You are on page 1of 1

`Tulang Pantanghalan

 TULANG PANTANGHALAN

 Ano ang tulang pantanghalan?

 Ang tulang dula o tulang pantanghalan ay kahit anumang drama na sinulat bilang isang


berso para wikain.

 Limang uri ng tulang pantanghalan:

• Komedya

• Melodrama

• Trahedya

• Parsa

• Saynete

Komedya

Komedya – ang layunin nito ay gawing kawili-wili ang panonood sa pamamagitan ng mga
ginagawa ng pangunahing tauhan. Ang wakas nito ay masaya. Ang kaguluhan sa bandang
simula ay naaayos. Ang pagkakasundosundo ng mga tauhan ang nakapagpapasaya sa mga
nanonood.

Melodrama

 Ginagamit ang tulang ito sa mga dulang musikal.

 Dito, malungkot sa simula ngunit nagiging masaya ang pagwawakas.

 Isang halimbawa nito ang Sarimanok na isinulat ni Steven Prince “Patrick” C. Fernandez.

Trahedya

 Kabaliktaran ng komedya ang trahedya sapagkat ang dulang ito ay nauuwi sa pagkatalo o
pagkamatay ng bida o pangunahing tauhan. 

 Isang halimbawa nito Ang Trahedya sa Balay ni Kadil na isinulat ni Don Pagusara.

Parsa

 Ang parsa ay nakapagpapasiya sa mga nanonood dahil sa mga dugtong-dugtong na mga


pangyayaring nakatatawa.

Saynete

 Dulang tungkol sa lugar kung saan nagsimula ang kwento ng pangunahing tauhan at sa
pag-uugali ng tao tulad ng pagiging mabait,masiyahin at maaalahanin.

You might also like