You are on page 1of 10

Panitikan

Layuhulugan /Layu ‘hulugan/ – Allegory

Hango sa mga salitang Tagalog na “layon” at “kahulugan.” Ang “Allegory” ay isang uri ng akda kung saan
ginagamit ang tauhan o kaganapan upang magsilbing mikrokosmo(isasalin sa susunod) ng mga bagay na
hindi sinasaklaw ng nasabing akda.

Dahil dito, masasabi natin na ang bawat “Allegory” ay naglalayong iparating ang tunay na kahulugan nito
sa bawat mambabasa.

19. Pag-aabantingin / Pag ‘aaban `tingin/ – Prolepsis

Mula sa mga salitang Filipino na “abante” at “tingin.” Ginagamit ang “prolepsis” sa panitikan upang
ipakita sa mambabasa ang mangyayari sa darating na panahon. Dinadala nito ang mambabasa sa
kinabukasan mula sa kasalukuyang panahon ng akdang binabasa.

Ito ay ang kabaliktaran ng “analepsis” o pagbabalik-tanaw.

20. pag-aanidto / pag ‘aanid `to/ – Foreshadowing

Pag hinimay ang salitang “Foreshadowing,” lalabas ang mga panlaping “fore-“ at na katumbas ng
“before”, at ang salitang “shadow.” Kaya naman, naisip naming ku’nin ang salitang “kaidto” mula sa Bikol
at ang salitang Tagalog na “anino” upang mabuo ang “pag-aanidto.” Kung ika’y nagtataka kung bakit may
“pag-“, ito’y dahil ang panlaping “pag-“ ay maaaring tumumbas sa “-ing” sa salitang “foreshadowing.”

21. ibdas / ib `das/ – plot twist

Ang salitang “ibdas” ay tumutukoy sa pagkakaroon ng pagkakaiba sa hinihinalang mangyayari doon sa


tunay na mangyayari sa akdang binabasa. Ito’y nagmula sa mga salitang Filipino na “iba” at “landas”
sapagkat maaari din nating sabihin na ang “plot twist” ay ang pag-iiba ng hinihinalang landas ng mga o
isang tauhan.

22. Salunglawan /Salu’ng `lawan/ – litotes


Ang “litotes” ay isang uri ng paglalarawan kung saan ginagamit ang mga salitang salungat sa mga
katangian ng isang bagay upang ilarawan ito. Halata naman na nagmula ang salitang ito sa “salungat” at
“larawan.”

RETORIKA

--nagmula sa salitang Griyego na “rhetor”, isang guro at mananalumpati o tagapagsalita sa isang


pagpupulong

--isang pag-aaral sa masining na paggamit ng lenggwahe upang maimpluwensyahan ang damdamin at


kaisipan ng ibang tao.

**Ito’y isang bahagi o sangay ng diskurso na nauukol sa panghihimok o persweysyon—ARISTOTLE

**Ito’y ang paggamit ng mga simbolo na may kakayahang pumukaw sa ating kalikasan na tumugon sa
mensaheng ipinahahatid ng mga naturang simbolo—KENNETH BUKE

**Ito’y isang siyensa o agham ng persweysyon—SOCRATES

**Ang sining ng argumento ng pagsulat—RICHAD WHATTLEY

**Ito ay sining ng mabisang pagpili ng wika pagkat may iba’t ibang pamilian o alternatibo—DR.
VENANCIO L. MENDIOLA
Persweysyon—kakayahan ng isang tao na makaimpluwensya sa kanyang kapwa

Tatlong Uri ng Persweysyon Ayon kay Aristotle

1. Talumpating Panghukuman/ Forensic o Judicial—naglalayong patunayan ang pagiging matuwid o di


matuwid na ibinunga ng mga nakaraang pagkilos ng mga tao

2. Pampubliko/ Deliberative—naglalayong pakilusin ang madla o hadlangan ang napipintong pagkilos ng


tao

3. Ayon sa Okasyon/ Epideictic—ang talumpating binibigkas depende sa okasyon tulad ng sa mga lamay,
dedikasyon, atbp.

Tatlong Paraan ng Persweysyon

1. Logos—paggamit ng pangangatwirang umaapela sa isipan

2. Pathos—paggamit ng pangangatwirang umaapela sa emosyon

3. Ethos—ito ay tumutukoy sa karakter o raport na taglay ng isang mananalumpati


MGA KANON O BATAS NG RETORIKA

1. Imbensyon—tumutukoy sa malinaw na proseso ng paghahanap ng mga argumento na magagamit para


sa isang talumpati na maaaring sa paraang induktibo o deduktibo

Induktibo—pagbuo ng pangkalahatang kongklusyon mula sa partikular na linya ng pangangatwiran

Deduktibo—tumutukoy sa pangangatwiran sa pamamagitan ng paggamit ng mga analohiya o mga


impormal na anekdota

2. Pagsasaayos—proseso ng pag-oorganisa sa talumpati gayundin sa pagsasaayos o pagbabalangkas ng


bahagi ng isang talumpati ayon sa ss:

Introduksyon o panimula

Narasyon/paglalahad ng mahahalagang punto

Paghahain ng mga patunay sa kasong tinalakay

Pagpapabulaan/tunggalian

Konklusyon

3. Istilo—proseso ng masining na pagsasatitik ng mga nadiskubre o naihanay na kaisipan o ebidensya.

4. Memorya—tumutukoy sa bahagi ng isinasaulo ang isang talumpati o mga mahahalagang punto ng


isang talumpati upang maging maayos ang pagbigkas nito sa harap ng publiko

5. Deliberasyon—tumutukoy sa aktwal na deliberasyon o pagbigkas kung saan kinokontrol ang


modyulasyon ng tinig gayundin ang paglalapat ng mga angkop na kumpas sa isang talumpati
BALARILA (grammar)

--bala ng dila—LOPE K. SANTOS

--tumutukoy o may kaugnayan sa pag-aaral ng anyo at uri ng mga salita; tamang gamit ng mga salita at
tamang kaugnayan ng mga salita sa isang pahayag upang makabuo ng malinaw na kaisipan o diwa.

GRAMATIKA

--inaaral ang kayarian ng isang salita

--pag-aayos-ayos ng mga salita sa loob ng isang pangungusap/ sintaksis

--tamang paggamit ng salita upang mabuo ang pangungusap

Linguistic Competence—kabihasaan sa paggamit ng salita

Paggamit ng mga retorikal na kagamitan o transisyunal na pananalita:


IDYOMA

--pagpapahayag ng mga saloobin at kaisipan na di-tuwiran; ang kahulugan ay nasa pagitan ng salitang
ginagamit.

Hal.

Naglalako ng asin—nagyayabang

Makati ang dila—tsismosa

SALAWIKAIN

--nasa anyong patula, may sukat at tugma at talinghaga kaya’t kaiga-igayang pakinggan

--naglalaman ng mga paalala at pilosopiya sa buhay

Hal.

Pag may itinanim, may aanihin

Kung ano ang puno, siya ring bunga

KASABIHAN
--ito’y gumagamit ng mga talinghaga at himig panunudyo; may payak na kahulugan

--nasasalamin dito ang kilos at gawi ng isang tao

Hal.

Utos sa pusa, utos sa daga

Malakas ang loob, mahina ang tuhod

KAWIKAAN

--nagsisilbing tagapagpaalala rin ang mga kawikaan sa mga dapat ugaliin at maging asal ng mga kabataan

--may sukat, tugma at kariktan din

Hal. Ang magagawa ngayon, huwag nang ipagpabukas

Walang halaga ang yaman, sa araw ng kamatayan

TAYUTAY/ TALINGHAGA

--sa paggamit nito,nagkakaroon ng kasiningan at kabisaan ang isang pahayag na karaniwang makaaakit sa
sinumang nakikinig
--paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita

Iba’t Ibang Uri ng Tayutay

1. Pagtutulad (Simile)—paghahambing ng dalawang tao, bagay o pangyayari na ginagamitan ng mga


salitang tulad, para, wari .. etc.

hal. Singkinis ng labanos ang kutis ni TJ.

2. Pagwawangis (Metaphor)—tiyakang paghahambing

hal. Mapupulang makopa ang mga pisngi ni Justine.

3. Pagbibigay katauhan/padiwantao (Personification)—pinakikilos/ pinagagawa na tulad ng mga tao ang


mga bagay

hal. Naghahabulan ang mga alon sa karagatan.

4. Pagmamalabis (Hyperbole)—nagpapahayag ng sitwasyong labis-labis

hal. Umulan ng piso ang bahay nina JV nang dumating si Lara.

5. Pauyam (Irony)—mga pananalitang pangungutya sa tao o bagay.

Hal. Ang laki mo naman Jaime. =P


6. Patalinghaga (Allegory)—pahayag na di tumutukoy sa literal na kahulugan ng mga salita

hal. Nahasik sa matabang lupa ang binhing isinabog ng Panginoon.

7. Pagtatambis (Antithesis)—pagpapahayag ng mga bagay na magkasalungat para bigyang bisa ang


natatanging kahulugan

hal. Hindi ko maunawaan si Gester, pag mabait ka sa kanya, aawayin ka; pag hindi mo pinansin, aawayin
ka pa din. AP talaga.. haha

8. Pagpapalit-tawag (Metonymy)—nagsasaad ng pagpapalit ng katawagan na mga bagay sa may


kaugnayan dito

hal. Magagandang bulaklak ng nayon (dalaga) ang kanilang mga panauhin.

9. Pagpapalit-saklaw (Synecdoche)—pagbanggit sa isang bahagi na sumasaklaw sa kabuuan

hal. Si Majesty ang bisig at ulo ng Arsi Tutu.

10. Pagtanggi (Litotes)—pagpapahayag na ginagamitan ng salita o panangging hindi upang bigyan diin
ang mahahalagang pagsang-ayon

hal. Hindi sa ayaw ko siyang pasamahin ngunit puno na ang van.

11. Pagdaramdam (Exclamation)—nagpapahayag ng pagkabigla/di karaniwang damdamin

hal. Tuwang tuwa ako nang manalo ka Megan! Binabati kita!


12. Pagtatanong/pasagusay (Rhetorical Ques)—tanong na di nangangailangan ng kasagutan

hal.

May ina kayang makatitiis sa anak na naghihirap?

13. Pagtawag (Apostrophe)—pagtawag sa isang tao o bagay sa animo’y kaharap gayong wala naman.

Hal.

Paglimot! Nasaan ang awa mo?

PANGUNGUSAP

--salita o lipon ng mga salita na nagpapahayag ng buong diwa/kaisipan

--isang sambitlang may panapos na himig sa dulo—DR. ALFONSO O. SANTIAGO

You might also like