You are on page 1of 19

Balik-Tanaw

Tukuyin kung anong uri ng pangungusap ang ginamit.


Pasalaysay/Paturol, Patanong, Pautos, Pakiusap o
Padamdam.
1. Sino ang kumuha ang pagkain sa mesa? Patanong

2. Malapit ang simbahan sa bahay namin. Pasalaysay

3. Makinig kang mabuti sa iyong guro. Pautos

4. Naku! Nahulog ang mga itlog. Padamdam

5. Maaari ba akong makahiram ng iyong paying?

Pakiusap
Week 3

Pagkuha ng
Paksa sa isang
Teksto
Basahin ang teksto.

Upang mahinto itong pandemya, kailangan nating gamitin ang


lahat ng ating mga gamit na pampigil. Isa ang mga bakuna sa
pinaka-epektibong gamit upang maprotektahan ang iyong kalusugan
at mapigilan ang sakit. Anu-ano nga ba ang mga pampigil na ito?
Ang mga bakuna ay natural na depensa ng iyong katawan upang
maging handa na labanan ang virus, lalong higit kung ikaw ay
nalantad. Ang iba pang mga hakbang, gaya ng pagsusuot ng
facemask na tumatakip sa iyong ilong at bibig, pananatili ng
distansya na hindi bababa na 6 na talampakan mula sa ibang mga
tao na hindi mo kasama sa bahay, upang pigilan ang paglaganap ng
COVID-19. Kaya pinapakiusapan ang lahat na sundin lahat ng
ipinapatupad laban sa pandemya. Ipinapakita ng mga pag-aaral na
Pamilyar ka ba sa iyong binasa?

Ang iyong nabasa ay isang napapanahong


teksto.
Ang teksto ay nagbibigay ng tiyak na
impormasyon kaugnay sa isang tao, bagay,
lugar o pangyayari. Nagpapahayag ito ng
mahahalagang impormasyon tungkol sa
paksang tinatalakay, kaya mahalaga na unawain
natin ang mga binabasa o napapakinggan
nating teksto. Ang pag-unawa sa isang teksto
Ang paksa ay ang iniikutang diwa ng
isang talata, kuwento o ng isang teksto.
Ito ang pangkalahatang kaisipan sa
isang teksto na nais ipahayag ng
manunulat. Ito ay binubuo ng isang
buong parirala o pangungusap na
nagpapahiwatig ng pangunahing pag-
iisip. Maaari itong matagpuan sa
simula, gitna o huling bahagi ng isang
Pansinin ang mga pangungusap na ginamit sa teksyo
na iyong binasa sa itaas tungkol sa kung paano
mahihinto ang pandemya. Mapapansin na sa
pagsasalaysay ay nagagamit natin ang mga uri ng
pangungusap tulad ng pasalaysay, patanong, pakiusap
o pautos at padamdam. Ito ay napag-aralan na natin
noong nakaaraang linggo. Gayundin sa isang
panayam, ito ay ginagamitan natin ng mga uri ng
pangungusap.
Basahin ang teksto.
Paksang
Diwa
Upang mahinto itong pandemya, kailangan nating gamitin ang
lahat ng ating mga gamit na pampigil. Isa ang mga bakuna sa
Patanong
pinaka-epektibong gamit upang maprotektahan ang iyong kalusugan
Pasalaysay
at mapigilan ang sakit. Anu-ano nga ba ang mga pampigil na ito?
Ang mga bakuna ay natural na depensa ng iyong katawan upang
maging handa na labanan ang virus, lalong higit kung ikaw ay
nalantad. Ang iba pang mga hakbang, gaya ng pagsusuot ng
facemask na tumatakip sa iyong ilong at bibig, pananatili ng
distansya na hindi bababa na 6 na talampakan mula sa ibang mga
tao na hindi mo kasama sa bahay, upang pigilan ang paglaganap ng
COVID-19. Kaya pinapakiusapan ang lahat na sundin lahat ng
ipinapatupad laban sa pandemya. Ipinapakita ng mga pag-aaral na
Ano ang Panayam?

Ang Panayam ay isang pakikipagpulong ng kinakatawan ng pahayagan sa


isang taong nais niyang kunan ng mga impormasyong maiuulat at mapalilimbag.
Ito ay isang pagtatanong upang makakuha ng impormasyon tulad ng opinyon,
kaisipan o tanging kaalaman ukol sa isang paksang nakatatawag ng kawilihan ng
madla tulad ng kasalukuyang pandemya na nangyayari sa ating mundo. Maari
tayong makipanayam sa mga guro o resource person, punong barangay, mga mag-
aaral, mga doktor o mga frontliners o kahit sino na makapagbibigay ng
interesadong paksa o usapin. Ang layunin nito ay isinasagawa upang kumuha ng
impormasyon, kuro-kuro, reaksyon sa mga nangyayari sa kasalukuyan o kaya
itampok ang isang tao at ipakilala ang kanyang talambuhay.
Tingnan ang isang halimbawa ng panayam. Ito ay isang panayam ng isang
indibidwal sa isang Health care worker
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahin ang teksto. Pagkatapos
ay ibigay ang mga hinihinging sagot sa mga tanong. Piliin ang
sagot sa titik na nasa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.
Ang Kapaligiran
Malimit na pinagmumulan ng sakit ang maruming
kapaligiran. Ang kanal na pinagbabahayan ng mga lamok ay may
malaking epekto din sa ating kalikasan. Maraming tao pa rin ang
nagtatapon ng basura kung saan-saan.
Ang pagwawalang bahala ng mga mamamayan sa nayon,
bayan, probinsya at maging sa siyudad ay patuloy na magdudulot
ng suliranin. Tulad ng pagkakasakit ng mga tao, pagkasira ng
kalipaligiran at maaring mamatay din. Mahirap magkasakit at higit
sa lahat mahirap at masakit ang mamatayan. Hihintayin pa ba
nating mangyari ito? Tara! Kilos na tayo bago pa mahuli ang lahat.
Sagutin ang mga tanong:
1. Tungkol saan ang inyong binasa?
2. Ano ang pangunahing paksa ng inyong binasa?
3. Ano ang maaaring mangyari kapag ipinagwalang-
bahala natin ang kapaligiram?
4. Ano ang maaaring epekto ng maruming kapaligiran
sa kalusugan at buhay natin?
5. Ikaw bilang mag-aaral, paano ka makatutulong sa
iyong pamayanan?
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Gamit ang pahina ng diksyunaryo na nasa ibaba, isulat ang
pormal na kahulugan ng mga sumusunod na salita.

1. kalinangan ___________________________________
 
2. kalikaw ______________________________________
 
3. kaligtasan ____________________________________
 
4. kalikasan ____________________________________
 
5. kaliguyan ____________________________________
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Basahin ang sumusunod na mga teksto, pagkatapos ay piliin ang titik
ng tamang sagot na tumutukoy sa pangunahing paksa na iyong binasa. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.
 

1. Mapinsala ang dala ng virus na Covid-19. Maraming tao ang naapektuhan, nawalan ng trabaho,
nabawasan ang kita, nagkasakit at nawalan ng buhay. Hangga’t wala pang lunas sa virus na ito ay
inaasahan ang patuloy na pag-iingat ng lahat.
a. Mapinsala ang Covid-19 c. Nawalan ng hanap-buhay
b. Pinag-iingat ang lahat d. Mag-ingat ang lahat
2. Modular distance learning ang naging daan para maituloy nag pag-aaral ng mga bata. Mahirap ngunit
ginagawa naman ng DepEd ang lahat upang ituloy ang pagkatuto ng mga bata.
a. Modular Distance Learning c. Pag-aaral ng mga bata
b. Pagpasok ng bata d. Pagkatuto ng mga bata
3. Noong nagsimula ang pandemya nawalan ng hanap-buhay si Aling Tere kaya napilitan silang
magtinda ng kakanin sa pamamagitan ng social media. Marami silang naging suki. Nagkaroon sila ng
pinagkakakitaan dahil sa online kakanin nila.
a. Nawalan ng hanap-buhay c. Online kakanin ni Aling Tere
b. Pandemya d. Hanap-buhay ni Aling Tere
4. “Bakuna ang solusyon”. Yan ang kalimitan na aking naririnig. Ngunit may
ilan akong nababasa na hindi magandang epekto nito, pero meron din naman
akong magandang nababasa tungkol dito. Sana nga bakuna ang solusyon para
bumalik na ang dating normal.
a. Kalimitang naririnig c. Magandang epekto
b. Bakuna ang solusyon d. Masama at Magandang epekto ng
bakuna
5. Naging usapin sa social media ang pagkakaroon ng “Community Pantry”.
Ang Community pantry ay mga puwesto ng sari-saring pangangailangan natin
sa araw-araw. Kung saan ang lahat ay libre na makakakuha. Malaki ang
naitutulong nito lalo na sa mga taong nawalan ng pagkakakitaan dahil sa lock
down.
a. Para sa lahat c. Pangangailangan ng tao
b. Community Pantry d. Sari-saring pangangailangan ng tao

You might also like