pagkakabalangkas ng mga pangya- yaring ikinawiwili ng mga mambabasa.
Nobela ng Tauhan – isang akdang
nasa mga hangarin. at kalagayan ng mga tauhan ang ikinawiwili ng mga mambabasa. bukod sa mga uri ng nobelang nabanggit na, ang akda ay maaari ring tawaging nobela ng romansa, ng kasaysayan, ng layunin at ng sining. Itong huli ay tinatawag na gayon sapagka’t mahusay ang pagkakatakay, pagkakahanay ng mga pangyayari at pagkalalarawan ng pagkatao ng mga tauhan bukod sa ito’y makatwirang umaantig sa damdamin ng mga mambasa. Mga Sangkap ng Nobela
Tatlong sangkap ng karaniwang
matatagpuan sa isang mahusay na nobela
1. isang kwento o kasaysayan
2. isang pag-aaral, at 3. Paggamit ng maikling guniguni. Upang basahin ang isang nobela’y dapat naglalaman ng isang mabuting kwento. Dapat ding magtaglay ang nobela ng isang pag-aaral o pagmamasid sa mga gawa at kilos ng sangkatauhan - ng iba’t ibang uri ng taong nakakasalamuha natin sa araw-araw na umaasang gaya rin natin, nalulungkot, nagagalak na kaparis natin, nagpapabaya, nagsisikap, nagagalit, napopoot, naghihiganti, nagpapatawad. ang kwento at ang pag-aaral ay dapat pagsamahin ng malikhaing guniguni na siyang humihirang o lumilikha ng iba’t ibang tanawin, tauhan, mga pangyayari, at siyang nang-aayos sa lahat ng ito. May pagkakaiba ba ang paglalarawan ng tauhan sa maikling kwento at sa nobela? Ang Balangkas Ang pangunahing sangkap ng balangkas ay ang paglalaban ng hangarin ng pangunahing tauhan o bayani ng nobela at ng hangarin naman ng iba pang tauhan o kaya’y ng mga salungat na pangyayari. Sa pagkakasalungatang ito nagmumula ang kilos at galaw ng mga pangyayari sa buong nobela. Ang mga pangyayari- ang mga pangyayari ay nararapat ihanay sa isang paraang ang kwento ay pasulong na kikilos hanggang sa matapos sa pananagumpay, isang lakas laban sa kapwa lakas. Malimit na may mga pantulong na kasukdulan ang kabalangkasan ng isang nobela, na ang bawat isa’y tutulong sa paghahatid sa tunay na kawasakan. Paglalarawan ng Pagkatao – ang lalong mahuhusay na nobela ay naglalarawan ng pagkatao. Ito’y ginagawa nila sa isang paraang buhay na buhay, kaya’t parang mga tunay na tauhan ang kinakaharap natin habang binabasa natin ang nobela. Sa kanilang mga bukambibig, sa kanilang mga kilos at sa mga sinasabi ng may-akda tungkol sa kanila at natututuhan nating kilalanin at pahalagahan ng mga lalaki at babae sa isang katha, gaya ng pagkakakilala at pagpapahalaga natin sa pagkatao ng ating mga kaibigan at kapit- bahay. Sa isang mahusay na nobela, ang mga tauhan ay hindi pinagagalaw nang may akda. Sila’y gumagalaw na kusa, lumuluha, nalulugod, nagtataksil, nagtatapat, nang-aapi, tumatangkilik, alinsunod sa angkin nilang likas na katangian, mga hangarin at mga nakapaligid sa kanila.
Ang mga kilos nila’y siyang mga kilos na
hinihingi ng katutubo nilang ugali at ng mga pangyayaring inilarawan ng kumakatha. Ang mga masasaklaw na simulain ng pagsasalaysay. Ang nobela’y may panimula na tumutugon sa mga katanungang sino? ano? kailan? saan? Sa sumusunod na kabanata’y ilalahad naman ang mga pangyayari, kaalinsabay ng paglalarawan ng pagkatao ng mga tauhan, pinaghabi-habi sa isang paraang nanghahatid sa lalong kapana-panabik na sandalli. Pagkatapos ay isusunod ang kalutasan ng suliranin o tunggalian, sa isang paraang kasiyasiya at makatwiran. Dapat ding tumalima ang nobela sa mga simulan ng kwento; ang mga simulain ng kaisahan, ng kaugnayan at ng diin, sa bawat pangungusap, sa bawat kabanata, sa kabuuan ng nobela.
Ang isang nobela’y lalong nakaakit basahin
kung: 1. Mahusay ang pagkakapili ng mga pananalitang ginamit.
2. May mga bahaging masaya at nakakatawa, o
malungkot at nakalulunos; at
3. May sariling tatak ng kumatha na mababakas sa
Sa mga nobelang Pilipino na karapat- dapat basahin, alang-alang man lamang sa kanilang kahalagahang pangkasaysayan at panlipunan, huwag na ang dahil sa katutubo nilang kariktan, ,maitatangi ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Rizal, ang Banaag at Sikat ni Lope K. Santos, ang Lihim ng Isang Pulo ni Faustino Aguilar, ang Igorota sa Bagyo ni Fausto Galauran, ang May Lasong Ngiti ni Inigo Ed. Regalado at ang Sa Paanan ng Krus ni Lazaro Francisco.