You are on page 1of 13

PANG-ABAY

PANG-ABAY
ay bahagi ng pananalitang nagbibigay-turing
o mga salitang naglalarawan sa pandiwa
(verb), pang-uri (adjective) o kapwa pang-
abay.
PANTURING SA PANG-URI
PANTURING SA PANDIWA

PANTURING SA KAPWA PANG-ABAY


PANTURING SA PANG-URI

pang- uri

Sadyang malusog ang kanyang


pangangatawan noon pa man.
pang-abay
PANTURING SA PANDIWA

pandiwa
Dahan-dahan siyang umakyat ng
hagdan upang hindi magising ang
kanyang natutulog na ina.
pang-abay
PANTURING SA KAPWA PANG- ABAY

kapwa pang-abay

Dahil sa angking sipag at talino, tunay


na mabilis ang kanyang pag-unlad.
pang-abay
MGA URI NG PANG-ABAY

1 Pang-abay na Pamanahon

2 Pang-abay na Panlunan

3 Pang-abay na Pamaraan
1 Pang-abay na Pamanahon
ay nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang
kilos na taglay ng isang pandiwa sa pangungusap

HALIMBAWA:
Nagsimula na noong Lunes ang pagbubukas ng kanilang
community pantry bilang pagtulong sa mga
nangangailangan.
Sinusunod ni Robert ang kanyang ina tuwing may
inuutos ito.
TATLONG URI NG PANG-ABAY
NA PAMANAHON

May Pananda

Walang Pananda

Nagsasaad ng Dalas
May Pananda

nang, sa, noon, kung/kapag, tuwing,


buhat, mula, umpisa, hanggang
HALIMBAWA:

Tuwing bagong taon ay nagkakaroon


ng reunion ang kanilang pamilya.
Walang Pananda
kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas,
sandali
HALIMBAWA:
Pupunta bukas sa Indonesia ang ating
pangulo upang dumalo sa isang
pagpupulong.
Nagsasaad ng dalas
araw-araw, tuwing, taon-taon, buwan-
buwan atbp.
HALIMBAWA:
Ang buong mag-anak nina Leslie ay
pumapasyal sa tahanan ng kanilang Lola
.buwan-buwan
2 Pang-abay na Panlunan
ay nagsasaad ng lugar kung saan naganap ang kilos sa
pangungusap. Tumutukoy din ito sa pook na pinangyarihan
o pangyayarihan ng kilos sa pandiwa. Ginagamit ang
salitang sa, kina o kay sa pang-abay na ito.
HALIMBAWA:
Patuloy ang pagpapaalala ng gobyerno na manatili
sa tahanan ang mga mamamayan para sa kanilang
kaligtasan.
Ibinigay ni Mariel kay Lorraine ang hawak niyang libro
3 Pang-abay na Pamaraan
ay nagsasaad kung paano naganap, nagaganap o
magaganap ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa.
Ginagamitan ito ng mga pananda na nang, –ng, -g o
sinusundan ng salitang na.
HALIMBAWA:

Mahinahong sinagot ni Michael ang mga akusasyon sa


kanya.
Ang mga tao ay nagdarasal nang taimtim sa loob ng
simbahan.

You might also like