You are on page 1of 29

Filipino 10

Sir. Aldre Malupeng


Pamantayan sa loob ng Silid-aralan

Umupo ng maayos.

Makinig sa guro.

Itaas ang kamay kung may nais na


itanong o magsasalita.
Think-Pair-Share
Panuto: Humanap ng kapareha at pag-usapan ang tanong na
makikita sa ibaba. Mayroon lamang kayong limang minuto na
mag-usap. Ibabahagi sa klase ang napag-usapan.
“Nagawa mo na bang lumahok o manoood sa isang stage play
o teatro?”
“Ano ang mga napansin at na-obserbahan mo?”
Lesson 2.1

“Dula o Drama”
Ikalawang Markahan
Dula o Drama
Ang dula o drama ay isang anyong pampanitikan
na ang isang pangkat ng mga artista ay
gumaganap ng mga papel (iskrip) at nagtatanghal
sa harap ng tagapakinig at/o tagapanood sa teatro,
radyo, o telebisyon.
Dula o Drama
May iba’t ibang kategorya ang ang dula
depende sa tema o paksa nito tulad ng
komedya, trahedya, melodrama, at
saynete.
Dula o Drama
Karamihan sa mga dulang itinatanghal
ay hango sa totoong buhay maliban na
lamang sa iilang dulang likha ng
malikhain at malayang kaisipan.
“Sangkap ng Dula”
Tagpuan
Panahon o pook kung saan
nagaganap o naganap ang mga
pangyayaring isinaad sa dula.
Tauhan
Ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa
dula; sa tauhan umiikot ang mga pangyayari;
ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo
at nagpapadama sa dula.
Suliranin
Bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang
sulianin; mawawalan ng saysay ang dula kung wala itong
suliranin; maaaring mabatid ito sa simula o kalagitnaan
ng dula na nagsasadya sa mga pangyayari; maaaring
magkaroon ng higit na isang suliranin ang isang dula.
Saglit na Kasiglahan
Saglit na paglayo o pagtakas ng
mga tauhan sa suliraning
nararanasan.
Tunggalian
Ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng
mga tauhan, tauhan laban sa kanyang sarili;
maaaring magkaroon ng higit sa isa o
patung-patong na tunggalian ang isang dula.
Kasukdulan
Climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan
ng tauhan; sa sangkap na ito ng dula tunay na
pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin
o kaya’y sa pinakakasukdulan ang tunggalian.
Kakalasan
Ang unti-unting pagtukoy sa
kalutasan sa mga suliranin at pag-
ayos sa mga tunggalian.
Kalutasan
Sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at
natatapos ang mga suliranin at tunggalian sa
dula; ngunit maaari ring magpakilala ng
panibagong mga suliranin at tunggalian sa panig
ng mga manonood.
“Elemento ng Dula”
“Iskrip o nakasulat na
Dula/Banghay (Plot)”
“Gumaganap o Aktor/Karakter”
“Dayalogo”
“Tanghalan”
“Tagadirehe o Direktor”
“Manonood”
“Tema”
Alam mo ba?
Ang tunay na dula o drama ayon kay Sebastian ay
nagsimula noong unang taon ng pangungupkop ng mga
Amerikano. Idinagdag pa ni Tiongson na ang dula o
drama ay binubuo ng tanghalan, iba’t ibang kasuotan,
iskripto, “characterization”, at “internal conflict.”
Alam mo ba?
Sa Pilipinas, ang kasaysayan ng dulang Pilipino ay
isinilang sa lipunan ng mga katutubong Pilipino bago
pa dumating ang mga dayuhang mananakop. Ayon kay
Casanova, ang mga katutubo’y likas na mahiligin sa
mga awit, sayaw at tula na siyang pinag-ugatan ng mga
unang anyo ng dula.
“Kaligiran at May-
akda”
Kaligiran

Ang dulang babasahin ninyo ay isinulat ni


Henrik Ibsen na nailathala sa Norway noong
1882 sa pamagat na En folkefiende at
itinanghal noong 1883.
May-akda
Si Henrik Johan Ibsen (1828-1906) ay isang
mandudula, direktor sa teatro, at makata mula
sa Norway. Kinikilala si Ibsen bilang “Ama
ng Realismo” at isa sa mga tagapagtatag ng
modernismo sa teatro.

You might also like