You are on page 1of 22

Good

Afternoon !

1. Noong
2. Tuwing
3. Mamaya
4. Bukas
5. Kay
PANG-ABAY NA
PAMANAHON AT PANG-
ABAY NA PANLUNAN
PANG-ABAY NA PAMANAHON

- nagsasaad kung kailan naganap o


magaganap ang kilos na taglay ng
pandiwa
- napapangkat ang ganitong uri ng pang-
abay
1. Yaong may pananda
2. Yaong walang pananda
1. YAONG MAY PANANDA
Gumagamit ng nang, sa, noong, kung,
tuwing, buhat, mula, umpisa, at
hanggang bilang mga pananda ang pang-
abay na pamanahon.

Mga halimbawa:
1. Kailangan ka bang pumasok nang araw-
araw?
2. Inaasahan tayo roon sa gabi, hindi sa
araw.
3. Noong Lunes siya nagsimula sa
kaniyang bagong trabaho.
4. Kapag Mahal na Araw ay sinisikap
niyang mag-abstinensya at mag-ayuno.
5. Tuwing Pasko ay nagtitipon-tipon silang
mag-anak.
6. Hanggang ngayon ay umaasa pa rin
siyang babalikan siya ng kanyang nobya.
2. YAONG WALANG PANANDA
May mga pang-abay na pamanahon na
walang pananda tulad ng kahapon,
kangina, ngayon, bukas, sandali at iba pa.

Mga halimbawa:
1. Pitong pangunahing alagad ng sining ang
tumanggap kahapon ng “National Artist
Award” buhat sa Pangulo.
2. Manonood kami bukas ng pambansang
pagtatanghal ng dulang Pilipino sa CCP.
3.Magsisimula maya-maya ang
kumbensiyon tungkol sa pagpapabahay sa
mahihirap.
4. Ipinagdiriwang ngayon ng Makati ang ika-
262 anibersaryo ng kaarawan ni Gabriela
Silang.
5. Panauhing pandangal mamaya si Dr. Ivy
Yepes ang pangulo ng SLSU sa isang
programang gaganapin sa SLSU-TO Court.
PANG-ABAY NA PANLUNAN

- Ito ay tumutukoy sa pook na


pinngyrihan, pinangyayarihan, o
pangyayarihan ng kilos ng pandiwa.
- Karaniwang ginagamitan ng pariralang
sa/kay ang ganitong pang-abay.
Mga halimbawa:

1. Maraming masasarap na ulam sa kantina.


2. Nanawagan sa amin ang mga nasalanta
ng bagyo
3. Tumawag siya kay Fely upang ipagbigay-
alam ang nangyari.
4. Magkita tayo malapit kina Andrew and
Alex.
Panuto: Kumuha ng isang kalahating
papel para sa gawain. Gumawa kayo
ng pangungusap na pagkakakitaan ng
pang-abay na pamanahon o di kaya
pang-abay na panlunan na nakabatay
sa ipapakita kong mga larawan.
Ngayon ay papangkatin ko kayo sa
apat na pangkat. Bawat pangkat ay
gagawa ng diyalogo na pagkakakitaan
ng mga pang-abay na pamanahon at
pang-abay na panlunanan, bibigyan
ko lamang kayo ng labinlimang minute
para gawin iyan at pagkatapos ay
ipresenta niyo sa harap ng klase.
Maraming
salamat po sa
pakikinig!


Inihanda ni:
Anariza S.Germo BSEd 302

You might also like