You are on page 1of 10

Katuturan ng Dula

“Ang mundo ay isang teatro..” ayon na nga kay Shakespeare.


Ang dula, maging iisahin o tatluhang yugto ay isang genre ng panitikang kinagigiliwan
ng marami, ito man ay binabasa lamang o itinatanghal. Ang kaugnayan ng dulang iisahing yugto
sa dulang may tatlong yugto ay maihahalintulad marahil sa kaugnayan ng maikling kuwento sa
nobela. Katulad ng maikling kuwento, ang dulang ito ay matipid, matiim at nag-iiwan ng isang
bisang puno ng buhay o drama. Dinarakip ng manunulat ang isang madulang bahagi ng buhay ng
isang tao, sa isang pook, sa isang panahon at sa tulong ng iba pang sangkap na itinatanghal
ngayon. Hindi ang manunulat ang magkukuwento kundi ang mismong dula; ito ay palaging
nagaganap nagyon. Palaging ngayon ay nangyayari, palaging panahunang pangkasalukuyan,
mula sa guniguni ng mambabasa o sa paningin at pandinig ng manonood. Ang mga nakaraan,
gayundin ang mga hinaharap at dinaraan lamang sa mga pahiwatig.
Upang matamo ang iisang impresyon, kailangang iisang nangingibabaw ba paksa o tema
ang namamayani. Ang krisis ay maaaring manggaling sa paglalaban ng tauhan o ng tauhan na
magpapanatili sa kawilihan ng mga mambabasa o manonood sa loobng itatagal ng dula, na
karaniwa’y mula sa kalahati hanggang isang oras humigit-kumulang.
Ang mga makatuturang dula mula noong unang panahon hanggang sa kasalukuyan ay
nananatiling buhay; mula sa dula ng mga Griyego hanggang kina Shakespeare, hanggang kina
Julian Cruz Balmaceda. Ang mga iyon ay higit pa sa kanilang ginamit na banghay, paksa,
tauhan; ang mga iyo’y nag-iwan ng gayuma sa isipan at damdamin ng mga bumasa at nanood.
Ang mga iyon ay lumikha ng maliwanag na pagkilala ng tao sa kanyang sarili.
Sinasabing kung ang isang manunulat ay nasa mood (sumpong, kondisyon, wastong
kalooban), tuluy-tuloy ang daloy ng mabubuong dula. Sinasabi ring may tatlumpu’t anim na
madudulang sitwasyon lamang, kaya anumang banghay ang mahubog, ito’y mapapabilang din sa
isa sa naturang tatlumpu’t anim na madudulang sitwasyon. Maaaring manggaling halimbawa sa
mitolohiya, sa Bibliya, sa pabula, sa kuwentong bayan, sa buhay ng kapwa manunulat, sa
alinmang madulang bahagi ng pangyayari.
Sapagkat ang dulang iisahing yugto, katulad ng maikling kuwento, ay mabilis at hindi
maaaring mapaliguy-ligoy, ang banghay nito ay dapat maging payak at ang mga pangyayari at
usapan o diyalogo ay dapat makiisa sa paglutas sa suliraning hahangga sa kasukdulang susundan
ng wakes. Ang denouement (pagkakalas ng buhol) ang kadalasang nananatili sa isipan at
damdamin ng bumabasa o nanonood ng dula, at tumutulong sa pagbuo ng panloob na liwanag
upang higit niyang makilala ang kanyang sarili.
Ang paglalarawan ng katauhan ay dapat magsimula sa simula pa lamang ng dula. Ito’y
kailangang maging tuwiran at mabilis. Sa simula pa, ang tauhan ay dapat langkapan ng motibo o
pagnanasa o dahilan na magpapakilos at magpapasalita sa kanya nang gayon. Katulad ng sa
maikling kuwento, ang katauhan ay maaaring ilarawan sa iba’t ibang paraan, ngunit ang
pinakamabisa ay ang mismong mga kilos, pagsasalita at reaksyon na rin ng tauhan, kasama na
ang pag-aayos sa sarili. Ang mime (pantomime)niya ang pantulong sa paglalarawan.
May mga katauhang kulang sa lalim; sapat na ito sa mga taong pansamantala lamang
nilang makakaugnay. Ngunit sa panghabangbuhay na kasama, mapalilitaw ng mahusay na
manunulat ang lalim ng katauhan.
Ang uri ng pakikibaka ng tauhan sa iba’t ibang tauhan sa dula ay magbubunyag ng
kanyang buong katauhan, pang-ibabaw man at pang-ilalim din. Sa isang dula, maaaring ang
banghay ng kuwento at ang paksa o tema ay di-gaanong mangingibabaw sa bumabasa o
manonood, ngunit ang paglalarawang- katauhan o karaterisasyon ay tiyak na lulutang sapagkat
sadyang iba’t iba. Ang paglinang ng katauhan sa dula ang nagbibigay-halaga rito, ang mananatili
nang matagal sa kalooban ng mambabasa o manonood.

DULA
aprilmbagon-faeldan 1
May mga katauhang hindi nagbabago hanggang magwakas ang dula. May nagbabago sa
negatibong paraan; ang positibong paraan ng pagbabasa ang kanais-nais, ngunit ito’y dapat
maging kapani-paniwala bunga ng mga pangyayari. Ang pagbabago nang walang sapat na
dahilan ay ex-machina, artipisyal; magiging kapansin-pansin ito sa bumabasa o nanonood na
paraan lamang ng manunulat upang makamtan ang pagwawakas na kanyang ninanais.
Maliwanag na isang paraan ng paglalarawan ng katauhan ay ang pagsasalita. Ang usapan
o dayalogo sa dula ay hindi lamang nagpapasulong sa kuwentong napapaloob dito; ito ay
mayayamang batis na titghaw sa uhaw ng bumabasa o nanonood ng dula sa iba’t ibang uri ng
katauhang mabubunyag; walang-malay, malisyoso, mapagkunwari at iba pa.
Ang tono ng tinig, ang talasalitaang ginagamit, ang mga speeh mannerisms o
pinagkaugaliang gamitin sa pagsasalita, ay mga bahaging lahat ng usapan o dayalogo. Ang tono
ng tinig ng isang madreng mula sa pagkabata’y lumaki sa kumbento ay inaasahang maiiba ang
tono ng tinig isang kristo sa sabungan. (Pinapatay na ngayon ang tawag na kristo sa sabungan;
dapat naman!). Ang talasalitaang ginagamit ng isang batang-lansangan ay aasahan nating naiiba
sa gagamitin ng isang propesor. May mga tauhang may speech mannerisms o pinagkaugaliang
ibudbod sa kanilang pakikipag-usap, gaya ng: ee..e..e..; dib a; kuwan; naku; ha; este at iba pa.
Anuman ang uri ng pagsasalita ng isang tauhan sa dula, ito’y dapat maging kapani-
paniwala sa bumabasa o nanonood, at di dapat magpabagu-bago.
May mga mandudulang gumagamit ng sagisag o simbolismo sa kanilang akda. Ito’y
hindi lamang nagpapayaman sa panoorin kundi tumitinag pa rin at lumilinang ng guniguni o
imahinasyon ng bumabasa o nanonood. Ang magulong tagpuan sa tanghalan ay maaring
sumagisag sa kaguluhang gumagapi sa mga tauhan, na unit-unting mahahawan, patungo sa
kanais-nais na paglutas sa suliranin at sa maayos na tanghalan. Ang isang larawan ng bagyo sa
mayamang salas ng isang mansion ay maaaring sumasagisag sa lihim na suliraning nagbabalang
magwasak sa pagsasama ng mag-asawa. Ang isang tauhan o kahit ang buong dula ay maaaring
gamiting sagisag.
Ang katuturan at kaganapan sa pagtatanghal ng isang ng dula ay magiging buo sapagkat
iniuungkat na rito ang mga mahahalagang kakailanganin sa isang dula. Una, ang teatro o
tanghalan- ang pinaglalabasan o kung saan ipinakikita sa mga tao o pinanonood na tao ang dula.
Ito’y maaaring sa bakuran lamang, maaari ring sa lansangan, at pwede rin sa loob ng bahay. Ang
dula kung ibabase sa pinagtatanghalan ay mauuri sa panlansangan, pambakuran at pantahanan.
Pangalawa, ang mga tauhan- ang mga gumaganap ng mahahalagang papel sa dula, ang
dinadaluyan ng mga suliranin at mga pangyayari, ang gumagawa ng aksyon at resolusyon sa
buhay. Pangatlo, ang iskrip – ang mga nakasulat na magkakasunod na mga pangyayari sa buhay
ng mga tauhan na may simula, gitna at wakas. Pang-apat ang dretor o tagadrehe- ang nag-uutos o
nagpapasunod ng mga dapat na gawin ng mga tauhan na naaayon sa kanyang ginagampanang
papel.
Ang dula, samakatuwid, sa masining at maagham nitong katuturan na sa Gresya pa
pinasisimulan ng mga batikan at klasikong dramaturgong dina Aeschylus, Sophocles at
Euripedes, ayon na rink ay Aristotle, ay isang sining ng panggagaya o pag-iimita ng kalikasan
ng buhay.
Ang dula ay kinakatha at itinatanghal upang magsilbing salamin ng buhay-sa wika, sa
kilos, sa damdamin, sa sining upang makaaliw, makapagturo o makapagbigay-mensahe o basta
makaantig ng damdamin at makapukaw ng isip.

DULA
aprilmbagon-faeldan 2
Apat na Kombensyon ng Dula

Ang dula ay isang kathang ang layunin ay ilarawan sa isang tanghalan, sa pamamagitan
ng kilos at galaw, ang isang kawil ng mga pangyayaring naghahayag ng isang kapana-panabik na
bahagi ng buhay ng tao. Bagamat sinasabing ang dula ay “imitasyon ng buhay” hindi pa rin
maikakailang mahirap talagang mailarawan ang imitasyong ito sa isang dulang nasusulat o isang
dulang itinatanghal. May kasangkapang gingamit ang isang manunulat ng dula bilang pamalit sa
realidad at upang tanggap
1. Ang Kombensyon sa Panahon- naniniwala o kunwa’y ang manonood sa loob ng ilang
oras ay nabubuhay siya sa loob ng isang araw, lingo o buwan o taon, na kasa-kasama ng
mga tauhang kanyang pinanonood sa tanghalan.
2. Ang Kombensyon sa Ikaapat na Dingding- tinatanggap ng manonood na tulad sa
isang tanghalan, sa totoong buhay ay may tatlong dingding lamang ang isang bahay. Ang
ikaapat na dingding ay bukas kayat namamalas at naririnig niya ang lahat ng sinasabi at
ikinikilos ng mga nasa loob ng bahay na nasa kanyang harapan.
3. Ang Kombensyon ng Pananalita o Wika- tinatanggap ng manonood na kung ano ang
pananalitang binibigkas ng mga tauhan sa dula ay gayon ding pananalita ang kanilang
binibigkas at ginagamit sa tunay na buhay.
4. Ang Kombensyon ng Pagsasalita sa Sarili- ang pagsasalita na parang sa sarili lamang
ng tauhan, ay tinatanggap ng manonood na kailangan o mahalaga upang malaman niya
ang iniisip ng isang gumaganap sa tanghalan at upang maunawaan niya ang ilang
pangyayaring hindi maaaring ipakita o itanghal. Litinuturing ng manonood na normal
lamang sa totoong buhay ang kausapin ng isang tao ang kanyang sarili o kaya nama’y
nagsasalita siya sa harap ng ibang tao nang wala naming tuwirang kinakausap o
pinagtutungkulan sa kanyang sinasabi.

Dahil sa ang bawat manonood ng dula ay may mga ekspektasyon sa dulang kanyang
pinanonood, madalas na nabibigo siya pagkatapos ng pagtatanghal kung hindi naabot ng dula
ang mga ekswpektasyong ito. Dito pumapasok ang kahalagahan ng kumbensyon ng dula. Dapat
malaman at maunawaan ng manonood ng dula na hindi dapat manaig ang kanyang mga
ekspektasyon sapagkat may mga kombensyon o kasunduan sa pagtatanghal ng isang dula. Kung
may sapat na kabatiran ang isang manonood sa kombensyong ito, higit na magiging kasiya-siya
at makabuluhan ang panonood niya ng dula.

DULA
aprilmbagon-faeldan 3
Mga Uri ng Dula

1. Komedya – ito’y katawa-tawa, magaan sa loob dalhin ang tema at ang mga tauhan ay
laging nagtatagumpay sa wakas.
2. Trahedya – ang tema nito’y mabigat o nakakapagpasama ng loob kaya nakakaiyak,
nakalulunos ang mga tauhan, karaniwan silang nasasadlak sa kamalasan, kabiguan,
kawalan at maging sa kamatayan, kaya nagwawakas na malungkot.
3. Melodrama o Soap Opera – ito’y sadyang namimiga ng luha sa manonood na parang
wala nng masayang bahagi sa buhay ng tauhan kundi pawing problema na lamang ang
nagyayari sa araw-araw.
4. Parsa – Ang dulang ito ay kaiba sa sa nabanggit na, pagkat ang layunin ay magpatawa
sa pamamagitan ng katawa-tawang kilos o pananalita ng mga tauhan.
5. Saynete – Ito’y katawatawang dula na karaniwang pinapaksa ang katawa-tawang ugali
ng tauhan.
6. Tragikomedya – kung magkahalo ang katatawanan at kasawian gaya ng mga dula ni
Shakespeare na laging may katawa-tawa tulad ng payaso para magsilbing
tagapagpatawa, subalit sa banding huli ay magiging malungkot na dahil masasawi o
namamatay ang bida o mag bida.

Mga Sangkap ng Dula

1. Balangkas o Banghay
Tumutukoy ito sa pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa dula. Ang
kumbenyunal na kwento sa dula ay may simula, gitna at wakas. Subalit maaari ding
magsimula sa gitna o wakas muna bago simulan ang dula. Ito’y depende sa estilo ng
direktor.
2. Paglalahad
Sa paglalahad ng dula, nililinaw na ng may-akda o ng direktor ang ilang
mahahalagang impormasyon sa kwento ng dula:
 Ang mga tauhan; ang kaugnayan nila sa isa’t isa
 Ang lugar na pinagyayarihan ng kuwento
 Ang panahon , at iba pa na makatutulong nang malaki upang higit na maakit ang
manonood sa dula
3. Suliranin o Pagtutunggali
Tungkol saan? Sa madaling sabi ito ay tema. Nakapokus dito ang lahat ng kilos at
usapan sa kabuuan ng dula.
Pagsasalungatan ng mga tauhan, o kaya’y suliranin ng tauhan na sarili niyang
likha o gawa bilang tauhan sa dula.
4. Pagpapahiwatig
Makatwirang paglalahad ng mga pangyayari na dapat maging kasiya-siya.
5. Paglalarawan ng Tauhan

DULA
aprilmbagon-faeldan 4
Sa tulong ng kilos, pagsasalita at reaksyon ng mga tauahn sa mga pangyayari, ay
lalong nakikilala ng mga manonood ang mga tauhan.
6. Salitaan
Kailangang maging natural at makatotohanan ang salitaan.

7. Kilos
Dahil sa ang dula ay salamin ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao,
dapat ang kilos ng mga artista sa tanghalan ay maging natural at makatotohanan din.
Ang ekspresyon ng mukha ay dapat umaayon kung ano ang ikinikilos ng artista sa
tanghalan. Dito nakatuon ang paningin ng mga manonood.
8. Paksa
Pumili ng paksang napapanahon at mga problemang panlipunan kung saan ang
mga manonood ay maaaring maka-releyt. Iwasan ang mga paksang nakakabagot o wala
sa interes ng mga manonood.

Pagsulat ng Isang Dulang May Isang Yugto o Pagsasadula ng Isang Kuwento

Kakaunti na marahil ang mag-aaral sa isang klase na mapapabilang sa pangkat na ito. Ito
ay mangangailangan ng may kakayahang hindi lamang sa wastong pamamaraan o technique ng
dula kundi ng kakayahan din sa masining na pagsulat ng may-uring panitikan, lalo na ng
maikling kwento.
Mangangailangan din ang baguhan ng tagapayo na may malawak na karanasan sa genre
ng dulang may iisang yugto.

Ang Dulang Pasalaysay (Chamber Theater)

Ito ay tulad ng isang tunay na dula na binibigyang-buhay ng mga tauhan sa pamamagitan


ng mga usapan, kilos o galaw. Ang ikinaiba nito sa tunay na dula ay ang pagkakaroon ng
bahaging pagsasalaysay . Ikinukuwento ng bawat tauhan sa mga manonood ang kanilang
ginagawa at gagawin. Ang mga actor ay hindi lamang tagaganap kundi tagapagsalaysay din.
Maliban sa mga aktor/tagapagsalaysay ay mayroon ding tagapagsalaysay ng kuwento na nasa
isang panig ng tanghalan. Tungkulin niyang simulan at ipagpatuloy ang paglalahad ng kuwento,
tagpo, panahon at mahahalagang pangyayari para sa kapakanan ng manonood.

Paghahanda ng Isang Dulang Pasalaysay

1. Pumili ng pyesa (maaaring kwento, parabola, pabula, alamat, bahagi ng nobela o dula)
na angkop sa layunin ng pagtatanghal, sitwasyon at manonood. Ito ay dapat maikli
lamang.
2. Igawa ng iskrip ang pyesa at tiyaking ang mga dayalog at pagsasalaysay ng bawat aktor
ay madula.
3. Pumili ng mga tauhang nababagay sa papel na kanilang gagampanan. Kailangang
angkop ang kanilang tinig, kilos at kaanyuan sa karakter na gagampanan.

DULA
aprilmbagon-faeldan 5
4. Ihanda ang mga bagay at iba pang kagamitang kakailanganin sa pagtatanghal. Sa dulang
pasalaysay, hindi gaanong marami ang mga props na dapat gamitin, sapagkat maaaring
ilarawan na lamang ng aktor o tagapagsalaysay ang iba pang kagamitan.
5. Magsagawa ng puspusang pagsasanay upang maging mabisa at makatotohanan ang
pagganap at pagsasalaysay ng mga detalye at pangyayari sa dula.
6. Tandaan na ang mga actor ay tuwirang nakikipag-usap sa mga manonood, kaya’t maging
masigla at kawili-wili dapat ang pagtatanghal.

Pagbasang Pandulaan

Ito ay isang pangkatang pagbasa ng pyesang pandulaan. Ang pangkat na nagbabasa ay


maaaringmagsalaysay ng mga pangyayari sa paraang isahan o pangkatan. May mga kasapi sa
pangkat na gumaganap sa papel ng mga tauhan sa kuwento. Kung ang tauhan ay kailangang
maglarawan ng isang tagpo, ito ay iaarte sa tanghalan habang patuloy ang pagsasalaysay ng iba
pang kasali sa pangkat. Kung may mga tauhan sa pyesa na kailangang maghabulan, halimbawa
ay isang bruha at prinsesa, ipakikita ang kilos na ito sa mga manonood. Ang mga kasapi sa
pangkat na may ginagampanang papel ay kailangang may anyo at kilos na hinihingi ng
sitwasyon.

Mga Dapat Tandaan sa Pagbasang Pandulaan


1. Ang dami o bilang ng mga magbabasa ay depende sa pangangailangan ng pyesa.
2. Ang pyesa ay kailangang hawak ng pangkat at nakikita ng mga manonood ang
kanilang pagbabasa.
3. Ang ikagaganda ng pagtatanghal ay nasa sabay-sabay , malinaw at madulang pagbasa
ng pyesa.
4. maaring tumalikod sa madla ang mga nagbabasa o ang tauhang gumaganap kung tapos
na ang bahaging kanilang isinasalaysay at muling humarap at bumasa kapag kailangan
nang ituloy ang pagsasalaysay.
5. Maaaring ihinto ang pagsasalaysay kung may bahaging ginagampanan ang ilang
tauyhan.
6. Ang pagkilos, kasuotan, kagamitan sa tanghalan at limitado at simple lamang.
7. Pumili ng mga kuwentong maraming usapan at igawa ng iskrip na angkop sa
pagbabasang pandulaan.

Pamumuna sa Dula

Isa sa pinakakinagigiliwang uri ng panitikan ay dulang pantanghalan o stage play. Higit


nating nakikita nang malinaw ang istorya, pagkat buhay na kumikilos at nagsasalita ang mga
tauhan. Bukod ditto, pinatitingkad ng isang dula ang mga pagpapahayag ng mensahe sa
manonood sa pamamagitan ng ilang kagamitan o props, at ng angkop na himig at musika.
Sa panunuri ng ganitong panitikan ay isinasaalang-alang natin ang mga sumusunod na
pamantayan.
1. Batay sa mga Katangian
 Matatagpuan ba ditto ang mga kinakailangang elemento ng uri o estilo nito?
 May kaganyakang universal kaya rito?
 May kakanyahan ba at makabagong estilo?
 Malinaw ba ang pagkakabuo ng mga pangyayari tungo sa kasukdulan?

DULA
aprilmbagon-faeldan 6
 Makatotohanan at malinaw ba ang paglalarawang-tauhan na gumigising sa damdamin
ng mga manonood?
 Mahusay at makatotohanan ba ang diyalogo o usapan?
 May kaisahang bisa ba na nagbibigay ng interes sa pamamagitan ng pag-iiba-iba?
 Nagpapahiwatig ban g katimpian?
 May pagkakatimbang-timbang ba ng bugso ng damdamin?
2. Batay sa Pagganap (Acting)
 Kapani-paniwala ba ang bawat pagganap ng tauhan?
 Nababagay bas a tauhan ang mga katangian ng interpretasyon at pagsasalita
(projection)? Natatamo bas a pagpapahayag ng linya at “cue pick-up” ang tamang
tempo at ritmo?
 Ang kilos, senyas, at galaw ba ay nakagaganyak, malinaw, may pagkakaiba-iba at
naaangkop?
 Kasiya-siya ba ang masining na pamamaraan ng pagganap?
 Ang kapangyarihan at damdamin ng tauhan ay kapwa ba magkatugma?
Makatotohanan ba ang reaksyon o pagtugon? Ang himig (mood) ba ay napanatili?
Ang kasukdulan ba ay natamo?
 Ang mga tauhan ba ay nakapagpahayag sa pamamagitan ng oral at biswal sa mga
manonood? Sila ba ay malinaw, mapagtimpi, nakakaganyak at matipid sa
pagpapahayag?

3. Batay sa Awtor
 Ang lahat ba ng aspekto ng pagkakaisa ay tunay sa nagging layunin ng awtor?
 Ang kabuuan ban g tanghalan ay naging epektibo sa emfasis, pagkakatugma at
pagkakaiba-iba?
 Ang ritmo at tempo ba ay nagdulot ng tamang himig na angkop sa kasukdulan at
tamang eksena at yugto?
 May tama bang pagkakatimbang ang damdamin at panlasa sa kagandahan o sining?
4. Ayon sa Pagtatanghal (Staging)
 Ang mga ilaw ba ay nakapagtatag ng tamang panoorin, empasis at himig?
 Angkop ba ang tagpuan o tanawin?
 Ang costume o make-up ba ay may pagkakaayon sa tauhan, panahon, himig at estilo?
 Naging epektibo ba ang musika, tunog, kurtina atb.? Naging mabilis at matahimik
ba ang pagpapalit ng eksena?
5. Ayon sa Reaksyon ng mga Manonood
 May reaksyon ba mula sa mga manonood?
 Patuloy bang nagpapakita ng damdamin sa layunin ng dula ang mga manonood-
tumatawa at umiiyak ba sa tamang oras?
 Nagging mabisa ba ang mga dramatikong eksena dahil sa magagandang salitaan o
pahayag?
 Taos ba sa puso ng mga manonood ang patuloy na palakpak?
 Pinag-uusapan o tinatalakay ba ang dula sa intermisyon at pagkatapos ng dula?

DULA
aprilmbagon-faeldan 7
DULANG PILIPINO

KASAYSAYAN NG DULANG PILIPINO

Bago natin talakayin ang kasaysayan ng dulang Pilipino, makabubuti sigurong alamin muna
natin ang kahulugan ng dula o drama. Ito ay nag- ugat sa salitang Griyego na ayon sa
diksyonaryo, ang ibig sabihin ay pampanitikang komposition na nagkukuwento sa pamamagitan
ng wika at galaw ng mga aktor. Ayon sa mga mananalaysay, ang dula o drama ay maaaring
ipaliwanag sa dalawang paraan.

Sa isang dako, ang tunay na drama ayon kay Sebastian ay nagsimula noong mga unang taon ng
pangungupkop ng mga Amerikano. Idinagdag pa ni Tiongson na ang drama ay binubuo ng
tanghalan, ibat-ibang kasuotan, skripto, "characterisation", at "internal conflict." Ito ang
pangunahing sangkap ng tunay na drama ayon sa banyagang kahulugan. Sa kabilang dako, ayon
sa mga librong kinunsulta ko, ang drama ay drama kahit wala ang mga sangkap na nabanggit. Ito
ang dramang Pilipino. Ayon pa rin kay Tiongson, memises ang pangunahing sangkap ng dulang
Pilipino. Memises ay ang pagbibigay buhay ng aktor sa mga pangaraw-araw na pangyayari sa
buhay ng mga Pilipino. Ito rin ang malaking pagkakaiba ng banyaga sa Pilipinong dula.

Inilalarawan sa tunay na Pilipinong dula, ang mga pangarap ng bansa. Dito ipinapakita ang mga
katutubong kultura, paniniwala, at tradisyon. Ikinukuwento rin ang paghihirap at pagpupunyagi
sa buhay ng mga katutubong Pilipino. Dito rin mamamalas ang ibat-ibang anyo ng kanilang
pamahalaan at uri ng lipunan. Samakatuwid, ang tunay na dulang Pilipino ay nagbibigay ng mas
malawak na pang-unawa sa kulturang Pilipino at nagbibigay ng kasagutan sa mga
pangangailangan ng mga Pilipino. Higit sa lahat, ito'y nagsisilbing gabay para sa kabutihan ng
mga mamamayang Pilipino.

Ang kasaysayan ng dulang Pilipino ay isinilang sa lipunan ng mga katututbong Pilipino bago pa
dumating ang mga dayuhang mananakop. Ayon kay Casanova, ang mga katutubo'y likas na
mahiligin sa mga awit, sayaw at tula na siyang pinag-ugatan ng mga unang anyo ng dula. Ang
mga unang awitin ay nasa anyo ng tula. Ang mga katututbo rin ay mayaman sa epikong bayan na
kalimita'y isinasalaysay sa pamammagitan ng pag-awit. Ang mga awit, sayaw, at ritwal ay
karaniwang ginaganap para sa pagdiriwang ng kaarawan, binyag, pagtutuli, ligawan, kasalan,
kamatayan, pakikipagdigmaa, kasawian, pananagumpay, pagtatanim, pag-aani, at pangingisda,

DULA
aprilmbagon-faeldan 8
atbp. Bago dumating ang mga dayuhang mamnanakop, ay mayroon ng ilang anyo ng dula ang
mga katutubong pilipino.

MGA URI NG DULANG PILIPINO

Mga Katutubong Dula Mga Dula sa Panahon ng Kastila Dula sa Panahon ng mga Amerikano
Bikal at Balak Moro-Moro Sarsuwela
Karilyo Senakulo
Bayok at Embayoka Karagatan
Kasayatan Duplo
Dallot Salubong
Pamanhikan Paglakad ng Estrella at ng Birhen
Dung-aw Pinetencia
Hugas Kalawang Carillo
Dalling-Daling Puteje
Juego de Prenda
Bulaklakan
Pananapatan
Moriones
Dalit Alay (Flores de Mayo)
Pangangaluluwa
Panunuluyan
Tibag
Santacrusan
Papuri/Putong

PAGUSUSURI

Ayon sa mga manunulat, ang matatawag na tunay na uri ng dula ay nagsisimula sa mga unang
taon ng panankop ng mga Amerikano. Bagaman may mga dulang napanood at pinaglibangan ang
mga katutubong Pilipino bago sumapit ang panahong ito, ang mga tunay na dulang sinasabing
nagtataglay ng pinakamalalim na pangarap ng isang bansa, naglalarawan ng sariling kaugalian,
naglalahad ng buhay ng katutubong tulad ng nasa lona at nagpapakilala ng papupunyagi ng mga
tao ng isang bayan upang mabuhay, ay wala noon. Ang Pagdating ng mga Kastila sa Pilipinas
bagbigay panibagong sangkap sa mga katutubong dula. Ang mga dulang kagaya ng komedya ay
kinasangkapan ng mga Kastila upang mapalaganap ang Katolikismo sa kapuluan.

KONKLUSYON

Ang dula sa ating bansa ay kasintanda ng kasaysayan ng Pilipinas. Bahagi na ito ng ating
tradision. Mga tradisyong nagbibigay ng identidad sa mga Pilipino. Sa paglipas ng mga taon,
nagbabago ang anyo ng mga dulang Pilipino. Ngunit iisa ang layunin ng mga mandudula: ang
aliwin ang mga mamamayang Pilipino at higit sa lahat, bigyang buhay ang mga pangyayari sa
buhay Pilipino.

SANGGUNIAN

DULA
aprilmbagon-faeldan 9
1. Casanova, Arthur P. "Kasaysayan at Pagunlad ng Dulaang Pilipino". Rex Printing Co.
Maynila: 1984.
2. Sebastian, Federico B. "Ang Dulang Tagalog". Bede's Publishing House. Queson City:
1951.
3. Sauco, Consolacion P. at Salazar, Dionisio S. "Sulyap sa Dulang Tagalog". National
Bookstores. Manila:1987.
4. Tiongson, Nicanor G. "Dulaan". Sentrong Pangkultura ng Pilipinas. Philippines: 1989.
5. Tiongson, Nicanor G. "What is Drama?" PETA. Philippines: 1983

DULA
aprilmbagon-faeldan 10

You might also like