You are on page 1of 2

KAPATID, WALA NANG PAG-ASA

(Reverse Poetry)
Ni: Lycea Femaica A. Valdez

Kapatid, wala nang Pag-asa,


Tahan na, tigilan mo na ang mga salitang,
“May pag-asa pa!”
Maniwala ka sa sinasabi mo,
“Hindi na tayo makakabangon pa!”
Dahil sa simula palang,
Mahina kana,
Hindi totoong,
May pag-asa,
Dahil sa paglaganap ng sakit,
Lahat ay puro pait,
Hindi totoo ang imahinasyon mong,
May liwanag ang kalangitan,
Dahil ang totoo,
Akala mo lang ‘yon,
“Suko na!”
“Wala nang makakapitan pa!”
“Hindi kana makakaahon pa!”
“Ang lahat ay malubha na!”
Hindi mo dapat banggitin ang salitang,
“Kaya pa!”
Oo, tama ka!
Wala nang Pag-asa,
Hindi totoong,
Makakapagsimula ka ulit,
Dahil ang totoo,
Hindi kana makakatayo,
Huwag mong isipin na,
Tutulungan ka niya,
Dahil naniniwala ang Diyos na,
Wala nang Pag-asa,
Kapatid, hindi totoong,
Makakabangon ka,
Dahil ang katotohanan,
Hindi mona kailangan lumaban,
Dahil sa totoo lang,
Huli na ang lahat,
Kapatid, nagkakamali ka kung iniisip mong,
MAY PAG-ASA.

You might also like