ANG SLK - SARILING
LINANGIN KIT
(SELF- LEARNING KIT)
isang uri ng kagamitan sa pag-
aaral na ang layunin ay sariling
pagkatuto sa pamamagitan ng
paglalahad ng mga malililit na
hinati-hating gawain sa paraang
ang mga unang gawain ay
makatutulong sa pagsasagawa
ng mga susunod pang gawain
hanggang marating ang
inaasintang gawi.
FILP 16
MGA KATANGIAN NG
MABUTING SLK
(SELF- LEARNING KIT)
May sapat na ikli upang hindi mainip ang
mga mag-aaral, at may sapat na haba
upang makatiyak sa pagkatuto.
Ay sapat na kahirapan upang makahamon
sa kakayahan ng mag-aaral at may sapat
na kadalian upang maging kawili-wili.
Ginagamitan ng payak at malinaw na
pananalita upang maiwasan ang maling
pagkaunawa sa diwang inilahad.
May iba't ibang uri ng gawain sa
pagkatuto. Ang mga gawain ay batay sa
makatotohanang sitwasyon at mga
kalagayang napapaloob sa karanasan ng
mag-aaral.
FILP 16
Nagbibigay ng probisyon sa patuloy na
pag-unlad ng mag-aaral. Isinasaayos ang
bawat aralin ayon sa paherakiyang
kaayusan ng mga takdang gawain sa
pagkatuto. Pagkatapos ng bawat aralin ay
may pagsubok na sinusundan agad ng mga
tiyak na kasagutan.
May probisyon sa paggamit ng iba't ibang
midyang pang-edukasyon at mga
pinagkukunan ng pamayanan (community
resources)
May probisyon sa sistimatikong pagtataya
(evaluation)
Ay matibay ang kayariang hindi karakarang
nasisira at malinaw ang pagkakalimbag.
FILP 16
Halimbawa:
- Maagang Pag-aaral ng Filipino
(Komisyon ng Wikang Pambansa )
Ang SLK ay maaaring i-tape, upang
pakinggan, unawain at gayahin para
matutuhanan ang wastong pagbigkas,
tamang intonasyon
FILP 16
ANG
PINALATUNTUNANG
KAGAMITAN
(PROGRAMMED INSTRUCTION MATERIALS)
- ang pinalatuntunang kagamitan
ay kinakailangan sa Pinalatuntunang
Pagtuturo (Programmed Instruction)
--ipinakilala nina Skinner, Crowder,
Mager, atbp.
FILP 16
- binibigyang-diin sa
pinalatuntunang pagtuturo ang
simulating bawat isang indibidwal ay
may sariling bilis ng pagkatuto at
maari siyang matuto kahit walang
guro.
-- nag- ugat ang Sariling Linangin
Kit o SLK na isang uri ng
pinalatuntunang kagamitan
FILP 16
Ano ang pinalatuntunang
pagtuturo?
-ito ay serye ng mga aralin at
kaalaman na nasa kuwadrong
pampagtuturo (frames) na isinaayos
sa isang lohikal na pagkabuo kung
kaya't ang unang natutuhan ay
nagagamit sa pag-unawa at
pagkatuto ng kasunod na aralin.
FILP 16
Skinnerian Style
-sa Skinnerian style, ang mga aralin
ay binubuo sa paraang linear, kaya't
kilala rin ito sa taguriang linear style.
-- kapag ang mag-aaral ay nagkamali
sa pagbibigay ng tugon, siya ay
pinababalik sa pinagkamaliang aralin
upang basahin muli at nang maiwasto
ang mali.
FILP 16
Crowder Style
-ang mga aralin ay nagsasanga
kaya't kilala rin ito sa tawag sa
branching style.
--kung may mali, may pinasasagot
pang aralin sa halip na bumalilk sa
unang araling pinagkamalian.
FILP 16
Crowder Style
-ang mga hindi nagkamali ay
hindi kailangang sagutin ang
"sanga" na inilaan para sa mga
nagkakamali.
FILP 16
Ang pinalatuntunang Kagamitan
(Programmed Instruction Materials)
-katulad ng modyul at SLK,
ay nakatutulong upang
matugunan ang kakulangan ng
mga silid-aralan at mga gurong
nagtuturo.
FILP 16
Ang pinalatuntunang Kagamitan
(Programmed Instruction Materials)
-nakatutulong din ito sa mga
mag-aaral na lumiliban para
makahabol sa kanilang mga
gawain.
FILP 16
Ang pinalatuntunang Kagamitan
(Programmed Instruction Materials)
-ang mga mahihinang mag-
aaral ay nabibigyan ng mga
panlunas na gawain
samantalang ang matatalinong
mag-aaral ay nabibigyan ng
kagamitang pagpapayaman ng
kaalaman sa paksa.
FILP 16
Uri ng pinalatuntunang Kagamitan
(Programmed Instruction Materials)
- paaklat
-- nasa anyong microfilm slide
(filmstrips o photographic
slides)
FILP 16
Mga Kagamitan sa Pagtuturong Karaniwang
Gamitin ng Guro sa Araw-araw
1. Batayang Aklat (Textbook)
- ito ay babasahin na
baitang/taon/antas at naglalaman
ng mga kaisipan, kasanayan o
kaalaman na inilalahad sa iba't
ibang pamamaraan upang maging
batayan ng pagtuturo at pag-aaral.
FILP 16
Mga Kagamitan sa Pagtuturong Karaniwang
Gamitin ng Guro sa Araw-araw
2. Manwal ng Guro (Teacher's
Manual)
- ito ay balangkas ng mga araling
ituturo na base sa batayang aklat.
-naglalaman din ito ng mga
mungkahing layunin, kagamitan at
pamamaraan o istratehiya para sa
i s a n g t i y a k n a a r a lF iI LnP .1 6
Mga Kagamitan sa Pagtuturong Karaniwang
Gamitin ng Guro sa Araw-araw
3. Patnubay o Balangkas ng
Pagtuturo (Teacher's Teacher's
Guide)
-ito ay balangkas ng mga paksa na
hinati-hati sa mga yunit at inagkupan
ng mga pangkalahatan at tiyak na
layunin at mungkahing mga gawain.
FILP 16
Mga Kagamitan sa Pagtuturong Karaniwang
Gamitin ng Guro sa Araw-araw
3. Patnubay o Balangkas ng
Pagtuturo (Teacher's Teacher's
Guide)
-inihanda ito para sa isang tanging
asignatura na walang batayang aklat
na magamit.
FILP 16
Mga Kagamitan sa Pagtuturong Karaniwang
Gamitin ng Guro sa Araw-araw
4. Hanguang Yunit (Resource Unit)
- ito ay isang maayos na talaan ng
mga layunin, mga paksa, mga gawain,
mga pamamaraan, mga panukala para
sa pagbibigay halaga at mga
kagamitan na labis-labis sa
pangangailangan ng isang klase.
FILP 16
Mga Kagamitan sa Pagtuturong Karaniwang
Gamitin ng Guro sa Araw-araw
4. Hanguang Yunit (Resource Unit)
kung kaya't nagbibigay ito ng iba't
ibang posibilidad para sa paglinang
ng ilang yunit ng pagtuturo.
FILP 16
Mga Kagamitan sa Pagtuturong Karaniwang
Gamitin ng Guro sa Araw-araw
4. Hanguang Yunit (Resource Unit)
- karaniwang inihanda ito ng isang
pangkat ng mga guro upang
magsilbing paminggalang
mapagpipilian ng mga layunin, gawain
at kagamitan para sa isang partikular
na klase.
FILP 16
Mga Kagamitan sa Pagtuturong Karaniwang
Gamitin ng Guro sa Araw-araw
5. Yunit ng Pagtuturo (Unit Plan)
- ito ay balak na inihanda buhat sa
hanguang yunit ukol sa pag-aaral ng
isang pangunahing suliranin, ideya o
paksa para sa isang tiyak na klase.
FILP 16
Mga Kagamitan sa Pagtuturong Karaniwang
Gamitin ng Guro sa Araw-araw
5. Yunit ng Pagtuturo (Unit Plan)
- naglalaman ito ng mga tiyak,
balangkas ng paksa o talaan ng mga
tanong, talaan ng mga tiyak na gawain
at mga proyektom, mga kagamitan at
sangguniang aklat, at mga panukala
para sa pagbibigay halaga.
FILP 16
THANKS!