You are on page 1of 4

Learning Area Edukasyon sa Pagpapakatao Grade Level Lima

W2 Quarter Ikatlo Date

I. LESSON TITLE Pagpapamalas ng Pagkamalikhain

II. MOST ESSENTIAL LEARNING Nakapagpapamalas ng pagkamalikhain sa pagbuo ng mga sayaw,


COMPETENCIES (MELCs) awit at sining gamit ang anumang multimedia o teknolohiya. EsP5PPP-
IIIb-24

Napapanatili ang pagkamabuting mamamayang Pilipino sa


pamamagitan ng pakikilahok.
Esp5PPP-IIIb-25
III. CONTENT/CORE CONTENT

Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
A. Introduction 30 minuto Sa unang aralin ng nakaraang linggo ay iyong natutuhan ang mga
Panimula kanais-nais na kaugaliang Pilipino. Sa araling ito naman ay inaasahang
ikaw ay makapagpapamalas ng pagkamalikhain sa pagbuo ng mga
sayaw, awit at sining. Sa linggo din na ito ay inaasahan na mapapanatili
mo ang pagkamabuting mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng
pakikilahok.
Ang ating talino at mga talento ay biyaya mula sa Diyos na dapat
nating gamitin sa mga kapaki-pakinabang na paraan. Kaakibat sa
mga gawaing ginagamitan ng talino ay ang ating pagkamalikhain.
Maraming paraan ang maaari nating gawin upang malinang ang mga
kasanayang ito. Isa na rito ang paggamit ng multimedia o teknolohiya
na nagpapakita rin ng pagiging malikhain.
Sa pamamagitan ng angkop na paggamit ng talino,
makatutulong ang mga kabataang tulad mo para sa kaunlaran ng
bayan at ng buong mundo.
Pag-aralan ang mga larawan sa ibaba. Anu-ano ang
ipinapakita ng mga ito? Paano ipinakita ang pagiging malikhain sa mga
likhang sining na nasa larawan? Makakalikha din ba tayo ng ganitong
mga likhang sining gamit ang makabagong teknolohiya?

(Kung mayroong internet connection sa bahay ay maaaring i-access


ang internet link sa baba nito upang mas makita ang mga larawan
ng mas malinaw at maayos.)

https://www.google.com/search?q=handcrafts%20flowers%20png&tb
m=isch&hl=en&tbs=il%3Acl&sa=X&ved=0CAAQ1vwEahcKEwiI3v6GgMjv
AhUAAAAAHQAAAAAQAg&biw=1903&bih=969
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe

Tama! Ang mga ito ay nagpapakita ng pagkamalikhain. Ito ay isang


katangian nating mga Pilipino na dapat nating ipagmalaki at
pagyamanin.
Ikaw, paano mo maipapamalas ang pagkamalikhain sa pagbuo ng
mga sayaw, awit at sining gamit ang anumang multimedia o
teknolohiya?
B. Development 30 minuto Basahin sa Matuto sa Iba sa pahina 119-120 sa Ugaling Pilipino sa
Pagpapaunlad Makabagong Panahon – Ikalimang Baitang – Ikatlong Markahan.

Ang sumusunod ay pananagutan upang malinang o mapagyaman


ang mga talentong bigay sa atin ng Diyos.
1. Ipagpatuloy ang pag-alam ng iba mo pang talento na namana mo
sa iyong mga magulang at natutuhan mo sa iyong mga guro at mga
taong nakakasalamuha mo sa paaralan, simbahan, at pamayanan.
Sikaping lumahok at gawin ang pagpapakita at pagpapahayag ng
sariling talento.
2. Maging gawi ang pagbabahagi ng iyong mga talento.
3. Lumahok sa mga paligsahang makatutulong upang lalong mahasa
ang iyong talento.
4. Maging mapagpakumbaba sa pagtanggap sa karangalan mga
papuri ng ng ibang tao o samahan.
5. Higit sa lahat maging responsible sa paglinang at pagpapayaman ng
iyong talento.
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:
Hikayatin ang miyembro ng pamilya.
Bumuo ng isang sayaw, awit o sining gamit ang anumang multimedia
o teknolohiya na nagpapakita ng pagpapahalaga ng kultura ng mga
Pilipino. Maaring ivideo ang aktwal na awtput at ipadala sa guro sa
pamamagitan ng facebook messenger o group chat. Gawing gabay
ang rubriks sa ibaba.

Pamantayan 3 2 1

Pakikiisa Lahat ng Isa o dalawang Tatlo o higit


kasapi ng kasapi ng pang kasapi ay
pamilya ay pamilya ay hindi nakiisa sa
nakiisa sa hindi nakiisa sa gawain
gawain gawain

Kagalakang Lahat ng Isa o dalawang Tatlo o mahigit


ipinamalas sa kasapi ng kasapi ng pang kasapi ng
gawain pamilya ay pamilya ay pamilya ay hindi
nagpakita hindi nagpamalas
nang nagpamalas nang kagalakan
kasiyahan sa nang sa pakikilahok sa
pakikilahok sa kagalakan sa gawain
gawain pakikilahok sa
gawain
Gawain sa Pagakatuto Bilang 2: Lagyan ☺ kung tama ang isinasaad ng
pangungusap at  kung hindi.

____1. Makatutulong ang bagong teknolohiya sa


pagpapaunlad ng ating kakayahan.
____2. Umiwas sa mga gawaing makapagpapaunlad sa ating
sarili.
____3. Makilahok sa mga paligsahang makapagpapaunlad ng
mga talento sa inyong barangay.
____4. Huwag ibahagi sa iba ang ating talento.
____5. Magsanay upang lalo pang maging mahusay.

C. Engagement 30 minuto Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Itala sa graphic organizer ang mga
Pakikipagpalihan talentong pwedeng gawin gamit ang makabagong teknolohiya o
multimedia. Gawin sa iyong sagutang papel.

Mga talento na
pwedeng gawin
gamit ang
makabagong
teknolohiya o
multi-media
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Lagyan ng tsek (✓) kung ang
pangungusap ay nagsasaad ng tamang gawain at ekis() naman kung
mali. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
1. Pagtawanan ang kalaban sa paligsahan kung siya ay
nagkamali.
2. Hindi paglinang sa mga talento.
3. Paglahok ng buong katapatan sa mga paligsahan.
4. Paggawa ng lahat ng paraan upang manalo sa patimpalak
kahit sa maling paraan.
5. Pagtanggap ng pagkatalo nang maluwag sa kalooban.

D. Assimilation 30 minuto Sa iyong sagutang papel, buoin ang konseptong natutunan sa araling
Paglalapat ito.
Ipakita ang iyong at sikaping mapaunlad hindi lamang
sa sariling kapakanan ngunit para sa ng lahat. Maging
sa pagtanggap ng papuri ng ibang tao at responsible sa
paggamit ng iyong mga talento. Ugaliing sa mga paligsahan
upang lalo pang mahasa ang iyong talento. Makabubuting gumamit
ng o teknolohiya sa pagpapaunlad ng talento at pagiging
malikahin.
talento makilahok kabutihan multimedia

paligsahan mapagpakumbaba

VI. REFLECTION Magsulat ka sa iyong papel ng iyong nararamdaman o realisasyon


gamit ang mga sumusunod na prompt:
Naunawaan ko na .
Nabatid ko na .
Naisasagawa ko na .

Prepared by: EDARLYN DE LA CRUZ Checked by: JENNIFER BALITAAN


Teacher III Principal
SDO Lipa SDO Lipa

IRENE I. VIDAL EDITA T. OLAN


Teacher II EPS-EsP
SDO Cavite Province SDO Lipa
JOSEPHINE P. MONZAGA
EPS-EsP
SDO Cavite Province
Edited & ARNAIZ A. SAQUIN LeaPEsPG5-Wk2 For Release
Reviewed by: LRE/Teacher III - SDO Batangas Province 20210323-V02

MYRASOL D. BELTRAN
LRE/Teacher III - SDO Batangas Province

Ma. Leticia Jose C. Basilan- EPS-EsP Batangas Province


Philips T. Monterola - EsP Regional Coordinator
Sanggunian Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 6 p. 119-120.

You might also like