit ang pangangailangan, nagbibili
siya ng mga damit o nagsasangla ng kanyang mga alahas noong dalaga pa.
Ito’y labis na dinaramdam at ikinahiya ni Delfin at ng kanyang ate, subalit
wala naman silang maitakip sa pangangailangan. Sa simula, si Meni ay
dinadalaw ng dalawang kapatid, lalo na si Talia, at pinadadalhan ng pera at
damit. Subalit ang pagdalaw ay dumalang nang dumalang hanggang
tuluyang mahinto, ay gayon din ang ipinadadalang tulong. Samantala, si Don
Ramon, sa laki ng kanyang kahihiyan sa lipunan dahil sa kalapastangang
ginawa ni Meni at ni Delfin, ay tumulak patungong Hapon, Estados Unidos at
Europa, kasama ang isang paboritong utusan. Wala na siyang balak bumalik
sa Pilipinas. Nakalimutan niya ang pagwasak na nagawa niya sa karangalan
ng maraming babae na kanyang kinasama; ang tanging nagtanim sa
kanyang isip ay ang pagkalugso ng sariling karangalan sa mata ng lipunan
dahil sa kagagawan ni Meni. Samantala, nagluwal ng isang sanggol na lalaki
si Meni. Sa pagnanais na makapaghanda ng isang salu-salo sa binyag ng
kanyang anak, susog sa mga kaugalian, si Meni ay nagsangla ng kanyang
hikaw, sa kabila ng pagtutol ni Delfin na tutol sa lahat ng karangyaan. Ang
ninong sa binyag ay si Felipe na hindi lamang makatanggi sa kaibigan,
subalit kontra rin sa seremonyas ng pagbibinyag. Bilang anarkista ay laban
siya sa lahat ng pormalismo ng lipunan. Sa karamihan ng mga pangunahing
dumalo, kumbidado’t hindi, ay kamuntik nang kulangin ang handa nila Delfin,
salamat na lamang at ang kusinero ay marunong ng mga taktikang
nakasasagip sa gayong pangyayari. Ang kasiyahan ng binyagan ay biglang
naputol sa pagdating ng isang kablegrama na nagbabalitang si Don Ramon
ay napatay ng kanyang kasamang utusan sa isang hotel sa New York. Nang
idating sa daungan ang bangkay, sumalubong ang lahat ng manggagawa sa
pagawaan ng tabako sa atas ni Don Felimon, kasosyo ni Don Ramon, na
nagbabalang hindi pasasahurin sa susunod na Sabado ang lahat ng hindi
sasalubong.

Kasama sa naghatid ng bangkay sa Pilipinas si Ruperto, ang kapatid


ni Tentay na malaon nang nawawala. Pagkatapos makapaglibot sa Pilipinas,
kasama ng isang Kastilang kinansalaan niya sa maliit na halaga, siya’y
ipinagbili o ipinahingi sa isang kaibigang naglilingkod sa isang tripulante.
Dahil dito, nakapagpalibot siya sa iba’t ibang bansa sa Aprika at Europa, at
pagkatapos ay nanirahan sa Cuba at California, at sa wakas ay namalagi sa
New York. Doon siya nakilala at naging kaibigan ng utusang kasama ni Don
Ramon na naninirahan sa isang hotel na malapit sa bar na kanyang
pinaglilingkuran. Si Ruperto ang nagsabi kay Felipe na kaya pinatay si Don
Ramon ay dahil sa kalupitan nito sa kanyang kasamang utusan. Ang libing ni
Don Ramon ay naging marangya, kagaya ng kasal ni Talia. Hanggang sa
libingan ay dala-dala pa ng mayamang pamilya ni Don Ramon ang ugali ng
karangyaan ng pananalat at paghihirap ng maraming mamamayan. Sa
libingan ay Naiwan sina Delfin at Felipe na inabot ng talipsilim sa
pagpapalitan ng kuro-kuro at paniniwala. Naalaala ni Felipe ang kaawa-
awang kalagayan ng mga kasama’t utusan ng kanyang ama. Nasambit ni
Delfin ang kawalang pag-asa para sa maralitang mga mamamayan habang
namamalagi sa batas ang karapatan ng mga magulang na magpamana ng
yaman at kapangyarihan sa mga anak.

Nagunita nila ang laganap na kamangmangan at mga pamahiin, ang


bulag na pananampalataya. Kakailanganin ang mahaba at walang hanggang
paghihimagsik laban sa mga kasamang umiiral. Marami pang bayani ang
hinihingi ang panahon. Kailangang lumaganap ang mga kaisipang sosyalista,
hindi lamang sa iisang bansa kundi sa buong daigdig bago matamo ang
tunay at lubos na tagumpay. Napag-usapan nina Felipe at Delfin ang
kasaysayan ng anarkismo at sosyalismo – ang paglaganap nito sa Europa,
sa Aprika, at sa Estados Unidos. Sinabi ni Felipe na ang ilang buhay na
napuputi sa pagpapalago ng mga ideyang makamaralita ay kakaunti kung
ipaparis sa napakamaraming tao na araw araw ay pinahihirapan. Subalit
matigas ang paninindigan ni Delfin laban sa ano mang paraang magiging
daan ng pagdanak ng dugo. Sa kabila ng pagkakaibang ito ng kanilang
paninindigan ay nagkaisa sila sa pagsasabi, sa kanilang pag-alis sa libingan,
noong gumagabi na, “Tayo na: iwan nati’t palipasin ang diin ng gabi.

Severíno Réyes (11 Pebrero 1861–15 Setyembre 1942)

Si Severíno Réyes ay isang mandudula, direktor, at mangangatha.


Kinikilala siyá bilang “Ama ng Sarsuwelang Tagalog.” Unang dula na isinulat
ni Reyes ay ang R.I.P. (1902). Naging
mapanuri ito sa komedya, ang anyong
pandula na popular noon. Kasunod nitó,
isinulat at idinirihe niyá ang Walang Sugat,
isang naging bantog na sarsuwela.

May naitalang 26 sarsuwela at 22


dramang naisulat si Reyes. Kabílang sa mga
sarsuwelang ito ang Minda Mora(1904),
Filipinas para los Filipino (1905), Ang
Pagbibili ng Pilipinas sa Hapon (1906), Ang Bayani ng Puri (1922) at Ang
Puso ng Isang Pilipina (1923). Ilan naman sa mga dramang naisulat niyá ang
Sigalot ng mga Filipino at Americano1898 (1910) at Ang Sigaw ng
Balintawak (1911). Inorganisa rin niyá ang Gran Compania de la Zarzuela
Tagala noong 1902 para itanghal ang kaniyang mga dula sa mga teatro ng
Maynila at iba pang entablado sa mga kalapit na lalawigan.

Nang nagbukas ang Liwayway noong 1923, si Reyes ang naging


unang patnugot nitó at sinasabi na lumaki ang sirkulasyon ng magasin dahil
sa kaniyang seryeng Mga Kuwento ni Lola Basiang. Mga kuwento ito ng ka
babalaghan at hango sa mga lumang alamat at metriko romanse na naging
popular noong panahon ng Español. Bukod sa ipinalibro noong 1975 at
1976, ginamit din ito na serye sa radyo.

Isinilang siyá noong 11 Pebrero 1861 kina Rufino Reyes, isang


eskultor, at Andrea Rivera. Napangasawa niyá si Maria Paz Puato at
nagkaroon sila ng 17 anak. Una siyáng nag-aral kay Catalino Sanchez, at
nagtapos ng sekundarya at ng batsilyer sa sining sa Colegio de San Juan de
Letran, at pilosopiya at literatura sa Unibersidad ng Santo Tomas.

Nang sumiklab ang digmaan noong 1896, inaresto siyá ng mga


Español at ikinulong sa Fort Santiago. Ngunit nakalaya rin siyá dahil sa
husay niyáng mag-Español.
Buod ng Walang Sugat Ni Severino Reyes

Biglang dumating si Lucas at nagulat ang magkasintahang sina Julia


at Tenyong. Ibinalita ni Lucas na nadakip ang kaniyang ama at
napagbintangan itong isang tulisan. Pinaslang na rin ito ng mga dumakip.

Dahil dito, minarapat nina Tenyong at Lucas na gumanti para sa


namayapang ama. Tutol naman sina Julia at Kapitana Puten sa naising ito ni
Tenyong. Gayunman, walang nakapigil sa naghihimagsik na si Tenyong.

Nagkahiwalay ang dalawa dahil sa kagustuhang lumaban. Kalaunan


ay mayroong nanligaw na ibang lalaki kay Julia. Siya si Miguel. Ito naman ay
sinagot ni Julia at itinakda na ang kanilang kasal.

Nagpadala ng liham si Julia kay Lucas upang ipabatid kay Tenyong


na siya ay ikakasal na. Ngunit hindi nasagot ni Tenyong ang sulat dahil abala
sa digmaan. Pinaabot na lamang niya kay Julia na dadalo siya sa kasal.

Sumapit ang araw ng kasal. Napilitan na si Julia na magpakasal kay


Miguel. Bago mag-umpisa ang seremonya ay dumating ang duguang si
Tenyong.

Nanghihina na ito kaya naman tinawag na ang pari upang


mangumpisal. Hiling ni Tenyong na ikasal siya kay Julia bago bawian ng
hininga.

Pumayag naman sina Miguel at pamilya nito dahil mamamatay


naman na raw si Tenyong. Pero matapos ang sermonya, bumangon si
Tenyong. Nagpanggap lang pala itong napahamak, pero wala itong sugat.
Naisahan niya ang lahat!

Alam mo ba..
Ang mga dulang “Kahapon, Ngayon, at Bukas”ni Aurelio
Tolentino, “Tanikalang Ginto” ni Juan Abad at “Hindi Ako
Patay” ay ilan sa mga dulang ipinagbawal ng Estados Unidos
sa Pilipinas noon sapagkat ito raw ay sedisyoso at nag-uudyok
ng pag-aaklas.
REPLEKSIYON

Pangalan:__________________________________ Marka:__________

Kurso/Seksiyon:____________________________ Petsa: __________

Panuto: Mula sa mga nabasang akda, pumili ng 1 teksto at talakayan kung


paano ang isyung panlipunan noon ay nararanasan pa rin. Ano ba ang
dapat nating punahin sa mga sarili natin bilang isang mamamayan.

Ang akdang aking napili ay Si Binibining Phathupats ni Juan Crisostomo


Sotto, Ang akdang Si Binibining Phathupats ay nagbibigay aral sa mga taong
pinipiling limutin ang kanilang kinagisnan upang makibagay sa iba. Nais iparating
ng akda ang maaring mangyari sa oras na kalimutan natin ang ating nakaraan.
Nakaraang napakahalaga sa ating buhay. Ang kwento ay puno ng aral na
madadala natin bilang gabay sa ating hinaharap.

Ang sinumang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa


paroronan, ito ay isang kasabihang aking napatunayan nang basahin ko ang
akdang Si Binibining Phathupats. Ang ating pinagmulan ang bumubuo sa kung
anong mayroon tayo ngayon. Hindi dapat limutin ng isang tao ang kanyang
nakaraan dahil ito ang magsisilbi niyang aral at gabay sa kanyang hinaharap.
Kung magtagumpay ka man sa buhay kailangan mong magpakumbaba at
pasalamatan ang mga tao at bagay sa likod ng iyong tagumpay.

Lahat tayo ay dapat mahubog mula sa ating mga karanasan. Kung may
mali tayong nagawa ay hindi pa huli ang lahat upang tayo ay magbago.   Lagi
nating alalahanin na matututo tayo mula sa ating mga pagkakamali. Huwag dapat
nating kalimutang magpasalamat sa mga tao nating nakilala at huwag nating
iwaglit ang mga karanaasan sa nakaraan. Ang mga aral mula sa nakaraan ang
magdidikta kung ano ang mangyayari sa ating kinabukasan.

PAGTATASA

Pangalan:__________________________________Marka:_____________

Kurso/Seksiyon:____________________________Petsa:______________

Panuto: Mula sa mga nabasang akda sa panahon ng okupasiyon ng mga


amerikano sa Pilipinas. Isulat mo kung paano ipinakita ng mga akdang ito
kung ano ang lipunan na mayroon tayo mula noon hanggang sa
kasalukuyan.
 Noon ay maraming Pilipino ang inaalila at ginagawang kasambahay dahil
marami ang mga hindi nakapasok at nakapagtapos ng eskwela kaya’t sa
maagang edad ay nagtatrabaho na sila upang may makain, ngunit ngayon ay
marami ng nangyari sa ating bansa tayo’y nakakapag-aral at nakakapagtapos
na ng libre sa ibang paaralan at nakakahanap na tayo ng mga trabaho na
maganda nakakain at nakakabili na tayo ng mga bagay na nais nating
makuha.

II. Sumulat ng isang maikling paghahambing tungkol sa kung paano tayo


pilit na pinatatahimik at binubusabos noon at ngayon.

Noon Ngayon

Noon ay wala halos mga pinag Ngayon hindi na tayo nagpapaapi


aralan ang ating mga kapwa at lumalaban na kung ano ang
Pilipino kaya’t sila inaapi tama dahil may alam at
nakakapag-aral na tayo.
Noon ay maraming umaangkin sa
ating lupain Ngayon ay halos wala ng
mananakop dahil alam na nilang
Noon ay wala pang mas advance may alam na tayo at hindi na nila
na teknolohiya kaya’t hindi tayo tayo basta basta maloloko.
agad makapagsumbong tuwing
kailangan natin ng tulong dahil Ngayon ay halos lahat na ng mga
tanging mayayaman lamang ang tao ay may cellphone, laptop at
may telepono at ang ginagamit iba pang mga gadgets na
lamang natin upang maipahatid pwedeng magamit upang ikaw ay
ang ating hinaing ay sa makahingi nng tulong.
pamamagitan ng pagsulat ng
liham.
Talasanggunian:

● LALU-SANTOS, CORAZON - “Kambal na Disyerto: Ang


Kolonyal na Kanon at Komeryalismo at ang panimulang
pagpapaagos ng mga agos sa disyerto” - Ateneo de Manila
University
● Cultural Center of the Philippines Encyclopedia
(https://nlpdl.nlp.gov.ph/CC01/home.htm)
● Cebuano Studies Center - University of San Carlos
(www.cebuanostudiescenter.com)
● CulturEd Philippines (https://philippineculturaleducation.com.ph)
● Sagisag Kultura
● World PDF (https://pdfslides.tips)
● Philippine Ejournals (https://ejournals.ph/)

You might also like