You are on page 1of 1

Ang mga modyul ay isa sa pangunahing kagamitang panturo bilangsaligan ng pagpapadaloy ng

talakayan. Ginagamit ito ng mga guro upangmasubaybayan ang pag-unlad ng mga mag-aaral. Sa mga
aralin, lalo nasa aspeto ng pansariling pagkatuto. Ngunit, ang pagiging mabisa nito aylimitado lamang
para sa mga mag-aaral na ang primaryang paraan ngpagkatuto ay ang pagdepende sa guro. Dagdag pa
rito, hindi lingid sakaalaman ng guro at mag-aaral na ang halaga ng mga modyul ay maykamahalan para
sa mga karaniwang mamamamayan.

Batay sa pag-aaral na isinagawa ni Alonzo na tumutuon sakahalagahan ng modyul, binigyan niya ng


depinisyon ang modyul bilangkagamitan sa pagtuturo na buo at sapat sa kanyang sarili na ginawaupang
magamit ng mag-aaral nang hindi na kinakailangan ang guro.Taglay nito ang tatlong (3) batayang
element ng pagtuturo: mga layunin, mga gawain sa pagkatuto, at ebalwasyon. Ang bentahe ng modyul
aybatay sa pilosopiya nito- na bawat mag-aaral ay walang katulad; maysariling katangian, karanasan,
gawi, istilo ng pagkatuto, at kaligiran kayatdapat siyang bigyan ng pagkakataong umunlad ayon sa saklaw
ngkanyang kakayahan at matamo sa kanyang sarili ang kaganapan. Bilangkagamitang panturo, may
katangian ang modyul upang matulungan angmag-aaral na maging independent learnerat sumulong sa
kanyangsariling bilis.

You might also like