You are on page 1of 8

MODYUL SA FILIPINO 8

Kwarter Ikatlo Bilang ng Modyul Ikatlo


Linggo at
Ikapito / Guro Gng. Abegail S. Cabral
Petsa

A. Pamantayang naipamamalas ng mag-aaral ang pang-unawa sa kaugnayan ng


I. Nilalaman
LAYUNIN NG MODYUL panitikang popular sa kulturang pilipino
Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng kampanya tungo sa
B. Pamantayang
panlipunang kamalayan sa pamamagitan ng multimedia (Social Media
Pagganap
Awareness Campaign)
Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
 nagagamit ang iba’t ibang estratehiya sa pangangalap ng mga
ideya sa pagsulat ng balita, komentaryo, at iba pa
 naiisa-isa ang mga positibo at negatibong pahayag
 naiuugnay ang balitang napanood sa balitang napakinggan
 nasusuri ang mga hakbang sa pagbuo ng isang kampanyang
C. Mga kasanayang panlipunan ayon sa binasang mga impormasyon
Pampagkatuto  naipaliliwanag ang mga salitang angkop na gamitin sa pagbuo
ng isang kampanyang panlipunan
 nakasusulat ng isang malinaw na social awareness campaign
tungkol sa isang paksa na maisasagawa sa tulong ng
multimedia*
 nagagamit ang angkop na mga komunikatibong pahayag sa
pagbuo ng isang social awareness campaign
Aralin 3: Pananakit sa bata bilang Pagdidisiplina, Dapat Bang ipagbawal
Panitikan: 3.1 Dokumentaryong Pantelebisyon
a. Paksa
Wika at Gramatika: 3.2 Mga Hakbang sa Pagsulat ng Social Awareness
Campaign
 Julian, Baisa Ailene, Lontoc, Nestor S., Jose Carmela Esguerra,
Dayag Alma M. Pinagyamang Pluma.Phoenix Publishing House inc.,
Pahina
b. Sanggunian  https;///www.gooIe.com7filipinobanawan.wordpress.com
 htt ;//fili inomatuto.word ress.com
 https://filipinomatuto.wordpress.com/tag/dokyumentaryong-
pantelebisyon/
II. POKUS AT TALAAN NG SANGGUNIAN

a. Motibasyon/Pokus na Tanong

PAGNILAYAN MO!!!
 Sa paanong paraan dapat idisiplina ang bata?
 Paano nakatutulong ang isang dokumentaryo sa pamumuhay ng tao o
kalagayan ng tao?

III. 1 | FNILALAMAN
O R V C A S TNG
U DPAGKATUTO
E N T S O N L Y . R e p r o d u c ti o n o f t h i s m o d u l e i s
prohibited.
b. Mga Bokabularyong Salita

 Telebisyon- isang sistemang telekomunikasyon para sa pagpapahayag


at pagtanggang ng mga gumagalaw na mga larawan at tunog
 Dokumentaryo-Kuwentong nakabase sa buhay ng isang tao.
 Social Media- Ito ay tumutukoy sa Sistema ng pakikipag-ugnayan sa
mga tao na kung saan ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng
impormasyon at mga ideya sa isang virtual na komunidad at network.
c. Lektura/Diskusyon

Alam mo ba…
Itinuturing na isa sa mga pangunahing midyum ng
telekomunikasyon ang telebisyon sa pilipinas.
Taong 1953 nang maitayo sa bansa ang kauna-
unahang estasyon ng telebisyon sa pangunguna ni James
Lidenberg na tinaguriang "Ama ng Telebisyon sa Pilipinas".
Siya ang may-ari ng Bolinao Electronics Incorporation na
kalaunan ay nakilala sa pangalang Alto Broadcasting
EN.WIKIPEDIA.COM
System o ABS. Naipakilala Ang telebisyon sa bansa noong
1953 nang simulang ipalabas ng ABS sa Maynila ang DZAQ-TV.
Pagkalipas NG ilang taon ay nabili ng Chronicle Broadcasting Network
(CBN) na pag-aari nina Eugenio at Fernando Lopez ang ABS kung kaya
naitatag ang ABS-CBN Network. Ito ang pinakamatanda at nangungunang
television network sa bansa. May islogan itong "In the Servive of the
Filipino"
Sa kasalukuyan, bukod sa ABS-CBN, na isang malaking estasyon
ng telebisyon sa bansa ay nabuo rin ang DZBB TV Channel 7 na mas
kilala ngayon bilang GMA Network. Itinayo ito ng isang residenteng amerikano sa
EN.WIKIPEDIA.COM
Pilipinas na nagngangalang Bob Sterwart noong 1960. Kllala ang estasyong ito sa
isiogang " Kapuso, anumang kulay ng buhay". Sa parehong taon ay nabuo rin ang
isa pang estasyon, ang TV5 na dating kilala sa pangalang ABS 5 na pag-aari ng
MediaQuest Holding Inc. Ito may islogang "Para sa iyo,
Kapatid". Ang Telebisyon ang midyum ng telekomunikasyon
na naghahatid ng mga gumagalaw na imahe na maaring
EN.WIKIPEDIA.COM
monochrome o colored mayroon o walang tunog. Ayon sa
isang sarbey ng AGB Nielsen, telebisyon ang pangunahing
pinagkukunann ng mga balita. May higit 2000 estasyon na rin
ang umeere dito sa bansa kasama sa kapisanan ng mga
Broadkaster sa Pilipinas (KBP) na karamihang pagmamay-ari ng tatlong
pinakamalalaking network sa Pilipinast GMA, ABS-CBN at TV5.

Pananakit sa bata bilang pagdesiplina, dapat bang ipagbawal?

NEWS

PANANAKIT SA BATA BILANG PAGDESIPLINA, DAPAT BANG IPAGBAWAL?


Published October 5, 2011 9:32pm

MANILA – Sinusulong ng isang konsehal sa Quezon City ang isang ordinansang nagbabawal sa
pananakit ng bata bilang paraan ng pagdesiplina. Sa ulat ni Kara David para sa Balitanghali nitong
Miyerkules, sinabing balak ihain ni Quezon City Councilor John Ansell de Guzman ang isang
ordinansang maaaring magpakulong sa mga magulang, guro, yaya, guardian, at iba pang
nakatatanda na gumagamit ng corporal punishment o pananakit para madesiplina ang bata. Sa
ilalim ng ordinansa, matatawag na corporal punishment ang pamamalo, panununtok, pananadyak,
2 | F O R V C A S T U D E N T S O N L Y . R e p r o d u c ti o n o f t h i s m o d u l e i s
paggamit ng iba't ibang bagay tulad ng baston, sapatos, sinturon at iba pa. Bawal din ang
prohibited.
pamimingot, pananabunot, pangungurot at pagpilipit ng kamay. Ganoon din ang mga parusang
pagpapaluhod sa asin, pagkulong, pagkakait ng pagkain, pagtali, pagbitin at iba pang gawaing
nakasasakit sa bata. Maging ang paninigaw, pagmumura, pagpapahiya at pagbabanta ay balak
ding ipagbawal sa ihahaing panukala. Ang mga lalabag ay maaaring makulong ng 'di hihigit sa
anim na buwan o magmumulta ng P1,000. Nagpahayag naman ng pangamba ang ilan-- pati ang
mga guro-- sa naturang panukalang ordinansa. Baka raw lalong maging pasaway ang mga bata
dahil dito. "Ang fears namin, kaunting taas ng boses namin, mayroong batang kakasuhan ka agad.
Na-diminish ang aming authority at saka baka masobrahan ang karapatan ng bata na hindi na
alam 'yung responsibilidad nila," paliwanag ni Evangeline Abubukar sa Balitanghali. Sang-ayon
naman ang non-governmental organization na Plan International sa ordinansa. Naniniwala ang
grupo na kapag sinaktan ang bata, matututo rin itong manakit. "The problems of bullying, the
problems of children in conflict with the law, various problems involving children are related to their
experiences at home. They have experienced some sort of violence in their homes," pahayag ni
Airah Cadiogan, media relations at anti-corporal punishment project campaign coordinator ng Plan
International. Magkakaiba naman ang pananaw ng ilang magulang sa naturang ordinansya.
"Papangaralan mo siya, huwag papaluin kasi magiging rebelde ang bata," ayon sa isang
magulang. Ngunit hirit naman ng isa pang magulang: "Kapag hindi patikimin ang bata ng pagkurot
ng kaunti, hindi rin matauhan ang bata. Kailangan din mayroong respeto ang bata sa magulang,
ang magulang din, respeto rin ang mga anak." Ipinaliwanag naman de Guzman, na hindi kaagad
ikukulong ang lalabag sa ordinansya. Isasailalim umano muna ang guro o magulang sa counseling
at assessment. Sa talaan ng UNICEF, 60 porsiyento ng mga ina sa Pilipinas ay umamin na
pinaparusahan nila ang mga anak. Sa naturang bilang 3 porsiyento ang gumagamit ng matinding
pananakit. Sa isang pag-aaral naman, lumalabas na 82 porsiyento ng mga bata sa Pilipinas ang
nakaranas nang pisikal na pananakit sa kamay ng kanilang magulang.

- Amanda Fernandez/FRJ, GMA News


Tags: childabuse, corporalpunishment
Aralin 3.1 Dokumentaryong Pantelebisyon
Ang t e l e b i s y o n   ang midyum ng telekomunikasyon na naghahatid ng
mga gumagalaw na imahe na maaaring monochrome o colored, mayroon o
walang tunog.
Ang dokyumentaryo ay isang programa sa telebisyon o pelikula na
naglalahad ng mga katotohanan at impormasyon tungkol sa isyu o
problemang panlipunan, politikal o historikal. Nilalayon ng dokyumentaryo CLIPART.LIBRARY.COM
na irekord ang ilang aspeto ng katotohanan para makapagbigay ng aral o
makagawa ng isang pangrekord ng kasaysayan.

Katangian ng Dokumentaryong Pantelebisyon

1. Paksa– tumatalakay sa nilalaman ng


dokyumentaryo kung saan nagpopokus ito
sa pagkilos ng tao sa lipunang kanyang
ginagalawan at kung papaano siya kumilos
sa buhay.
2. Layunin
3 | F O R V C A S T U D E N T S O N L Y . R e p r o d u c ti o n o f t h i s m o d u l e i s
prohibited.
 Layunin nitong irekord ang panlipunang kaganapan na itinuturing nila na
mahalagang maipaalam sa lipunan.
 Layuning mapataas ang pagkaunawa sa mga isyu, mga tinatangkilik at
marahil ang ating simpatya sa isyung ito. At dahil din dito ay may
kakayahan silang maipaalam sa atin ang nagaganap sa ating lipunan
upang magkaroon tayo ng aksyon ukol dito.
3. Anyo- ang anyo ng dokyumentaryo ay nahuhugis habang nasa proseso na kung
saan ang mga diskusiyon ay orihinal at ang mga tunog at tanawin ay pinipili kung
akma o karapat-dapat dito. May mga pagkakataon na ang iskrip dito at ang mga
aksyon ay mula sa mga umiiral na mga pangyayari.
4. Estilo at/o Teknik- tumutukoy ito sa tanawin ng bawat pagkuha ng kamera at sa
panahon ng pageedit nito. Ang isa sa mga mahalagang sangkap ay ang mga
nonactors o ang mga ‘totoong tao’ sa paligid na walang ginagampanang
anomang karakter.
5. Uri ng karanasan- Ang dalawang bahagi nito ay ang pang aestetiko at ang
epekto nito sa tao na maaaring magtulak sa kanya upang gumawa ng aksyon.
Ninanais ng mga nasalikod ng dokyumentaryo sa mga makakapanuod nito ay
hindi magpokus sa mga artista kundi sa pinapaksa nito. Maaaring maiugnay ito
sa paksa kung saan ninanais ng mga nasa likod ng kamera na alamin ng
manunuod ang kanilang layunin. Maaari itong maging uri ng karanasang
tumulong sa mga batang nasa lansangan, at iba pa.

d. Karagdagang kaalaman

Aralin 3.2 Mga HaKbang sa Pagsulat ng Social Awareness Campajgn

Napakahalaga ng ginampanang papel ng mass


media sa buhay ng tao. Ang iba't ibang midyum nito ng
broadcast media na binubuo ng radio at telebisyon, print
media na kinapapalooban naman ng mga popular na
babasahin. Sa kasalukuyang Panahon ang lahat ng ito ay
magagamit na instrument sa kampanya tungo sa
kamalayang panlipunan o social awareness campaign. Ang
kampanyang ito ay makatutulong upang mabigyang-
kabatiran ang mga tao tungkol sa isang tiyak na isyung
nagyayari sa ating lipunan. Facebook.com

Sa pagbuo ng isang social awareness campaign, mahalagang isaalang-alang


ang mga sumusunod na hakbang:

1. Pumili ng isang napapanahong isyu nan ais mong gawin.


2. Tukuyin kung sino ang grupo o pangkat ng mga taong nais mong makabasa,
makarinig, makakita, o makapanood ng iyong kampanya.
3. Mga saliksik ng mahahalagang datos o impormasyon hinggil sa isyu o paksa nan
ais mong bigyang-pansin upang magkaroon ng sapat at malawak na kaalaman.
4. Alamin kung ano ang pamamaraan na iyong gagamitin sa pagsasagawa ng
iyong kampanya. Maaring gumamit ng broadcast media, print media, video
technology, at iba pa. sa kasalukuyang panahon, tiyak na papatok sa masa lalo
na sa kabataan kung gagamitan ng social media network (Fb, Twitter, Ig,
Youtube).

4 | F O R V C A S T U D E N T S O N L Y . R e p r o d u c ti o n o f t h i s m o d u l e i s
prohibited.
5. Magsagawa ng mahusay na pagpapaplano kung paano isasakatuparan ang
pagbuo ng kampanya.

h. Mga Ilustrasyon at Halimbawa

Gmanetwork.com

Youtube.com

Youtube.com

f. Paghuhulma

Tatak Vincentian! Gawang Vincentian!

g. Mga kaugnay na babasahin

Pagbati! Kinagagalak kong napagtagumpayan mo ang mga gawain ng iyong


modyul. Upang mas mapaigting pa ang iyong kaalaman ay minarapat kong ibahagi ang
bidyu ng aking diskusyon sa iyong OTG Flashdrive. Kung mayroon kang oras at gusto
mo pang mapalalim ang iyong pagkatuto sa ating pinag-aralan ay maaari kang
magtungo sa mga hanguang elektroniko na nasa ibaba na maaaring saliksikin sa
google.

5 | F O R V C A S T U D E N T S O N L Y . R e p r o d u c ti o n o f t h i s m o d u l e i s
prohibited.
MODYUL SA FILIPINO 7

Pangalan: _________________________________________LRN:______________________

Taon at Pangkat: _________________________________ Petsa:______________________

IV. PAGTATASA

i. Pagsasanay
f.
Pagsasanay 1.
Panuto: Tukuyin ang mga pahayag na nakatala sa ibaba. Isulat sa Patlang ang
tamang sagot.

__________________1. Ito ang tinuturin na isa sa mga pangunahing midyum ng


telekomunikasyon.
_________________2. Taon kung kailan naitayo sa bansa ang kauna-unahang
estasyon ng ang ng Telebisyon
__________________3.Siya ang tinaguriang Ama ng Telebisyon sa Pilipinas.
__________________4. Ito ang pinakamatanda at nangungunang television network
bansa.
__________________5. Ito ang network na may Slogang In the Service Of the Filipino.
__________________6. Ito ay isang malaking estasyon ng telebisyon bansa ay nabuo
rin ang DZBB TV Channel 7.
__________________7. Siya ay ang isang residenteng amerikano Pilipinas na
nagtagpatayo ng GMA NETWORK.
___________________8. Ito ang taon kung kaiian natatag ang GMA NETWORK.
___________________9. Ito ang network na may islogang Kapuso, anumang kulay ng
buhay.

6 | F O R V C A S T U D E N T S O N L Y . R e p r o d u c ti o n o f t h i s m o d u l e i s
prohibited.
__________________10. Ito ang nagmamay-ari ng estasyon na TV5 na dating kilala sa
pangalang ABS 5
___________________11. Ito ang network na may islogang Para sa iyo, Kapatid.
___________________12. Ito ang bilang ng estasyong umeere sa bansa.
___________________13.
___________________14. Ito ang tatlong pinakamalaking network sa Pilipinas.
___________________15.

Pagsasanay 2. Panuto: Magbigay ng 3 batas tungkol sa panganga}aga o karapatan


ng mga bata o kabataan.

Aralin 3. 1 Pagsasanay 3.
Panuto: Magbiagy ng 2 kahalagahan ng Dokumentaryong Pantelebisyon

i. Pagpapayaman

PERFORMANCE TASK:
ARAW NG PAGPAPASA: Marso 1, 2021
GOAL: Makabuo ng kampanya tungkol sa panlipunang kamalayan.
ROLE: Vlogger/ Tiktoker
AUDIENCE: Guro sa Filipino
STANDARDS:
Panghihikayat 5 PUNTOS
Kaugnayan sa paksa 5 PUNTOS
Kalinawan ng 5 PUNTOS
pagpapahayag
Tamang araw ng 5 PUNTOS
pagpapasa
KABUOAN 20 PUNTOS
PRODUCT: Pagbuo ng kampanya tungkol sa pangyayari sa kasalukuyan.
SITUATION: Isiping ikaw ay isang pilipinong may nais niparating sa mga nmamayan tungkol sa
kaligtasan ng bawat isa. Ikaw ay bubuo ng isang kampanya na nagyayari sa lipunan sa kasalukuyan
maaring gamit ang tiktok (Fight song) o magvideo at magpaliwanag o magbigay ng pananaw na
makatutulong sa mamayan tungkol sa karanasan nagyong pandemya o Covid-19.

j. Repleksiyon

Mahusay! Alam kong napagtagumpayan mo ang modyul na ito. Ano ang iyong
nararamdaman pagkatapos ng modyul na ito? Lagyan ng tsek ang bawat hugis na nakatala
sa ibaba.
7 | F O R V C A S T U D E N T S O N L Y . R e p r o d u c ti o n o f t h i s m o d u l e i s
prohibited.
PUSO- MASAYA AT KUNTENTO SA MGA GAWAIN TATSULOK– NAGAGALAK
BILOG – KALMADO AT NADALIAN PARIHABA – NANGANGAMBA
PARISUKAT – MALUNGKOT DAHIL SA HIRAP NG GAWAIN

Inihanda ni :

Gng. Abegail S. Cabral


Guro sa Filipino 7

Iniwasto ni :

G.Virgilio D. Almayda Jr.


Punong Guro

8 | F O R V C A S T U D E N T S O N L Y . R e p r o d u c ti o n o f t h i s m o d u l e i s
prohibited.

You might also like