You are on page 1of 28

PANGUNGUSAP

Pangungusap
kumakatawan ito sa bawat
pahayag o pagsasalita ng isang
tao na nagdudulot o nagbibigay
ng kahulugan.
Isang salita o lipon ng mga
salita na nagsasaad ng buong
diwa. Ito ay binubuo ng simuno
at panaguri.
Halimbawa ng lipon ng mga salita
Ang pagpapataas ng ekonomiya
ay patuloy na isinasagawa ng
gobyerno natin.
Masarap matulog nang walang
alalahanin.
Halimbawa ng isang salitang
Pangungusap
Takbo, lakad, inom
Uri ng Pangungusap
Karaniwan – ayos ng pangungusap ay karaniwan
kung nauuna ang Panaguri at sinusundan ng
Simuno kaya’t di litaw ang ay. Ika nga’y P-S ang
balangkas ng pangungusap.
Hal:

Binangungot siya kagabi kaya namatay.

Ikinabigla ko ang balita sa telebisyon.


Di- karaniwan – kung litaw o nakalantad
ang “ay” sa loob ng pangungusap ang
balangkas ay S-P o nauuna ang Simuno
sinusundan ng Panaguri.
Hal:
Ang balita sa telebisyon ay ikinabigla ko.

Ang ekonomiya ng ating bansa ay patuloy


na nagbabago.
URI NG
PANGUNGUSAP AYON
SA KAYARIAN
PAYAK
ito ang pangungusap na may
iisang paksang pinag-uusapan
na kumakatawan sa iba’t
ibang anyo.
Mga anyo ng payak na pangungusap.
PS-PP – payak na simuno at payak na panaguri.
Hal:
Masipag na mag-aaral si Jose.
Matalinong bata si Jay.
PS-TP –payak na simuno at tambalang
panaguri.
Hal:
Matalino at masipag na mag-aaral si Jose.
Mabait at mapagkakatiwalaan ang kaibigan ko.
TS-PP –tambalang simuno at payak na panaguri
Hal:
Kapwa matulungin sina Jun at Lito.
Ang karukhaan at kalinisan ng loob ay kailangan
ninuman.
TS-TP – Tambalang simuno at tambalang panaguri
Hal:
Mapagmahal at maalalahanin sina mama at papa.
Sina Pangulong Marcos at Duterte ay mga haligi ng
bansa at mga magulang ng bayan.
TAMBALAN
ito ay pangungusap na may
dalawang kaisipan na pinag-uugnay
o pinadudugtong sa tulong ng
pangatnig.
binubuo ng dalawang buong
pangungusap o tinatawag ding
sugnay na makapag-iisa.
Hal:
Si Luis ay mahilig mang-asar samantalang
si Loreng ay mapagmahal.
Ang nanay niya ay isang guro at ang
kanyang tatay ay isang doktor.
Gusto kong kumain ng ice cream pero
wala akong pera.
Hugnayan
ito ay pangungusap na binubuo
ng isang sugnay na makapag-iisa
at sugnay na di makapag-iisa. Ang
diwa ng dalawang sugnay ay
magkarugtong at pinag-uugnay o
pinagsasama ng pangatnig.
Hal:
Ililibre kita sa paborito mong kainan
kapag dumating na ang sweldo ko.
Bumili ako ng maraming pandesal
sapagkat ito ang paborito ni bunso.
Ang hardin na ito ay lalo pang gaganda
kapag tinaniman natin ng marami pang
bulaklak.
Langkapan
ito ay pangungusap na binubuo
ng dalawa o mahigit pang sugnay
na makapag-iisa at isa o higit
pang sugnay na di makapag-iisa.
Ang dalawang sugnay ay may
magkaugnay na diwa.
Hal:

Mabuti ang mag-asawa at matulungin


sila sa kapwa dahil na iyon
ipinamumulat nila sa kanilang mga anak.
Naglinis ng bahay ang ate ko at
nagluluto ako upang makatulong kami sa
aming mga magulang.
URI NG PANGUNGUSAP AYON SA
GAMIT/TUNGKULIN
Paturol o Declarative
ipinahahayag ng uring ito ng pangungusap ang
isang katotohanan o kalagayan ayon sa paraan
ng pagkakapahayag. Palagiang sa tuldok
tinatapos ang pangungusap na nagsasaad ng
katotohanan.
Hal:
Napakagandang pamana ang Edukasyon.
Totoong masaya ang buhay, may lungkot man
o ligaya.
Pautos/Pakiusap o Imperative
may himig ng pag-uutos ang diwa ng
pangungusap.
Hal:
Kailangan mong ubusin ang iyong kanin
at gulay.
Maaari mo bang ubusin ang iyong
pagkain?
Patanong o Interrogative
pangungusap na may himig ng
pagtatanong. Gumagamit ito ng bantas
na tandang pananong {?}
Hal:
Alin ba ang higit na mainam, pera o
pinag-aralan?
Paano mo matutulungan ang iyong kapwa?
Padamdam o Exclamatory
ginagamitan ng tandang padamdam (!) ang
bawat pangungusap na may himig na
matinding emosyon. Ang tandang
padamdam ay maaaring ilagay sa una o sa
hulihan ng pangungusap.
Hal:
Naku po! Nahulog ang bata.
Ayun! Siya nga ang magnanakaw!
URI NG PANGUNGUSAP
NA WALANG PAKSA
A. EKSISTENSYAL
May bagay na umiiral sa himig/tono
ng pangungusap sa tulong ng katagang
may o mayroon.
Halimbawa :
May tumatakbo
May dumating
Mayroong panauhin
Mayroong napapaayon
B. SAMBITLA
Ito’yisa o dalawang pantig ng salita
na nagpapaabot ng diwa/kaisipan.
Halimbawa:
Yehey!
Yahoo!
Wow!
C. PENOMENAL
Nagsasaad ng panahon na kahit ito
lamang ang banggitin, may diwa na
ipinaaabot na sapat upang mabigyang
kahulugan ang pahayag.
Halimbawa:
Bukas
Sa Linggo
Mayamaya
D. PAGTAWAG
Ang pagbanggit o kaya’y pagtawag sa
pangalan ng isang tao na may sapat na
kahulugang ipinaaabot.
Halimbawa:
Luis!
Maria!
Bunso!
E. PAGHANGA
Ito’yisang ekspresyon na
nagpapahayag ng paghanga.
Halimbawa :
Ang ganda nya!
Ang talino mo!
Galing!
F. PAUTOS
Salitangpautos na kahit nag-iisa ay
may ipinaaabot na diwa o mensahe.
Halimbawa:
Kunin mo.
Lakad na.
Takbo.
Sayaw.
G. PORMULARYONG PANLIPUNAN
Ito ang mga salitang sadyang itinakda sa
sitwasyon : umaga, tanghali, gabi.
Halimbawa:
Magandang umaga
Magandang gabi
Magandang tanghali
Paalam

You might also like