Professional Documents
Culture Documents
Demonstration-Lesson-In-Araling - Panlipunan 4
Demonstration-Lesson-In-Araling - Panlipunan 4
2. Balik-aral
3. Paglalahad
Basahin ang isang diyalogo at pagmasdan kung ano
ang masasabi ninyo tungkol dito.
Diyalogo:
Jaime: Ana! Ana! bumaba ka nga rito sandali.
Ana: Bakit kuya ano bang nangyari?
Jaime: May dumating na package para sa iyo.
Ana: Pakisabi sa delivery man sandali lang at
tatapusin ko lang itong ginagawa ko.
Jaime: Bilisan mo at baka mainip si kuya.
Ana: Eto na bababa na.
Jaime: O sige kuya maiwan ko na po kayo ng kapatid
ko.
Ana: Kuya, kanino po galing ang package?
Delivery Man: Sa nanay niyo po kay Gng. Tolentino.
Ana: Naku! Salamat at dumating na ang padala ni
Region I
LA UNION SCHOOLS DIVISION
Aringay District
NEW BERN ELEMENTARY SCHOOL
nanay!
Delivery Man: Salamat din po at mabilis ang iyong
naging pagtugon.
Ana: Walang anoman po. Mag - ingat po kayo sa
daan.
.
Paglalahad at Pagtatalakay
C.Paglinang na Gawain Mula sa dayalogo na nabasa
1. Anu-ano ang mga uri ng pangungusap na napansin
niyo?
2. Anu-Ano ang mga bantas na ginamit sa mga
pangungusap?
Pangungusap – lipon o grupo ng mga salita na may
buong diwa.
Mga Uri ng Pangungusap:
A.Pasalayasy o Paturol - Ito ay naglalahad ng
katotohanan o pangyayari. Kadalasan ito ay
nagtatapos sa bantas na tuldok (.). -
• Halimbawa: Ang Pilipinas ay binubuo ng 7,107 na
mga isla.
B.Patanong - Ito ang mga pangungusap na nagnanais
na makakuha ng impormasyon tungkol sa isang
katotohanan o pangyayari.Lagi itong may tandang
pananong (?) na bantas sa hulihan.
• Halimbawa: Kailan uuwi ang iyong ama?
C.Padamdam - Nagsasalaysay ng matinding
damdamin gaya ng lungkot, saya, pagkagulat, tuwa,
pagkamangha o panghihinayang. Karaniwang
nagtatapos ang pangungusap na ito sa tandang
padamdam (!)
• Halimbawa: Naku! Nasusunog ang bahay ni
Mang Romeo.
D.Pautos o Pakiusap - Ang mga pangungusap na
pautos ay naglalahad ng obligasyong dapat tuparin at
ang mga pangungusap na pakiusap naman ay
nagpapahayag ng pag – uutos ng magalang na
pamamaraan at ito ay nagtatapos sa bantas na tuldok
(.). -
Region I
LA UNION SCHOOLS DIVISION
Aringay District
NEW BERN ELEMENTARY SCHOOL
Paturol________________________________
Patanong__________________________________
Padamadam_______________________________
Pakiusap__________________________________
Group 3
Panuto : Sumulat ng limang (2) pangungusap sa
bawat uri nito. Ilagay ang inyong mga sagot sa
patlang.
Paturol
_______________________
Padamdam
Pautos
Pakiusap o Pautos
Region I
LA UNION SCHOOLS DIVISION
Aringay District
NEW BERN ELEMENTARY SCHOOL
_____________________________________________________
E.Paglalahat
Anu-Ano ang mga dapat natin gamitin na
pangungusap kung tayo ay nagsasalaysay ng sariling
karanasan?
IV. Pagtataya
PANUTO : Isulat ang uri ng pangungusap at ilagay
ang tamang bantas nito.