You are on page 1of 2

ANG MAKINANG PANAHI 10.

Face Plate- takip sa bandang kaliwa ng braso na maaring alisin


upang maparaan ang kabilya ng karayom.
Naimbento ang kaunaunahang makinang panahi ni Elia Howe noong 1846. 11. Turnilyong Pampaandar (Stop Motion screw) – ito ang malaking
Pinabuti ito ni Isaac Merit Singer noong 1851. Pinasimulan niya ng turnilyo sa gitna ng balance wheel. Maari itong luwagan o sikipan. Itinitigil
paggawa ng maramihan ng mga makinang panahi kaya mayroong tatak nito ang galaw ng makina kapag niluluwagan at pinaandar naman kapag
ang makina na Singer. Ang pagkaimbento ng makina ay iang malaking sinisikipan.
hakbang na nagpabuti sa gawaing pananahi. Sa makina, mabilis matapos
at higit na matibay ang tahi kaysa sa pananahi sa kamay. Ang making
panahi ay maaring patakbuhin sa pamamagitan ng paa, kamay o
kuryente.

MGA BAHAGI NG MAKINA

Mga pangunahing bahagi:

A) Ulo
B) Kama
C) Ibaba ng makina

A. Ulo - ito ang bahgi sa itaas na binubuo ng maliliit at tiyak na


bahagi ng makina

1. Gulong na Pangkamay (Balance Wheel) – ito ang maliit na gulong


sa gawing kanan ng ulo na umiikot sa pamamagitan ng kordon sa makina.
2. Tusukan ng karete (Spool pin) - ito ay nasa itaas na bahagi ng ulo
ng makina. Dito inilalagay ang karete ng sinulid. B. Kama ( Bed) - ito ang patag na bahagi ng ulo ng makina. Sa
3. Ikiran ng sinulid ng bobina (Bobbin Winder) – ang bahaging ito ay ilalim nito pinaandar ng shuttle ang galaw ng sinulid.
malapit sa balance wheel. Ito ang mag-iikid ng sinulid ng bobina.
4. Pang-ayos ng tahi (Stitch Regulator) – ito ay nakalagay sa ibaba 1. Metal na pambibig ( Throat Plate) – ito ang makinis at makintab na
ng ikiran ng sinulid. Inaayos at kinokontrol nito ang haba ng mga tahi. metal sa ibabaw ng kama na pinagdaraanan ng karayom at sinulid.
5. Pang-itaas na panghigpit (Tension Regulator) – Ito ang nag- 2. Ngipin ng makina ( Feed Dog) ito ay nasa ilalim ng presser foot.
aayos ng luwag o higpit ng mga tahi ng makina. Ang bahaging ito ay may ngiping gumagalaw na siyang nag-uusad sa tela
6. Panikwas na sinulid (Thread take-up lever) – ito ang bahaging habang ito ay tinatahi.
humihila nang paitaas sa labis na sinulid. 3. Takip na metal ( Slide Plate) – ito ay nasa gawing kaliwa ng kama.
7. Kabilya ng Karayom ( Needle Bar) – sa bahaging ito inilalagay ang Yari ito sa makinis at makintab na metal. Binubuksan ito kung aalisin o
karayom. Ito rin ang nagdadala ng sinulid sa ibabaw habang nanahi. ilalagay ang kaha sa bobina.
8. Presser Foot - ito ang pumipigil at gumgabay sa tela habang nanahi. 4. Kaha ng bobina (Bobin Case) – pinaglalagyan ng bobina.
9. Tagataas-babang pisador ( Presser Bar Lifter) – bahaging 5. Bobina (Bobbin) dito inilalagay ang sinulid sa ilalim ng makina.
nagtataas at nagbaba sa presser foot.
C. Ibaba ng Makina

1. Koreya, Kulindag o Kurdon (Belt) – ito ay balat na lubid na nag- KASANAYAN SA PANANAHI MAKINA
uugnay sa maliit na gulong sa ibabaw at sa malaking gulong sa ilalim.
2. Malaking Gulong (Band Wheel) - makikita sa gawing kanan sa ilalim Mga Panuntunang Pangkalusugan at Pangkaligtasan
ng cabinet ng makina. Ito ang malaking gulong sa ibaba na kinakabitan
ng koreya at nagpapaikot sa balance wheel. A. Pangkalusugan
3. Pidal (Treadle) – dito pinapatong ang mga paa upang umandar o 1. Maupo ng maayos
umikot ang malaking gulong sa ilalim sa tulong ng pitman rod. 2. Ilagay ang makina kung saan ang liwanag ay nangagagling sa ibabaw
4. Band Wheel Crank – ito ang bahaging nagpapaikot sa malaking ng balikat.
gulong sa ilalim. 3. Laging iwasan ang tuwid na liwanag o nakakasilaw na ilaw.
5. Pangawit (Pitman Rod) - isang mahabang bakal na naghuhugpong 4. Gumawa nang may malinis na kamay.
sa pedal at sa malaking gulong. 5. Sa pagputol ng sinulid gunting lamang ang gamitin.
6. Giya ng Koreya (Belt Guide) - pumapatnubay sa koreya upang hindi 6. Pamalagiing malinis ang mesang gawaan.
mawala sa lugar.
B. Pangkaligtasan
1. Ang gunting, aspili at karayom ay hindi dapat hawakan sa matutulis na
bahagi.
2. Kung ang gunting ay iaabot sa ibang tao, iuna ang hawakan.
3. Ang mga daliri ay huwag ilalalagay sa ilalaim ng presser foot.
4. Sa gawing kanan ng makina ipatong ang gunting.
5. Iwasan ang paglalagay ng karayom o aspili sa bibig. Itusok ito sa pin
cushion kung hindi ginagamit.

You might also like