You are on page 1of 20

 Ang pag-aaral sa mahahalagang tunog

ng wika na nagbibigay kahulugan sa


pagbigkas ng salita o nagbibigay ng ng
pagbabago sa kahulugan ng mga salita
ay tinatawag na PONOLOHIYA O
PALATUNUGAN.
 Ang tawag sa tunog na may kahulugan
din pero pinakamaliit na bahagi ng
wika ay PONEMA.
May dalawampu’t isang (21) ponema ng
wikang Filipino labing-anim (16) ang katinig
at lima (5) naman ang patinig.

Ang mga katinig sa Filipino ay ang


sumusunod:
b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, w, y

Ang mga patinig naman ay ang:


a, e, i, o, u
Mga Ponemang Patinig
Bahagi ng Dila
Ayos ng Dila
HARAP SENTRAL LIKOD

Mataas i u

Gitna e o

Mababa a


 Sa pagbigkas ng mga ponemang patinig,
may pagkakataon na napapalitan ang
ponemang e ng i at ang o ng u subalit hindi
nagbabago ang kahulugan ng salita.
 Mga Halimbawa:
 bibe-bibi
 babae-babai
 doon-duon
 noon-nuon
 Subalit may pagkakataon na kapag
napapalitan ng e ng i at ang o ng u,
nagbabago ang kahulugan ng salita. Kapag
naganap ang pagpapalit at pagbabago ng
kahulugan, ang e ng i at ang o ng u ay
dalawang magkahiwalay o magkaibang
ponema na.
 Halimbawa:
 mesa-table
 misa-mass
MGA PONEMANG
KATINIG
 Ang mga ponemang katinig ay maiiayos ayon sa
tagpuan-bigkasan at paraan ng pagbigkas at kung
may tinig at walang tinig ng pagbigkas sa mga ito
katulad ng makikita sa tsart na nasa ibaba.
Samakatuwid, sa pagsasalita, ang paglikha ng
ponema ay mailalarawan sa tagpuan-bigkasan o
punto ng artikulasyon at paraan ng pagbigkas /
artikulasyon. Itinituring na digrapo ang ng
sapagkat ang ponemang ito ay binubuo ng
dalawang letra subalit kumakatawan sa isang
makabuluhang tunog.
PARAAN NG Ngala - ngala
ARTIKU-
LASYON Labi Ngipin Gilagid Lalamu Glottal
Palatal Velar -nan
Pasara (Stop)
walang tinig
may tinig
P
b
t
d
k
g

Pailong (Nasal)
may tinig m n ŋ.

Pasutsot
(Fricative)
walang tinig s h

Pagilid
(Lateral)
may tinig l
Pakatal (Trill)
may tinig r
Malapatinig
may tinig w y
Tagpuan o Punto ng Artikulasyon
 Naglalarawan ito kung saan bahagi ng bibig
nagaganap ang pagpapalabas ng hangin sa pagbigkas
ng isang katinig o sa pagbuo ng tunog, may pitong
punto ng artikulasyon:
a. Panlabi. Ang ibabang labi at labing itaas ay
naglalapat; ginagamit ang mga labi sa pagbigkas ng
katinig. /p,b,m,w/
b. Pangngipin. Ang dulo ng dila ay dumidikit sa loob o
sa likod ng ngiping itaas. /t,d,n/
c. Panggilagid. Ang punog gilagid ay nilalapitan o
dinidiitan ng ibabaw ng dulong dila. /s,l,r/
d. Palatal (Pangalangala). Dumidiiit sa matigas na
bahagi ng ngalangal ang ibabaw ng punog dila. /y/
d. Velar (Pangngalangala). Ang velum o malambot na
bahagi ng ngalangala ay dinidiitan ng ibabaw ng
punong dila. /k,g, /(ng)/
e. Panlalamunan. Ang pagitan ng dalawang
babagtingang tinig na tinatawag na glottis ay
bahagyang nakabukas upang ang hangin sa lalamunan
ay makadaan. /h/
f. Glottal. Ang presyur ng papalabas na hangin o
hininga ay nahaharang sa pamamagitan ng pagdidiit
ng mga babagtingang tinig at ang nalilikha ay paimpit
o pasusot na tunog. /?/
Paraan ng Artikulasyon o Paraan ng
Pagbigkas
 Inilalarawan kung papaanong gumagana ang
ginagamit ang nmga bahagi ng organong
pagbigkas o sangkap sa pagsasalita. Sa pagbigkas
ng mga katinig, inilalarawan din nito kung paano
pinalalabas ang hangin hininga sa mga resonador.
Samakatuwid, ang paraan ng
artikulasyon/pagbigkas ay tumutukoy sa paraan ng
pagpapalabas ng hangin sa bibig o sa ilong na
siyang ginagamit sa paglikha ng tunog.
 Ang paraan ng artikulasyon o paraan ng pagbigkas ay
mapapangkat sa anim, gaya ng mga sumusunod:
a. Pasara. Hinaharangan ang daanan ng hangin.
/p,t,k,?,b,d,g/
b. Pailong. Nahaharang ang hangin na dapat ay sa bibig
lumalabas dahil sa pagtikom ng mga labi, pagtukod ng
dulong dila sa itaas ng mga ngipin, o kaya’y dahil sa
pagbaba ng malambot na ngalangala. Ang nangyayari
ay hindi sa bibig lumalabas ang hangin kundi sa ilong.
/m,n, /ng/
c. Pasutsot. Sa makipot na pagitan ng dila at ng
ngalangala o kaya’y ng mga babagtingang tinig
lumalabas ang hangin. /s,h/

d. Pagilid. Dahil sa ang dulong dila ay nakadiit sa punog


gilagid, sa mga gilid ng dila lumalabas ang hangin. /l/
e. Pakatal. Dahil sa ang dulo ng nakaarkong dila ay
pumapalag, ang hangin sa loob ng bibig ay paiba-iba
ng direksyon at ito ay nahaharang. /r/
f. Malapatinig. Kapag malapatinig ang ponema, ang
galwa ng labi o dila ay mula sa isang pusisyon patungo
sa ibang pusisyon. /w,y/

Dahil sa modernisasyon ng wikang Filipino,


malaya ng nakakapasok angmga salitang katutubo at
banyaga sa wikang ito bunga ng malawakang
panghihiram ng salita. Ayon sa ilang dalubwika, ang
dating bilang ng mga ponemang Filipino ay
nadagdagan na nga pitong bagong ponema.
PARAAN NG
ARTIKU- Gilagid Lalam-
LASYON Labi Ngipin- Gilagid (Ngala- unan Ngala- Impit/
Labi ngala) ngala Glottal
Pasara
walang tinig P t k
may tinig b g ’
Pailong
may tinig m n ŋ/ng (ng)

Pasutsot
walang tinig (f) s (Š)/ϛ
may tinig (v) (z) h

Pagilid l

Pakatal r

Malapatinig w y
 Sa pagbubuo ng tunog,ang ponemang patinig at
ponemang katinig ay karaniwan nang
pinagsasamasama. Hal.: p+a=pa; h+o=ho, s+i=si. Ang
tawag sa nabubuong tunog ng pinagsamang
ponemang katinig at ponemang patinig ay ponemang
segmental.
 Kapag ang ponemang katinig na w at y ay sinudlungan
ng alinman sa limang ponemang patinig, ang
nabubuong tunog ay tinatawag na diptonggo. Mga
halimbawa: a+w=aw; i+w=iw; i+y=iy; e+y=ey;
a+y=ay; o+y=oy; u+y=uy. Ang mga diptonggo ng
Filipino ay pito lamang: aw, iw, iy, ey, ay, oy, at uy.
 Ang dinaglat na ay na karugtong ng salitang
nagtatapos sa patinig ay diptonggo. Mga halimbawa:
kami’y, tayo’y, ako’y. Hindi lahat ng dalubwika ay
sumasang-ayon na diptonggo ang mga ito subalit
kapag binibigkas ang salaitang nagtatapos sa patinig
na may kasamang dinaglat na ay, litaw na litaw ang
tunog ng diptonggo.
 Ang mga diptonggo ay karaniwang nasa hulng pantig
ng salita, Halimbawa: sawsaw, nguyngoy, aruy, aliw.
 Ayon kay Dr. Alfonso Santiago (1985), ang / ̓/ ay impit
na tunog sa matandang balarila. Ang ponemang ito ay
medyo nagpapagulo nang kaunti sa palabaybayang
Filipino sapagkat kahit ito ay isang ponema, hindi ito
inirerepresenta ng titik o letra.
 Sa halip inirerepresenta ito sa dalawang paraan:
a. Nakasama ito sa palatuldikan at inirerepresenta ng
tuldik na paiwa ( ʽ) kung nasa posisyong pinal ng
salita. Ang mga salitang may impit na tunog sa
posisyong pinal ay tinatawag na malumi o maragsa.
Malumi-salitang malumay o dahan-dahan kung
bigkasin pero may diin sa pantig na penultima o
huling pantig ng salita. Ito ay laging nagtatapos sa
patinig. Inirerepresenta ito ng tandang paiwa (tulad
ng nasa itaas na simbolo) na inilalagay sa dulo ng
salita. Ito ay laging nagtatapos sa patinig. Halimbawa:
bata, talumpati, dambuhala, kulasisi
 Maragsa – Salitang binibigkas ng tuloy-tuloy
mula sa una hanggang sa huling pantig. Ang diin
ay nasa huling pantig. Lagi rin itong nagtatapos sa
patinig,. Inirerepresenta ito ng tandang pakupya
(˄) na inilalagay sa dulo ng salita. Gaya ng salitang
malumi, lagi ring nagtatapos sa patinig ang
salitang maragsa.
Mga Halimbawa: kaliwâ, butiki, salitâ, dukhâ
 Ang tuldik na paiwa (ʽ) at tandang pakupya (˄) ay
kapwa kamakatawan sa ponemang glottal na
pasara o impit na tunog.
b. Inirerepresenta ito ng gitling (-) kapag ito ay nasa
loob ng salita sa paigitan ng katinig at patinig.
Mga Halimbawa: may-ari, mag-alis, nag-ulat
Kung aalisin ang gitling, mag-iiba ang
kahulugan ng salita . Inilalagay ang gitling sa pagitan
ng panlapi na nagtatapos sa katinig at salitang-ugat na
nagsisimula sa patinig. Samakatuwid, ang gitling na
nasa pagitan ng katinig at patinig ay nagrerepresenta
sa glottal ng pasara.
Mapapansin na sa pagbigkas ng mga salitang
malumi, maragsa at may gitling sa pagitan ng katinig
at patinig, nagdidiit ang mga babagtingang-tinig na
siyang dahilan sa paglikha ng impit na tunog.

You might also like