You are on page 1of 6

C

MAIKLING KWENTO
Ang maikling kwento ay isang anyo ng panitikan na may layuning
Magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing
tauhan.Nagiiwan ito ng kakintalan sa isipan ng mga mambabasa.
Maraming uri ang maikling kwento ngunit iisa lamang ang naidudulot
nito sa mga mambabasa at iyon ay ang makapagbigay ng mabuting aral
ng maaaring gamitin ng mambabasa sa kanyang buhay. Ito ay
mayroong tatlong bahagi din.

URI NG MAIKLING KWENTO


1. KABABALAGHAN
2. KATUTUBONG-KULAY
3. MAKABANGHAY
4. PANG TAUHAN
5. PAKIKIPAG SAPALARAN
6. KATATAWANAN
7. PAG-IBIG
8. KAPALIGIRAN

Ang maikling kwento ng kababalaghan ay tumutukoy sa kwento ng


mga hindi kapani-paniwala at katatakutan.

Halimbawa:

Kwento ng tikbalang
Ang maiklinhg kwento ng katutubong-kulay ay tumutukoy sa kwento na
nagbibigay –diin sa kapaligiran, pananamit ng mga tauhan, uri ng
pamumuhay at hanap-buhay ng mga tao sinasabing pook.

Halibawa:

Suyuan sa tubugan ni Macario Pineda

Ang maikling kwentong makabanghay ay uri ng maikling kwento na


nakatuon sa pagkakabuo ng mga pangyayari.

Halimba:

“Ang ama” isinalin sa Filipino ni: Mauro R Avena

Ang maikling kwento pang tauhan ay tumutukoy sa kwento na


nakatuon sa pangunahing tauhan.

Halimbawa:

Ang kwento ni mabuti

Ang maikling kwento ng pakikipag sapalaran ay tumutukoy sa kwento


na nakatuon sa balangkas ng pangyayari.

Halimbawa:

Pangarap at tagumpay ni: Emmar C Flojo

Ang maikling kwento ng katatawan ay tumutukoy sa kwento na


nakatuon sa pagpapatawa at pagbibigay-aliw sa mga mambabasa

Halibawa:

Ang pilyong si loren


Ang maikling kwento ng pag-ibig ay tumutukoy sa kwento ng pagiibigan
ng pangunahing tauhan at kanyang kapareha

Halimbawa:

Ang nawawalang prinsesa

Ang maikling kwento ng kapaligiran ay tumutukoy sa mga pangyayaring


mahalaga sa lipunan at kalikasan

Halimbawa:

Ang aral ng damo

BAHAGI NG MAIKLING KWENTO


SIMULA- Sa simula ipinapakilala ang mga tauhan at
ipinapahayag ang magiging takbo ng kwento.Ito din dapat ay
naka-a-aliw na basahin.

GITNA- Sa gitna saglit na pinagtatakpo ang pangunahing


tauhan na darating sa isang matinding tunggalian at ang
nangyari sa tunggalian ay nagiging resulta ng kasukdulan.

WAKAS- Sa bahaging ito nagpapakita ng unting unting


pagbaba ng takbo ng kwento mula sa kasukdulan at dito
darating ang katapusan ng kwento ng maaaring masaya o
malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.

You might also like