You are on page 1of 1

VALDEZ, LYCEA FEMAICA A.

URI NG DULA SA PILIPINAS


Dula

 Ayon kay Arrogante (1991), ang dula ay isang pampanitikang panggagaya sa buhay
upang maipamalas sa tanghalan. Sa pamamagitan ng dula,nailalarawan ang buhay ng tao
na maaaring malungkot,masaya,mapagbiro, masalimuot at iba pa.
Uri ng Dula

1. Komedya
 Ang wakas ay kasiya-siya sa mga manood dahil nagtatapos na masaya sapagkat
ang mga tauhan ay magkakasundo.
 Halimbawa: Sa Pula, Sa Puti 
2. Trahedya
 Nagwawakas sa pagkasawi o pagkamatay ng mga pangunahing tauhan
 Halimbawa: • Moses, Moses • Jaguar • Kahapon, Ngayon, Bukas(sarswela) •
Sinag Ng Karimlan • Anghel ni Noel De Leon • Ang Trahedya Sa balay ni kadil
na isinulat ni Don pagurasa
3. Melodrama
 Kasiya-siya din ang wakas nito bagamat ang uring ito’y may malulungkot na
bahagi
 Halimbawa: SarinManok ni Patrick c. Fernandez
4. Parsa
 Ang layunin nito’y magpatawa at ito’y sa pamamagitan ng mga pananalitang
katawatawa.
 Halimbwa: • Karaniwang Tao by: Joey Ayala
5. Parodya
 Kapag mapanudyo, ginagaya ang kakatwang ayos, kilos, pagsasalita at pag-uugali
ng tao bilang isang anyo ng komentaryo, pamumuna o kaya ay pambabatikos na
katawa-tawa ngunit nakakasakit ng damdamin ng pinauukulan.
6. Proberbyo
 Kapag ang isang dula ay may pamagat na hango sa bukambibig na salawikain,
ang kwento ay pinaiikot dito upang magsilbing huwaran ng tao sa kanyang buhay.

You might also like