You are on page 1of 5

Northgate Cyberzone, Alabang Muntinlupa

Oktubre 09, 2019

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN – KONTEMPORARYONG ISYU


TERRITORIAL AND BORDER CONFLICTS

I. PAMANTAYAN

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap

Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa sa Ang mga mag-aaral ay nakapagpapanukala ng


sanhi at epekto ng mga isyung pampulitikal mga paraan na nagpapakita ng aktibong
sa pagpapanatili ng katatatagan ng pakikilahok sa mga isyung pampulitikal na
pamahalaan at maayos na ugnayan ng mga nararanasan sa pamayanan at sa bansa.
bansa sa daigidig.
Pamantayan sa Pagkatuto
- Natatalakay ang mga dahilan ng mga suliraning teritoryal at hangganan (territorial and border
conflicts). - AP10IPP-IIb-3

II. LAYUNIN
Matapos ang talakayan, ang mga mag–aaral ay inaasahang:
1. Nasusuri ang mga ang epekto ng mga suliraning teritoryal at hangganan sa aspektong
panlipunan, pampulitika, pangkabuhayan at pangkapayapaan ng mga mamamayan.-
AP10IPP-IIc-4
2. Nalalaman ang pag unawa ng mga mag-aaral tungkol sa kahulugan at sanhi ng teritoryal at
hangganan (territorial and border conflicts).
3. Napahahalagahan ang papel ng isang mamamayan para sa aktibong pakikilahok sa paglutas
ng suliranin tungo sa katatagan ng bansa at maayos na ugnayan.

III. NILALAMAN
A. Modyul II: Mga Isyung Politikal at Pangkapayapaan
Aralin 2: Mga Isyung Politikal: Territoryal and Border Conflicts
Paksa: Territoryal and Border Conflicts
Balangkas ng aralin:
I. Kahulugan ng teritoryal at hangganan.
II. Sanhi ng teritoryal at hangganan
III. Salik sa pagkakaroon ng teritoryal at hangganan
IV. Mga epekto ng Teritoryal at border conflicts sa aspektong panlipunan,
pangekonomiya, pampolitika at pangkapayapaan.
B. Mga Kagamitan: Araling Panlipunan Modyul, MS PowerPoint, projector, laptop, video
clip, flaglets, at props para sa kanilang presentasyon,
C. Mga Sanggunian: Internet ( https://www.slideshare.net/JonalynCagadas/suliraning-
teritoryal-at-hangganan, https://www.slideshare.net/jmpalero/mga-suliraning-
teritoryal-at-panghangganan, & https://www.wattpad.com/554271647-araling-
panlipunan-10-terriorial-and-border).

IV. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin (1 minuto)
2. Pagsasaayos ng silid-aralan at pagtala ng liban sa klase (2 minuto)

“Nurturing minds, Empowering lives”


Northgate Cyberzone, Alabang Muntinlupa

3. Balitaan (5 minuto)
Paglalahad ng napapanahong balita sa loob o labas ng ating
bansa.

4. Pagsasanay (5 minuto)

FISH BOWL GAME


Isang maikling game ang ipapakita ng guro. Ito ay isang fish bowl
game kung saan ang bawat mag-aaral na nag nanais maglaro at bumunot ng
katanungan sa fish bowl ay may tyansa na makakuha ng tsokolate kung tama ang
kanyang kasagutan at kendi naman ang kanyang makukuha kung ang kanyang
kasagutan ay mali.
 Sa loob ng fish bowl ay mayroong nakahintay na katanungan na
babasahin muna ito ng mag-aaral bago nito sagutan ang tanong.

MGA KATANUNGAN:
1. Ito ay isang pulotong ng pirasong lupa na bahagyang makikita kapag low tide at
nawawala sa paningin kapag high tide na pilit na inaangkin ng bansang Tsina.
( Spratly Island)
2. Ang bansang umaangkin sa scarborough shoal kahit ito ay nakapaloob sa Exclusive
Economic Zone ng Pilipinas. (Tsina)
3. Ang tawag sa lugar na pinag-aagawan ng Pilipinas at Malaysia sa may Hilagang
Borneo. ( Sabah)
4. Ito ang bansang may pinakamataas na migrasyon na nangunguna sa survey. (USA)
5. Ang tinatayang kabuuong sukat ng Pilipinas. ( 300,000 sq. km)

5. Balik-Aral (5 minuto)

IBANDILA NA YAN!
Ang bawat isa ay may dalawang flaglets na hawak na gagamitin nila sa kanilang
pagsagot sa tanong ng guro. Kapag tama ang isinasaad ng pangungusap itataas ng mga
mag-aaral ang ( ) asul na bandila samantalang ( ) pulang bandila naman kapag ito ay
mali.
1. Flow ang tawag sa proseso ng paglipat mula sa isang lugar patungo sa isang lugar
maging ito ay permanente o pansamantala.
2. Ang stock ay bilang ng nandarayuhan na naninirahan o nananatili sa bansang nilipatan..
3. Maaaring paghikayat ng kaanak ang nagiging dahlia ng pagkakaroon ng migrasyon.
4. Ang pagtratrabaho ng mga OFW sa ibang bansa ay malaking naitutulong nito sa
ekonomiya ng bansa.
5. Mahigit na 4.1% porsyentong populasyon ang nandayuhan sa buong sa mundo.

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak (5 minuto)
Video-nalysis!
Ang guro ay tatawag ng mag-aaral upang malaman ang nasuri niya sa videong
napanuod. Susubukin ang galing ng mag-aaral sa pagsuri sa kanyang napanuod.

“Nurturing minds, Empowering lives”


Northgate Cyberzone, Alabang Muntinlupa

 Ano ang tinutukoy ng dalawang video na


inyong napanuod?

Posibleng kasagutan ng mag-aaral:


tungkol sa pag-aagawan ng teritoryo ng
Tsina at ng Pilipinas sa West Philippines
Sea.

Guro: Very Good!

 Ayon sa datos na inyong Nakita, may epekto


ba ang pag aagawan ng teritroyo sa kalakalan ng Tsina at ng Piliponas?

Posibleng kasagutan ng mag-aaral: Ayon po sa aming napanuod, hindi po


nagkaroon ng epekto sa kalakalan ang Tsina at Pilipinas sa kanilang pag aagawan
ng teritoryo, Ipinakita din sa ulat na malaki pa din ang kinikita ng kalakalan.

Guro: Very Good!

 Paano mo bibigyan ng kahulugan ang teritoryal at hangganan base sa iyong mga


napanuod?

Posibleng kasagutan ng mag-aaral: Base po sa aking napanuod, ang teritroyal at


hangganan ay ang pag-aagawan ng bansa sa teritroyo o pag-aangkin sa lupa na sakop
ng kanilang bansa.

Guro: Tumpak na kasagutan.

2. Gawain (20 minuto)


Magpangkat-pangkat Tayo!
Ang buong klase ay hahatiin sa tatlong pangkat. Ang bawat pangkat ay magpapakita
tungkol sa paksang naiatas sa kanila sa loob lamang ng 2-3 minuto. May rubrik na gagamitin
ang guro para sa pagbibigay ng iskor sa nasabing pag-uulat o presentasyon.

Unang Pangkat - Pagpapakita ng isang round table discussion tungkol sa


sanhi ng teritoryal at hangganan.
Ikalawang Pangkat - Pagpapakita ng morning show na panayam tungkol sa salik ng
pagkakaroon ng teritoryal at hangganan
Ikatlong Pangkat – Pagpapakita ng isang Tableue tungkol sa mga epekto ng
teritoryal at hangganan sa aspektong panlipunan, pangekonomiya,
pampolitika at pangkapayapaan

RUBRIK SA PAGMAMARKA NG PANGKATANG GAWAIN


DIFFERENTIATED ACTIVITIES
MGA PUNTOS
MGA BATAYAN 5 3 1
NILALAMAN Naibigay ng buong May kaunting Maraming kakulangan
husay ang hinihingi ng kakulangan ang sa nilalaman na
takdang paksa sa nilalaman na ipinakita ipinakita sa
pangkatang gawain. sa pangkatang pangkatang gawain
gawain.
PRESENTASYON Buong husay at Naiulat at Di gaanong
malikhaing naiulat at naipaliwanag ang naipaliwanang ang
naipaliwanag ang

“Nurturing minds, Empowering lives”


Northgate Cyberzone, Alabang Muntinlupa

pangkatang gawain sa pangkatang gawain sa pangkatang Gawain


klase. klase. sa klase.
KOOPERASYON Naipapamalas ng Naipamalas ng halos Naipamalas ng
buong miyembro ang lahat ng miyembro ang pagkakaisa ang iilang
pagkakaisa sa pagkakaisa sa miyembro sa paggawa
paggawqa ng paggawa pangkatang ng pangkatang
pangkatang gawain. gawain. gawain.
TAKDANG ORAS Natapos ang Natapos ang lahat ng Di natapos ang
pangkatang gawain ng Gawain ngunit pangkatang gawain.
buong husay sa loob lumagpas sa takdang
ng itinakdang oras. oras.

3. Pagsusuri (5 minuto)
Ang smiley ng katanungan, pasok!
Matapos mapanood at mapakinggan ang presentasyon ng bawat pangkat, ang guro
ay tatawag ng mag-aaral na sasagot sa mga sumusunod na katanungan na nasa likod ng mga
smileys. Pipili ang mag-aaral ng isang smiley at ito ay kanyang bubuksan, babasahin nya muna
ng malakas ang katanungan bago niya ito sagutin.

1. Paano nagkakaroon ng teritroyal at hangganan (territorial dispute) sa pagitan ng bawat


bansa?
2. Malaki ba ng epekto ng teritroyal at hangganan (territorial dispute) sa kabuhayan ng
mga mamamayan na naninirahan sa bansa? Bakit.
3. Gaano kahalaga ang papel na ginagampanan ng pamahalaan sa pagkamit ng
kapayapaan at kaayusan sa bansa?

4. Paglalagom (2 minuto)

DUGTUNGAN MO!

Ang teritoryal and boder conflicts ay_____________________ na nagiging


sanhi ng_________________________________na maaaring magdulot ng epekto
sa iba’t-ibang aspekto tulad ng____________________________________.

5. Paglalapat (5 minuto)
PUNAN MO! ANG PAGKUKULANG KO!

Ang mga mag-aaral ay susulat sa ¼ na colored paper ng isang pangako na nagpapahayag ng


pagtulong sa pamahalaan bilang isang kabataan na maaaring makatulong sa paglutas ng
suliraning territorial at border conflicts.

Makatutulong ako sa paglutas sa suliraning dulot ng territorial at border conflicts sa pamamagitan


ng___________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

“Nurturing minds, Empowering lives”


Northgate Cyberzone, Alabang Muntinlupa

V. PAGTATAYA (3 minuto)
Panuto: Tukuyin ang hinihingi ng mga sumusunod na pangungusap.

1. Ito ay ang katawagan sa pagkakaroon ng alitan ng mga magkakaratig na bansa o estado


ukol sa kani-kanilang mga teritoryo. (territorial and border conflict/ teritoryal at
hangganan)
2. Isang internasyonal na kasunduan kung saan sinasaad ang karapatan at responsibilidad
ng mga bansa at estado sa kani-kanilang teritoryo batay sa mga karagatan na nakapaligid
sa kanila (UNCLOS)
3. Ito ay isang sea zone na pinanukala ng United Nations na ang isang estado ay may
espesyal na karapatan na gamitin ang mga likas na yaman nito at magsagawa ng
eksplorasyon ( EEZ ( exclusive economic zone)
4. Ito ay isa epekto sa aspekto ng territorial and border conflicts kung saan nabubuo ang mga
alyansa ng mga nation-state na may magkaparehong interes at ideyolohiyang pampolitika.
( Aspektong Pampolitika)
5. ito ay sanhi ng territorial and border conflicts na may kauganyan sa kasaysayan ng estado.
( Simboliko)
SEKSYON 5 4 3 2 1 0
Grade 10

VI. TAKDANG-ARALIN (2 minuto)


Maghanap ng isang news article o kaya magtanong sa mga houseparent hinggil sa mga
suliraning teritoryal at hangganan na naganap/nagaganap sa Asya. Bigyan ng reaksyon ang
nakalap na news article.

Inihanda ni: Binigyang pansin ni:

Catherine V. Montes Dionisia C. Serohijos


Sped Teacher II NTSG, Teacher-in-charge

“Nurturing minds, Empowering lives”

You might also like