You are on page 1of 2

Ang Alamat ng Tuburan

Noong unang panahon kung saan may isang lugar sa Visayas na natatangi sa iba dahil wala itong
pangalan. Ang lugar na walang pangalan ay mayroong lupa na kakaiba. Ang lupa lang naman ng lugar na
iyon ay naglalabas ng tubig na pwedeng inumin, ipangligo, at ipinangsasain. Kakaunti lamang ang
nakatira sa lugar na iyon, at ang mga tao na nakatira doon ay malilinis sa kapaligiran kaya kung saan ka
tumingin makikita mo agad ang tubig na lumalabas sa lupa.

Sa lugar na iyon may isang matanda na nakatira sa isang kubo na nagngangalang Pedro, isa siyang
magsasaka. Sa labas ng bahay ni Mang Pedro ay mayroon din siyang lupa na may lumalabas na tubig.
Isang araw ay may na isip si Mang Pedro na isang ideya, huhukayan niya ang lupa kung saan may
lumalabas na tubig at ang hukay ay ihuhugis niya na parang jar para maipon ang tubig doon dahil
kakaiba ang lasa ng tubig na lumulabas sa lupa ni Mang Pedro, ito ay matamis.

Matapos itong gawin ni Mang Pedro pumunta siya sa sakahan para simulan ang trabaho, sa kalagitnaan
ng pagtatrabaho ni Mang Pedro nainis siya sa kanyang mga pawis dahil palagi itong tumutulo. Nasabi
niya sa kanyang sarili, “ nganong sige manig tubud ako ang singut uy mura manig ang tubig didtu sa
gawas sa amo a way hunong sa pag awas sa tubig”. Pagkatapos sabihin ni Mang Pedro iyon naisip niyang
bigyan ng pangalan ang nangyayari sa labas ng bahay na kung saan may lumalabas na tubig sa lupa. “
Tubud “ ang ipinangalan niya sa pangyayaring iyon sa labas ng kanilang bahay dahil para itong pawis niya
na hindi maubos ang paglabas.

Dahil sa ginawa ni Mang Pedro sinunod narin ng kanyang mga kapitbahay ang pangalang “ tubud”. Sa
mga nagdaang araw ay pinupuntahan narin ang tubud ni Mang Pedro dahil sa kakaiba nitong lasa.
Masarap kasing inumin ang tubig sa tubud ni Mang Pedro dahil matamis at nakakatanggal uhaw, iyon
ang palaging sinasabi ng mga tao na umiinom sa tubig galing sa tubud ni Mang Pedro kaya simula noon
ay ginawa nalang pangkuhanan ng inuman ang tubud ni Mang Pedro at ginawan niya rin ito ng takip
para hindi madumihan, sa iba nalang siya kumukuha ng pampaligo, pangsain, at panglaba .

Simula noon kapag may pumupunta sa bahay ni Mang Pedro para uminum o gustong kumuha ng tubig
sinabihan niya ng “ o lakaw naay tubud riyan”,. Hanggang sa tumagal naisipan ng mga tao na bigyan ng
parangal ang kabutihan at katalinuhan ni Mang Pedro dahil siya ang gumuwa ng pangalan na Tubud at
ibinabahagi pa ito ng mga tao. Nagpulong ang mga taong naka tira duon para gawan na ng pangalan ang
kanilang lugar pero kailangan na ang pangalan ay konektado kay Mang Pedro. Sa gitna nag pag-uusap
may nag bigay ng ideya na ang ipapangalan nalang ng kanilang lugar ay Tuburan dahil ang lugar naman
nila ay may kakaibang lupa na may lumalabas na tubig na kamakaylan lang ay binigyan ng pangalan ni
Mang Pedro na “ Tubud”. Marami ang nagtanong kung saan nanggaling ang salitang “ran” sa “ Tuburan”
, sumagot ang nagbigay ng ideya na nanggaling ito sa sinasabi ni Mang Pedro na “ o lakaw naay tubud
riyan” dahil minsan kasi sa pagmamadali ng pagkakasabi ni Mang Pedro sa pangungusap nagtutunog “
Tuburan” na ang “ tubud riyan”.
Sa sinabing iyon sa taong nagbigay ng ideya napagpasyahan nilang Tuburan na ang ipangalan sa
kanilang lugar dahil narin sa tubig na mayroon sila at dahil narin kay Mang Pedro. Simula noon Tuburan
na ang pangalan sa lugar na kung saan may maraming tubud.

You might also like